Chapter Two

Ninerbiyos ako nitong nagdaang araw, mas lalong dumadalas ang paninikip ng kanyang dibdib at nahihirapan sa paghinga. Agad kong dinala si Russle sa doctor… ganoon pa rin. Kailangan ko pang mag-ipon para sa kanyang operasyon.

The heart specialist told me one time it could be several surgeries with the severity of my brother’s heart defects. Naaawa na ako sa kapatid ko. Sometimes, I felt he was trying not to show me his pain. Para lang hindi ako mag-alala.

Bakit kasi kung sino pang mahirap siya pa itong mas papahirapin sa iba’t ibang uri ng sakit? I don’t get life’s logic.

Hinalikan ko ang kanyang noo ng paulit – ulit habang nakaunan siya sa aking balikat. Hinayaan ko siyang maging komportable sa mga bisig ko. Nanatili siya sa ganoong puwesto hanggang tuluyan siyang makatulog.

I stayed up all night to cater his needs. Hindi ko magawang ipikit ang aking mata. Pinagmasdan ko siya hanggang mag-umaga.

“Ate, natulog ka ba? Good morning!” a sweet voice greeted me. “Ang laki ng eyebags mo…”

Tumawa ako, pinisil ko ang kanyang pisngi. “Natulog naman si ate… ganoon lang talaga ang eyebags, hindi na iyon matatanggal. Masarap ba ang tulog mo? May masakit ba sa’yo?”

Umigi siya ng tayo bago umiling. “Hindi na naman masakit… konti lang kagabi.” He pouted, and kissed me on the cheeks.

Minsan hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. There were times he would deny to make me feel better. Hindi naman iyon nakakabuti sa akin. Gusto kong malaman ang totoong estado.

“Babalik tayo sa doctor,” sinabi ko.

Sumimangot naman siya. “Ayoko na bumalik doon… ayoko nang gamot, ate.”

“Hindi p’wede. Paano ka gagaling n’yan? Kailangan mo iyong gamot… ‘di ba good boy ang Russle ni ate?” I caressed his face.

He was fed up with medicines, I know. Simula pa lang naman noong maliit siya, may maintenance na para sa kanyang sakit. Ipinaglapat ko ang aming noo.

“Alam kong napapagod ka na sa setup na ganito, mahal. Ang daming bawal… ang daming gamot… pero kailangan. Darating ang oras na gagaling ikaw. Kapag dumating ang oras na iyon, hindi na pagbabawalan at hihigpitan ni ate.” Pinisil ko ang kanyang pisngi.

I sighed. “Ipagdadamot muna kita sa mundo… pasensya na bunso.”

Nakanguso pa rin siya kasabay ng mahinang pagtango. “Sige na nga, dahil love kita…”

Matagal kong idinampi ang labi ko sa kanyang noo. “Mas mahal kita…” I reminded him.

“Hindi naman kompetensya ang pagmamahal, ate…” His small hand travelled to my face. “Hindi ka nagpapatalo, lagi na lang ikaw ang lamang,” may halong inis ang tono ng kanyang boses.

Humalakhak naman ako. “Totoo naman ang sinsabi ko, mas mahal kita palagi.” Hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong.

He hugged me again with small laughter and stayed in that position for a little while. Nang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Russle, inaya ko siyang gawin ang breathing exercise. He gladly obliged.

Tumungo naman ako sa kusina upang ipagluto siya ng agahan matapos ang kanyang breathing exercise. I made him an omelet out of egg whites with vegetable fillings. Paborito niya iyong pagkain.

Kagaya ng dati, kailangan ko siyang iwan sa aming landlady sa oras ng trabaho. Pinaalalahanan ko naman si aling Cynthia na kung sakaling hindi maganda ang pakiramdam ni Russle ay agad akong tawagan.

“Mag-iingat ka, Agnes…”

I nodded my head. “Salamat po, aling Cynthia. Kayo muna ang bahala kay Russle.”

***

The streets.

Inayos ko ang aking sarili, hindi ako p’wedeng magambala ng problema ko sa buhay. I have to earn money for my brother.

Mapanuri kong ginala ang tingin sa paligid at nagmanman. It took me several hours to spot something extraordinary. I lit a cigarette to ease my tension. Kanina pang nakaantabay ang aking mata sa isang lalaking bumaba ng magarang sasakyan.

Pinatay ko ang sindi ng sigarilyo at inayos ang suot kong cap. Sinundan ko ang lalaking may hawak na itim na duffle bag.

From the looks of it, he is out in the vicinity for a transaction and the bag contains big amount of money. I knew damn well it was an illegal transaction. Alam ko ang ganitong klaseng senaryo. I have been into situations like this in the past.

I was planning to steal the money before it was transferred to another. Binilisan ko ang paglalakad papalapit sa lalaki. Kinuha ko sa bulsa ang isang pocket knife na madalas kong dala, sadya kong binunggo ang lalaki.

He stumbled. Nabitiwan niya ang hawak na bag at tumilapon sa sahig. Bago pa niya magawang bumuklos sa pagkakatumba sa sahig, mabilis kong hinablot ang bag at tumakbo sa kabilang direksyon.

“Tangina!” The man cursed. “Stop! This is the police!”

Oh, fuck.

Hindi ako lumingon, narinig ko ang serena ng mobile. I heard gunshots everywhere. It wasn’t just a police, I disrupted an operation between syndicates and the cops. It must be big.

Kinagat ko ang aking labi, hindi ako tumigil hangga’t hindi nakakawala sa kanilang paningin. Nang masiguro kong walang nakasunod sa akin. Hinubad ko ang suot kong hoodie sa masikip na eskinita.

I stuffed the bag into my belly to make myself look like a pregnant woman.

Sinuklay ko rin ang aking buhok at naglagay ng kolorete sa mukha. I made it possible in a short period of time.

Naglakad ako ng marahan palabas ng eskinita at nakihalubilo sa mga tao. I kept caressing my tummy. Dumaan din ako sa palengke upang mamili ng ilang pangangailangan namin ni Russle.

“Itaas mo ang kamay mo,” I heard someone say.

Marahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. It was the cop earlier. Siya ang lalaking dala ang duffle bag na itinakbo ko.

Hindi ako nagpakita ng emosyon sa lalaki kung hindi pagtataka. Sinipat niya ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. His eyes were glued to my belly. Napagtanto nito ang malaki kong sinapupunan.

He sighed. “Pasensya na, ma’am. Nakamali ako ng akala.” Ibinaba niya ang baril.

My eyes started to water, I was sure he felt guilty making accusations with a pregnant woman. Mas ginalingan ko pa ang pagluha.

“Hindi ko po sinasadya…” Nasulyapan niya ang hawak kong mga gulay na dapat ay babayaran ko na kung hindi lang ito um-epal. “Bilang paghingi ng paumanhin, hayaan niyong ako na po ang magbayad.”

“Ito po ang bayad,” saad niya sa tindera. Iniabot niya ang isang libong salapi. “‘Wag niyo na pong suklian.”

Bumaling siya sa akin. “Pasensya na po talaga, ma’am.” He said before he left.

I stood there. Pinanood kong makalayo ang pulis sa tayo ko.

“Nako, ma’am. Nadamay pa ho kayo, kita namang buntis…” komento ng tindera.

Pinahid ko naman ang aking luha at kinuha ang mga gulay na pinamili ko. Pinigilan ko ang pagngisi.

I got away that easy with a bonus of items needed at home.

Napailing ako, binitbit ko ang supot ng mga pinamili at umakto pa ring parang buntis. This would be the only scenario that I’m going to be pregnant. I didn’t like kids much except my brother.

Mahal na mahal ko si Russle, and I would do anything for that kid. But I don’t want to bring another life in this world knowing that life could inherit the same heart defect as my brother, it will tear me apart.

Nag-abang ako ng masasakyan. I didn’t bother removing the bag on my belly. Mas lalo akong mabubuko kung hindi ko paninindigan ang pag-arte.

Tumayo ang aking balahibo nang makarinig ako ng yabag sa aking likuran. I felt a cold thing touched my nape. I already knew what it was.

A gun.

Pumarada ang isang sasakyan sa harapan ko, bumukas ang backseat.

“Sakay,” bulong ng boses ng isang lalaki mula likuran ko.

The whisper brought terror in every passageway of my body. It was part of the syndicate. Unti – unting gumalaw ang katawan ko upang harapin ang lalaki. Ngumisi ito, agad ko namang naamoy ang mabaho niyang hininga.

With a fast reflex, I hit the gun with my arm causing it to tilt. I took his shocked expression into my advantage. Tinabig ko siya papasok ng kotse. He grabbed my hair and pulled me inside of the car.

Nabitiwan ko ang dalang supot ng mga gulayin sa palengke.

The car moved while we wrestled inside. He threw a punch; I dodged and got a better access of his head, my hand was pulling his air. Ginamit ko ang aking binti at ipinulupot iyon sa kanyang leeg. He fired a shot several times.

Nang lumingon ako sa driver, umaagos ang dugo mula sa lalaki. The driver was dead. Gumiwang ang sasakyan. It would be a disaster if we got into a collision with another car.

I threw several punches breaking his nose, his face was bleeding hard and was losing his consciousness.

Itinapon ko siya sa kabilang upuan at tumalon patungo sa driver’s seat ng sasakyan.

Tangina.

I panicked seeing a ten-wheeler truck at the direction of the car. Agad kong kinabig ang kambyo sa huling sandali upang bumaling ang kotse sa kabilang direksyon.

It didn’t crash with the truck, but would collide at…

Tumalon ako sa sasakyan bago ito tuluyang sumalpok. I was saved by the bag in my belly from the harsh impact. I could have died, but I didn’t. Tanging galos at pasa ang natamo ko.

My lip was bleeding.

Pinilit kong tumayo mula sa pagkakabagsak sa lupa, muntikan ko pang makain ang alikabok. I was numb. Namamanhid ang buong katawan ko pati pakiramdam. I surely killed two men in the process of escaping from them.

It’s a matter of being the prey or the predator. Hindi ako maaaring mamatay. Naghihintay ang kapatid ko. He needs to be well before I could die and finally rest in peace.

Paika – ika akong gumilid sa kalsada bago pa dumating ang awtoridad at mga taong nakikiisyuso sa pangyayari. Nilisan ko ang lugar, dumako ako sa isang liblib na parte. Kumuha ako ng pamalit na damit sa sampayang nadaanan ko.

Tinanggal ko ang bag sa sinapupunan ko.

Binuksan ko ang bag, bumungad sa akin ang bungkos na salapi. Inilipat ko ang lilibuhing pera sa isang bag na may disenyong spongebob na ninakaw ko rin sa sampayan. Itinapon ko naman ang bag na unang pinalagyan ng pera.

I washed my face trying to cover my bruises, it can’t be seen by Russle. Sigurado akong aalamin niya ang bawat detalye, wala akong ideya kung kaya kong panindigan ang pagsisinungaling.

Bukod sa bag ng puno ng pera, hinugot ko sa bulsa ang sigarilyo at sinindihan ito.

Fuck everything, I need my fucking cigarette.

Hindi pa rin nawala sa isip ko ang natunghayang senaryo. Kahit ilang ulit akong pumikit, it wouldn’t leave my mind.

Nang maupos ang sigarilyo, sumibat na rin ako. Tumungo ako sa sakayan ng jeep, muli akong nakisama sa dagat ng tao. I got a cap from someone’s head to cover my bruised face.

The pain was starting to be felt. Hindi na namamanhid ang katawan ko. Kinakalawang na ako pagdating sa pakikipaglaban. I never practiced. Most of the time, hindi naman ako nakakaengkwentro ng malalang sirkumstansya.

Ipinikit ko ang aking mata sa buong durasyon ng biyahe, pero alerto ang buong pagkatao ko.

Bumaba ako hindi kalayuan sa eskinita. It was getting dark. Naghintay ako ng ilang segundo sa convenience store sa kabang baka may nakasunod sa akin. No one was around.

After some time I was convinced nobody followed me, I headed back home.

Wala man lang akong dalang pasalubong sa kapatid ko at kay aling Cynthia. Nahulog ang supot ng tangka akong kidnapin ng mga lalaki. Stupid assholes. They really thought I wouldn’t fight back.

Kumatok ako ng dalawang beses.

Pinasigla ko ang aking boses. “Nakabalik na po ako. Kumusta po si Russle? Nagsabi ba siyang may nararamdaman siyang kakaiba?” tanong ko kay aling Cynthia.

“Nako, hindi nagsasabi iyang kapatid mo… nag-aalala nga ako, Agnes.” Sinipat niya ang kabuuan ng aking mukha. “Bakit may pasa ka sa mukha? Iyong labi mo, dumudugo… saan ka ba nagsusuot? Jusko naman!”

I just shook my head, trying to avoid answering her questions. “Wala po ito…”

Her expression didn’t change. Sigurado akong hindi niya tanggap ang sinabi ko. She was about to ask more when an excited child went to the door.

“Ate!” Russle exclaimed.

Agad ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. Lumamlam ang mata ni aling Cynthia ng may pangungusap.

“Aakyat na po kami sa itaas,” paalam ko sa ginang.

She sighed and nodded her head.

“Bye po, nanay Cynthia!” Russle waved his hand. Bumaling siya sa akin. “Ate, naglaro kami tapos nagsulat ako ng pangalan ko ng maraming beses.”

“Very good ang Russle ni ate,” I replied, smiling.

“Ano ‘yang nasa gilid ng labi mo? Dugo ba iyan?” he questioned. “Parang sugat… inaway ka ba, ate?”

Nakatutok na ang kanyang mata sa kabuuan ng aking mukha. Umiling naman ako sa tanong niya.

“Hindi… ano…” I was thinking hard of a reason to make my brother believe. “Nakagat ko lang ‘yan kanina, medyo matumal sa trabaho.”

“Weh?” binigyan niya ako ng hindi naniniwalang ekspresyon. His eyes were wide and expectant of an answer. “Bawal magsinungaling! Bad ‘yon!” He gently put his finger on the side of my lips.

“Wala nga ito…” Ipinasok ko ang susi sa lock ng pinto.

I twisted it and opened the door.

“Saan mo po ‘yan nakuha? Bakit ka inaway? Kawawa naman ang ate ko!” malungkot ang tono ng kanyang boses.

Ngumiti ako sa kanya. Binaba ko siya sa sa upuan at pinanggigilan ang kanyang pisngi. “‘Wag mong alalahanin si ate, bunso… kayang – kaya ni ate! Ako pa ba? Saka hindi naman ako nagpapa-api. ‘Wag ka na malungkot, smile na.”

Hinalikan ko siya sa noo. I felt at peace seeing my younger brother. Sapat na sa akin ang makita siya sa maayos na kalagayan, nawawala ang lahat ng iniinda ko.

Ipinagluto ko siya ng hapunan, at binihisan ng pantulog matapos ang pagkain. I prepared the bed and the apparatus. Pinauna kong matulog sa kama ang kapatid ko. When I was sure he was asleep, I went to check the bag with all the money I risked my life for.

I made a hundred thousand in a day… and a hundred of enemies.

Siguradong wanted ako sa mga sindikato.

***

The streets were my home, I knew it more than anyone.

Ilang araw akong nagpalamig sa mga sindikatong nag-aabang sa akin sa lansangan. I took my time to bond with my brother and see his doctor. Napapayag ko rin siyang magpatingin pabalik sa eksperto.

It was the same advice, my brother needs the surgery. Papalapit nang papalapit ang kanyang schedule. Hindi lang isang beses maooperahan ang kapatid ko kung sakali. Gusto ko munang makaipon ng pera bago ang operasyon para hindi ko na iyon iintindihin at maaalagaan ko lang siya sa hospital.

My phone rang in the middle of another operation.

I saw aling Cynthia’s name on the screen.

Kinabahan ako. Mabilis kong sinagot ang tawag.

“Agnes!” Her voice was frantic. “Nahimatay si Russle!”

Wala na akong ibang narinig, tumakbo ako patungo sa sakayan. Nagpupuno pa ang jeep bago umandar kaya tumawag ako ng taxi at pinaharurot iyon sa bahay. Kung p’wede lang ako ang magmaneho, ginawa ko na makarating lang ng mabilis.

Inantabayanan ko ang driver na hintayin kami. Halos sipain ko ang pintuan ni aling Cynthia.

“Asan si Russle? Asan ang kapatid ko?” I was yelling.

“Ate… bakit ka sumisigaw?” Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa.

I carried him to the door. “Dadalhin kita sa hospital!” Kabang – kaba ako.

Nakasunod sa amin si aling Cynthia na pinakiusapan kong kumuha ng ilang gamit ng kapatid ko. Nag-aabang pa rin ang taxi sa labas ng gate.

“‘Wag na ate, napagod lang ako kanina. Okay naman ako, pramis!” Itinaas niya ang kanang kamay.

Hindi uubra sa aking ang pagpapa-cute niya. I am decided to bring him to the hospital. Maalagaan siya roon ng tama. Sumakay kaming dalawa ng taxi, sumama na rin sa amin si aling Cynthia.

I was worried. Hindi yata mapapanatag ang loob ko hangga’t hindi kami nakakarating sa hospital. Russle was just pouting the whole time, he was starting to get annoyed every doctor’s visit.

Hindi naman p’wedeng sundin ko ang kagustuhan niya. Tahimik siyang bumaba ng sasakyan. Binayaran ko naman ang driver ng taxi. Russle was looking at me softly.

“Please…”

“Nag-aalala ako… kailangan nating bumisita sa doctor.” I reasoned out.

Hindi siya nakipagtalo pero patuloy ang pagnguso niya.

“Si Dr. Patriarca po ay may pinuntahang conference hanggang Friday. Dr. Smith is here, isa rin po siyang cardiologist. Ano pong nararamdaman ng bata?” The medical secretary told me.

Idinetalye ni aling Cynthia ang pangyayari kay Russle. Taimtim naman siyang nakinig. I was also listening. Nasa bisig ko si Russle, naglalaro ng kanyang puzzle. We were assisted into the waiting area of Dr. Alexis Smith.

Ilang matanda ang nasa unahan namin sa pila.

“May trabaho ka po, ate?” Sumulyap siya. Tumango naman ako. “Wala naman masakit sa akin, baka magalit ang boss mo n’yan,” pangungumbinse niya.

“Mas mahalaga ka.” Yumakap siya sa baywang ko.

Hours passed by, it was almost lunch time. Walang pag-usad sa pila. Russle was getting bored in our seat. Pinauna ko nang kumain si aling Cynthia, nahihiya na ako sa ginang.

Lumabas ang sekretarya ng doctor, hinarap niya ang ilang tao sa pila.

“Dr. Smith won’t be checking up patients, and is occupied at the moment. Pasensya na po!” She looked at us apologetically.

I heard an uproar from the patients waiting outside. Ilang oras kaming naghintay para sa wala. Naghintay kami dahil wala namang abisong cutoff na ang pila. We waited for our turn.

Hindi ba iyon labag sa polisiya ng hospital? I was sharing the same sentiments with other patients. Wala namang nagawa ang mga ito kung hindi umalis matapos ang halos kalahating araw na paghihintay.

“Si Russle na ba ang kasunod?” tanong ni aling Cynthia nang makabalik.

She eyed the empty waiting area. Umiling ako.

“Wala raw checkup,” sagot ko sa kanya at tumayo. “P’wede po ba akong humingi ng pabor? Isama niyo po si Russle, hindi pa kumakain ang bunso ko. May aasikasuhin lang ako sandali, tatawagan ko kayo.”

Aling Cynthia was hesitant, but she nodded. Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko.

“Hindi ka pa rin kumakain, ate! Sabay na tayo!”

I just smiled. “Mabilis lang ako, tatagpuin ko kayo ni aling Cynthia.”

Sumimangot siya kaya paulit – ulit kong hinalikan ang pisngi. Kumaway siya sa akin habang inaalalayan ni aling Cynthia. I stood there, unmoving. Nang mawala sa paningin ko ang dalawa saka ko isinagawa ang plano.

Binuksan ko ang pinto, nagtatakang tumingin sa akin ang sekretarya.

“And’yan ba ang doctor?” I asked the woman.

“Busy po si doc, hindi tumatanggap ng pasyente,” saad nito.

Mas lalo akong nanggigil sa narinig. If it weren’t for Russle, I would go ballistic earlier. Tangina lang.

Imbes na pakinggan ang sinabi ng babae, dumiretso ako sa nakasarang pinto ng opisina. She tried to stop me from entering the door, but I already kicked it big time. Bumukas ang nakasarang pinto.

I gulped hard. It wasn’t what I was expecting to see.

Two lustful lovers were having the time of their lives in the doctor’s table. Hubad na ang babaeng nasa ibabaw ng mesa na nakabukaka. The man was still dressed. She screamed loudly seeing me. Even I was stunned.

Hinablot ng babae ang doctor’s robe at patakbong lumabas ng pinto sa gulat. Saka ko lang napagtanto ang pangyayari, mas lalong kumulo ang dugo ko sa doctor. Was fucking a woman so important to neglect his duty?

Our eyes met for a moment.

Damn it.

Itinutok ko sa lalaki ang kutsilyong hawak ko. Ngumisi ito, hindi alintana ang walang damit niyang katawan.

What is this man doing here? Isa lang ang ibig sabihin nito, isa siyang doctor. I have no idea what happened to him after giving the jeepney fare. I was sure our paths wouldn’t cross again.

Heto kaming dalawa…

“Tangina! Kaya pala hindi mo magawa ang sinumpaan mong tungkulin, nakikipag-iyutan ka lang palang hayop ka!” I threatened him with a knife even more.

“What?” He chuckled. Tawang – tawa siyang naupo at sumandal sa upuan. “You have such a naughty vocabulary. What’s the fucking problem?” Sumeryoso ang kanyang mukha, nawala ang amusement kanina.

“May sakit ang kapatid ko sa puso, kailangan niyang ma-check up… ilang oras kaming naghintay sa labas para lang sabihing hindi ma-accommodate ang mga taong nakapila tapos ganito pala ang nangyayari sa loob ng opisina. You should have the decency to tell the patients not to wait any longer because apparently you have more important things to do.” I was gritting my teeth.

“Hindi ka man lang ba nahihiya at naaawa sa mga pasyente mo?”

“When you’re in heat, you don’t want to be bothered by a nuisance…”

It made me more annoyed. Nuisance? A fucking nuisance? “Tumayo ka nga at magdamit…” Kinuha ko ang shirt sa ibabaw ng table at tinapon sa kanyang harap.

He wore the shirt with his eyes not leaving me.

“Wala kang ibang choice kung hindi sumama sa akin. Itatarak ko itong kutsilyo sa leeg mo,” pagbabanta ko.

I saw his arrogant smirk. Kumapit ako sa kanyang braso at tinutukan ang kanyang tagiliran ng kutsilyo. The women were on the floor with scared expression as we went out of the office.

“Don’t call the security or I’ll take this man’s life,” I threatened.

Tinawagan ko si aling Cynthia at inalam ang lokasyon nila. They went to a restaurant nearby. Mabilis kaming lumabas ng hospital at naglakad patungo sa resto.

“Here’s the hotel…” Tumingala siya. Tinampal ko naman ang kanyang braso.

Hinigit ko siya patungo sa loob ng restaurant. Agad kong nakita ang kapatid kong kumakain ng salad katapat si aling Cynthia.

“Ate!” Binitiwan ko ang hawak sa lalaki.

“Be nice, I’ll cut your throat.”

Russle waved his hand at us. Dumako rin ang tingin ni aling Cynthia. The older woman blushed seeing the man I brought with me.


“Is that your brother?” Tumango ako. “Hello, little bro. What’s your name?”

“Hi! Ang pangalan ko ay Russle! Anong pangalan mo? Kaibigan ka ba ng ate ko?” sunod – sunod niyang tanong sa lalaking kasama ko.

“Siya iyong doctor, Russle…” I told my brother.

His little eyes squinted. “Nagpa-opera ba ‘yong doctor para maging lalaki?”

Kumunot ang aking noo.

“Silly, woman.” Ngumisi siya at nakipagkamay sa kapatid ko. “Gotham Wolfgang Arkinson, gentleman.”

Oh, fuck me. I got the wrong one.

The doctor was the woman he was fucking, not him!

Nasa akin pa rin ang wallet ng lalaki, pero wala akong nakuhang identification card. But it had cash. Alexis Smith? I thought it was a guy. Mestiso rin naman ang lalaki sa harapan ko.

He has that taunting smirk on his lips. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Boyfriend ka ba ng ate ko?” Binigyan ako ni Russle ng nakakalokong ngisi. “Kailangan niya ng boyfriend para hindi siya malungkot kapag wala ako.”

My face softened.

Umikot ako para tabihan siya. Naupo ang lalaki katabi ni aling Cynthia na halos hindi makapagsalita sa kilig. Aling Cynthia was mesmerized, it was funny.

“That’s not true, I don’t need anyone but you. Lagi namang nasa tabi ni ate si Russle,” sinabi ko. I messed with his hair. “Enjoy ka lang sa pagkain, ihahatid lang ni ate…” Inginuso ko ang lalaking nasa harapan.

“Aalis na agad siya?” Malungkot siyang tumingin sa akin. “P’wede bang maglaro muna kami ate? Wala naman akong ibang kalaro sa bahay.”

The man glanced at me. “There’s a mall nearby, do you want to go there, little man?”

Russle pouted at me. My jaw clenched. I nodded in approval.

Tuwang – tuwa ang kapatid ko. Mabilis niyang tinapos ang pagkain. Alerto ako sa bawat galaw ni Gotham. Marami akong atraso sa lalaki.

We went to the mall he was talking about. To my surprise, there weren’t any customers inside. Ilang kalalakihan lang ang nasa loob na mukhang parte ng security team. My brother was fascinated.

Sinundo kami ng mini train sa mall. He was so excited for the ride.

“Do you own this place?” mahina kong tanong sa lalaki.

Gotham glanced at me, smirking. “Why? Do you plan stealing it?” His stare was intense.

Hindi ako nagpatalo sa paninitig niya, namulsa ako.

“I might, don’t get too comfortable,” I hissed.

Muli siyang humalakhak.

“Ate, sakay na kayo ni kuya Gotham! Bilis! Bilis! Aalis na ang train train choo choo!” Russle sat with the driver.

Inirapan ko ito.

Nagpaalam si aling Cynthia na pupuntahan ang supermarket habang naglalaro si Russle. She’s going to buy some things. I was so thankful for her help and offered to pay her expenses. Pumayag naman ang ginang na ikinatuwa ko.

I sat in the left side and Gotham sat beside me. Halos hagipin niya ang puwesto ko.

Fucking annoying.

“You didn’t contemplate we’ll meet again,” his tone was mocking.

“‘Wag mo akong kausapin.”

Humalakhak siya ng mahina. He didn’t seem angry at all. Parang wala lang sa lalaking ninakawan ko siya ng sasakyan at pera. “What did you do to the money? I supposed, it’s for your brother, huh?”

“Oh, marunong ka naman pala mag-isip. Congrats, you figured it out!” I commented sarcastically. “Kung binabalak mong alamin ang nangyari sa sasakyan, wala na iyon. You can’t take it back, I don’t have a plan of giving it back to you.”

“Gutsy…” He was smirking. “It’s nice to see you again, Filantropi Agnes Masimsim.”

My eyes widened. I didn’t introduce myself to this guy, how did he know my name?

Mas lalo siyang ngumisi nang masilayan ang ekspresyon ng aking mukha. “I have connections, sweetheart. I know who you are.”

Kinagat ko ang labi ko. “Then, why didn’t you kill me?” matapang kong tanong.

Wala na akong kawala sa lalaki. He could have killed me easily without a trace. P’wede akong bumulagta sa daan anumang oras niyang gustuhin.

Gumawi ang mata ko sa aking kapatid. He was singing a song about trains with the driver.

“I have other plans for you,”

The stare. The sound of his voice. The intimidation. The arrogance.

Gotham Wolfgang Arkinson screams danger.

Something was telling my guts to be afraid of this man in front of me, but I couldn’t. Imbes na panghinaan ng loob sa malalim niyang paninitig sa aking kaluluwa, mas nakaramdam ako ng determinasyon. He’s not going to taunt and scare me.

Tumigil ang train sa tapat ng elevator, bumaba si Russle. Humawak ang kamay niya sa aming dalawa, sumakay kami ng elevator papuntang third floor. It’s a gaming floor with many toys.

My brother hugged all the stuffed toys he could find. Dalawang pares ng mata ang nakamasid sa kanya. I was feeling a bit anxious. Baka hindi niya kami palabasin ng buhay sa loob ng mall.

Russle asked the man to play with him. Gusto kong tanggihan ang kapatid ko. But fuck me, he looked so happy.

Pinagmasdan ko sila habang naglalaro, para akong agilang tutok na tutok ang mata sa dalawa. For some reason, he was so gentle with my little soul.

“Agnes,” Aling Cynthia nudged me. “And’yan na ang taxi.”

Naunang sumakay ang ginang. Karga ni Gotham ang kapatid ko. The two was inseparable since earlier, they were talking animatedly to each other.

“Tara na, Russle…”

He looked at me with sad eyes. “Kailan natin dadalawin si kuya Gotham?”

Hindi ako sumagot. Humarap siya kay Gotham. “Ikaw na lang ang dumalaw sa amin, kuya Gotham. Isinulat ko nang address namin.”

Napapikit ako sa narinig.

“Halika na nga, bunso!” Pinababa ko siya sa lalaki, kumaway naman siya rito bago sumakay ng taxi.

Bumaling ako kay Gotham na nakapamulsa. He was staring at my soul for a moment.

“He’s pure. Your brother is kind and full of life despite having a heart problem,”

Huminga ako ng malalim. “Your money didn’t go to waste… it will be used by someone who needed it the most… someone pure, someone with a good heart. Hindi mo kailangang maintindihan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ginagawa ko,” panimula ko.

“He’s a pure soul. Most likely, someone that pure wouldn’t survive in this fucked up society, that’s why I’m here. Ako ang tagaligpit sa bawat sagabal sa buhay niya. Don’t you dare hurt my brother in any way. I’m not as capable or rich as you, pero sisiguruhin ko magiging tinik mo ako sa lalamunan.”

He bit his lip, trying hard not to show that smirk. Gwapo nga, kulang naman yata ang turnilyo sa ulo.

Kinuha niya ang kamay ko. I was caught off guard with his sudden move.

May inilagay siyang malamig na bagay sa kamay ko.

“After that gesture you pulled at the hospital,” pinitik niya ang aking ilong. “We both lost the privilege to go there. Call me. You’re going to need me again, and I’m willingly giving myself to be used by you.”

Tinalikuran niya ako. I was dumbfounded. Ilang minuto akong nakatulala kung hindi pa ako tinawag ng kapatid ko.

TOC

Leave a comment