Kabanata 18
We enjoyed the remaining days in Paris. Hindi na kami naghiwalay ni Daxiel ng mga sumunod na araw.
Takot din naman siyang mawala ako.
Konti na lang… baka maniwala na ako sa pinapakita niyang pagpapahalaga sa akin.
Hangga’t walang datung, kailangan kong protektahan ang puso kong marupok-pok. Napakadali sana noong gawin kung hindi guwapo ang nakakasalamuha ko sa bawat araw.
Bakit ba naman ang pogi ni Daxiel Gustav Jr.?
Matalino, mayaman, mabango pa at nanghe-headlock sa kama. Siya talaga ang kumakatawan sa tagline ng SM Supermarket — he got it all.
Hindi naman natuloy ang buhay pang-telenobela kong naisip sa mga sandaling naliligaw ako sa siyudad.
Nakabalik kami sa bansa bitbit ang mga abubot ng binili ko sa Paris. I was excited to see our furbaby which I haven’t seen in days personally. Sinundo lang kami ng driver at inihatid pauwi ng mansyon.
S’yempre, na-miss ko rin ang bunganga ni Maricel na sumalubong sa amin sa main door. Agad nila akong niyakap. Parang isang taon kaming hindi nagkita – kita. Maricel made sure to cook all my favorites.
Agad ko namang binitiwan ang mga hawak ko upang kargahin ang aming anak ni Daxiel.
Gosh, I missed our furbaby so much.
“Did you behave, baby?” pagkausap sa kanya ni Daxiel na parang sasagot ang anak namin. Gustav the Third just gave me his sweet kisses.
We played for a bit before going to the dining table to have our early dinner. Na-miss ko ang mga pagkaing luto ni Maricel. I was full. I was so thankful for the dinner they prepared for us.
Ilang minuto pa ang naging kuwentuhan namin, inabot ko na rin ang mga pasalubong namin bago ako tumungo sa kuwarto upang magpahinga.
Daxiel already took a shower.
Nakasabit pa ang tuwalya sa kanyang leeg, wala siyang pang-itaas na saplot. Nakatutok ang kanyang mata sa binabasang libro. Nasa lap niya si Gustav the Third, nakikibasa rin ng libro.
Ngumisi siya nang mag-angat ng tingin sa gawi ko.
“Hm, let’s sleep na?”
Tumango ako. “Mag-shower lang ako, baby cakes. Nanlalagkit na ang pakiramdam ko.”
I went to our bathroom to take a shower. Ramdam ko ang ang pagod sa mahabang biyahe, nasulit ko naman ang travel sa ibang bansa. I just wore a night gown and did my skincare routine. Pinulupot ko sa tuwalya ang aking buhok.
Kinuha ko ang blower at suklay, naupo ako sa kama.
“What are you reading?” tanong ko sa kanya.
Itinaas niya ang book na hawak upang mabasa ko ang title nito. It was one of the books we bought for our furbaby. Kapag may pagkakataon, binabasahan niya ng librong pambata ang anak namin.
Daxiel was treating him like a real child. Our furbaby was enjoying the illustrations on the book.
“Do you need help?”
“I’m tired, Daxiel… if you’d like to do my hair, I would really appreciate it.” Ngumuso ako.
“Okay. I’ll just put Gustav the Third to bed,” sinabi niya at binuhat ang anak namin patungo sa kanyang space.
Tinanggal ko ang tuwalya sa aking ulo, ibinigay ko ang blow dryer nang bumalik siya sa aking puwesto. Sinunod naman niya ang instruction ko. He did it with such finesse. Siya na rin ang nagsuklay ng aking buhok.
Nang matapos siya sa ginagawa, umangkla ako sa kanyang leeg. Binigyan ko ng halik ang kanyang labi, masuyo at malambing.
“Thank you, baby cakes. Let’s take a rest now. Alam kong pagod ka rin kagaya ko sa biyahe.” Pinahiga naman niya ako sa kama at kinumutan bago siya tumungo sa side niya sa aming higaan.
Kinabig niya ako papalapit sa kanya. Nagsumiksik ako sa kanyang dibdib. Gosh, ang bango.
Agad akong dinalaw ng antok. It was easier to sleep being in his arms. Hindi naman siya malambot na parang unan, pero pinapatulog niya ako ng mahimbing.
It was such a heavenly feeling to be held by a man named Daxiel Gustav Jr.
***
The sun was strikingly hot, it was the best time to use the pool. I changed into my red swimsuit and submerged myself into the water as I enjoyed my fresh pineapple juice.
Nasa malilom na parte naman si Gustav the Third. He was playing with his toys as I swam on the pool.
Nag-take ako ng selfies para i-send iyon kay Daxiel Gustav Jr., some of those selfies were explicit. Malakas ang loob ko dahil wala siya sa mansyon, pumasok siya sa kompanya. Humagikhik ako at hindi pinansin ang chats niya sa akin.
I was scrolling through my feed on instagram. Daxiel kept posting my pictures on his account. He doesn’t even have pictures of himself. It was my face plastered all over his page.
Grabe, parang fan account ko yata iyon kaysa account niya. Marami din siyang likers.
Nakakainis lang na hindi siya marunong pumili ng larawan, palagi akong nakangisi o tawang – tawa. Buti na lang, maganda pa rin ako kahit anong anggulo.
From: Lover boy ♡
Date later?
Nakangisi naman akong nagtipa ng aking sagot.
To: Lover boy ♡
How about fuck later?
I couldn’t contain the smirk on my face.
From: Lover boy ♡
Naughty, baby. You’re already complaining you’re sore.
Mas lalong lumaki ang aking ngisi na nauwi sa pagtawa sa sunod niyang reply. Kasiyahan ko talagang asarin niya.
To: Lover boy ♡
Send some selfies, baby cakes. Please 😉
Ilang minuto akong walang nakuhang reply sa kanya.
I thought he would already ignore my request, but he sent a picture of him. It wasn’t a selfie. Someone took his picture, mukhang nagpakuha siya ng litrato sa kanyang sekretarya.
Ang seryoso ng ekspresyon ng kanyang mukha sa si-nend niyang picture, halatang napilitan lang siya. But he still did what I requested.
Tinawag ko naman si Maricel upang magpa-picture sa kanya, ginaya ko ang pose at facial expression ni Daxiel bago ko iyon si-nend sa kanya. He just sent me a sad face emoji.
To: Lover boy ♡
Binibiro lang. Ang pogi mo naman po, baby cakes. Oki, let’s have a date later hehe
Ibinaba ko muna ang phone ko, muli akong nagbabad sa tubig at naglangoy. Thankfully, I didn’t drown while swimming on my own. Sabagay, may tendency lang naman akong maging clumsy sa presensya ni Daxiel Gustav Jr.
After swimming, I prepared for our date.
I picked the outfit I’m going to wear later. Humarap ako sa vanity mirror at nagsimulang mag-ayos ng aking buhok. Inuna ko ang hairstyle na gusto kong ma-achieve para mamaya.
Mabilis lang ang oras kaya sinimulan ko na rin ang aking make up.
Ilang taon din naman akong naghirap at kumayod ng husto. This is the life that I wanted and dreamed of… iyong wala akong ginagawa pero kumakain ako ng sapat at tama. That was the ultimate goal.
But I still had to secure my future…
By making Daxiel Gustav Jr. fall head over heels with me.
I didn’t secure the bag by marrying his father because he came back to get what was supposed to be mine. I call it a blessing in disguise. Hindi naibigay sa akin ang naturang mana… dahil may nakalaang mas malaki…
Hindi lang pera ang malaki, may pasobra pa… parang Rebisco.
The game is still on.
Kailangan ko pang magdoble kayod para tuluyan siyang mahulog sa akin. Hindi sapat na magkasintahan lang kaming dalawa at nagtotot… kailangang mahalin niya ako. Sa ganda kong ito, hindi na siya lugi.
Inihatid ako ni Manong Abner kasama ang furbaby namin sa kanyang kompanya. Whenever I was outside the company, my eyes still couldn’t believe what I see. It reminded me how much money Daxiel has in his pocket.
Madalas ang pagdalaw namin ni Gustav the Third sa kanyang ama, kaya hindi na kami bago sa lugar. Wala nang sumisita sa aming pagdating. Kumaway ako kay Mrs. Esguerra, ang buntis na sekretarya ni Daxiel.
“Ma’am Olga… mayroon pong bisita si Sir Daxiel,” saad pa ng babae.
“Oh, does he have an important meeting?”
She nodded.
Naupo naman ako sa couch ng waiting area at naghintay kung kailan p’wedeng pumasok sa kanyang opisina. Inaliw ko muna ang aking sarili sa pakikipaglaro kay Gustav the Third.
When the office door opened, my eyes looked at the direction of the door. A woman stepped out of his office and she was familiar. Bagong taon na, sagabal pa rin ang babae sa mga plano ko.
It was Raciela Tan.
Anak ng isang business… something ni Daxiel. I’ve met the woman several times. Mukhang wala pa rin siyang balak tigilan ang lalaki.
Kumaway siya sa akin at kumindat. I didn’t give any reaction. Ayokong bigyan siya ng satisfaction. I just smiled sweetly. Dinala ko si Gustav the Third papasok ng opisina ni Daxiel.
“Ang sweet naman, bumisita pa iyong kabit mo… is it my turn?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Hey, baby…” He grinned. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. “Jealous?”
Ilang minuto akong tumitig sa kanya bago nagsalita.
“Don’t call me baby unless you mean it. Don’t tell me you need me if you don’t believe it. So let me know the truth before I dive right into you.” I recited the lyrics of Ed Sheeran’s song dramatically.
“Millaray…” He called me by my name. “She was here for business. Nothing less. Nothing more.”
So, he doesn’t really mean it? He doesn’t really mean calling me his baby.
“Whatever, Daxiel! I-date mo sarili mo mag-isa. Goodbye!”
Nagmamadali akong lumabas ng kanyang opisina at tumungo sa elevator. Nang bumukas iyon, agad ko ring isinara para hindi niya ako mahabol.
The thing about jealousy… it’s sometimes irrational. That woman had always been vocal about her feelings to Daxiel, and seeing her leaving in his office alone gave me a reason to feel jealous.
I wish it was just a stellar acting performance… but it felt more real on my part.
Hindi naman ako masyadong affected sa babae kaya lang tinawag niya ako sa pangalan… hindi sa endearment niyang gamit sa akin matapos kong banggitin ang liriko ng kanta. He didn’t really mean it calling me that.
The elevator door opened.
Umalis na si Manong Abner kanina pa, sabay dapat kami ni Daxiel sa sasakyan dahil mayroon pa kaming pupuntahan.
Now I was on my own with our furbaby.
Tiningnan ko muna ang laman ng aking dalang wallet.
Bukod sa black card, he got me another one I can use, may ilang salapi naman iyong laman na p’wedeng pamasahe sa jeep.
Tinging – tingin sa akin ang mga tao na parang galing akong ibang dimensyon sa aking kasuotan.
Medyo malayo ang nilakad ko papasok ng subdivision. Wala pa rin doon si Daxiel nang dumating ako. Mas lalo naman akong nainis.
Maricel looked at me from head to toe.
“Ma’am, saan ka galing? Tumawag si Sir Daxiel dito, tinatanong kung nakarating na kayo…”
“‘Wag mong sabihing dumating na ako, bahala na siya sa buhay niya.” Umirap ako sa ere.
Tumango – tango siyang parang naiintindihan ang aking mga hinaing sa buhay.
“Kaya pala, nag-away kayo,” saad pa niya. “Paano kayo nakauwi, Ma’am Olga? And’yan na ang driver.”
Ngumuso lang ako.
Ikinuwento ko sa kanya ang pinagdaanan namin ng aking anak pati ang pinagmulan ng away namin ni Daxiel… hindi naman yata away iyon kung ako lang naman ang galit.
She shook her head. “Ganoon talaga, ma’am. Pogi ang nobyo mo, marami talagang babaeng maghahabol. Kaya nga, sa mukhang tao lang ako nagmahal dahil hindi ko rin kaya ang selos…”
“Grabe ka naman sa asawa mo, Maricel.” Natawa ako sa kanyang deskripsyon.
“Mukhang tao pa nga ho ang sinabi ko… hindi panget. Mabait naman, saka bagay lang kami sa isa’t isa. Ayos na iyon, mahal ko naman siya saka mayroon na kaming mga anak,” sinabi pa niya.
I just shook my head and laughed. Nabawasan ang inis at pagod ko kanina.
Tumikhim ako at sumeryoso. “Sa tingin mo ba seryoso sa akin si Daxiel?” tanong ko sa kanya.
“Alam mo, Ma’am Olga, hindi ako ang makakasagot ng tanong mong ‘yan. Si Sir Daxiel lang… dahil siya lang ang tunay na nakakaalam ng tunay niyang damdamin,” sagot niya.
“Pero sa tingin ko nama’y oo, noong una pa lang niyang salta rin, grabe kung manitig sa’yo kapag hindi ka nakatingin. Tapos ngingiti rin kapag tumatawa ka. Sabi ko nga kay Jemaima, ikaw yata ang pakay, hindi ang mana,” dugtong ni Maricel. “Kaya hindi na ako nagtaka ng sabihin mong may relasyon na kayong dalawa.”
Namula naman ang aking pisngi sa narinig. I was unaware of that. Wala akong ideya na may ganoong tagpo dati.
Hindi ko alam kong magagamot noon ang irasyunal kong pakiramdam. My heart was beating so fast.
“Millaray…”
Nagpaalam ako kay Maricel na aakyat sa kuwarto, baka sa baba pa kami abutan ng pagtatalo. Mabilis naman akong umakyat paitaas. I was supposed to lock the door, but Daxiel already stopped me.
“Ano ba?!” Inirapan ko siya.
Hinigit niya ako paupo ng kama. Inilabas niya ang phone at may pinakitang video sa akin.
“Sorry, I didn’t catch you earlier. I… I secured the footage to show you. Nothing happened. It was purely business, not a monkey business…” Hinalikan niya ang aking braso.
I watched the whole video tape. Well, that Raciela made advances which wasn’t entertained. Kaya pala hindi niya ako hinabol, nag-secure muna ng ebidensya. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa.
“Are you still jealous?”
“Eh, bakit kanina hindi mo ako tinawag na baby? Hindi ka ba seryoso sa akin, Daxiel?” I pouted.
“I’m sorry, you’re my baby. Gustong – gusto kong tinatawag kang baby kapag naglalambing ako… Millaray is also an endearment. I want to be the only one calling you that… Millaray is for serious talk as well. And I was explaining something serious earlier. I’m sorry, baby, I don’t mean to upset you.” He caressed my cheek. “What do you want me to do to be forgiven?”
“I-ban mo ‘yong Raciela Tan… nagseselos ako.” Mas lalong humaba ang aking nguso. “Ayoko ng kaagaw… ayoko ng karibal… ayoko…”
“Sure thing, baby. I’ll try to give whatever you want and demand.”Is that the new way of confessing to someone?


Leave a comment