Kabanata 8
I am hot, everybody knows that.
My body took it in a literal sense as well, not because I was wanting to mate. Ilang araw akong tinablan ng lagnat at pananakit ng katawan. Masyado kong sinulit ang pagpunta ng beach, sumuko ang aking katawan pagkarating ko ng siyudad.
It was the first time I had a full blown fever. Hindi naman ako nagkakasakit noong buhay pa ang aking asawa. Hindi p’wede dahil baka mahawa siya at hindi kayanin ng kanyang resistensya.
Bago pa man ako tuluyang magkasakit, umiinom na agad ako ng gamot upang hindi na iyon lumala pa.
I forgot.
Buong akala ko, madadala iyon ng tulog lang.
Nagising ako sa master’s bedroom na mayroong nakakabit na IV fluid. They panicked and called the doctor. Akala yata nina Maricel mamatay na ako kaya pinilit nitong magpatawag ng doctor kay Daxiel.
Daxiel Gustav Jr. was roaming around the room when I woke up again. He was looking at the decorations hanged in the wall.
Simula nang namatay si Gustav, wala pa akong napapalitan sa mga dekorasyon. Mostly, our pictures together were still intact. Marami iyon. Mahilig naman akong kumuha ng mga litrato.
He took care of me the days I wasn’t feeling well. Madalas niya akong inuusisa, dinadampian ako ng bimpo at pinagbabalat ako ng mga prutas lalo na sa gabi kapag nagpapahinga na sina Maricel.
Wala akong ganang kumain ng ilang araw. I never left the bed unless I needed to do something in the bathroom. Hilong – hilo ako at umiikot ang aking paningin.
Kung sa ibang pagkakataon, gusto ko sanang paniwalaan ang kanyang pag-aalala… I was still thankful that he took care of me, but I couldn’t fall for that trap. Why would he care?
P’wedeng mabuting tao lang siya… I just didn’t buy that, it was suspicious to me.
“How are you feeling?” Lumapit siya sa gawi ko.
“Ang baho ko na…” My voice was still hoarse.
“No, tolerable pa naman,” seryoso niyang wika.
Sumimangot ako. That’s his revenge, huh. Umagang – umaga, niyayamot niya ako.
“Ganti ba ‘yan ng isang api?” Humalakhak siya.
Mas lalong nagsalubong ang aking kilay.
Ang g’wapo niya sa umaga. Ang g’wapo niya kapag tumatawa.
Ganito pala ang feeling ng poet.
Samantalang ako, walang ligo. Magulo ang aking buhok. I got a bit conscious with my bare face. Kinapa – kapa ko ang bandang mata, baka may morning stars, nakakahiya naman kung iyon ang napagmasdan niya.
Inabutan niya ako ng tubig, ininom ko naman iyon. Mahina pa rin ang aking katawan pero wala na ang naghahalong init at lamig na pakiramdam. Hignaw na ako sa lagnat, ipinatanggal ko na rin sa kanya ang IV fluid na nakakabit sa akin.
“You feeling better?”
Tumango ako.
The doorbell rang.
Daxiel stood and walked toward the door. Nang bumalik siya, mayroon na siyang dalang tray ng pagkain. Naamoy ko agad ang aroma ng agahan. I didn’t eat much the past days, this was my first decent meal since the lunch in Batangas.
Ipinagluto ako nina Maricel ng arroz caldo. I was salivating. Mayroon ding prutas sa isang bowl. They prepared some ginger tea for me. Mahilig ako sa tea… tea.
Bumalik na iyong gana ko, nasa harap ko ba naman ang isang matipunong lalaki, g’wapo… nanghe-headlock. Siguro oras na para amining crush siya at may atraksyong nararamdaman ang… puday ko para sa lalaki.
Hanggang crush lang, duh.
Kaagaw ko pa rin siya sa maraming bagay.
It wouldn’t distract me from attaining my goal, my mind was set for one thing — to win this inheritance rivalry. I could admit he’s such a good-looking man, but I’m still annoyed with him. Mas lamang pa rin ang inis ko para sa lalaki.
Isa pa, marami namang lalaki… maraming pagpipilian. Ang crush madaling palitan, pero iyong mana? Hindi. I did everything right to have that. There shouldn’t be a contest with that.
“Bakit isang bowl lang? Hindi mo ba ako sasabayan sa pagkain?” Inilapag niya ang tray sa harapan ko at dinampot ang utensils.
I waited for his next move. He scooped a spoonful of soup, hinipan niya iyon at iniumang sa akin. Segundo ang lumipas na nakamaang lang ako sa kanya. Ano bang paandar niya?
“Kaya ko ang sarili kong pakainin, Daxiel…” I told him.
“I’m not saying you can’t,” saad niya. “Come on, open your mouth and be a good girl.”
Nanlaki naman ang aking mata. I looked at him suspiciously, but his expression was stoic. Utak ko lang yata ang nag-iisip ng hindi maganda. It sounded so wrong in my ear…
Oo na, ako na ang masama, siya na ang mabuti.
“What are you waiting for?” Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Do you want me to open that mouth of yours?”
“I wouldn’t give you an inconvenience. I would gladly accept anything you put into my mouth… especially if it’s big.” I smiled at him sweetly.
“Wala namang big chunks ng chicken meat sa arroz caldo, you don’t have to worry.”
Namula ang aking pisngi. Talagang nagmamaang – maangan siya. Maybe, it was just me giving a meaning to everything he said. That was such a good tactic. Pareho naming pinapaikot ang isa’t isa.
Isinubo ko ang kutsarang may arroz caldo, dinilaan ko pa iyon pagkatapos ng unang subo.
“Millaray, behave.” He said with an intimidating tone.
“Hindi ako aso, Daxiel… but I can be a bitch.”
Your bitch, specifically.
If only he’s such a good boy.
Hindi ko na napigilan ang pagngisi ko… nanalo na naman ang utak kong may sariling utak.
Pinisil niya ang aking pisngi.
“Puro kalokohan na naman ang nasa isip mo…” Muli niyang iniumang ang kutsarang laman ay sabaw. Sunod – sunod nang naging pagsubo niya simula nang bumuka ang aking bibig.
“Weh? Nababasa mo isip ko? Bakit si Rudy Baldwin ka ba?”
Matagal niya akong tinitigan, kumunot ang kanyang noo.
“Who’s Rudy Baldwin? Lalaki mo?” His forehead creased.
“Uy, madam ‘yon siya ha.”
Nawala rin naman agad ang gusot. He just shook his head. “You’re just easy to read,” sagot niya sa tanong ko.
“Hindi ako naniniwala. Hindi mo nga nabasa si Rudy Baldwin,” Ngumisi ako. “May pagseselos ka yatang nararamdaman kay Rudy Baldwin.”
Tuluyan akong nauwi sa pagtawa. I heard nothing from Daxiel Gustav Jr.
Sinimulan niya ang laro, ako pa rin ang nakapuntos.
For today’s ranking: Olga Millaray – one point, Daxiel Gustav Jr. – itlog.
I giggled.
Malugod kong tinanggap ang pagsubo niya hanggang maubos ko ang isang bowl ng arroz caldo. It was insanely delicious for some reason. Siguro dahil kababalik lang ng sigla ko sa pagkain.
“Ang bait mo sa akin ngayon, ah. Anong nakain mo?” isinatinig ko.
“Kailan ba kita pinagmalupitan, Millaray?”
Inayos niya ang bowl, pinainom niya ako ng tubig. Sinunod niyang tusukin ang prutas upang ipakain sa akin. Nakaabang na lang ako sa pagdating ng pagkain sa bunganga ko.
Ngumuso ako.
“You’re decent, but you’re not exactly the friendly type, Daxiel. No offense meant in any way. I think, you’re just tolerating my presence most of the time.” Nagkibit balikat ako. “Mabait ka… kasi ganoon ang desenteng tao.”
Lumamlam ang aking mata. “Last chance… don’t you want to be friends with me? Tahimik at payapa ang buhay nating dalawa kung magiging magkaibigan tayo.” I asked him again.
Wala kong nakuhang sagot mula sa kanya noong nasa beach kami. He just totally ignored my question and my existence.
The answer was still the same, I guess.
Niligpit niya ang tray na pinagkainan ko. He handed me the medicine. I took it without question.
“Hindi na ako pinansin, nagtatanong iyong tao, eh.” I pouted. “Isinama mo na ako sa beach, binilhan mo na ako ng baby natin, inalagaan mo ako habang may sakit… tapos ayaw mo pa rin akong maging kaibigan sa lagay na ‘yon?”
“Millaray, hindi pinipilit ang pakikipagkaibigan.”
“Ayaw mo?” I made my eyes sadder.
Ang kapal naman ng mukha niyang tanggihan ang diyosang kagaya ko. Ako na nga itong lumalapit. Kumbaga, palay na ang lumalapit, dapat tukain na lang niya iyon. We can’t be friends because he’s after my inheritance… he’s making it clear for me.
“Why settle for less if we could upgrade?”
Tumayo siya bitbit ang tray.
His money wasn’t that less, but he still wanted more. I was left agitated in the room. Lumalabas ang totoo niyang kulay.
This gesture… it was just part of his bigger plan I should watch out.
Huminga ako nang malalim.
Nagpahinga muna ako ilang sandali bago tumungo sa banyo. Wala na akong lagnat kaya minabuti kong maligo. Pinuno ko ng warm water ang jacuzzi, hinubad ko ang suot kong komportableng pantulog.
Gosh, napabuntong hininga ako nang lumapat ang katawan ko sa tubig.
It was refreshing after days of not having a nice bath.
Mabilis ko lang tinapos ang paliligo ko. Ayokong magtagal sa tubig, baka biglang bumalik ang lagnat ko. I just wore the robe. Sinuklay at tinuyo ko ang aking buhok bago ako lumabas upang magbihis sa walk-in closet.
Tumambad sa akin si Daxiel paglabas ko ng banyo. He was holding a piece of paper.
Tumikhim siya. Gustav the Third was wagging his tail seeing me. Oh, I missed him so much. Hindi kami masyadong nakapaglaro nitong nakaraan.
Lumuhod ako upang magpantay kaming dalawa. Our furbaby was giving kisses all over my face. Tawa naman ako nang tawa.
“Millaray…” His restrained voice called me. “Your boob is showing.”
Napatingin naman ako sa suot ko. I was still wearing my loose robe, it was indeed showcasing my right boob. Wala pa naman akong suot na panloob. Nahatak yata iyon ni Gustav the Third.
My cheeks became flushed. I kept on flashing my body to him. Accidentally.
Pati yata boobs ko may sariling utak. Paano kaya kung lahat ng parte ng katawan may sariling utak? Ano kayang iniisip nila? Siguro mas malandi sa akin.
I fixed it. “Hayaan mo na. May boobs ka rin naman. Mas malaki at round nga lang iyong akin.”
It was just a boob, no big deal. He gritted his teeth.
“There would be a party next week. You’re invited.”
He put down the envelope on the bed and walked out of the room immediately after giving it to me. Agad ko namang siniyasat ang laman ng imbitasyon. It was a charity event.
My eyes focused on the theme. Oh my gosh, I needed to level up my wardrobe! I was excited…
But it was short-lived. I realized I didn’t have money to afford the gown I was imagining to wear at the event. Ngumuso ako. He was torturing me…
Why was I even invited?
***
“Ma’am Olga, hindi pa ho ba tayo maggro-grocery? Paubos na ho kasi ang supplies natin.” Maricel asked me that morning.
Wala akong pera.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. I can’t sustain the lifestyle my deceased husband gave me if his money can’t be used. Ni hindi pumasok sa isipan kong baka kailangan ko na ring i-let go ang mga kasambahay at driver na nagtatrabaho sa amin… mayroong posibilidad.
Naging pamilya na rin ang turing ko sa mga nagtatrabaho sa amin. It would definitely break my heart letting them go.
I would just rehire them if things get better… Hindi naman ako naaaring bawasan o babaan ang kanilang suweldo at benepisyo.
Mas lalong pumapalo ang inis ko kay Daxiel Gustav Jr, kung hindi siya epal, wala sana akong problema. Akala ko pa naman buhay reyna ang nakalaan sa akin kapag namatay ang aking asawa…
“Kakausapin ko kayo mamaya, Maricel.” I told her.
She nodded her head. “Eh, ma’am, hinahanap po kayo ni Sir Daxiel. Nasa opisina po siya.”
“Okay. I’ll go. Salamat.” Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam.
Why is he looking for me? Nasabi ko nang hindi ako makakasama sa party na inimbitahan niya ako. Bukod sa wala akong isusuot para sa party, tumindi na naman ang inis ko sa lalaki. My annoyance was overpowering that physical attraction.
I pushed the doorbell button before I opened the door. It was the office of my late husband. Hindi naman ako madalas tumungo roon, pero mini-maintain pa rin ang kalinisan ng opisina ng mga kasambahay namin.
The office was enormous. It had shelves full of books, different books, and my late husband’s things. Hindi ko iyon ginalaw bilang respeto sa yumao kong asawa. Some changes were made by Daxiel.
Bubuksan ko na rin ang topic patungkol sa mga kasambahay namin. I couldn’t afford to have them now.
Nakaupo si Daxiel sa harap ng desk habang nagtitipa sa kanyang laptop. He seemed busy to even talk to me.
“You’re looking for me?” I asked with a smile.
Nanatiling nakapako ang kanyang mga mata sa screen ng laptop, hindi niya ako tinapunan ng tingin. Naupo naman ako sa kanyang tapat.
“Daxiel… I’m thinking…”
His brow rose. “What?”
“I’m thinking of letting go our kasambahay and driver. Hindi ko na kasi afford ang magpasuweldo sa kanila. I don’t know… ayoko namang ipasa sa’yo ang responsibilidad.” I sighed. “Kaya ko namang gawin ang responsibilidad nila habang andito ka. I can clean and cook.”
Nagsalubong ang kanyang kilay pero hindi siya umimik. We both fell silent.
“Do you have a reason why you called me?” basag ko sa katahimikan.
It was something I was annoyed with him — I couldn’t read his mind. Madalas ay sala siya sa timpla.
Tumayo ako, tinalikuran ko siya. I was heading to the door of the office, he called me back. Humarap naman ako upang pakinggan siya. He stood and walked toward my direction.
Kinuha niya ang kamay ko, inilagay niya ang black card sa palad ko.
“I’ve been meaning to give you that. It’s yours.”
Nanginginig ang kamay ko.
My forehead creased. “Anong kapalit?”
Namulsa siyang ngumisi. “Just be a good girl, Millaray.”
I don’t even know what that means.
But…
Olga Millaray – two points, Daxiel Gustav Jr. – itlog.
Oras na para ubusin ko ang kanyang yaman.


Leave a comment