Kabanata 4
“Posturang – postura ang ayos natin, ma’am, ah. Saan ang lakad mo?” usisa ni Maricel.
“Hindi naman,” Humagikhik ako at umikot sa kanya.
Lagi naman akong nakaayos kahit nasa bahay lang, iyon ang nagpapasaya sa akin. I always want to look good and feel good about myself. Pero s’yempre, extra good dapat kapag lumalabas ako.
I was wearing a fitted leather dress paired with gloves. It was flaunting my curvaceous body. I was feeling good about my dress.
“Mag-aampon kami ng dog ni Daxiel Gustav Jr.” sinabi ko.
“Bakit, ma’am? Marunong ka bang mag-alaga ng aso?”
“Inalaagan ko nga ang asawa ko, s’yempre naman.”
“Eh, tao naman iyon, ma’am.”
Nasapo ko ang aking noo, magkapareho kami ng wavelength ng utak ni Maricel kaya nagkakasundo talaga kaming dalawa.
“Nakita mo ba siya? Bihis na ba?” Umiling naman si Maricel bilang sagot.
She would be cleaning the master’s bedroom. Nagpaalam naman ako sa babae. I even asked them what they want for pasalubong. Kahit hindi naman sila nagsasabi, madalas akong nag-uuwi ng pagkain o anumang pasalubong ang nasalubong ko sa daan.
“Ay, ma’am. Baka mayroon kang leotards ba ‘yon? ‘Yong deretso panty. P’wede bang hiramin, gagamitin kasi daw na costume sa sayaw ng anak ko.” Napatigil naman ako at napaisip.
Of course, I have that.
Hindi ko nga lang alam kung saang sulok ng walk-in closet ko nailagay iyon. Isa pa, ayoko namang ipasuot sa anak niya kung sakaling nagamit ko iyon sa pagtatrabaho ko noon sa club.
“Hindi ko matandaan, Maricel. Ibibili ko na lang ang anak mo, tutal baka dumaan din kami ng mall.” I told her. “Sure akong magagamit niya rin iyon sa susunod na kailanganin.”
Ngumiti naman ito sa akin. “Salamat po, ma’am. Iyong mura lang po sana.”
Tumango naman ako at muling nagpaalam. Sometimes, I run errands for them. Lalo na kapag kailangan ng mga anak niya. Wala naman sa aking problema.
Nadatnan ko si Daxiel Gustav Jr. sa sala.
“Where are you going?”
“Saan ka pupunta?” Halos sabay naming tanong.
He was only wearing a fitted white polo shirt, khaki pants and loafers. Mukha siyang kagalang – galang.
“Akala ko ba pupunta tayo sa shelter?” Tumaas ang kilay ko.
“I thought so, too. Is that the dress code? I wasn’t informed.”
I twirled.
“Hindi ba maganda? Mao-offend ako kapag sinabi mong panget.” Umusok ang aking ilong.
“Why ask if you’re going to be offended by an honest answer?” He raised a brow.
“So, hindi nga?” Nagsalubong ang aking kilay.
“I didn’t say it wasn’t beautiful, but it wasn’t the appropriate dress for the occasion.”
“Okay. Edi maganda. Nahiya ka pang umamin. Iyon lang ang narinig ko.” I beamed. “Let’s go!”
Nauna na akong naglakad palabas ng mansyon. Dala ko lang isang maliit na purse ko na may lamang card, make up na pang-retouch at bente pesos. Sakaling iwanan niya ako, may dala akong pamasahe sa jeep pauwi.
Kinuha ni Daxiel Gustav Jr. ang kanyang sasakyan. Mukhang makalumang modelo na iyon, pero p’wede pa rin naman. Bumaba siya upang pagbuksan ako ng pinto. Naks, gentleman. Nagpasalamat naman ako.
“Gumagana pa ba ang seatbelt mo?” tanong ko nang makapasok siya ng kotse.
Walang emosyong tinulungan niya akong nagkabit n seatbelt.
In fairness, the car was neat and clean. It smells good as well.
“Matipid ka pala, ‘no? Akala ko kagaya ka noong ibang rich kid na waldas lang nang waldas ng pera.”
Tama ba iyong sinabi ko? He’s not a kid, rich man siguro dapat. Hindi na naman matigil ang aking bunganga sa pagsasalita. Kailangan niya akong kausapin para hindi mapanis ang aking laway.
He glanced at my direction. “I thought, you’re going to call me a loser.”
“Bakit?” Kumunot ang noo ko.
Umiling siya.
Ini-start niya ang kotse, hindi nagtagal ay umandar ito paalis ng driveway.
“Siya nga pala, bago tayo bumalik sa mansyon. Dumaan muna tayo sa mall, ibibili ko lang ng leotards ang anak ni Maricel. Kailangan daw sa performance sa school.” Binanggit ko na para hindi siya magulat na may iba pa kaming pupuntahan mamaya.
“Why are you the one buying it?” tanong niya, naka-pokus ang kanyang mata sa daan.
“Hindi ko kasi matandaan kung saan ko inilagay iyong akin, hihiramin niya sana. Kaya bibilhan ko na lang. Nakakatuwa naman iyong mga bata, matataas ang grades nila sa school.” I answered him.
Kinuha ko ang salamin sa pouch ko. I looked at myself in the mirror. “Ikaw ba, Daxiel? Do you have plans on getting married? Mayroon na bang nagmamay-ari ng puso mo?”
Sumulyap ako sa kanyang gawi. “I don’t have plans on anything related to marriage.”
“Talaga?” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Kapag wala ka pang asawa kapag seventy ka na, hanapin mo lang ako…” I laughed.
“Why not now? Why wait for another thirty five years?”
“Akala ko ba, ayaw mong mag-asawa?” Hindi niya ako nilingon. “Old people tend to be loyal.”
“Is that the reason why you married my father? You clearly didn’t know him.” His tone was mysterious.
“S’yempre, three years lang naman kaming mag-asawa. May iba nga na kahit ilang taong nagsama, hindi pa rin kilala ang isa’t isa. Ang mahalaga kung paano niya ako pinakitunguhan noong nagsasama kami,”
“Was he good to you?” He sighed.
“He was. May pagkakataon din namang sinusungitan niya ako, siguro parte ng pagtanda.” Bumalik ang tingin ko sa kanya. “Why? Wasn’t he good to you?”
“If he was, we would have a better relationship, don’t you think?”
Hindi ako nakasagot.
It could be true for the both of us… I was treated right, while Daxiel Gustav Jr. wasn’t. Their fall out could be more deep than I thought. But still… akin pa rin ang pamana ni Gustav.
Nanatili ang katahimikan hanggang makarating kami ng shelter ng mga aso kung saan p’wedeng mag-adopt.
“Don’t you want a dog with breed?” Pinagbuksan niya ako ng kotse.
“Bakit may breed? Para estetik?” tanong ko pa. “Mas makakatulong tayo rito ‘no. Kawawa naman iyong mga asong inabandona o ‘yong mga baby pa na walang mag-aalaga.”
We were greeted by the staffs of the shelter. They told us the story of how they founded the organization that helped the homeless dogs for years. Nahabag naman ako sa mga kuwento nila.
Most of the dogs were aspin. There was a last baby aspin in the shelter for adoption. Anak daw iyon ni Maya, asong matagal na rin sa kanila.
Iniwan nila kami upang makapag-decide.
“Gusto ko silang iuwi lahat…” Ngumuso ako. Matagal ko nang gustong mag-alaga ng aso, kaya lang, hindi pumayag ang doctor ng aking asawa noon. “Daxiel…”
“You can’t. One lang, Millaray.”
My eyes were trying to look so pitiful. Baka kaawaan niya ako.
His jaw clenched.
“Here’s the deal.” Nakinig naman ako sa sasabihin niya. “Whoever got the inheritance has to donate money to his or her chosen charity. Is that good enough for you? You can donate any amount you want in the shelter if you win.”
“If you win, you have to donate it here as well. Kapag ganoon, deal ako.” I negotiated.
“Chosen charity nga, but fine. I’ll donate here if I win.”
Napangiti naman ako.
“Okay. Deal.” I offered my hand for a shake.
“Is the gloves necessary?” he asked.
“It’s part of the outfit!”
Muling tinawag namin ang staff upang makipag-negotiate. It was Daxiel who talked to them. Mayroon din yatang documents na kailangang pirmahan pa. Agad akong nagpaalam kung p’wede kong hawakan ang bago naming baby. They allowed me.
Sa harapan na ako naghintay kay Daxiel Gustav Jr. Naisip ko agad ang ipapangalan ko sa alaga namin.
“Is it done?” tanong ko sa kanya nang lumabas siya.
He nodded at me. “Yey! Thank you!”
Before we left the place, hinabol pa kami ng staffs upang magpasalamat. They were teary-eyed. Muli niya akong pinagbuksan ng pinto habang karga ko ang baby dog naming dalawa.
“Does it have a name already?” Tumango ako.
“Yep! We will call him Gustav the Third,” I told him proudly.
Seryoso niya akong tiningnan. “Nang-aasar ka ba talaga? Sinasagad mo ba ang pasensya ko?”
“Alam mo Daxiel Gustav Jr., lagi mo na lang akong pinag-iisipan ng masama. I was just honoring your name,” kalmado kong paliwanag. Nakipaglaro ako kay Gustav the Third.
“Why don’t you use Daxiel the Third if you want to honor my name?” He gritted his teeth.
“Iniisip ko lang na baka kako gusto mong ipangalan sa future anak mo… pero p’wede ko naman palitan kung gusto mo talaga? So, Daxiel the Third is it?” Tumingin ako sa kanya, hinintay ko ang kanyang kasagutan.
“Fine, Gustav the Third.” He rolled his eyes at me.
Humalakhak naman ako. “Akala ko ba ayaw mong mag-asawa? Bakit nag-iisip ka nang ipapangalan mo sa future baby mo? Aba, asawa muna ang hanap, ha.”
“Ang daldal mo, Millaray. Napagbigyan ko na ang kagustuhan mo kaya patahimikin mo ang buhay ko,” iritado niyang wika.
“Baby Gustav the third, may naririnig ka ba? Si mommy, walang naririnig, eh.” I caressed its fur delicately.
Tahimik na buhay pala ang gusto niya… hindi na dapat siya nag-contest sa will. Edi payapa sana ang kanyang buhay.
That was a bad decision. I don’t plan on shutting up.
Not today. Not tomorrow. Not ever.
***
We went to the mall.
Sinusundan kami ng tingin ng mga tao na parang ngayon lang sila nakakita ng maganda. Kumain kami ni Daxiel Gustav Jr. sa isang mamahaling restaurant bago dumeretso sa boutiques. He paid for the food.
S’yempre, nag-offer din naman ako na maghati kami sa babayaran. It costed a lot… like a lot.
Sometimes, I wasn’t still accustomed to rich way of living. Nakakapanghinayang tuloy tumae pagkatapos kumain sa mamahaling restaurant. May kasamang ginto yata ang ingredients nila.
I got the leotards for Maricel’s daughter. Nag-ikot ikot din kami upang tumingin ng cute outfits ni Gustav the Third. We found some cute ones. Ako nang nagpresentang magbayad ng mga pinamili namin.
Pumila ako sa counter habang naghihintay sa akin si Daxiel sa dulo dala si baby Gustav the Third. I was still the center of attention in their eyes. Hindi ko iyon pinansin, sanay naman ako sa mga tingin ng tao.
Dahil maganda ako.
“Miss, saan po ang costume party? Tapos na po ang halloween.”
Humagikhik ang mga nakapila sa likod ko. Isang tao na lang ang nasa unahan ko, ako na ang kasunod nito.
“Ah, namatay po kasi ang baby ko… it was to honor him.” Pinalungkot ko ang aking boses.
Natahimik naman sila at humingi ng pasensya. That’s what I do with people too nosy with someone else’s business. Hindi naman dapat nila pakialaman, pero hilig pa ring makialam.
I invent lies to feed them. Mostly, lies that would rethink their choices of words or doings. I wanted them to feel bad that they opened their mouth to speak.
So, what’s wrong with wearing a leather dress with gloves? Masaya ako sa ganoong ayos. Masaya akong maganda ang pakiramdam ko. Tinatapakan ba ng suot ko ang kanilang pagkatao?
“Ma’am, your card is declined,” saad ng cashier.
Oh. All the assets were frozen with the legal battle I was facing.
Wala akong cash.
“Is there something wrong?” I heard the baritone voice from behind.
“Declined iyong card ko…” I whispered.
Walang sabing inabot naman niya ang card sa cashier. The transaction was smooth. Mas lalo akong nakaramdam ng inis kay Daxiel.
He has a source of income. He has businesses here and abroad. Aanhin ba niya ang katiting na salapi at ari – arian?
Nalimutan kong naka-freeze ang properties at investments sa bangko. Wala akong ibang pagkukuhanan ng salapi.
Why didn’t I transfer my husband’s money into my account? That’s not it. I legally obtained everything as my inheritance. Nagkaroon lang ng problema dahil kay Daxiel na mahilig mag-contest. Dance contest na lang sana.
“Honey, magugustuhan kaya ito ng anak natin na nasa heaven?” I looked at him. “Miss na miss ko na ang anak natin…”
“I’m sure… Ba… Babu would love that.” His face was expressionless.
Kinuha ko ang recycable bag na naglalaman ng pinamili namin. Umalis din kami agad matapos iyon. I was back playing with Gustav the Third while carried by Daxiel.
“What was that?” tanong niya nang makalayo kami sa lugar.
“Wala lang. Nangingialam kasi sila sa suot ko. I just made them feel bad by inventing stories.” I pouted. “Pati ikaw, against ka rin sa suot ko. May masama ba? Hindi ka naman tinatapakan ng kung anong gusto kong suotin, bakit ang big deal? It’s just a dress. It’s not my responsibility to fit just ’cause you guys loved being underdressed.”
“I’m sorry, that was harsh of me,” saad niyang seryoso.
Ngumiti naman ako. “It’s okay. Hindi naman ako galit sa’yo.”
We vacated the mall.
Sa labas ng mall, mayroong mga nagtitinda sa gilid. Bumili naman ako ng sorbetes sa dala kong bente pesos habang hinihintay ko si Daxiel Gustav Jr. na kinukuha ang sasakyan.
I was holding our baby, Gustav the Third.
Pumarada siya sa tapat namin at muling lumabas. Ibinigay ko sa kanya ang ice cream.
“Thank you for today.” I smiled at him. “Don’t worry babayaran ko naman iyong pinamili ko ngayon, ilista mo lang, ha. Uutangin ko muna sa’yo.”


Leave a comment