Kabanata 7
“Where are we?! Oh my gosh! Nagtanan na ba tayo, Daxiel?” Nanlaki ang aking mata nang nagising ako sa kuwartong hindi pamilyar sa akin. I woke up with our baby licking my face.
I caressed Gustav the Third as I stared at his daddy.
He was pacing back and forth with a phone on his hand. Tumingin siya sa gawi ko at umirap.
“You’re being overdramatic,” saad ng lalaki.
Ay, si OA pala ako.
Ngumuso ako. “Asan tayo? Akala ko ba pabalik na tayo ng Manila?” I asked him. “Why are we here?”
Tumayo ako upang libutin ang kabuuan ng kuwarto. It wasn’t as fancy as the suite where we stayed at during the wedding ceremony of his friend. Normal lang ang kuwarto, medyo kagaya ng kuwarto sa SOGO.
“Tumirik iyong sasakyan, hindi pa tayo nakakarating ng siyudad. Naki-hitch lang ako, at nagpadala sa beach resort na malapit,” sinagot niya ang mga katanungan ko.
Tumango naman ako.
“Buti pa iyong sasakyan, tumitirik. Kailan kaya ako?” Kusa iyong lumabas sa aking bibig.
Matagal na ring hindi tumitirik ang aking mata sa sarap. Iba pa rin talaga iyong may humahagod kaysa sa kamay ko lang ang nagroromansa.
“Jesus, woman.” Iniwan niya ako sa loob ng kuwarto.
“Uy, hindi siya slow! Na-gets niya!” I giggled at the thought.
“You’re the only one slow.” Narinig ko pang hirit niya bago tuluyang umalis.
I just laughed and followed him outside. It was a small resort. Kaharap lang ng aming hostel ang dagat. Tumakbo kami ni Gustav the Third patungo sa dalampasigan. Nakipaglaro ako sa anak – anakan namin ni Daxiel ng habulan.
I didn’t mind that we were stuck here… maganda naman ang view saka g’wapo naman ang kasama ko.
I wouldn’t mind even if we get stuck in an island, and no one’s going to rescue us… makakalibre ako ng sulyap sa kanyang matipunong dibdib. Mangangakyat na lang ako sa puno ng buko upang may pangtawid-gutom kaming dalawa.
“You don’t even worry that we’re stuck here.” Namulsa siya papalapit sa amin.
“Nakaka-wrinkles kapag nagwo-worry! Nako, feeling ko lagi kang nagwo-worry, buti na lang g’wapo ka pa rin. Ano bang sikreto mo sa skincare?” Binuhat niya ang baby dog namin. “Alam mo nabasa ko sa internet, maganda raw na skincare ang tamod.”
He coughed hard. Halos mabulunan siya ng sariling laway.
Ganyan nga, Daxiel. Para akin na ang mana. Charot, s’yempre nag-panic ako. Kaya lang hindi ko alam kung saan ako hahanap ng tubig, p’wede bang tubig dagat ang ipainom ko sa kanya?
I ran toward the reception area and asked for a bottled water or any water. ‘Wag lang kamo iyong tubig sa inidoro. Tumakbo ako pabalik kay Daxiel Gustav Jr. Napailing ako nang abutan ko siya ng tubig.
May bayad iyon… ang mana.
Mga lalaki ng naman, mahilig managad sa lalamunan pero sa sariling laway nila nabubulunan. Umirap ako sa ere.
Hinagod ko ang kanyang likuran habang iniinom niya ang tubig na binigay ko.
“Sabi ko kay Ate kahit iyong tubig sa bowl…”
Ibinuga naman niya iyong tubig, tawa ako nang tawa. His face was already red with anger, but I didn’t care. Wala akong pakialam kung punong – puno na siya ng konsumisyon.
“Act your age, Millaray. You’re not a teenager anymore.”
“Oh, why? I can’t have fun because I’m in my thirties?” I stuck my tongue out. “Mas lalo ka lang mamomoroblema kung seseryosohin mo ang hamon ng mundo. Have some fun, it’s not illegal even in our age. Let’s not deprive ourselves with fun, shall we?”
Pinunasan ko ang kanyang mukha ng panyong nasa aking bulsa.
Panandalian lang ang buhay upang sayangin sa pag-aalala… at pag-aalinlangan.
“What’s your punchline this time?” Tumaas ang kanyang kilay.
“Hinugot ko ‘tong panyo sa panty ko…” I smiled sweetly.
Inirapan niya ako. “Maybe, you’re the reason why my father is dead… your antics caused him a heart attack.”
“Bintangero ka naman. I was demure toward your dad. Mukha kasi siyang kagalang – galang,” saad ko pa.
Umigting ang kanyang panga. “You’re saying I’m not respectable enough to you?”
“Medyo…”
Mukha kasi siyang nanghe-headlock sa kama, unlike his father, wala nang lakas para mang-headlock. I was really tamed with my deceased husband.
Ang d’yahe naman kasi kung namatay siya sa joke kong nakakatawa, iyong tipong bubuka pa lang bibig niya para tumawa, binawian naman agad siya ng hininga.
“Millaray…”
“Keep calling my name, Daxiel. I can’t answer, wala akong load.”
Muli akong nakipaglaro sa alaga naming aso. I definitely recharged from the nap I took earlier. Handa na naman akong makipagbangayan kay Daxiel Gustav Jr.
I wasn’t ready yet to go back to the city. Hinahanap – hanap pa ng katawan ko ang dagat. Well, it was already a blessing in disguise.
A blessing to me, a curse to Daxiel.
He kept contacting anyone who could rescue him from me, I gave him a sinister smile when his eyes landed on my direction. Tumawa na naman ako. His annoyed expresson is becoming my happy pill.
Sigurado akong inis na inis na naman ang isang iyon sa akin. Wala pa naman akong balak tumigil hangga’t hindi ko nakukuha ang mana. I shook my head slightly and caressed our furbaby.
Lunch time came.
Nagpaluto si Daxiel Gustav Jr. sa mismong may-ari ng property. We had another feast of seafood boil and other delicacies famous in the province.
Even if I was getting into his nerves, he still fed me full. Mas marami pa nga ang nakain ko kaysa sa kanya. I would need to go hard on my dancing routine once we go back to the city.
I wandered around. Naglibot – libot ako sa maliit na resort. Mayroon din silang souvenir shop. Sayang nga, wala naman akong dalang pera, sagot lahat ni Daxiel ang gastos ko, hindi ko mabilhan ng pasalubong sina Maricel.
Naabutan ko siya sa hammock, nagpapahinga kasama ang aso namin.
“So, when are we going to leave?” I initiated our first serious talk since the morning.
Naupo ako sa katapat niyang couch.
Pinagtaasan niya ako ng kilay, hindi niya ako nilingon.
“I didn’t know you want to go home. I was planning to leave you here.”
“Ganoon ba? Sana ginawa mo na lang at hindi mo na sinabi.” Tumayo ako.
“You’re annoying me the whole time. This is the only time I made bawi, you’re being tampo. Ang arte mo, Millaray.” Inirapan niya ako. “I’m not sure, probably tomorrow.”
“Okay.” Lumapit naman ako sa kanya. “Move ka naman ng konti, paupo rin ako.”
“There’s a lot of space on the couch,” Itinuro niya ang inupuan ko kanina. “Don’t you know anything about boundaries?”
Naengganyo akong humiga sa duyan dahil sa kanya. I was just being annoying again. Nagsumiksik naman ako sa duyan. I moved and moved until I got into the hammock. Umisod naman siya para bigyan ako ng daan.
It only led him to his fall, eventually the hammock became unstable. Nawala rin ako sa balanse, nalaglag ako sa ibabaw ni Daxiel Gustav Jr. Our furbaby was the only one who survived the hammock’s chaos.
Pumaibabaw ako sa kanya. Our faces were inches away from colliding to each other. Nagtama ang aming paningin ng ilang minuto. I was being hypnotized by his eyes the long I stared at him.
Pinilit kong ituon ang aking kamay upang iahon ang aking sarili. Tinabig niya ang kamay ko. Muli akong napasubsob sa kanya, only this time, our lips almost touched. Pigil ko ang aking paghinga.
My heart stopped for a mere second.
Nakaramdam ako ng kaba. Hindi dapat ako magpakampante…
“I’m going to think you want to kiss me…” I could slice the tension.
“No one’s stopping you,” he said huskily.
I stopped momentarily to think. Me, being on top of him, meant I’m still in control. He was already using his cards well.
“Hindi ako humahalik ng taong hindi ako kayang panagutan…” I smiled.
Marahan naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa ibabaw niya. Pinagpagan ko ang aking sarili, inilahad ko ang aking kamay para tulungan siyang tumayo. He didn’t accept my hand.
Tumayo siya ng hindi tinanggap ang aking tulong. Kinuha niya ang anak namin na nasa duyan pa rin. Gustav the Third was comfortably having a rest while watching us intently.
Siguro iniisip niyang k-drama ang pinapanood niya. Ano kayang title nito kung k-drama?
Siguro p’wede ang ‘Unang Tikim, Nakahuhumaling’. That sure isn’t a k-drama title, papasa pa sa bold titles noong panahon ni kupong – kupong.
Anyways, paborito ko iyong Diligin ng Suka ang Uhaw na Lumpia. Charot.
“Daxiel…” I called his name. Huminto siya pero hindi ako nilingon ng lalaki. “Why can’t we be friends? P’wede naman tayong maging magkaibigan. Hindi naman magkalayo ang edad nating dalawa. Para naman maging payapa ang buhay natin.”
He didn’t answer. Nagpatuloy siya sa paglalakad, iniwan niya ako sa duyan. Ngumuso naman ako.
Edi ‘wag.
Inirapan ko ang kanyang papalayong pigura. I would really stop annoying him once he stopped contesting the will. Hinayaan na lang dapat niya ang pamana sa akin, that was rightfully mine, I dedicated myself to be a good wife.
I secured the bag, there was no plan B. I must get it no matter what. Hindi ako nagsayang ng ilang taon para sa wala. Mayaman na siya, barya na lang ang manang iyon. He was still greedy for those coins.
Huminga ako nang malalim.
Hindi ako p’wedeng magpa-apekto, ginagawa rin naman lahat ng lawyer kong ipinalo ang dapat para sa akin. I couldn’t be frustrated. I couldn’t be stressed. I couldn’t be affected by his antics.
***
“Why are you silent?” tanong niya.
“Bakit? Required bang magsalita?” I asked back.
Muli akong pumikit at sumandal sa upuan.
The car was already fixed. Wala na kaming sinayang na oras upang bumalik sa siyudad. Nasulit ko naman ang trip namin sa dagat, sobra pa nga. My body was a bit sore from swimming and doing the activities in the beach.
Tahimik kami buong biyahe, ubos na ang enerhiya ko nitong nakaraang linggo. It seemed I was going to be sick.
Nagpasalamat ako kay Daxiel nang makarating kami sa mansyon. It was a nice experience, I was thankful for him. My annoyance wouldn’t be appeased by the vacation trip for several reasons.
Siguro ipagluluto ko na lang siya sa susunod na araw upang pasalamatan siya sa bakasyon.
Right now, I wasn’t in the mood.
Medyo masakit ang ulo ko. I excused myself to go to my room to take a rest. Maybe, taking a nap would help.
I showered first before going to bed.
The doorbell rang. It was Maricel and the other kasambahay.
Pinagbuksan ko sila ng pinto. Hinigpitan ko naman ang robang suot ko, medyo nilalamig ang aking pakiramdam.
“Ma’am Olga!” Ngiting – ngiti si Maricel. “Thank you pala sa pasalubong mo sa amin. Binilhan mo rin po sina nene, matutuwa iyon.”
“Salamat po sa souvenirs, Ma’am Olga,” saad din ni Jemaima. “Nag-abala pa po kayo, si Sir Daxiel na po ang nagbigay sa amin. Naiwan n’yo raw po kasi sa sasakyan.”
I was stunned.
Hindi naman iyon galing sa akin. I didn’t buy them something. Naka-freeze ang ari – arian saka pera kaya hindi ko iyon magamit. The trip was all paid by Daxiel Gustav Jr.
Yeah, I considered buying pasalubong. Hanggang tingin lang ako dahil wala naman akong perang dinala sa trip namin.
Umiling ako.
“No, si Sir Daxiel n’yo ang inyong pasalamatan. It wasn’t me. He bought that for you, guys.” Ngumiti ako sa kanila.
“Ay, nakapagpasalamat na rin po kami kay Sir Daxiel. May maipaglilingkod po ba kami sa inyo, ma’am? May gusto kayong kainin? Ipagluluto namin kayo.” I shook my head slightly.
“Siguro, mainit na sabaw na lang para mamaya sa hapunan… medyo masama ang pakiramdam ko. Itutulog ko muna ito.” I told them. Sana madaan sa tulog at hindi matuluyan sa trangkaso.
They simply nodded and left.
Isinara ko naman ang pinto, bumalik ako sa loob at nahiga sa kama. I was wondering about what happened. Hindi namin napag-usapan ni Daxiel Gustav Jr. ang tungkol sa pasalubong at souvenirs. We just bickered most of the time.
Hindi ko nausisa ang pasalubong na binili niya. He even told them those pasalubong were from me. It wasn’t even true. I didn’t want the credits for the good thing he did. Siya ang nagkusang – loob na bilhan ang mga kasama namin sa bahay ng pasalubong.
Binilhan niya rin ng pasalubong ang mga anak ni Maricel.
He can’t be greedy and generous all at the same time.
Hindi niya makukuha ang loob ko ng ganoon na lang.
***
Nagising ako sa sunod – sunod na tunog ng doorbell.
Naiiyak naman akong bumangon, naghahalong lamig at init ang nararamdaman ng aking katawan. I was frying hot on the outside, while I was still feeling cold.
Nahihilo rin ako ng bahagya.
Daxiel Gustav Jr. was the first person I saw as I opened the door. Hawak niya gamit ang isang braso ang furbaby namin. Samantalang bitbit ng kamay niya ang isang paperbag.
“What?” I asked hoarsely.
“You forgot your souvenirs,” wika niya sabay abot sa akin ng paper bag.
“I didn’t… I…” I was losing consciousness. Natumba ako pero hindi lumapat ang aking katawan sa matigas na sahig. I was being carried up in the air by his muscled arms.


Leave a comment