Kabanata 21

“Nahihibang ka na ba, Daxiel? Pinatulan mo ang babaeng iyon? That gold-digger married your father, now she’s seducing you for more money! I can’t believe you’re not using your brain!” Daniella yelled.

Rinig na rinig ko siya mula sa itaas ng hagdan. I was about to check Maricel in the kitchen when I heard the commotion.

“Stop it, mom. What are you even doing here? I’ll take you to your hotel.”

“Why would I stop? Let her hear what I’m saying! Baka may natitira pa siyang hiya sa katawan! And I’m staying here to stop your stupidity!” She insisted.

“You invested in your education, yet you’re falling for that gold-digging woman’s trap? God, Daxiel!”

Oh, no, Daniella.

Matagal na akong walang hiya. It only stops me from achieving what I truly deserve.

I’m unapologetically malandi. Walang sabit si Daxiel. Wala akong sabit dahil patay na ang asawa ko nang makilala ko siya.

Hindi ko naman kasalanang um-epal siya sa manang para sa akin, siya tuloy ang naging target ko.

Hindi niya rin kailangang magmalinis, pareho lang naman kaming gold-digger dahil pinakasalan niya rin si Gustav kung gagamitin ang logic niya. Nagngingitngit lang siya dahil hindi siya nagtagumpay.

As I said, she was an attempted gold-digger.

I wouldn’t show her my claws if she had an ounce of respect the first time we met. When it comes to disrespect, I’m not playing around. Same goes with money, with those two I’m not playing around.

“You guys, you’re ruining my beauty sleep…” I was smiling as I aced the stairs.

Parang modelo akong bumaba ng hagdan. Pareho silang napatingin sa gawi ko. May galit sa mga mata ni Daniella na gumawi sa akin.

“I’m staying here with my son,” giit niya na may halong inis.

“Okay, sure. I’m hospitable with visitors, unlike you. You will be treated like a queen here.” Ngumiti ako. “You can ask our kasambahay for food and anything you want. But I wouldn’t allow mistreatment.”

Bumabalik ang inis ko kay Daxiel… maluwag ko siyang tinanggap sa mansyon. Sa huli, siya pa rin ang nanalo at pinaburan ng korte tungkol sa mana, dumagdag pa ang kanyang ina.

Of course, magaling naman akong makipag-plastikan. At magaling din ako sa sabunutan.

“Look, kung umasta siya parang pag-aari niya ang mansyong ito! Do you see that, Daxiel?” Daniella huffed.

“Sino bang dapat umastang pag-aari ang mansyong ito? Ikaw? Hindi ka naman iyong asawa.” Bumaling ako kay Daxiel. His face looked serious. “Daxiel, baby, pakiligpit naman ng nanay mo, or else, I’ll put her in place myself.”

Hindi ko na hinintay ang sagot mula sa kanila, muli akong lumakad na parang modelo patungo sa kusina.

“Millaray, let’s talk…” Daxiel followed me.

“Daxiel!” His mother yelled.

Hinila niya ako patungo palabas kung saan maaari kaming makapag-usap nang maayos. Narating naming dalawa ang garden.

“Hey…” Iniangat niya ang aking mukha para magtagpo ang aming mata. “I’m sorry I didn’t know my mother was going to visit here. I’m sorry for putting you in that situation. She didn’t tell me she was going to be here.”

Huminga siya nang malalim. His eyes were full of sincerity.

Napepeke ba ang sinseridad sa mga mata? Kung ganoon, ang galing ni Daxiel. Mahuhulog na ako sa kanyang patibong.

“It’s okay. Wala namang batas na nagbabawal sa kanyang pumunta rito…” Pinisil ko ang kanyang pisngi. “Kilala mo naman ako, Daxiel. Hindi ako umaatras sa laban, lalo na kung tarayan.”

He smirked. “I know. I know you won’t back down against my mother.”

“Ayos lang ba sa’yo na tarayan ko siya? Nanay mo iyon.” Ngumuso ako.

“You don’t have to please her and be a doormat for her. Give her the same energy she’s giving to you.” He wriggled his eyebrows.

Ngumisi naman ako.

Hindi ko kailangan ng pahintulot mula sa kanya pero mas mabuti na iyong mayroong basbas. Hindi ko minsan maintindihan sa tao kung bakit palaging nauuna ang disrespect na ibigay kaysa sa respeto.

Simula pa lang hindi na kami magiging magkasundo ng kanyang ina.

She would never like me for her son. Hindi naman siya ang pakikisamahan ko kaya hindi ko siya kailangang pakisamahan nang maayos kung hindi naman niya kaya iyong gawin sa akin.

“Mama’s boy ka ba?” Tumaas ang kilay ko.

“I’m a loving son, Millaray, but not a mama’s boy. I can decide for myself. I don’t let anyone control my life or my decisions, even my mother. I’m not a teenage boy anymore, I know what’s best for me,” seryoso niyang wika.

“I’m the best for you, Daxiel…” I winked at him.

He chuckled and enveloped me into a hug.

Bahagya namang napanatag ang loob ko. The following days would be rough for us knowing his mother was just around. Alam kong gagawin niya ang lahat upang paghiwalayin kaming dalawa.

Hindi naman ako papayag… sayang ang ginto kung hindi magiging akin.

Matapos naming mag-usap, bumalik siya sa loob para piliting ihatid ang kanyang ina sa isang hotel. Wala namang problema sa akin kung gusto niya ring manirahan sa mansyon, kung tutuusin wala naman akong karapatang paalisin siya.

I heard screams and yelling, mostly from his mother. Wala akong narinig mula kay Daxiel, hinayaan niya lang na sigawan siya ng kanyang ina.

I was wondering why he was closer to her than his late father…

Well, he told me about his issues with Gustav, but Daniella was no different than him. Matapobre pa ang babae.

I suddenly felt bad about the life Daxiel had with parents like them. Sabagay, hindi rin naman ako nabiyayaan ng maayos na magulang. I also grew up with a dysfunctional family.

We have more common than we thought.

Nadatnan ko sina Maricel at Jemaima sa kusina. Mukhang pagod na pagod sila sa kaliwa’t kanang utos ng bisita.

“Pasensya na kayo, ha. Napasabak kayo sa masungit na future biyenan ko… na ex-wife din nang yumao kong asawa.” I was laughing and made my presence known to them.

Sunod – sunod kong narinig ang kanilang buntong – hininga.

“Kami po ang napagdiskitahan niya simula noong tumungo kayo sa inyong kuwarto, mabuti na lang dumating si Sir Daxiel. Kung umasta siya, parang siya ang may-ari nitong mansyon.” Sumimangot si Jemaima. “Hindi ka na po namin tinawag… baka mas ma-stress ka lang po, Ma’am Olga.”

Napangiti naman ako.

They are so loyal to me.

“Thank you for doing your best…” Niyakap ko ang dalawa. “Let’s order some food and some cold beverages. Anong gusto n’yo?”

“Milk tea na lang po, ma’am. Marami pang pagkaing ipinaluto iyong isa tapos hindi man lang tinikman. Iyon na lang po ang kainin natin, sayang naman.”

Tumango ako.

Oo nga pala, maraming pagkain sa bahay. So, I just ordered milk tea for us and Daxiel. Maybe, we could distribute some of the food to kids outside the subdivision or to any people needing food.

Daxiel went home a bit late, I was already in our room. Nagpaalam siya sa akin na mayroon silang dinner ng kanyang ina.

He gave me a kiss on the lips and went to the shower.

Basa pa ang kanyang buhok na lumabas ng banyo, tanging tuwalya lang ang tumatahob sa kanyang harapan na animo’y may sawang nakatago sa gitna. Ayan na naman siya sa pang-aakit niya, d’yan siya magaling.

“Pagod?” tanong ko. “Do you want a massage?”

“I’d love that, baby.”

Dumapa siya sa kama. Sinuklay ko muna ang kanyang buhok at tinuyo iyon nang malinis na tuwalya. Sinimulan kong masahehin ang kanyang likod. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.

His back muscles flexed on me. It was such an attractive scenery. Pati iyong matambok niyang puwet, natutuwa akong pagmasdan. Minsan gumagana ang kademonyohan ng aking kamay, tinatampal ko iyon.

He deserved a good massage after work. He worked so hard while I stayed at home, doing nothing but just being pretty. Tuwing umuuwi siya, deserve naman niya ng girlfriend na pinag-aalayan siya ng oras at masahe.

“Hm, so good…”

“Hoy, ‘wag kang umungol. Baka bumaha ang pagkababae ko, hindi kita patutulugin hangga’t hindi mo ako nadadala sa langit.” Pinag-igi ko pa ang bawat hagod ng aking kamay sa kanyang dibdib.

He chuckled hearing what I said.

Hindi rin nagtagal ang pagmamasahe ko sa kanya, pinatigil na niya ako. Tumihaya siya at nahiga ako sa kanyang tabi.

“Napagod ka sa trabaho?” Naglumikot ang aking kamay sa kanyang dibdib.

“Not at all. Napagod ako kay Mommy.” He heaved a deep sigh. “She drained all my energy, but at least, she was gone for the night. I’m sure, she’ll be back again by day.”

“Are you close with your mother?”

“I don’t have any other choice, she’s the only present parent to me. It’s not like super tight, but love her, regardless. As a child, it feels like my responsibility to please my mother… knowing all the heartbreak she’s gone through with my father. I bear the responsibility of making her happy always,” sagot niya.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi. “You’re a good son, Daxiel.”

“Thank you, baby…” Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. “I think, I’m no good son anymore.”

I bit my lower lip.

Tiningnan ko siyang mabuti. Walang nag-iwas ng paningin.

“Is it because of me?”

He shook his head. “It’s my choice to pursue you, it will never be your fault.”

“Bakit nga ba ako, Daxiel? Marami namang iba r’yan na walang sabit.” Humugot ako nang malalim na paghinga. “Anong nakita mo sa akin na wala sa iba? Bakit hindi ‘yong mga ka-level mo… sa yaman, sa pinag-aralan?”

“Wala kang sabit. You’re single when I started pursuing you, Millaray.” Inayos niya ang hibla ng buhok kong tumatahob sa aking mukha.

“I don’t see why wealth and education should be factors of why should I like you. Mabait ka. Matalino. Maparaan. May sense of humor. Mapagmahal. I can’t even match those characteristics you have.” He caressed my face softly.

Iyong lang? Walang ganda? “Of course, you’re beautiful inside and out.”

“I can’t bring anything to the table…”

“Why is that necessary when I willingly provide?”

Ngumiti ako.

“Is it okay for you that I don’t work and I just stay at home?” I asked.

Tumango naman siya bilang sagot sa aking tanong. Kinabig niya ako, napapikit ako nang sakupin niya ang aking labi. Biglang naglahong parang bula ang usapan namin kanina, wala na naman ako sa wisyo.

“How about we go for a vacation this week?”

I opened my eyes after another mind-blowing kiss.

“Iniiwasan mo lang ang mommy mo,” Ngumisi ako. “Ano ka ba?! I can handle her, babycakes. Wala ka yatang tiwala sa akin.”

“She’s aggressive whenever it doesn’t get her way, Millaray.” He warned me.

“No worries. Agresibo rin ako…” Kinindatan ko siya. “Sa kama.”

Tumawa siya nang tumawa.

***

The vacation was tempting when Daniella arrived at the scene.

Hindi lang siya mag-isang bumisita sa mansyon, mayroon pa siyang bitbit.

Agad na nagsanib puwersa ang mga kontrabida sa istorya namin ni Daxiel Gustav Jr. She even invited that Raciela Tan into my own home. Para siyang supporting character sa kontrabida.

Minanduhan nila si Maricel na walang reklamo namang sumunod sa kanilang utos para hindi na rin maging magulo ang lahat.

“I never knew we have visitors…” Awtomatiko ang pagngiti ko. “Wala man lang bang may manners na tumawag muna upang magpasabing dadalaw?”

“Excuse me—“

“You’re not excused.”

The smug look on her face easily disappeared. Halatang konting pagpatol ko lang sa kasama ni Daniella, mapipikon na siya sa akin. That’s what they get for ruining the fun.

“I have the right to be here. My son’s residing here. He’s supposed to be the one inheriting all of Gustav’s fortunes… if it weren’t for a gold-digger like yourself…” She rolled her eyes.

She didn’t know, huh. That was odd.

Well, Daxiel Gustav Jr. inherited almost everything… the reason why I was after him. Hindi naman ako payag na hanggang katiting lang ang para sa akin. Ako naman dapat ang tagapagmana ng lahat, nakahanap lang siya ng butas.

The court favored him.

But I’ll get what’s supposed to be mine if I have him…

“Hey, maid! Bring my things na rin into my room!” Raciela called Maricel’s attention.

Bumalik ang ngisi niya sa labi nang makita ang confusion sa mukha ko.

“Oh, Tita Dani wants me to be here. You know, malapit kay Daxiel. I’m the one she likes for her son.” She was smiling from ear to ear. Bumaling siya kay Maricel na nakikinig ng usapan namin. “You’re so bagal! God, so annoying!”

Nagpintig naman ang aking mga litid sa inis. Huminga ako nang malalim para kalmahin ko ang aking sarili.

Akala ko pa naman, walang asungot buong araw. They never came early. Hindi sana papasok si Daxiel, pero hindi naman dumating ang kanyang ina upang manggulo. Iyon pala sa pahapon na sila darating dahil mayroon pang asungot na isinama.

“You know what, I don’t have time for this…”

Hinipan ko ang pitong dala, bumaba naman ang alaga namin. Gustav the Third wasn’t so baby anymore. Mas lumaki siya at nagkalaman.

Saktong dapat patungo kami ng furbaby ko sa parke para ipasyal siya.

“Baby, bite that…” Itinuro ko ang bagaheng hawak ni Maricel.

Sinunod naman niya ang sinabi kong parang naintindihan niya. He really bit the Raciela’s things enough to send the woman into hysteria. Sigaw siya nang sigaw kung gaano kamahal ang mga gamit niyang iyon.

Ipinakaladkad ko pa ito palabas ng bahay. Humarap ako sa ina ng nobyo ko at malaking ngumiti.

“You’re very much welcome here, future mother-in-law.” I kept my big, monotonous smile. “Ingat ka sa baby namin. Anak namin iyon. You’re just a mere guest. Mas kakampihan namin siya kaysa sa’yo, kunsintidor pa naman akong magulang.”

Sinundan ko ang aking anak na tangay pa rin ang bag ni Raciela. She was following him with her stilettos and couldn’t keep up with my furbaby. I didn’t even bother to stop it.

I dialed a number. It was a private investigator I found in the contacts of my deceased husband.

TOC

Leave a comment