Kabanata 33

My head was on the bowl early in the morning.

Biglang ginalugad ang aking sikmura upang sumuka. I felt Daxiel’s hand caressing my back. Hinawakan niya ang aking buhok at hindi maging sagabal sa pagsuka ko. Sinubukan ko namang bumangon ng walang ingay para hindi siya magising.

Nang kumalma ang aking kaloob – looban, tinulungan niya akong ayusin ang aking sarili. Bahagya pa akong nahihilo at sumandal sa kanya.

“Are you alright?” malambing niyang tanong.

It was one of the things I was about to experience during my pregnancy my doctor told me. There would be morning sickness, I would be dizzy at times. Normal lang daw iyon sa pagbubuntis.

Tuwing umaga, madalas akong nasusuka. I had been trying to keep it from Daxiel.

“What do you want for breakfast?” He asked. Hinalikan niya ang aking pisngi.

“Will you cook for me?” tanong ko sa kanya.

“I will try, baby. I’m not a good cook, but I will cook if you want me to.” Nginitian niya ako. “What do you want, baby? What does our little fella want?”

I told him my cravings that morning.

Inalalayan niya ako patungo sa kama, muli akong bumalik sa paghiga.

Kinumutan naman ako ni Daxiel. I was still sleepy. Nagising lang talaga ako para sumuka. I was the one supposed to cook for him in the morning, but I wasn’t really feeling well.

Hindi pa rin ako nakapili nang isusuot niya ngayong araw sa opisina.

I didn’t know how long I slept.

Nagising na lang akong mataas na ang sikat ng araw. Wala na iyong hilo ko kanina, nakabawi na ako ng bahagya sa tulog. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa kusina upang kumain ng agahan.

“Good morning, Ma’am Olga. Maayos na po ba ang pakiramdam n’yo? Tatawagin ko po si Sir Daxiel.”

Hindi na ako nakasagot, umalis na si Maricel sa aking harapan.

Bahagya namang gumawi ang tingin ko sa labas ng glass wall, kitang – kita ko si Daxiel at Gustav the Third na naglalaro sa garden. Kumunot ang aking noo. Wasn’t he supposed to be in the office right now?

Lumapit si Maricel at mayroong sinabi, tumakbo naman agad ang dalawa pabalik ng kusina.

His smile reached his eyes seeing me.

Humakbang siya patungo sa akin at hinawakan ang aking baywang.

“How’s your sleep? Are you okay?” Dinampian niya ng halik ang aking labi.

Tumango ako.

“Wala ka bang trabaho ngayong araw?” tanong ko.

Yumakap naman ako sa kanya at sumandal sa kanyang dibdib.

Agad naman akong umiwas.

Hindi ko nagustuhan ang amoy niya. Hindi iyon pasado sa aking ilong. Parte raw iyon sa pagbubuntis ko, nagiging sensitibo ang aking pang-amoy pati na rin ang panlasa.

“Is there something wrong?” tanong ni Daxiel nang may pag-aalala.

“Hindi ko gusto ang amoy mo…” seryoso kong sagot.

Inamoy – amoy naman niya ang sarili. Natawa naman ako. He also chuckled instead of being offended.

“I shall change my perfume, then. I think, our little fella doesn’t like it. You want it before…” There was teasing in his tone.

“I don’t like it now. Ayoko rin ng fabric conditioner na gamit…” I pouted.

Inayos naman niya ang buhok na nagkalat sa aking mukha, inilagay niya iyon sa likod ng aking tainga.

“Ano pang ayaw ng magiging anak natin?” malamyos niyang tanong.

“Iyon pa lang iyong alam ko…”

Iginiya niya ako paupo, naghain siya ng unang meal ko na siya ang nagluto. Sinabayan niya rin ako sa pagkain. He was just waiting for me to wake up. Ginamit pa niya ang sitwasyon ko para hindi pumasok sa trabaho.

Napailing naman ako.

But I liked spending more time with him.

I took a bath and chose my outfit. Inaya ako ni Daxiel na lumabas para mag-shopping na hindi ko naman tinanggihan. Of course, it was just moderate shopping. Ayaw naman niyang sobra akong pagod.

He was excited as I was, I realized he was heading to boutiques catering baby needs.

“Daxiel, don’t splurge muna… Hindi pa natin alam ang gender ni baby.” Natatawa kong saad.

I shook my head as I watched him. Lahat ng hinawakan niya ay ipinakita niya at tinanong sa akin. Pinalagay ko naman sa basket ang mga nagustuhan ko samantalang pinabalik ko iyong iba.

Hindi ko kailangang umalis sa pagkakaupo ko, siya mismo ang lumapit sa akin upang ipakita ang mga bagay na gusto niyang bilhin. I was smiling seeing him that happy and excited.

“How about these mittens, baby?” He showed me two options. “Let’s keep these, please.”

Gusto na talaga niyang ipag-shopping ang nasa sinapupunan ko.

I sighed and nodded.

After shopping in the baby station, we went to a boutique for pregnant women. I needed to change my wardrobe for a bit. Hindi na p’wede ang mga damit kong madalas hapit sa paglaki ng aking tiyan. It might be uncomfortable for me.

Every piece that came across to me was bought by my boyfriend without even looking at the price tag.

Pinapili niya rin ako ng pabangong gusto ng pang-amoy ko. I didn’t want those fancy perfumes. May in-order ako sa online shop, iyong Bambini baby cologne. Iyon ang gusto kong amoy niya.

As we went home, he massaged my feet. I was a bit tired of our shopping spree.

Pinagpahinga niya ako habang minamasahe ang aking mga paa.

Nahuli naman agad ng antok ang kiliti ko. Nahilig ako sa siesta nitong buntis ako, kahit madalas sa tanghaliang tapat ginagawa kong meryenda si Daxiel.

When I woke up, I was greeted by my boyfriend with a kiss. Basa pa ang kanyang buhok, mukhang katatapos lang nitong maligo. Pumulupot naman ang aking kamay sa kanyang batok.

“Daxiel…” I called his name.

“Hm, baby?”

“I want you right now.” I told him seductively.

“I’m all yours, Millaray.”

Unti – unti kong hinubad ang kanyang pang-ibabang saplot.

Pinahiga ko siya sa kama at tinanggal ko naman ang suot kong pambahay na damit. I removed every piece of my clothing and positioned myself in the middle of his thighs.

Bukod sa malandi akong tunay, dumagdag pa ang aking hormones. Our love-making was gentle this time. Hindi niya ako p’wedeng i-headlock o mag-eksperimento sa kama.

It was what the doctor advised us. Daxiel followed everything religiously for the sake of the life growing inside of me.

Somehow, I was starting to be annoying. Starting? I had always been. Good thing, Daxiel was very patient with me.

***

“What’s that?!” inis kong tanong.

Hindi ko nagustuhan ang amoy ng pagkaing dinala niya sa akin.

“I thought you wanted jackfruit?” inosente niyang tanong.

“No!” I shook my head. “I want you to eat the jackfruit! Then, I’m going to kiss you and taste it on your mouth. It’s different.”

Agad naman niyang inalis sa aking harapan ang prutas na pinabili ko sa kanya. Mas lalo akong napanguso at nagtampong inuna pa niyang itabi ang langka kaysa halikan ako sa labi.

I started crying.

Minsan kahit ako naiinis sa pagiging irasyunal ko… Naaawa rin ako kay Daxiel na siyang napapagbuntunan ng inis ko.

Nataranta siya nang makitang umiiyak ako. Pinahid niya ang aking luha sa pisngi. Naupo siya sa aking harap at niyakap ako.

“I’m sorry for messing it up, baby.” He caressed my back. “I already ate some jackfruit, do you want to kiss now?”

Tumango ako bilang tugon.

Marahan naman niyang pinaglapat ang aming labi, pinagsaluhan namin ang isang matamis na halik.

It seemed that the life growing inside my stomach was satisfied. Personally, hindi ko naman nalasahan masyado ang langka sa kanyang labi, nasarapan lang ako sa kanyang halik.

“I’m sorry, Millaray…” Hinawakan niya ang aking tiyan. “I’m sorry, little fella…”

Umiling ako at ngumuso.

“It’s not your fault, mahal. I’m sorry for my outbursts, too.”

Pinaulanan ko ng halik ang kanyang kabuuan ng mukha. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

“May problema ba, Daxiel? Are you okay?” Nag-aalala kong tanong.

Bigla na lang siyang natulala. I kissed him on the lips just like a fairytale princess for him to come back to his senses.

“Can you call me mahal again? It’s so good to my ear. My heart’s palpitating so hard hearing you call me with that endearment.” Namula pa ang kanyang tainga.

Matagal ko siyang tinitigan, ramdam ko ang pag-iinit ng kanyang mukha.

“Sus…” I teased. “Mahal lang pala ang makakapagpatiklop sa’yo, eh. Mahal. Mahal kita, Daxiel. Ikaw ang sinisigaw ng puso at… pepe ko.”

Hindi naman siya uminom ng tubig pero muntikan na siyang mabilaukan.

Tumawa naman ako.

“I love you more, Millaray. Kahit palagi mo na lang akong ginagago.”

Mas lalo namang lumakas ang pagtawa ko.

Kanina lang umiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan, napuno naman ng halakhak ang buong kuwarto. Aliw na aliw akong tinatarantado sa mga trip ko sa buhay ang aking kasintahan. Mukhang ipapamana ko rin iyon sa aking anak.

***

My baby bump was starting to show. Mas lalong tumindi ang pag-aalaga sa akin ni Daxiel sa bawat araw. He was already transforming one room in the mansion to be our baby’s room.

Matagal pa naman bago ako manganak pero ang paghahanda ni Daxiel parang kinabukasan ay lalabas na ang anak namin mula sa aking sinapupunan. Mas aligaga siya kaysa sa akin.

Every doctor’s appointment, he’s with me.

“Are you in for a surprise, Mr. and Mrs. de Clemente?” The doctor asked us, smiling.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Daxiel. Pinisil ko naman ang kanyang kamay. He looked a bit worried.

Pagdating sa akin o sa aming magiging supling, agad siyang nag-aalala.

I kept reassuring him I was alright.

That’s why I was never pulling a skit prank on him when it comes to pregnancy. It was something I wouldn’t dare even if I was naughty most of the time, he would worry too much.

“Well, it’s detected that you’re going to have twins…” Dra. Arguilles announced.

My eyes widened.

“Twins…” sambit ni Daxiel.

Tumango si doktora bilang sagot.

“It’s a double trouble!” I told my boyfriend happily.

Tumayo naman si Daxiel at inalalayan ako. Ang buong akala ko’y yayakapin niya lang ako, nagulantang ako ng bigla niyang buhatin at marahang inikot sa ere. His happiness was radiating.

Tawang – tawa naman ako habang buhat niya. Kita ko rin ang ngiti sa labi ni doktora na hinayaan lang kaming dalawa. Siguro sanay na siya sa ganoong reaksyon mula sa mga couple.

Hinalikan niya ang aking labi nang ibaba niya ako, tinugon ko naman ang halik niya.

Naghiwalay naman kami nang makarinig nang pagtikhim.

“Sorry, doc.” Umayos ako ng tayo at napakamot sa ulo. “Mahilig… Kaya po buntis ako.”

She just laughed and proceeded with her reminders.

Mabuti na lang malakas ang kapit ng kambal namin ni Daxiel. Hindi sila nagpaapekto sa panunulak ni Daniella sa hagdanan. Speaking of the devil, Daxiel already sorted things out with his mother.

Nagmakaawa siyang ‘wag nang ituloy ang kaso. Hindi na namin itinuloy ang kaso pero hindi siya p’wedeng lumapit sa aming pamilya. She flew back to the States. We were notified once she comes back to the country.

Daxiel decided to go with no contact with his mother.

I knew that it would sting on his part, but he made up his mind. Mas ayos daw iyon kaysa masaktan pa ako at magiging anak namin ng kanyang ina. I’m the family he needed together with our little fella…

“Hindi ka ba natatakot? Dalawa agad ang magiging anak natin. Dalawa agad ang magiging konsumisyon mo kapag nagkataon, isama pa ako…” tanong ko habang naglalakad kami patungo sa sasakyan.

Pinagsalikop naman niya ang aming kamay ng may higpit.

“I’m ready for the responsibility, Millaray—“

Kinuha ko naman ang aking kamay na hawak niya.

“So, konsumisyon nga kami?” Sumimangot ako.

Humarap siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha at hinaplos ang aking pisngi.

“You didn’t let me finish, baby. I’m ready for the responsibility that comes with being a father, Millaray. I love you and our babies wholeheartedly. I’m not a perfect man, I would have lapses as your future husband and father of our kids. Misunderstandings would occur from time to time, but you would never just be a headache to me,” sinsero niyang saad.

“Mahal na mahal kita, Millaray.”

Kinabig niya ako para sa isang yakap.

My tears slowly fell.

Nag-uumapaw ang kasiyahan ko sa piling ni Daxiel. I was deprived of this feeling for long years. Halos tatlumpong taon kong hindi nadama ang totoong kasiyahan mula sa pagluwal ng aking ina na ngayon ay ipinararanas ni Daxiel.

“You’re making my dreams come true…” I smiled at him. “Thank you, mahal ko.”

“Ang sarap namang maging mahal mo.” Sinuklian niya ang aking ngiti na may halong kilig.

Mas lalo naman akong natawa.

“Mas masarap na mahalin mo. Nine months akong busog tapos doble pa…” sinabi ko at kinindatan ko siya.

He chuckled and claimed my lips once again.

Umuwi na rin kami sa mansyon pagkatapos at ibinalita kana Maricel at Jemaima ang kambal naming magiging anak. Tuwang – tuwa naman agad ang dalawa na hindi na nila kailangang mag-agawan ng mga batang aalagaan.

Daxiel threw a feast in that instant.

He just ordered food from the restaurants.

Samantalang kausap ko naman ang mga asawa ng mga kaibigan ni Daxiel. They were helping me prepare for my gender reveal party. I told them the good news that we are having twins.

I was excited for my twins.

Hindi ko naranasang magkaroon ng kapatid. It was a good thing to be spared with a life that I had.

Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko at tumingin kay Daxiel.

Nilapitan ko siya at bumulong.

“I was wondering…” Huminga ako ng malalim. “If I could… search for my father. Hindi naman sa kailangan ko ng father figure sa tanda kong ito. I just want to unlock that part of me. Para na rin sa magiging anak natin, alam nila ang kanilang pinanggalingan…”

Hindi ko alam ang magiging resulta sa gusto kong mangyari…

Bigla lang akong na-curious. Siguro mayroon din akong kapatid sa father side na hindi ko alam. I just wanted to know things, that’s it.

TOC

Leave a comment