Kabanata 1
Mula sa balkonahe ng kuwarto naming mag-asawa, tinanaw ko ang lambo… ambot! Basta sasakyang mahaba, tumigil ito sa tapat ng aking mansyon.
Bumaba ang isang matipunong lalaki mula sa sasakyan. I remembered him from last time when the lawyer read my husband’s last will and testament. Hindi lang naalala, tumatak siya sa akin.
Guwapo talaga ang lalaki. Makisig. Halos namumutok ang biceps sa suot na long-sleeve white polo. Ang linis niyang tingnan sa suot na putting polo. Mukha siyang kagalang – galang pero barabas kung bumayo.
Our eyes met for a second. Kumaway ako mula sa balkonahe.
Hindi ako nito pinansin. Napasimangot naman ako.
Daxiel Gustav was a snob. Masungit ang lalaki sa hindi ko malamang dahilan.
Nakarinig ako ng doorbell sa kuwarto. Muling nag-iwan ng mensahe si Maricel sa intercom upang ipaalam na mayroon akong bisita. Hinintay ko siyang makapasok sa mansyon bago ako bumalik sa loob ng kuwarto.
Hindi ko alam kung anong kailangan ng anak nang namayapa kong asawa, baka pag-uusapan naming ang contest sa will. Mabuti na iyon para matapos na ang lahat.
I couldn’t understand what my husband’s lawyer was trying to explain to me about contesting the will. Sinemplihan ko na lang iyon gamit ang aking bokabularyo. It was either we were going to sing or dance.
Limited lang naman ang alam ko sa bagay – bagay. Nadagdagan lang iyon noong nakapangasawa ako ng mayaman. Kailangan ko ring matuto sa kanilang mundo para hindi naman ako masyadong apihin ng mga mapang-matang tao.
Pati alam ko sa lengguwahe, limited lang din. Nadadala lang iyon ng confidence at ganda ko. Naitatawid ko naman… pero iyong mga teknikal na bagay, hindi ko iyon masyadong alam.
Ayon nga, nakapag-practice na ako. Humanap pa ako ng video tutorial sa tiktok.
Of course, I was kidding. I knew what that meant. Hindi man sa teknikal, pero pinalaki ako ng mga teleserye. Alam kong ganoon ang sport ng mayayaman, ang mag-contest ng will. Samantalang agawan naman ng lupa sa middle class.
Either way, I still practiced a dance.
Lumabas ako ng kuwarto upang salubungin si Daxiel Gustav Jr. Naabutan ko siya sa living room at bumungad sa akin ang ilang suitcases.
Agad ko namang tinawag si Maricel, ang lider ng mga kasambahay namin, upang itanong kung mayroong handang pagkain para sa bisita. Wala akong ideya na darating si Daxiel Gustav Jr., nagpahanda sana ako ng bongga para sa kanya.
Ayokong hindi pinaghahandaan ang mga dumadating na bisita sa amin. Madalas nga ay hands-on ako. Minsan nga lang, hindi naiiwasan ang biglaan at walang pasabi.
“Dapat tumawag ka man lang, hindi kami nakapaghanda sa pagdating mo. Don’t worry, Maricel will take care of it. Kumain ka na ba? Sasabihin kong ipaghanda ka.” Nilagpasan ko siya para tumungo sa kusina.
Mukha namang wala siyang balak akong kausapin. Iyong totoo, kumakausap yata ako ng hangin. Napailing ako.
“Cut the act,” he said coldly.
Muli akong lumingon sa kanya. “Ha? Anong sabi mo? Parang nakinig ko na ‘yan sa filming! Hindi ba iyon ang sinasabi ng direktor kapag tapos na ang isang take?” Napanganga naman ako sa sariling realisasyon. “Direktor ka ba?”
It made me excited for some reason. Pangarap kong maging artista, ‘no! Hindi lang ako nabibigyan ng oportunidad. Mas priority ko noon na alagaan ang asawa ko at siguruhing lahat ng atensyon ko ay nasa kanya.
Magaling naman akong umiyak. Ang husay ko ngang umiyak noong lamay ni Gustav.
The last time I talked to him before he got comatose and ended up dying, kapag namatay raw siya, i-pursue ko ang mga pangarap ko sa buhay. He told me to enjoy life because I was free of the burden.
Nakaramdam ako ng lungkot ng panahong iyon… dahil masyadong malalim ang kanyang English.
“I do pornographic content, do you want to join me?” Tumaas ang kanyang kilay, may namuong ngisi sa kanyang labi.
Namulsa siya habang pinagmamasdan ang ekspresyon ng aking mukha.
Umiling ako. “Sumasayaw naman ako sa club dati… kaso gusto kong i-showcase ang talent ko sa pag-arte, hindi iyong pepe ko. Madali lang ‘yon ‘no, kaya kong mag-DIY.” My eyes widened. “Talaga, nagpo-porn ka? Kumusta naman ang sahod?”
Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Sinipat ko ang kanyang harap. Maskulado at matikas ang kanyang katawan.
Oh, kaya siguro tama ang hinala kong magaling siyang bumayo.
“Eyes up, woman. Stop staring down there.”
Down there? Down what? Down who? I giggled at my thought.
Tumingin naman ako sa kanya. “Anong channel mo? Isu-support kita. Saka anong website?” tanong ko pa.
He rolled his eyes at me. Kitang – kita ang pamumula ng kanyang leeg. He was cute.
Daxiel Gustav Jr. is really a good-looking man. No one could deny that. I bit my lower lip.
Matangos ang ilong. Makapal ang kilay. Depina ang panga. May konting facial hair ang kanyang mukha na bagay naman sa hugis nito. Saka mapula ang kanyang labi.
At matangkad ang lalaki.
Matangkad din naman ako. Pero kahit magsuot ako ng heels hindi ako papantay sa kanya.
“You’re fucking gullible, woman.”
Ngumuso naman ako. “Ano naman ibig sabihin noon?” I asked.
I was readying myself to be humiliated for asking stupid things… for being dumb… for being uneducated. Some other people think that everyone’s educated enough to know everything at once. Hindi naman lahat pare – pareho ng pribelihiyo.
But one thing about me… I love playing dumb. I love playing like a fool. Because people have this sense of superiority on them to look down on me, deeming me as a lower rank than them, completely underestimating me.
He looked at me for a second. I couldn’t see any judgment in his eyes.
“Iyong madaling maloko,” seryoso niyang saad. “Iyong madaling ma-take for granted. Iyong uto – uto para paniwalaan lahat ng sinabi ko pati sa pornographic content.”
Mas lalo akong ngumuso. He clearly summarized my act on the last part. Napakamot naman ako sa ulo. Namula ang aking pisngi. Tinamaan ako ng bahagya sa huling sinabi niya.
“I filed an appeal to contest the will,” turan ng lalaki.
“Nakapili ka na ba?”
Kumunot ang kanyang noo. “What?”
“Eh ‘di ba, magco-contest nga tayo. Ano bang gusto mo? Dance contest o singing contest?” I finally had the chance to ask. Last time, bigla na lang siyang umalis. Hindi ko iyon naitanong sa kanya.
His mouth slightly opened. Umigting ang kanyang panga.
“Jesus, woman. Let your lawyer handle the fucking case.” Iritado ang kanyang ekspresyon. “For the mean time, I’m going to stay at this fucking house.”
Napatango naman ako. Kaya pala mayroon siyang dalang bagahe, dito muna siya tutuloy.
“Okay. Ipapahanda ko kay Maricel ang magiging kuwarto mo. P’wede kang pumili kung aling guest room ang gusto mo…” Ngumiti ako.
Tinitigan niya ako nang matagal.
“Is that how you act, huh? Is that how you got the old man? By acting nice?” He gritted his teeth.
“I’m not acting nice. Manners ‘yon ‘no. Isa pa, bisita ka naman sa bahay. Hindi naman ako papayag na hindi maging maayos iyong stay mo. Saka masyadong malaki ang mansyon, marami pang kuwartong available, p’wede kang mag-stay kailan mo man gustuhin…” I told him.
“Sa pagkain naman, magsabi ka lang kay Maricel ng gusto mong ipaluto o kahit sa akin… marunong din naman akong magluto,” dagdag ko pa. “May napili ka na bang kuwarto? Gusto mo tulungan na kitang magbitbit ng bagahe?”
Hindi siya sumagot sa huling tanong ko. Binitbit niya ang kanyang gamit patungo sa second floor ng mansyon. There are several guest rooms there. Tinawag ko naman si Maricel upang i-assist ang aming bisita.
Sinundan ko lang ng tingin ang lalaki.
Am I acting nice? Maybe. Who knows my real reason? Napangisi ako.
I am nice. I am nice, especially when I have something to get in return.
Right now, the game’s on.
***
Daxiel Gustav de Clemente Jr.
Maraming artikulo ang lumabas sa google search. Nanlaki naman ang aking mata sa nabasa. He was thirty-five years old? I was shocked at the news. Kung ganoon, mas matanda pa pala siya sa akin.
I was just thirty-one years old, turning thirty-two. S’yempre, thirty-two ang kasunod ng thirty-one.
Siya ang may-ari ng kompanyang DG Concrete & Cement Ltd. It was originated in Ireland, it branched out to several countries including here, according to the sources.
Kompanya yata ang puno’t dulo ng hidwaan ng mag-ama. Ganoon din ang negosyo ni Gustav, tungkol sa semento para sa construction works. Magkakompetensiya yata ang kanilang negosyo.
Madalas niyang iniiba ang usapan pagdating sa usaping anak. Nasa lahi ko ang pagiging tsismosa pero hindi naman ako nagtanong pa. I didn’t want to upset my old husband. Hindi na makakabuti sa kanyang lagay noong mga panahong iyon.
Kaya wala rin ako masyadong alam. I just knew he was separated and annulled from his first wife. Maganda lang ako, maalindog, pero hindi ko naman pinangarap maging kabit.
But in my line of work before, madalas akong nasisisi ng ibang kababaihan sa pagloloko ng kanilang asawa o boyfriend.
Nakikisimpatya naman ako sa kanila, pero hindi ko iyon responsibilidad. Their husband or boyfriend paid me to dance for them, andoon ako para sa trabaho, hindi sa pagiging kalaguyo.
Hindi ako maselan. Hindi ako maarte. It was nothing personal, but money.
Galit na galit sila sa akin pero hindi nila magawang sisihin ang asawa o boyfriend na nagloko.
Hindi ko responsibilidad na tanungin ang kliyente ko kung mayroon bang asawa o wala. They can lie, anyway. I was just there for the money and make myself eat for the next few weeks.
Muling bumalik ang tingin ko sa gadget. Tinitigan kong mabuti ang picture niya.
Napangiti na lang ako sa kaguwapuhan ng lalaki. Napakatipid niyang ngumiti sa camera. Mayroong link ng instagram profile niya. It was private with a thousand followers.
I clicked the follow button to request.
Maganda lang ako pero hindi ako famous. Twenty lang iyong followers ko, back up account ko pa iyong iba. I pouted. Nakailang refresh na ako pero hindi pa rin niya ako ina-accept.
Even if he’s such a good-looking man, I wasn’t a fan.
He wanted to get my money. The money that I earned from being his father’s wife. Gusto niyang makuha ang aking mana.
Why?
Mayaman na siya. His company was even bigger than my husband. Bakit kailangan niya pang pagnasaan ang salaping iniwan sa akin?
He was a powerful man. Kahit bukal sa loob ng asawa kong iwan sa akin ang kanyang ari – arian, p’wede iyong mabaliktad sa korte kung gugustuhin ni Daxiel. My heart ached for the money… hindi pa pala dapat ako makampante. Kaya malakas ang kanyang loob na basta na lang tumira sa pamamahay ko.
I bit my lower lip. Daxiel Gustav Jr. is a greedy man who would do anything to get everything. Kapag nakuha nga naman niya ang mana at ang kompanya, mas magiging bato siyang hindi matitibag ng mga kakompetensiya.
I only wanted a comfortable life… that was my only reward. I earned every bit of that penny.
Wala siyang karapatan sa mana dahil inabandona naman niya ang ama sa mga panahong kailangan siya nito. I was there. I was the one taking care of him… making sure he’d see another day. Where was he in those times?
At ngayong wala na ang lalaki, humahabol siya sa mana. Masyado siyang sakim. Sakim at gahaman sa pera.
Ibinaba ko ang Ipad sa gilid at umayos ako ng higa sa kama.
Kailangan kong mag-isip ng plano. Nag-file ng appeal ang lalaki. Aabot ba iyon sa korte? I need to talk to a lawyer for the legal processes. Ipinaubaya ko na lang iyon sa may mas alam sa batas.
Hindi pa rin ako nakontento kahit nakausap ko na ang lawyer ni Gustav. I need a plan B.
Napangiti naman ako sa planong naisip. I’d do what I do best.
Akitin siya…
Palambutin ang kanyang puso, hanggang sa makapasok ako ng tuluyan. Kapag naisagawa ko iyon, hindi lang mana ang mase-secure ko. Maybe, I could have a taste of his money as well.
Ganoon pala ang gusto niya, ha? I couldn’t fight with technicalities. Mas malaki ang posibilidad na matalo ako sa ganoong paraan. Pero mayroon akong laban sa ibang bagay.
Iyon naman ang gusto niyang laro, hindi ba? I will have his father’s money no matter what. Kahit siya… na mas matalino… na business tycoon… hindi noon matitinag ang propesiya ko.
Sa ganda kong ito?! He wouldn’t resist me. Pero ako? Immune na rin ako sa charms ng mga lalaki, hanggang paghanga lang ako sa pisikal na anyo. I was focus on the goal.
Napatigil naman ako nang tumunog ang notification sa Ipad ko. Tiningnan ko iyon.
daxieldeclemente accepted your follow request.
Imbes na ma-excite ako, napairap ako sa ere. Another notification popped up.
‘Jejemon’, he commented.
Mas lalong umusok ang ilong ko sa inis. Ang sama ng ugali niya! Nag-private naman ako ng account.
Inis ako sa lalaki. But I kept my cool. Kung sakali mang hindi ko makuha ang mana sa legal na paraan… may panibago akong plano. This time, I would be the one greedy. Because I would be hitting two bags at once.
Iyong manang dapat para sa akin… at iyong kayamanan niya…
In gold-digging, there’s always more to get than the initial penny.
TOC


Leave a comment