Chapter One
“Miss, may size six ba kayo nito?” tanong ko sa cashier.
Abala ang lahat ng tauhan ng malaking tindahan sa ibang namimili. Linggo ngayon kaya maraming tao sa mga pamilihan. Tumingin siya sa akin ng ilang sandali bago umalis sa harap ng counter upang kuhanin ang size ng sapatos na hinahanap ko.
Binuksan ko ang bubble gum at nginuya ko sa aking bibig. Luminga ako sa paligid, nahagip ng aking mata ang CCTV camera. Kumindat ako rito.
I kept my cool. Tumalikod ako sa harap ng mapagmatyag na camera at pasimple kong inabot ang kaha ng pera. Kumuha ng ilang lilibuhing salapi. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa harap ng counter ng walang nakakapansin sa ginawa ko.
Mabilis akong tumungo sa dressing room. Kumuha ako ng damit sa nadaanan ko rack na may iba’t ibang klase ng dress.
Ibinaba ko ang suot kong jeans at panty nang makapasok ako ng dressing room. Tinupi ko ang pera, siniksik ko iyon sa tinahi kong sisidlan sa bandang pundya. Agad ko itong itinaas ng may kumatok sa pinto.
I opened the door, it was the sales lady.
“Hindi kasya,” patungkol ko sa damit. “Itong sapatos na lang ang kukuhanin ko.”
Umabante ako patungo sa cashier lane. Inilabas ko ang saktong pera sa bulsa para bayaran ang sapatos. Nginunguya ko pa rin ang bubble gum sa aking bibig ng ilapag ko ang pera sa counter.
Agad kong napagmasdan ang guard na malapit sa gilid. Ngumisi ako matapos bayaran ang sapatos na binili ko para sa aking kapatid.
Hinarang ako ng guwardiyang babae ng maiabot sa akin ng cashier ang supot.
“P’wede ko ho bang makita ang inyong bag, miss?”
Tumaas ang kilay ko. “Anong meron?” maang-maangan ko.
Umirap ako sa ere at ipinakita ang pagkainis ko. Sumunod ako sa sinabi ng babaeng guard, binuksan ko ang bag kong dala. Hinalughog niya ang gamit ko, wala itong napala sa dala kong bag.
Sinong tanga ang maglalagay ng ninakaw sa bag niya? Supot ng pagkain ang nakalagay sa bag ko.
“Tapos na?” Sumimangot ang aking ekspresyon.
Nagpatuloy siya sa pagkapkap sa aking katawan. Pinasadahan niya ako mula balikat hanggang paa.
Tumikhim ang babae. “Pasensya na po, ma’am. Protocol lang po.” Muli kong isinukbit ang bag ko at naglakad palayo.
Iniluwa ko ang bubble gum at itinapon sa basurahang nadaanan. Isinilid ko ang kamay sa aking bulsa habang dinadama ang malamig na bagay. Bukod sa pera, nalikot din ng kamay ko ang alahas sa kamay ng guwardiya.
Pasipol – sipol akong sumakay ng jeep. Nag-abot ako kay manong ng tamang pamasahe. Hangga’t maaari, hindi naman ako nanlalamang ng kapwa mahirap. Mahirap na nga, gugulangan ko pa. Siguro iyon na lang ang natitira kong prinsipyo, kung prinsipyo itong maituturing.
Bumaba ako sa tapat ng makipot na eskinita, madilim at wala halos ilaw. Hindi ako marunong matakot kalakarang kinalakihan ko. Nagkaisip at lumaki ako sa ganitong sitwasyon. Hinding – hindi ako masisindak ng kadiliman.
Naabutan ko pa sa labas ang mga tambay na lasinggero.
“Uy, Agnes! Tagay muna!” Lumapit ako at pinaunlakan ang isang baso ng gin.
“Isa lang, may naghihintay pa sa akin sa bahay.”
Tumawa ang mga ito. Mabilis kong tinungga ang alak para makaalis din ako agad. Nagpaalam ako sa mga tambay ng lugar, binilisan ko na ang lakad ko patungo sa maliit na apartment.
“Aling Cynthia!” Kinatok ko ang pinto ng landlady.
Bumukas ito na sinundan ng mahinang bungisngis. Bumungad sa akin ang mukha ng kapatid kong may malaking ngiti sa labi. Nakaabang ang kanyang kamay gustong magpabuhat.
“Naging mabait ka ba, Russle?” Hinalikan ko ang kanyang noo.
Francisco Russle Masimsim, ang nag-iisa kong kahinaan. Tumango siya ng marahan.
“Nako naman, Agnes, itatanong mo pa ‘yan sa kapatid mo? Lagi namang mabait itong si Francis… napakabait na bata.” Nakangiting komento ng ginang.
“Salamat po, Aling Cynthia.”
Tinanggal ko pagkakasukbit ng bag ko at binuksan. Inilabas ko ang supot ng pagkaing nabili ko, hindi siya tumatanggap ng bayad sa pagbabantay sa kapatid ko kahit anong pilit ang gawin ko. Bumibili na lang ako ng pasalubong bilang pasasalamat.
“Anong sasabihin mo kay Aling Cynthia?” tanong ko kay Russle.
“Salamat po, nanay…” marahan niyang sinabi.
“Aakyat na po kami,” paalam ko. Kumaway ang kapatid ko sa kanya.
“Nag-enjoy ka ba sa baba?”
Ipinasok ko ang susi sa lock ng pinto, binuhay ko ang ilaw. Inilapag ko ang bag sa mesa ng maliit naming kusina.
“Ate…” Bumaba ang tingin ko sa kanya. “Miss you!”
Napangiti naman ako, kinintalan ko ng halik ang kanyang noo.
“Sobra kang miss ni ate…” saad ko.
Kung p’wede ko lang siyang isama saan man ako mapadpad, gagawin ko. Kaso hindi p’wede. Masyadong maselan ang kanyang katawan sa labas. Ayoko ring makita niya kung gaano kasama ang kanyang ate.
Pinaupo ko siya sa bangkong may sandalan.
“Kumain na tayo.”
Kumuha ako ng pinggan. Kinuha ko ang supot ng plastic na may lamang pasalubong ko. Ipinaghain ko siya ng masustansyang pagkain. Mayroon din akong prutas na binili para sa kanya at saka iyong sapatos.
“Masarap ba?” Pinahid ko ang gilid ng kanyang labi. “Pagkatapos mong kumain, isukat natin ang binili ni ateng sapatos mo.”
Tumango si Russle. Pinagbalat ko siya ng orange, paborito niya ang prutas. Matapos naming kumain, pinalitan ko siya ng komportableng damit at pajama. Pinasukat ko rin ang sapatos na nabili ko.
Ikinabit ko rin ang apparatus para ma-monitor ko ang tibok ng kanyang puso habang tulog.
Mayroon siyang kondisyon… sakit sa puso. Congenital heart defect daw ang tawag ng doctor. Hindi ko masyadong maintindihan ang terminolohiya ng medisina. Ang alam ko lang, mayroon na ang kapatid ko ng sakit na iyon noong ipinanganak siya.
Sinubukan ko naman…
Sinubukan ko namang mabuhay ng marangal ng kumalas ako sa sindikato. Sinubukan kong magtrabaho ng tama para kay Russle. Sinubukan kong maging mabuting tao para sa kapatid ko.
Wala namang nangyari.
Hindi kayang pakainin ng dangal ang kapatid ko o bilhin ang mga gamot at mga kagamitan na kailangan niya.
Mahirap magkaroon ng sakit ang mahirap. Wala akong ibang pagpipilian kundi maipit sa sitwasyong hindi ko gustong ilagay ang sarili ko.
Ang mahalaga naiibigay ko ang pangangailangan niya. Mahalagang ligtas siya…
“Matulog ka na,” malamyos kong sabi. “Good night, mahal ko.”
Yumakap siya sa akin at hinalikan ang aking noo.
“Good night po, ate ko.” Nginitian niya ako. “Makikita pa kita bukas.”
Madalas na sumikip ang dibdib ko kapag naririnig ko ang katagang iyon kay Russle. Mayroon siyang malay sa karamdaman. Siguro iyon ang paraan niya upang pawiin ang pag-aalala ko.
“Oo naman.” Pinisil ko ang kanyang pisngi. “Hindi papayag si ate na hindi kita makikita araw – araw.”
Pumikit siya ng may ngiti, marahan kong tinapik ang kanyang braso at nag-hum ng pamilyar na kantang pampatulog. Kinumutan ko siya hanggang dibdib. Nanatili ako sa kanyang tabi hanggang tuluyan siyang makatulog.
May mga pagkakataong wala akong ibang ginawa kundi panoorin siya habang tulog kahit pagod ako sa raket ko buong maghapon. Natatakot akong sa isang iglap na pumikit ako, kuhanin siya sa akin.
Pinilit kong bumangon ng hindi naaabala ang pagtulog ni Russle. Tumungo ako sa banyo, hinubad ko ang lahat ng suot kong damit. Tinanggal ko ang pera sa may pundya ng aking panty.
Anim na libo ang total ng lahat ng raket ko ngayong araw. Medyo matumal kumpara sa araw na nagdaan.
Iniipon ko iyon para sa operasyon ni Russle. Kailangan ko pang dagdagan ang pagkayod ko sa buong araw. Hindi lang para sa operasyon, kailangan ding malusog ang kapatid ko at mayroon siyang tamang sustento ng gamot.
Maliit na halaga ang anim na libo.
Naglabas ako ng sigarilyo sa bulsa ng suot kong pantalon. Kinagat ko ang aking labi. Imbes na sindihan ko ang sigarilyo, tinapon ko iyon sa bintana. Ayokong dagdagan pa ang komplikasyon ng kapatid ko.
Nang tanggapin ko ang responsibilidad kay Russle, pinangako kong gagampanan ko iyon ng lubos sa aking makakaya. Pakiramdam ko kulang na kulang pa ako sa kapatid ko.
Nagsuot ako ng pajama at komportableng kamiseta. Nawala ang agam – agam ko ng madatnan ang mapayapang pagtulog ng kapatid ko sa kama.
Tumungo ako sa mesa dala ang notebook at ballpen. Inilista ko ang perang nakulimbat ko ngayong araw. Nakasulat din ang mga kailangan ko pang punan. Kulang na kulang pa ang ipon ko para maipa-opera si Russle.
Napabuntong – hininga ako, mukhang nararapat lamang na i-level up ko ang pangungulimbat ng salapi sa mga establisyemento.
Laki akong lansangan. Nahubog ang pagkatao ko ng mga sindikato. Nang tumuntong ako sa tamang edad, isinuka ko ang dating kalakaran at kumalas sa masasamang bisyo. It was hard. Even now, I’m still on the list of people to be killed.
Gusto kong linisin ang aking sarili at hanapin ang totoo kong mga magulang.
Wala akong balita patungkol sa mga ito.
I don’t have a proper education, I learned things on my own. Mas madalas na nasa lansangan ako at naghahanap ng mabibiktima kaysa pumasok sa eskwela. Syndicates are not going to pay for my education.
Bakit naman gugustuhin nila ako gawing edukado? Hindi nila gugustuhing mamulat ako sa maling gawain nila.
Natural lang na curious ako sa mga bagay na hindi ko alam. Things I knew were self-taught. Mula sa pagbabasa, pagsasalita ng ibang lengguwahe at diskarte sa buhay, lahat ng iyon inaral ko ng mag-isa.
Nahanap ko ang mga mga magulang ko, kasamang natagpuan ko ang nakababata kong kapatid. Kapapanganak pa lang halos noon ng kapatid ko. Namatay sa panganganak ang kanyang ina, hindi rin naman maasahan ang ama. What would I expect with a man who sold me as a child?
When he died, I took care of my brother. Naghanap ako ng bahay na maaari naming matirhan pati trabahong malayo sa kinagisnan ko. I tried to be normal and just. Pero hindi kami mabubuhay na dalawa sa tamang paraan.
He has needs to survive. At kahit gawin kong araw ang gabi, hindi pa rin kasya ang perang kinikita ko. Bumalik ako sa dating gawi, ang pinagkaiba lang, wala akong among kailangang pagsilbihan.
Madalas kong target ang malalaking establisyemento at mayayamang tao. They could survive a day even without those thousands I stole. I was good enough not to be caught.
Isang beses lang naman akong nahuli, menor de edad pa ako noon kaya hindi rin ako nagtagal at bakal na rehas. Bugbog ang inabot ko ng bumalik ako sa headquarters. That was the first and last time I was caught by officers.
Kapag mahirap na magnanakaw, siguradong sa selda ang bagsak… pero kapag mayaman ang nagnakaw, may puwesto pa sa gobyerno at inihahalal ng tao. That’s such a flaw in the justice system.
“Ate…” Narinig ko ang pupungas-pungas na boses ng kapatid ko. “Tulog na tayo.”
Itinago ko ang notebook at ballpen na hawak. Nag-inat ako ng kamay at naglakad palapit sa kama.
Humiga ako katabi ng kapatid ko. “Andito na si ate, tulog na, bunso.” His hand reached my arm and tapped me several times. Nakapikit na ang kanyang mata.
Pinanood ko siya habang natutulog. Nang mapanatag ang puso ko, unti – unti kong hinayaan ang sarili kong hilahin ng antok.
***
“‘Wag mo ibababa ang mask mo, okay? Konting laro lang ang p’wede para ma-exercise ang katawan,” paalala ko kay Russle bago kami tumungo sa parke.
Madalas kaming nasa parke tuwing umaga bago ako umalis sa mga raket ko. Ipinapasyal ko siya upang makapaglaro. Gusto ko pa ring ma-enjoy niya ang pagiging bata.
I want him to experience a better childhood despite his heart defect.
Marami siyang bagay na hindi pa nararanasan dahil natatakot akong baka maging dahilan iyon ng pagkawala niya sa akin.
He was able to learn reading and writing with me. Hindi pa siya nakakatapak sa paaralan upang mag-aral. I couldn’t afford a tutor, I learned it myself to teach him the basics.
“Oh, iniibig kong Agnes…” Nagpanting ang tainga ko ng marinig ang pamilyar na boses.
Humalakhak ang kapatid kong nakakapit sa aking kamay.
It was Roberto, ang tambay sa kabilang kanto.
Malakas ang trip nito sa buhay, pati ako araw-araw na inaasar.
“‘Wag mong sirain ang araw ko, Roberto. Baka hindi ako makapagtimpi sa’yo…” Hindi ko ito p’wedeng awayin sa harap ng kapatid ko.
Isinara ko ang gate ng apartment. Nakatayo pa rin siya sa gilid hawak ang bulaklak na rosas.
“Para sa’yo… mula sa manliligaw mong gwapo.”
“Baka kwago,” pagtatama ko. I just stared at him, glaring. “Hindi ko kailangan ng bulaklak, hindi pa ako patay.”
My brother giggled beside me. “Ayaw sa’yo ng ate ko, kuya Roberto. Kulang ka raw po sa ligo.”
Napangisi ako. Oh, I taught him that.
Nag-high five kaming dalawa at iniwan ang lalaki sa tapat ng bahay naming nagkakamot sa ulo. Si Russle lang ang tanging lalaking gusto kong makasama habangbuhay.
I’m sure my brother would find someone along the way. Hindi naman ako hahadlang kung nahanap niya ang babaeng para sa kanya pero gusto ko pa ring maging parte ng buhay ng kapatid ko.
Napailing ako. Why am I even thinking in advance? He’s only eight years old.
“Gusto mo ba sa swing? Itutulak ko ng mahina lang.”
Kumalas siya ng pagkakahawak sa akin at patalon – talong tumakbo patungo sa swing.
“Bunso, ‘wag sobra ang likot,” paalala ko.
Humabol ako sa kanya, kagaya ng sinabi ko, mahina ang naging pagtulak ko sa swing na inupuan ng kapatid ko. He was giggling every second of it. Napapangiti ako sa bawat halakhak niya.
Hinayaan ko siyang maglaro sa parke ng ilang minuto. I would always check up on him. Naupo kaming dalawa sa park bench ng mapagod ang kapatid ko, sumandal siya sa gilid ko habang pinagmamasdan ang paligid.
“Masaya ka ba?” I asked him.
He nodded his head. “Palagi po, ate…”
Pabiro kong pinisil ang magkabila niyang pisngi. He knew how to make ate’s heart happy.
Pareho kaming napalingon sa tunog ng kampanilya mula sa nagtitinda ng ice cream sa parke. Agad na nag-iwas ng tingin ang kapatid ko. I sighed. It was one of the many desserts he wanted to try, but with his condition, I can’t let him.
Ramdam ko ang kagustuhan niya pero hindi niya ako pinilit kahit minsan dahil alam niyang bawal. Hinawakan ko ang kanyang kamay. I drew hearts on his palm.
“Nag-iipon si ate, bunso. Malapit na. Kapag gumaling na ang baby puso mo, tutuparin ni ate na makakain ka ng mga bagay na gusto mo. Sa ngayon, hindi muna p’wede…” I kissed his forehead.
“Naiintindihan ko naman po, ate. Ayos lang po sa akin na hindi kumain ng ice cream.” Binigyan niya ako ng ngiti. “Papasok ka na ba sa trabaho?”
Tumango naman ako. Hindi ko maamin sa kanya ang totoo. My brother is the purest soul. Ako? Ngayon pa lang sa impyerno na ang bagsak ko. Wala akong pakialam. Aanhin ko ang dangal kung buhay ng kapatid ko ang nakasalalay? I could endure the hottest pits of hell for the only man I treasure.
Bumalik kami sa apartment, kinausap ko agad si Aling Cynthia at ibiniling muli ang kapatid ko habang nasa raket ako. Madaling araw ako ng magising para ihanda ang pagkain ni Russle.
Brown rice. Vegetable mixed. And fruits.
Dala rin niya ang kanyang bag na may lamang libro at ilang gamit pang-eskwela. He would read those while waiting for me to come home.
Minsan sumasagi sa isip ko… paano kung hindi ako umuwi at sakaling naaksidente ako habang nagtatrabaho, ano na lang ang mangyayari sa kapatid ko?
I can’t just die. I can’t just die knowing my brother’s condition.
“Magpapakabait ka kay nanay Cynthia mo, ha? Saka iyong bilin ko sa’yo. Uminom ka ng tubig palagi at kainin mo ang mga prutas. Mabilis lang si ate,” wika ko.
Ginulo ko ng bahagya ang kanyang buhok. In fact, that was a lie. Hindi naman mabilis dumilensya ng pera. It takes time to plan everything and never get caught in the process.
“Okay po, ate. Ba-bye! Love you!” He waved his fragile hand at me.
Sakto namang dumating si Manang Cynthia para papasukin na siya sa loob. Kumaway ako.
“Love you,” I smiled.
Pinanood ko ang kapatid kong pumasok sa loob bago ako naglakad patungo sa sakayan ng jeep.
Street smart. That was the term. Madiskarte naman ang sabi ng iba. Nagkibit – balikat ako. There was nothing to be praised about being madiskarte. Lalo na kung ang diskarteng tinutukoy naman ay panglalamang sa kapwa.
I’m not proud of this setup, but I’d rather be the bad person. Magdudusa ako sa impyerno pero hinding – hindi mamatay ang kapatid ko. I could live being the worst kind of person with my brother by my side.
Big day.
I was aiming for something big. I haven’t done it since ages. Matagal na ring panahon ng huli ko itong isinagawa, pakiramdam ko kinakalawang na ako. If I weren’t desperate for money, I would not explore this world once again.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo… mamaya pa naman ako uuwi, the smell wouldn’t be noticeable after hours and it won’t harm my little one.
Gumala ang mata ko sa paligid habang naninigarilyo. Napapalibutan ako ng matataas na establisyemento at magagarang sasakyan. I didn’t let it distract me. Ilang araw ko nang namanmanan ang lugar, alam ko ang pasikot – sikot.
Humakbang ako ng kalkulado patungo sa parking lot ng isang mataas na building. Iniwasan kong mahagip ng camera. My eyes wandered around the place. Hinanap ng aking mata ang pamilyar na model ng kotse.
Yes, that’s the plan.
I was planning to steal a car. Carnapping. Hindi iyon ibebenta, iyong spare parts lang nito ang pagkakakitaan kapag naibenta ko iyon sa talyer. It would be easier to track down the whole car but not its parts.
Isinuot ko ang itim na sombrero at pasimpleng nilapitan ang itim na mustang. I was just checking it without being malicious. Wala rin namang guard na umaaligid sa sulok.
It was an old model of mustang. Wala itong barrier blocks at internal defenses gaya ng mga bagong modelo. It was easier to target than the latest models.
Kinuha ko ang slim jim sa ilalim ng jacket ko. Bahagya kong iniharang sa bintana ang drumstick para ipasok ang slim jim sa loob. When the slim jim was inside, I targeted the lock and it opened the door of the car.
Hinawakan ko ang handle, bumukas ang kotse. Muli kong itinago ang dala kong slim jam at drumstick sa ilalim ng aking jacket.
I heard the clicking sound on the background. Agad kong nahimigan ang tunog. It was the sound of gun being put behind my head. Ramdam ko rin ang malamig na bakal na tumatama sa bunbunan ko.
Tangina.
Huminga ako ng malalim at humarap sa poncio pilatong tumutok ng baril sa akin. To my surprise, there are a lot of men in black coats were there. The trouble was just right behind. Amoy na amoy ko ang aroma nito.
Humarap ako ng marahan, inayos ko ang suot kong cap. Nag-angat ako ng paningin habang nanatiling nakatutok sa aking noo ang baril. Agad kong napansin ang kabuuan ng lalaki.
He has a good, intimidating posture.
I composed myself after having the chance to glance at his almost perfect feature. His eyes are on fire. Tanging mata at parteng noo lang niya ang nakikita ko mula sa mask na suot nito, halata namang gwapo. Magkasalubong ang kilay niya.
Napangisi ako. “Is this your car?” I asked in a seductive tone and tried to reach my hand in his chest.
Mas lalo kong naramdaman ang pagbaon ng dulo ng baril sa aking noo. Hindi ko ito inalintana.
“Hindi sa’yo bagay ang ganyang sasakyan, masyadong makaluma…” I trailed off, thinking of something better to say. “Mas bagay tayo.”
Gago.
Bumaba ang aking kamay sa kanyang tiyan. Isang maling hakbang ko, baka humandusay ako sa malamig na sahig pero hindi iyon nagpatigil sa balak kong isagawa.
I reached the part near his pocket. Mabilis, maliksi at hindi halata kong kinuha ang wallet niya sa bulsa. Humugot ako ng stick ng sigarilyo.
“Lower your gun. Sa’yo na ‘yang kotse mong bulok,” panlalait ko pa sa sasakyan. Inirapan ko ang lalaki.
B’wesit.
It seemed like I ended up in a place I wasn’t supposed to. It was a perfect crime until it wasn’t. I could’ve gotten thousands with just one car. Malaki ang kikitain ko na pandagdag sa operasyon ng aking kapatid.
Hindi siya kumibo. Hindi niya rin ibinaba ang baril na nakatutok sa akin.
I can’t die. I can’t die and leave my brother alone with his heart defect. Walang ibang mag-aalaga sa kapatid ko. Maaari siyang mamatay kapag hindi naisagawa ang operasyon.
“You can’t kill me…”
His eyes twinkled with mischief.
“I can,” may panunudyo sa tono ng kanyang boses. “I can kill you, sweetheart.”
Our eyes met for a moment.
Kusang gumalaw ang aking braso at tinabig ang baril niyang hawak. It caught him off guard in a second. Tumaas ang baril sa ere, sinambot ko iyon ng may pagkakataon.
Itinutok ko ang baril sa kanyang noo kagaya ng ginawa niya sa akin. Mas lalong lumiwanag ang awra ng lalaki. I felt his hands on my waist.
“Impressive.” Tumaas ang kilay niya. “Where did you learn that?”
Ngumisi ako. “Enough with small talk. Give me the keys.” I demanded and looked sideways. “Ibaba niyo ang baril ninyo o pasasabugin ko ang bungo ng amo ninyo.”
Humalakhak ang lalaki. He looked amused. Hindi ko alam kung anong itinatawa niya. I was serious with my threat.
“Hm, you’re cute.”
Marunong akong gumamit ng baril, hindi lang ako sigurado kong kaya kong pindutin ang gatilya. His goons were watching with enthusiasm. Tinanggal ko ang suot niyang mask at cap.
I was mesmerized for a second seeing his bare face. How can a criminal with a gun be this handsome? Okay, ano ngayon kung gwapo? Hindi ko naman mapagkakakitaan ang kagwapuhan niya, unless magpabugaw siya sa akin.
“‘Wag mo akong landiin, iyong susi ang hinihingi ko.” I glared. “‘Wag ka ring magsusumbong sa pulis, babalikan kita at ang buong pamilya mo.”
There was still a subtle smirk on his lips. Halos pigil ko ang paghinga ng maramdaman ko pa rin ang kamay niya sa aking tagiliran. Namulsa siya at walang sabing inilabas ang susi ng mustang.
Hinablot ko ang susi sa kanya. I was a bit stunned. Hindi man lang siya nanlaban. None of them made a move to stop me.
“Sure ka bang ito ang totoong susi? Sasapakin kita kapag hindi,” binantaan ko ang gwapong lalaki.
Hinigit ko ang kuwelyo niya at mabilis na binuksan ang sasakyan, pinapasok ko ang lalaki sa loob. Nagpalipat – lipat ang panunutok ko ng baril sa mga lalaking nakaitim bago ako tuluyang pumasok sa driver’s seat.
I twisted the ignition key to start the engine. Umandar ang sasakyan, mabilis ko itong pinatakbo palayo sa kumpol na goons ng lalaking nasa tabi ko.
“Hustler, huh? Where did you learn that?” Wala man lang akong nahimigang pangamba sa boses niya.
“Bawal kang magsalita,” saad ko.
“Make me stop, then.”
Instead of making him stop, I stopped the car in the middle of nowhere. His brow raised.
“Bumaba ka na, hanggang dito ka na lang.” I said firmly.
Lumingon siya sa akin, seryoso ang ekspresyon ng aking mukha. Muli kong itinutok ang baril.
“Heartless…” he commented, smirking.
Hindi ko maintindihan ang pagngisi ng lalaki.
The area was secluded. Wala halos dumadaang sasakyan sa parteng ito. Binuksan niya ang pinto, bumaba siya ng kotse ng walang alinlangan. He stood at the side of the road still looking at me.
Pinaharurot ko ang sasakyan paalis ng lugar. I already escaped, but a part of me was thinking about the man I left behind. Hinigit ko ang kambyo at muling bumalik kung saan ko iniwan ang lalaki.
He was still there. Mas lalong lumaki ang ngisi nito ng makita ang sasakyan kong lulan. Ibinaba ko ang bintana ng kotse, lumapit siya.
He tried to open the door but it was locked. Umirap ako sa ere. I grabbed the wallet on my pocket. Naglabas ako ng sampung piso. Naalala kong nasa bulsa ko rin ang wallet ng lalaki.
“Oh, mag-jeep ka na lang.” I threw it at his direction.
“Really?” Naglahong parang bula ang ngisi niya sa labi. “Fuck it.”
Muli kong pinaandar ang sasakyan. At least, I have a clear conscience now. He has the means to commute. Hindi ko siya iniwan ng basta. Kung tutuusin, hindi ko na dapat ginawa ang pagmamagandang loob sa lalaki.
Ipinutok ko ang baril na hawak ko sa labas ng bintana.
My jaw dropped. It was a fucking toy gun!
Dumiretso ako sa talyer at pumarada sa harap nito. Mabilis akong nagpalit ng damit sa loob ng sasakyan.
They gave me enough money for the car I smuggled. Ibebenta ng mga ito ang ibang parte ng sasakyan.
Good money for today.
Dumaan ako sa isang mall upang bumili ng pasalubong kay Russle. I bought him fruits healthy for him. Dumaan din ako sa isang toystore at bookstore para ibili siya ng laruan at puzzles.
“Aling Cynthia?” Kumatok ako sa pinto.
“Oh, Agnes, mukhang maaga ka ngayon. Nagpapahinga siya, mukhang napagod yata.” Nilakihan niya ang bukas ng pinto.
Pumasok ako sa loob ng kanilang bahay, nadatnan ko ang kapatid kong pinagkakasya ang sarili sa sofa. Lumuhod ako upang pantayan siya.
“Ate…” sumigla ang kanyang boses.
“May masakit ba sa’yo? Okay ka lang ba? Gusto mo bang pumunta tayo sa hospital?”
He shook his head softly. “Napagod lang ako, ate.” Inalalayan ko siya sa pag-upo.
Binuhat ko si Russle ng magpakarga siya sa akin. Sumandal siya sa aking balikat. Nagpasalamat ako kay Aling Cynthia bago kami umakyat patungong apartment.
Bumalik sa akin ang takot at pangamba sa tuwing nakikita kong matamlay ang kapatid ko. I kissed his forehead. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin at magpahinga sa mga bisig ko.
Maybe, next time I should rob a bank… Every second counts… every last penny counts… I need to move faster for my brother.


Leave a comment