Kabanata 2
Mailap ng bahagya ang lalaki.
Mas madalas na wala siya sa bahay. Hindi ko siya nadadatnan sa paggising ko sa umaga at tulog na ako sa tuwing umuuwi naman siya. Mahalaga iyong beauty rest ko ‘no. Ganda lang ang puhunan ko.
Sleep is the secret to being beautiful.
At s’yempre, iyong pangmalakasang exercise ko. I was dancing to any beat of a song early in the morning to keep the energy flowing into my body. It was making me productive of doing nothing every single day… tanging paghahasik lang ng kagandahan. Bongga!
It was Saturday morning.
Namataan ko si Daxiel Gustav Jr. na lumalangoy sa pool. I could see his back muscles flexing whenever he moved. It was a great view… an appetizer to my breakfast meal. He inspired me to go swimming as well.
I only wore my black scalloped trim bikini set. Red bikini sana ang isusuot ko, baka naman isipin niyang masyado kong ipinagbubunyi ang pagkamatay ng kanyang ama. Tinakpan ko iyon gamit ang roba bago bumaba sa pool area.
Hinubad ko ang suot na roba at tumayo ako sa gilid ng pool kung saan siya aahon. When his face came up from the water, I smiled endearingly.
“Good morning, Gustav Jr. Mind if I join you?”
It was obvious that my presence surprised him. Muli siyang lumubog at lumitaw sa tubig. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. I went to the stairs of the pool. Unti – unti kong inilubog ang katawan ko sa tubig.
An instant regret flooded in my system, it was just so cold. I usually take a swim whenever the atmosphere is hot. Hindi yata kaya ng hotness ko ang lamig.
Well, I am already soaking wet. Ngayon pa ba ako aatras at aalis sa tubig? Sayang ang swimsuit ko.
“What are you doing here, jejemon?” Ginulo niya ang kanyang buhok na basa.
Bahagya siyang naupo sa pasamano ng pool. The water was dripping on his muscled chest. It was defined. Markadong – markado rin ang six-packed abs niya. Napalunok ako ng laway.
Tinging – tingin siya sa akin. Sumimangot ako nang maalala ang pagtawag niya sa akin ng jejemon.
“Bakit? Masama ba? Pag-aari mo ba?” I asked him.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi.
“Soon to be mine…” misteryoso niyang wika.
My blood boiled, I kept my composure.
Hindi ako magpapatalo sa kanya. There’s nothing to be his.
Akin ang mansyong ito! Akin ang pool! Akin ang mana!
Walang sa’yo, Daxiel Gustav Jr.! Akin lang ang mana ko!
Nanggigil ako sa lalaki, ang sarap kurutin ng utong niyang firm! Hindi niya ako masisindak sa threats niya. He’s only solidifying my plans for him. Sisiguraduhin kong hindi siya mananalo sa akin.
Maybe, he’s the one soon to be mine.
I smirked at the thought. The thought calmed the turmoil happening in my body. I started to float in the middle of the pool.
Gusto niya iyong pool? Sure, he can have that.
Kung sakali siya ang magiging may-ari ng lahat ng ito, sisiguruhin ko namang sa akin ang bagsak ng may-ari… sa akin ang bagsak niya. He can be the owner of all the material things, but I will be the owner of the owner.
I’ll make him mine.
Hindi ko naman isasagawa ang lahat ng plano ko kung hahayaan niya akong angkinin ang pamana ng yumao kong asawa. Naghahangad lang ako ng komportableng buhay. But he was making it difficult for me…
Therefore, I have to compete for that inheritance!
I went to his side. Ilang dangkal ang pagitan naming dalawa. Bahagya akong umahon sa tubig. My boobs rested on the edge of the pool. Tinapunan ko naman siya ng tubig.
“Can you take pictures of me? I love taking pictures of myself.” I said enthusiastically.
“Right,” he smirked. “Then, post it on instagram, jejemon.”
Ngumuso naman ako.
Tumayo siya sa edge ng pool. Napasunod naman ang tingin ko sa kanyang kabuuan. Hindi pa siya nalilibugan pero may umbok na ang beach shorts niyang suot. His body is well-defined.
“Stop staring at me, lady.” Iniwan niya ako sa pool. “Stop drooling.”
Ako naglalaway? Masyado siyang mayabang.
Pinahid ko naman ang gilid ng labi ko. Mayroon ngang laway! Akala ko isa siyang pandesal na nakahain para sa akin.
Rawr!
Nakakainis! He didn’t even take pictures of me.
Sinulit ko na lang ang pagbabad sa tubig. Muli akong nag-floating sa gitna ng pool. I closed my eyes for a moment. Nawala na ang lamig kaninang iniinda ko. My body adjusted to the cold water.
I saw a man’s silhouette holding a phone when I opened my eyes. Nawala ako sa balanse at lumubog ako sa tubig. I tried to move my arms and legs, but I panicked. Hindi ko magawang iangat ang aking katawan upang lumutang sa ibabaw.
Wala akong boses sa ilalim ng tubig. Oh, no! Oh, no! Oh, no, no, no!
Hindi p’wede. Hindi pa ako p’wedeng mamatay. Hindi ko pa nakukuha ang mana ko!
Hindi pa ako p’wedeng sumunod sa asawa ko. Sayang ang ganda ko! Sayang ang pagkababae ko!
A pair of strong arms lifted me up from my sudden death.
Agad kong pinulupot ang aking kamay sa kanyang batok. I was gasping for air. I was trembling uncontrollably with fear. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Mas lalo kong idinikit ang aking katawan sa kanya. Muntikan na akong malunod pero nakakita ako ng oportunidad na mapalapit sa lalaki.
Hindi ko pinansin ang elektrisidad na dumaloy sa magkadikit naming katawan.
“Hindi mo ba ako isi-CPR?” I asked him.
“What?” Nag-angat ako ng paningin, magkasalubong ang kanyang kilay.
“CPR! ‘Yong ginagawa kapag nalulunod!” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Para silang nagki-kiss.”
He shook his head. His jaw clenched.
“Pinasukan ba ng tubig ang utak mo?” tanong niyang may inis. Umiling naman ako. Bago pa ako makasagot, muli siyang nagsalita. “Do you want a CPR or you just want a kiss from me?”
Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi.
It was so red! So kissable!
“CPR! Bakit naman gugustuhin kong lumapat ang labi ko sa’yo?” Hindi ko inatrasan ang tingin niyang nakakapaso.
It was so intense. It felt like burning my skin. But the burning felt good.
“Only in cases where a person has stopped breathing can CPR be used to restore their respiration and avoid cardiac arrest… you don’t look like you’re needing a CPR, you’re demanding it instead.” saad niya. “You’re just desperate for my kiss. I know what you’re doing, lady. Whatever you did to make my father fall for you won’t work for me.”
Huminga naman ako ng malalim. Unti – unti akong bumitiw sa pagkakahawak ko sa kanya. I avoided his gaze.
“Hindi ko naman mababago iyong tingin mo sa akin. That’s okay. Wala naman akong kailangang ipaliwanag sa’yo… wala akong kailangang patunayan sa’yo. Whatever your father and I had… it was special. Hindi mo kailangang maintindihan.” Nauna akong umahon sa pool.
“Pero salamat sa pagligtas, ha. Hindi mo naman kailangang gawin. P’wede mo naman akong pabayaang malunod. In that case, wala kang kakompetensiya. Isa kang mabuting tao dahil iniligtas mo rin ako.” Binigyan ko siya ng matipid na ngiti.
“Hindi dahil utang na loob ko ang buhay ko sa’yo, may karapatan ka na insultuhin ako at pagbintangan na gusto kitang halikan.”
Kinuha ko ang robang nakapatong sa beach chair sa gilid ng pool. Isinuot ko iyon bago ako pumasok ng mansyon.
Hindi ko nilingon ang lalaki. Nakasalubong ko pa si Maricel sa pag-akyat ng hagdan, tinatanong niya ako kung anong gusto kong agahan. Sinabi ko namang wala akong gana at mauna na silang kumain.
Nang makarating ako sa kuwarto naming mag-asawa, agad akong tumungo sa banyo.
I stared at my face in the mirror… Nag-wacky ako nang tingnan ko ang sarili sa salamin.
That was such a good acting. Pinalakpakan ko ang aking sarili bilang suporta. Self-support it is!
Hindi ako p’wedeng magkaroon ng utang na loob sa lalaki. Tabla lang kami. He saved my life… right after, he insulted me.
Tama naman ang kanyang hinuha…
Hangga’t wala siyang pruweba, hindi iyon totoo.
Truth, what? There’s no truth. I can make up the truth.
Nanatili ako sa kuwarto buong maghapon. I didn’t even eat anything. Naiwan ko rin sa labas ang aking phone. I busied myself watching movies and practicing pole dancing.
When dinner came, the doorbell rang. I thought, it was Maricel asking me what I wanted to eat.
Nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin si Daxiel Gustav Jr.
“May kailangan ka?” tanong ko sa lalaki.
He handed me my phone. Tinanggap ko naman iyon.
“Thanks…” Isasara ko na sana ang pinto nang nagsalita siyang muli.
“The maids told me you didn’t eat since morning,” seryoso niyang sinabi.
“Wala lang akong gana,” sagot ko sa mababang energy.
Energy, energy gap! Mag… I needed to convince him with my acting prowess.
“Let’s have dinner.”
His expression was serious.
“Hindi na, mamaya na lang siguro. Sasabay na lang ako kay Maricel. Eat well, bless your meal!” I told him.
“Fine, if you don’t want to eat with me, then answer this question. Why is Daxiel Gustav de Clemente Jr. Porn in your search tab?” tanong ng lalaki.
Nanlaki naman ang mata ko. I opened my phone. Tumungo ako sa google, pinindot ko ang search tab iyon ang kauna – unahang lumabas. Namula ang kabuuan ng aking mukha.
I didn’t put passwords on my phone. Madali ko iyong makalimutan. It was a hassle sometimes.
“Alam mo, mabuti pang kumain na lang tayo kaysa magtanong ka ng kung anu – ano!” Isinara ko ang pinto. “Baka naman ti-nype mo lang sa phone ko, ikaw talaga ang nag-search.”
“Really, huh?” He smirked. Mas lalo akong pinamulahan.
“Eh, na-curious lang ako! Ayaw mo ba noong isu-support kita?”
“What have you seen, then?”
“Wala!”
“Why do you look so disappointed, huh?” He wet his lip.
Patakbo akong bumaba sa dining area, nauna na ako sa lalaki. Naabutan ko pa sina Maricel na naghahain ng pagkain sa mesa. Inaya ko silang sumabay sa hapunan. Usually, I eat with them.
Madalas na wala akong kasabay kumain lalo noong lumala ang kondisyon ni Gustav.
It was the first time someone asked me to have dinner with him. Madalas na ako ang nag-aaya sa mga kasama namin sa bahay. Well, he probably was guilty with what happened earlier.
It was his peace offering.
“We haven’t met properly, right?” Nag-angat ako ng paningin.
Halos mabulunan ako sa pagtangka kong sumagot, kasusubo ko pa lang ng kanin at ulam. Bukod sa pagtulog ng maaga, hindi rin dapat nagpapagutom para gumanda. Muntikan na akong pumangit dahil dalawang beses akong hindi kumain kahit merienda.
“I’m Daxiel de Clemente. I appreciate not being called by my father’s name. I am my own entity,” pakilala niya sa harap ng hapag.
Matagal ko siyang tiningnan. Ngumiti naman ako.
Why is he being nice all of a sudden? It was giving me a vibe… it wouldn’t fool me. Sinakyan ko naman ang gusto niyang mangyari.
“Ako naman si Olga Millaray Perfecto-de Clemente. Maganda ako.” Humagikhik ako. “Mahilig ako sumayaw. Kaya kung pinili mo iyong dance contest, hindi ka mananalo sa akin.” Kumunot naman ang kanyang noo.
Hindi ko pinansin ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Mahilig ako mag-picture. Mahilig din ako magluto… marami akong pangarap sa buhay. Gusto ko ring mag-artista. Tapos…”
“Actually, that’s enough.” He rolled his eyes. “I want a peaceful dinner.”
Inirapan ko rin siya. Nagpatuloy ako sa pagkain.
Tapos… ang talent ko ay gold-digging.
Para sa lalaking lehitimong may pera… may yaman… pero pansin ko mas nao-offend pa ng pagiging gold-digger ko iyong walang laman ang bulsa at hindi kasali sa target demorgraphic.
Ngumisi ako.
***
daxieldeclemente wants to follow you.
I accepted his follow request on instagram since he was going to send me the pictures he took earlier before the drowning incident.
daxieldeclemente
0 posts · 18.1k followers · 1 following
Napaupo ako nang mag-vibrate ang phone ko dahil sa notification. It was his message.
daxieldeclemente
I hope you don’t mind me saying, but refrain from using filters. They make your pictures look deformed, Millaray.
Agad naman akong nagtipa ng reply.
dyosa_olga_millaray_perf
Ikaw nga!!! Walang pictures!!! Bleh!!!
Na-seen na niya ang message ko.
Tiningnan ko naman ang mga pictures na kuha niya. In fairness, he has a good photography skills. I look nice in those photos even without a filter. Pero dahil gusto ko siyang inisin, nag-post ako ng picture na tadtad ng filter at ti-nag ko siya.
Hindi ko alam kung nakita niya iyon, hindi naman siya nag-like o comment hanggang kinabukasan. Wala pa rin likes kaya nag-log in ako sa iba kong account para naman may liker ako.
I did my daily routine. Imbes na mag-jog every morning, sumasayaw ako sa kuwarto naming mag-asawa. Kapag bet ko naman, mayroon akong studio sa mansyon na pinagawa ni Gustav.
My phone vibrated before I could start my dance routine.
I received a text message.
It was from the lawyer.
From: Atty. Buendia
Good morning, Mrs. Olga de Clemente. This is Atty. Buendia. I would like to talk to you regarding the matter of inheritance and the appeal filed by Daxiel de Clemente Jr. Please let me know your availability.
Tumibok naman ng mabilis ang aking puso.


Leave a comment