Kabanata 12
Nagising akong mayroong matipunong katabi sa kama. My head was pounding, I was having a bad headache after drinking a lot last night. Wala akong memorya kung paano akong nakauwi sa mansyon, I didn’t need to think much to know the answer.
Nasa harap ko na ang sagot.
Pinagmasdan kong mabuti si Daxiel Gustav Jr. sa kanyang mahimbing na pagtulog. His mouth was slightly opened. Ang haba ng kanyang pilik mata, at ang kapal ng kanyang kilay.
Pero anong mas makapal? Iyong mukha niya.
Siya naman ang dahilan kung bakit ako naglasing kagabi. I was robbed of my inheritance. Siguro matatanggap ko pa, kung kagaya ko na mahirap lang din siya… pero mayaman na si Daxiel kahit wala pa man ang pamana.
He has his own empire, while I have nothing.
Masyado siyang gahaman sa salapi. Nanumbalik ang lahat ng inis ko sa katawan para sa lalaki.
Muli kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Pumikit ako at minasahe ang aking sentido.
Nang nagmulat akong muli, nagtama na ang aming paningin. Parang hindi man lang siya naapektuhan nang nagdaang gabi, g’wapo pa rin ang lalaki kahit sa paggising niya.
“How’s your sleep, girlfriend?” seryoso ang tono ng kanyang boses.
Kumunot naman ang aking noo. “Girlfriend?”
“Yes, you just proposed to me last night. You wanted me to be your boyfriend.”
“I was drunk last night,” I reminded him. His brow raised. “You’re really going to accept a drunk woman’s word?”
He shrugged. “Drunk words are sober thoughts,” Ngumisi siya.
“Ah, so kapag nag-inom uli ako mamayang gabi at inaya kitang pakasalan bukas, pakakasalan mo ako?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Why not?” Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi.
“Gumugusto ka, ah. Sige nga, hubad! Boyfriend pala, ha.”
Pumaibabaw ako sa kanya. Agad din akong tumumba ng mas lalong kumirot ang aking ulo. I rested near his face. In fairness, ang bango niya sa umaga. Ang sarap singhutin.
“Does your head hurt?” Hinawakan niya ang aking ulo at bahagyang minasahe. “You should’ve told me you wanted to drink. I could accompany you. Do you miss my father, Millaray?”
Hindi ako sumagot. Hindi naman iyon ang rason kung bakit ako nagpakalasing kagabi.
Siya ang rason… at ang manang dapat para sa akin.
I was the rightful recepient if he didn’t contest the will. But he did.
I couldn’t be sulking that long. Kailangan kong hilahin ang aking sarili paitaas, hindi pa naman tapos ang laban sa pagitan naming dalawa. It was just starting. He just gave me another opportunity to have a better prospect.
“Masakit ang ulo ko. Kiss mo ‘ko sa lips para maibsan ang sakit, Daxiel.” Hinawakan ko ang kanyang pisngi. “Do you want to be appointed as my boyfriend? Bakit? Hanggang kailan? Para ihahanda ko na ang aking sarili kung kailan ako masasaktan.”
Masyadong madrama. Anong akala naman niya kapag naging kami makakatakas pa siya sa akin? Kusa na siyang kumagat sa aking patibong. Kasunod na noon… pakakasalan niya ako dahil hulog na hulog na siya sa akin.
Of course, I’ll get the money… I’ll also get the honey.
“For as long as you want me…”
“Paano pala kung panghabang buhay kitang gusto?” I raised a brow.
“I’ll be with you for a lifetime, then.”
Tinampal ko naman ang kanyang dibdib. Malandi rin talaga siya!
“Linyahan ng mga magagaling lang sa una. Baka naman kapag binigay ko na sa’yo ang lahat lahat, saka mo naman ako iiwan…” saad ko pa. “Ayoko nang may ibang babae, puputulin ko ‘yang titi mo, ipapakain ko kay Gustav the Third.”
He looked at me with a serious expression. Ngumiti naman ako ng matamis.
“Pumapayag ka pa rin bang maging boyfriend ko?” I asked him with an innocent look.
“You’re not scaring me with those threats, Millaray. I’m not a cheating scumbag. Yes, I still want to be your boyfriend.” Pinisil niya ang aking pisngi.
“Why? Wala ka namang makukuha sa akin. Hindi ako mayaman. Maganda lang ako. Maalindog. Masarap…” Humagikhik ako sa huling sinabi. I wasn’t even kidding. Purong katotohanan lang, walang halong biro. “Feeling ko talaga, crush mo na ako, unang kita mo pa lang sa akin.”
He didn’t answer me, but he kept staring. Bahagya naman akong nakaramdam ng pamumula ng pisngi, hindi lang pisngi ko ang namumula sa malagkit niyang tingin.
“Matagal na,” saad pa niya. “Maganda pero annoying…”
“Nakakatuwa ka naman kasing asarin.” Ngumisi ako. “So, tayo na talaga? Pinikot mo ako sa lasing kong salita. Talagang ako ang nanligaw?”
Halos wala na akong matandaan sa nangyari kagabi, blur na iyon sa memorya ko. I was a bit nervous I spilled more tea. Mukhang nilandi ko lang siya hanggang sa tuluyan akong makatulog.
Positibong muli ang aking pananaw sa buhay, nagsara man ang pamana ni Gustav, dininig naman agad ang sagot ko… napikot ko si Daxiel Gustav Jr.
Ngayong magkasintahan na kaming dalawa, tuloy – tuloy na iyon hanggang ako ang magtamasa ng kanyang kayamanan.
He chuckled.
“Let’s be official.”
“Malandi ka rin, ‘no? Pakipot ka pa, gusto mo rin naman na nilalandi kita.” Inirapan ko siya. “Siguro pinagnanasaan mo talaga ako, ‘no? Baka tinitigasan ka na, ha.”
“Millaray, please. Dahan – dahan naman.”
Tumawa ako nang malakas.
“Hindi ka ba nandidiri na naging asawa ako ng iyong ama? Hindi ba masyadong mabilis?” tanong ko sa kanya.
Hindi naman mabilis, ilang buwan na ang lumipas. Payapa na si Gustav kung nasaan man siyang lupalop. He wanted me to be happy, and my happiness is money. Kontento na sana ako sa kanyang pamana kung hindi lang dumating ang kanyang anak.
“He was gone, Millaray. He was just part of your past. The present is what matters to me,” marahan niyang sinabi.
There was something fishy about the set-up… bakit siya pumayag na maging nobyo ko? He’s annoyed with me most of the time. All of a sudden, pumayag siya sa kagustuhan kong maging boyfriend siya?
Ano bang akala niya sa akin? Sobrang kabobohan ang taglay? Hindi naman, medyo lang.
I wouldn’t back down… whatever his reason is, it doesn’t matter as long as I will have his money. I just have to be vigilant.
“Paano ang sasabihin ng ibang tao?” pinalungkot ko ang aking boses.
“Why do we need to entertain what they are going to say?”
Exactly.
Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. But I wanted to know how he would handle those things. Marami siyang bubuyog na maririnig na puro satsat.
Kung hindi siya sanay, maaari iyong makaapekto lalo na sa kanya… at maapektuhan nito ang relasyon naming dalawa… at maapektuhan nito ang pera ko. Duh, konektado ang lahat.
I don’t think people would be critical with Daxiel Gustav Jr. Hindi siya babae kaya hindi sa kanya ang sisi.
At least, hindi ko siya ginawang kabit habang mag-asawa pa kami ng kanyang ama. I wouldn’t even know his existence if he didn’t contest the will of my late husband. Payapa sana ang buhay namin pareho.
Ginulo niya ang aking mundo. He was the one who entered my world and created a turmoil. He didn’t just contest the will, he swept my inheritance away. Hindi ko iyon palalampasin.
Pumaibabaw akong muli sa kanya.
“P’wede na ba tayong humayo at magpakarami?” I wet my lower lip.
“No, ma’am. You can only kiss me if you’re already in love.”
My eyes widened.
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ibig sabihin ba noon, hindi man lang ako makakahalik sa kanya? E ‘di gagamitin ko pa rin iyong mga sex toys? Bakit pa kami naging magkatipan?
With him, I’ll mix business with pleasure, but not love.
Hindi p’wede.
Matatalo ako. For him, it was just play and game. Hangga’t hindi segurado ang mana, hindi ako p’wedeng maging alipin ng puso. Hindi ako p’wedeng magpadala sa himig ng damdamin.
I can’t take the risk of being in love… with the person I’m using… with the person doing the same thing to me.
Wala akong ideya kung bakit siya pumayag, pero nasisiguro kong mayroon siyang mas malaking plano. I may be cunning, but Daxiel Gustav Jr. shouldn’t be underestimated.
He’s a businessman. He can play his cards well.
“Alam mo, Daxiel, maghiwalay na lang tayo. Mamatay lang ako kung hindi ako makakahalik…” Inirapan ko siya.
Bastusan naman siyang humalakhak sa aking harap. Kinurot ko naman ang kanyang tagiliran, umalis ako sa kanyang ibabaw ngunit agad din niya akong hinigit pabalik. Our faces were inches away.
“May I kiss you, then?” He asked me gently.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Anong tingin mo sa akin hayok na hayok sa halik? Sige, patikim nga ako ng labi mo.” Ngumuso ako nang mahaba.
Muli siyang tumawa sa saad ko. “You’re so funny, Millaray.”
Mukha ba akong clown? Ang ganda ko kaya!
“Hindi pa ako nagto-toothbrush, Daxiel.” I informed him.
He smirked. “Me, too.”
Unti – unti niyang tinawid ang pagitan naming dalawa. I waited for him to claim my lips. As he did, my eyes instantly closed to savor the moment. Marahan ang bawat hagod at galaw ng kanyang labi. Sinundan ko naman iyon.
His lips were freaking soft. It was addicting to me. I wanted to bite its softness.
Biglang nawala ang sakit ng ulo ko pati kasukasuan. Mayroon yatang kasamang gayuma ang kanyang halik. We were both panting when we let go of each other’s lips.
“Isa pa?” I asked again.
Pinagbigyan niya naman ako ng isang ulit pa. Gusto ko pa ulit. “Dapat iki-kiss mo ako palagi… kapag hindi, break na tayo.”
Tinawanan niya lang ako pero seryoso ako sa banta kong iyon. Ihiniga niya ako sa kanyang tabi.
“So, magkasintahan na ba tayo?” paglilinaw ko. “Kung oo, maghubad ka nga. Pasilip naman ng abs, oh.” I wriggled my eyebrows.
Nanlaki ang aking mga mata nang hubarin niya ang suot niyang shirt sa harapan ko. Naks, p’wede ko nang palitan si Gustav the Third, naglalaway na rin ako sa daddy niya.
Itinapon pa niya ang shirt sa malapit sa akin. Amoy ko pa rin ang kanyang aroma. Gosh, ang bango!
“I’ll tell Maricel to cook some soup for you. I’m needed at work today.” He went on top of me and gave me another kiss on the lips. “I’ll see you later, gorgeous.”
“Okay, baby cakes.”
“Baby cakes? Can’t that be changed?” Sumimangot naman ako. “Whatever makes you happy, Millaray.”
“Baby cakes!” I rolled my eyes at him.
He just left, laughing.
Pinanood ko naman siya hanggang makaalis siya ng kuwarto. Hawak ko pa ang kanyang shirt na inamoy – amoy ko. Iyon ang isinuot kong pang-itaas. Now that he’s gone, I can freely think.
I must let go of Gustav’s inheritance. The decision wasn’t in favor of me. Oo, nakakalungkot, nakakahinakit, nakakagalit, pero gustuhin ko mang lumaban sa patas na paraan, mukhang hindi ako mapagbibigyan.
I needed to adapt with the situation fast. Nagsara man ang pinto, kusang nagbukas naman ang bintana. Daxiel’s window opened for me. Kailangan ko lang siyang utakan.
Mas madali na ngayong may relasyon na kaming dalawa. I have to make sure, it won’t backfire on me.
Siya ang kailangan kong paibigin… hindi ako ang dapat na mahulog… no matter how addicted I am to his lips, I couldn’t risk of catching feelings for him. His lips were my newest addiction.
There was no such thing as fair in this game. We were both playing our aces.
I am the mastermind of this game, I couldn’t lose on my expertise.
***
Nag-set up ako ng camera habang nagmi-make up ako, I was doing live on my few followers on instagram. Kumunot naman ang aking noo ng nag-pop up ang username ni Daxiel na isa sa mga viewers ko. Akala ko ba mayroon siyang trabaho?
Dalawa lang naman ang viewers ko, si Daxiel Gustav Jr. at iyong isa nama’y alt account ko. S’yempre, self-support.
It had been a week since we got together. Isang linggo na pero wala pa ring nangyayari sa aming dalawa, iyon pa naman ang inaabangan ko, charot. Hindi yata ako desirable sa paningin niya.
Dinala niya ako sa mamahaling restaurants, kumain kami, nanood ng sine, nag-shopping na magkasama… we did what normal couples do. Mas marami pa kaming nagawa sa isang linggo bilang magkasintahan kaysa sa tatlong taon namin ni Gustav.
I was a liar if I would say I didn’t enjoy any of it. Because I did.
Iyon pala ang pakiramdam na may boyfriend.
“Hi, baby cakes!” bati ko sa live.
Mas pang-asar ko iyon kaysa endearment.
Wala naman siyang komento, mukhang nag-join lang siya pero hindi naman talaga nakikinig at nanonood.
Tinapos ko ang make up session, pagkatapos naman noon ay kinuha ko ang box ng parcel na dumating pa noong nakaraan.
“I’m done with my make up. For today’s live, we’ll do unboxing of my sex toys I ordered online.” Binuksan ko naman ang box. Inihiwalay ko ang sex toys na para kay Daxiel.
“First, we have… dildos! We have three different dildos with different sizes and shapes. Iyong isa may pakurba para sa g-spot ‘yan.” I smiled. Sunod – sunod naman ang na-receive kong notification.
When I read the notifs, humagalpak naman ako ng tawa. It came from my boyfriend. Sumakit ang aking tiyan sa pagtawa. He was clearly horrified that I was sharing it to my followers. Hindi niya alam siya lang naman ang authentic na follower ko.
I didn’t know he was really watching my live. I ended the live for the sake of his peace. Quota na rin ang pang-iinis ko sa kanya ngayong araw.
Hindi mawawala ang vibrator, mayroon ding orgasm balls at anul plugs sa mga binili ko. Sayang nga lang, hindi ko iyon naipakita ng live. Nag-aasta lang naman akong vlogger, wala naman talagang nanonood maliban kay Daxiel Gustav Jr.
I kept them in the box. Iyong hindi mangangatngat ni Gustav the Third.
Nang tumayo ako, sakto naman ang pagbukas ng pinto. I was shocked to see Daxiel.
“You’re early?” I asked in a teasing manner.
“You’re being naughty, Millaray.”
“What? I was just sharing those to my followers. You happened to be my follower.” Tinawid ko ang pagitan naming dalawa, pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang batok. Hinawakan niya ang aking baywang. “Punish me, then.”
Our lips almost touched when we heard a blood-curdling scream.
“Ay, porno!” Naghiwalay agad kami ni Daxiel, hindi pa namin nasasabi ang totoo naming ugnayan kay Maricel… at sa ibang kasama namin sa bahay. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na humalakhak.


Leave a comment