Kabanata 20

“Teka lang naman, hingal na hingal ‘yong tao, oh!”

Halos mabuwal na ako sa aking tayo, ilang beses akong huminga nang malalim at uminom ng tubig. Ayos lang sana kung sa kama ako hinihingal, kaya lang hindi. Pagod na pagod akong sumama sa pag-jogging ni Daxiel.

“P’wede namang maglakad…” Ngumuso ako.

“Baby, we’re jogging, not walking.”

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang aking mukha na basa ng pawis. Bahagya siyang lumuhod para masahehin ang aking binti.

Every time we’re jogging in the morning, pahaba nang pahaba ang pinatutunguhan namin at kung saan – saan na kami umaabot. It was our bonding in the morning, we go for jogging, swimming or dancing.

S’yempre, hindi mawawala ang aming anak na game na game basta takbuhan ang usapan.

“Dapat binubuhat mo na ako. Hindi na kaya ng aking mga paa.”

“Okay. Sakay ka sa likod ko,” walang pag-aalinlangan niyang saad.

Nanlaki naman ang aking mata.

I shook my head and refused his offer. Mamaya na lang ako magpapabuhat sa kanya sa pagbalik namin sa mansyon.

Hinila ko naman siya nang may namataan akong convenience store. Pagkatapos naming tumakbo dumeretso kami sa store, napailing naman si Daxiel sa desisyon ko. I just chuckled.

I just wanted an ice cream. Isang tub ng ice cream naman ang binili niya at naupo kami sa isang table na hindi occupied. May dala kaming treats para kay Gustav the Third.

Some people in the convenience store were looking at my boyfriend like he was a model out of a magazine. I was proud he was mine. Totoo naman, sobrang pogi… mabango pa at…

“What if our furbaby poop in this convenience store?”

Napaangat naman ako ng tingin habang tinatanggal ko ang takip ng tub ng ice cream.

Natawa ako ng bahagya sa tanong niyang iyon. Nagpabalik – balik ang tingin ko sa kanya at sa anak naming hawak niya.

“Siguro panahon na para piliin ko ang aking sarili at maging single dad ka…” I answered him, giggling.

“You’re just going to leave us when times are tough?” Kumunot ang kanyang noo at pinagtaasan niya ako ng kilay.

Kumuha ako ng scoop ng ice cream at iniumang ko iyon sa kanya. Nakasimangot pa rin siya sa akin. Nagtanong siya at sinagot ko naman nang matapat, anong nakakapagtampo?

“Basta ikaw ang magdadampot at maglilinis, tatakbuhan ko kayong dalawa…” I chuckled.

He wasn’t liking my answer.

Seneryoso niya yatang masyado ang sagot ko. It was a joke, but half meant. Sinubuan ko siya ng ice cream, tinanggap naman niya ang bawat subo ko pero hindi kami halos nag-usap sa buong durasyon.

Imbes na magpakarga ako sa kanya pabalik ng mansyon, lumakad ako ng wala sa oras.

Nakasunod lang ako sa mag-ama. Bawat araw na gumigising ako’y patuloy kong nakikilala nang lubos si Daxiel Gustav Jr. Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa side niyang ganito.

It was cute and I wanted to laugh, but I didn’t want to offend him more.

Pangiti – ngiti lang ako sa tuwing lumilingon siya sa gawi ko. Ni hindi niya pinapahawak sa akin ang anak namin.

Gosh, we’re already in our thirties.

Sa lahat ng p’wede naming pag-awayan, iyong pabiro ko pang sagot sa convenience store. What was the safe answer for that?

“Ma’am Olga, bakit po nakasimangot si Sir Daxiel? Inaway mo po ba?” Iyon agad ang bungad sa akin ni Maricel.

Hindi muna ako sumunod kay Daxiel patungong kuwarto, nakipagkuwentuhan muna ako kay Maricel.

I told her about what happened in the convenience store. Tinanong ko siya sa magiging desisyon niya kung sakaling siya ang nasa posisyon ko. Hindi talaga naglalayo ang utak naming dalawa.

She had the same answer with me. Daxiel just took my answer too seriously.

Magiging single dad siya kapag sa ganoong kahihiyan, pero sa hirap at ginhawa naman, sasamahan ko siya. After the chitchat, I went upstairs to see my boyfriend. Kailangan ko nang suyuin ang mag-ama ko.

“Hey,” Napakamot ako sa ulo. “Sorry na…”

Yumakap ako sa kanyang likuran. Napansin kong nakaligo na siya at nakabihis na.

Humarap siya sa akin.

“I’m going to play golf with business partners,” paalam niya. “I’ll take Gustav the Third with me.”

“Hindi mo ako isasama?” pabiro kong tanong.

Hindi siya umimik.

“Okay. Enjoy kayo ni Gustav the Third.” I smiled at him.

“Do you want to go with us?”

“Do you want me to go with you?” I shook my head. “Hindi na, I’m sure you’ll enjoy it with our furbaby.”

Nilampasan ko siya at tumungo ako sa banyo upang maligo at magpalit ng aking kasuotan. Maybe, I would just help with Maricel in cooking. Para naman makabawi ako sa dalawa.

Nang lumabas ako ng banyo, nadatnan ko pa si Daxiel at ang anak namin. They were waiting for me. Pinagtaasan ko ito ng kilay.

Akala ko ba may pupuntahan pa sila? Bakit hindi pa umaalis ang mga ito?

“Why are you still here?”

“We’re not going without proper goodbye. Aren’t we fixing our maliit na tampuhan like real adults?” He asked me.

Humalukipkip siya.

“Ikaw naman iyong ayaw makipagbati sa akin…” I pouted.

Hinigit naman niya ako paupo ng kanyang lap.

“I’m sorry for acting immature earlier,” seryoso niyang wika.

“I found it cute. Ang cute mo palang magtampo, babycakes.” Ngumisi ako. “I’m sorry, too. I was just messing with you. Pramis, sasamahan kita sa hirap at ginhawa pero hindi sa pagdadakot ng tae ng anak natin. Bakit mo kasi naisipang itanong iyon?”

Humalakhak siya sa sinabi ko. Hinalikan niya ang aking balikat.

“Hm, don’t you really want to go with us?” tanong niyang muli.

Umiling ako. “Enjoy the day with our furbaby. How about dinner? Ipagluluto ko kayo. Iyon talaga ang balak ko para suyuin ka.”

“Thank you, Millaray. Dinner would be appreciated greatly.”

Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan sa labi. Lulong na naman ako sa bawat pagdampi ng labi niya sa akin, tumigil na ako bago pa tuluyang hindi sila makaalis para sa golf session niya kasama ang mahahalagang tao sa business.

“Baka andoon ‘yong babaeng may gusto sa’yo…” Inirapan ko siya. “Kurutin ko ‘yang etits mo.”

“Andito naman sa mansyon iyong babaeng gusto ko…”

Halos nabulunan ako sa kanyang sinabi. My cheeks flushed. Kinagat ko na lang ang kanyang labi upang itago ang kilig kong naramdaman…

Tinanong naman niya ako ng gusto kong pasalubong. I shook my head.

“Ikaw… I’ll make you my dessert after our dinner.” Kinindatan ko siya.

Tumawa siya at umiling.

Hinatid ko naman sila sa main door at kumaway ako nang makasakay sila ng sasakyan. I stayed there until the car drove away. Pakanta – kanta naman akong tumungo sa kusina, napansin ni Maricel ang maganda kong mood.

I was always updated with everything he did.

Nagbabad sila sa initan, ganoon pala ang trip ng mayayaman. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi ako sumama, mainit. Minsan din matataray ang mga asawang kasama sa golf session.

The dinner was special and the dessert was served early until dawn.

Hindi man lang napagod ang isang Daxiel Gustav Jr.

***

Nagising akong wala pa ring saplot sa ilalam ng kumot na pinagsaluhan naming dalawa ni Daxiel. He was nowhere to be found in the side of the bed. May nakapa naman akong card.

I’m sorry I have to leave early. Please, eat your breakfast once you wake up.

-D.

D for deck? Nasulat ng deck niya. I giggled.

Alas diyes na nang umaga. He usually doesn’t wake me up after a mind-blowing sex in the morning, or else, I would be grumpy as hell.

Bumangon naman ako para mag-ayos ng sarili. I can walk in the room fully naked. Kahit and’yan pa si Daxiel Gustav Jr., naglalakad pa rin akong nakahubad, bahala siyang tayuan…

I took a picture of my birthsuit and sent it to my boyfriend as my good morning message.

Iniwan ko ang phone sa kama nang tumunog ang sunod – sunod na notifications.

I went to the bathroom to do my morning routine. I took my time to clean myself in the shower and did my skincare routine.

Lumabas akong suot ang roba. I was still choosing my outfit for the day.

Sakto namang tumunog ang doorbell ng kuwarto at nagsalita si Maricel. She was asking me if I was already awake. Binuksan ko naman ang pinto ng kuwarto, bumungad sa akin ang malaking bouquet ng bulaklak na hawak niya.

Mabigat iyon at mas malaki sa mukha ni Maricel.

“Kararating lang po, Ma’am Olga,” saad niya. “Ipag-iinit ko na ho ba kayo ng pagkain? Ibinilin ni Sir Daxiel na pakainin daw kayo nang marami.”

Tumango naman ako bilang sagot.

“Salamat, Maricel.”

Tinanggap ko ang bouquet ng flowers. Nakisuyo na rin siyang picture-an ako para mai-send ko iyon kay Daxiel mamaya. Ilang poses ang ginawa ko sa bulaklak, pinatingnan pa niya iyon sa akin.

“Ay, hubad!”

Natawa naman ako. Agad niyang ibinigay sa akin ang phone ko.

“Pasensya ka na, Maricel. Alam mo namang malandi ako.” I chuckled.

“Matagal ko nang alam, ma’am.”

Mas lalong lumakas ang paghalakhak ko. Isinara ko ang pinto at muli akong bumalik sa loob upang pagmasdan ang mga bulaklak. Madalas naman akong makatanggap noon kay Daxiel Gustav Jr.

Sometimes, it’s branded chocolates… or branded bags…

Whenever I ask him about those things, I would only hear just because.

Iyon ang pinagkaabalahan ko… inilalagay ko sa vases sa buong bahay ang mga bulaklak na natatanggap ko. Binibigyan ko rin sina Maricel at Jemaima. I dried some of the flowers.

The others, I made it as a herbarium collection.

Nakita ko lang iyon sa internet. Kasama rin ang drying sa proseso noon, tapos ilalagay ko sa resin para mas ma-preserve ko nang maayos iyong iba’t ibang bulaklak na bigay ng boyfriend ko.

Unang beses kong makatanggap ng mga ganoon.

Maganda man ako pero hindi ako gaanong ligawin, given the line of work I had… Marumi ang tingin sa akin ng mga lalaking may mabahong… charot.

I was labeled as a slut, as a whore for dancing as my source of income. It was just funny to me how men didn’t find me as wife material enough because I was a slut… but then again, they would ruin a family just for a taste of a whore.

My pictures were already sent.

Sinamahan ko pa iyon ng selfies ko na nagpapakita kung gaano ako kasaya sa natanggap kong regalo mula sa kanya.

From: Nagpapatibok ng kiffy ❤

Glad you liked it. You’re so beautiful. Eat your breakfast, ma’am.

Mukhang papalitan ko na naman ang contact name niya sa akin. Lover boy noong nakaraan, gumana na naman ang aking katarantaduhan.

Wala na namang pagsidlan ang ngiti ko sa labi.

Mabilis akong naghanap nang isusuot ko ngayong araw. I did a light makeup. Sometimes, I do full glam, it’s just depending on my mood.

Kahit mabigat ang bouquet ng bulaklak, dinala ko ito paibaba hanggang sa pagkain ko ng agahan. Ipinaghain na ako ni Maricel sa mesa. Madalas nama’y ako na lang ang gumagawa noon.

I had an ube champorado, fresh fruits, and some bread for breakfast.

Kapag may mga gusto akong kainin sa umaga, agad ko iyong inire-request kay Maricel. I was craving the champorado last week, but I forgot about it. Kahapon ko lang iyon naalala.

Daxiel also ate what I wanted for breakfast.

May mga pagkakataong hindi lang kami sabay kumain dahil maaga siyang kailangan sa trabaho, at tulog pa ako ng oras na iyon. Madalas naman ay sabay kami kapag nagigising ako sa tamang oras.

Usually, I wake up late after a good sex.

Nang matapos ako sa agahan, dinala ko ang aking pinagkainan upang hugasan sa sink.

“Ma’am Olga,” tawag sa akin ni Jemaima.

Nagpunas naman ako ng kamay pagkatapos kong maghugas ng mga plato.

She looked scared. Kumunot ang aking noo. Mayroon ba siyang nagawang mali?

“Mayroon bang problema?” I asked her.

“May bisita po sa sala.” Humawak siya sa laylayan ng suot na uniporme.

We don’t require them to wear uniforms, but they are the ones who insisted. Mas mahirap daw na maghanap nang susuotin sa bawat araw, mas mabuti na iyong may uniporme sila.

“Bakit parang takot na takot ka? Multo ba ‘yong bisita?” I joked to lighten up her mood.

She shook her head.

“Hindi po multo… pero baka bruha.” Napakamot siya sa ulo. “Dumating po ang ina ni Sir Daxiel.”

Oh. Is she a visitor or… buwesitor?

Ngumiti ako kay Jemaima.

“It’s fine. I’ll handle it. Maghanda kayo nang makakain ni Maricel,” sinabi ko sa kanya.

She responded with a nod.

Tumungo ako sa sala upang estimahin ang bisitang bagong dating. Nakayuko si Maricel habang kinakausap ito.

“Hi!” I greeted. “How may I help you?”

Lumingon sa akin ang babae, sopistikada ito at maganda ang postura. She’s also dressed extravagantly. May taste si Gustav pagdating sa asawa, maganda ang taste niya.

“I’m guessing you’re the gold-digger my ex-husband married after me…” May panghuhusgang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. The disgust on her face was evident.

I just knew, hindi kami magiging magkasundo ng babae.

“You can call me Olga Millaray for short, no need for such description.” Ngumiti ako. “And you were the attempted gold-digger, but miserably failed. It’s nice to meet you, the first wife, right?”

Her eyes shot me daggers.

“You had been separated for long before he married me, don’t hold such grudge and besides, there’s more to unravel.” I smirked mysteriously. Baka atakehin siya sa puso kapag nalaman niya ang relasyon ko sa anak niya. She needs to calm down first.

TOC

Leave a comment