Chapter Six

Hindi ko mawari ang babaeng kaharap ko sa salamin.

Those eyes were mine, but they were strangely beautiful with make up done. I was amazed with how my reflection looked in the mirror. I looked so polished and womanly.

Parang hindi ako.

I stood. Muntikan pa akong matumba sa suot kong high heels. It was so uncomfortable to wear. Nasugat ang aking paa noong unang beses kong sinubukang suotin ang heels.

Mukha raw akong barumbado kung maglakad gamit ang heels komento ng kapatid ko sa harap ni Gotham. Iyon yata ang unang beses kong nakaramdam ng hiya. That embarrassment translated for sure, Gotham offered to buy me rubber shoes instead.

Isa rin namang tanga, pupuwede ba naman iyon sa dress kong suot? Halos iluwa na nga ang dibdib ko, maiksi rin ito kaya kitang – kita ang pang-ibaba ko.

Hindi kalakihan ang aking hinaharap pero sa klase ng tela ng damit, hubog na hubog ang katawan ko’t dibdib tapos sapatos na de medyas ang balak niyang ipasuot sa akin? I am no fashion icon, but that would be horrible I can tell.

Ilang katok ang narinig ko sa pintuan, sinundan pa iyon ng mahinang boses ng kapatid ko.

“Ate… tapos ka na ba? Kanina pa kami naghihintay ni kuya bayaw ko. Baka nilamon ka nang salamin.” Nasundan iyon ng hagikhik.

Muli akong sumulyap sa salamin. Pinasadahan kong ang aking kabuuan. Naninibago pa rin ako sa naturang ayos. It was new to me, but it wasn’t bad. Minsan lang ako naging mukhang tao.

“Ate ko…”

“Sandali lang, bunso. Palabas na.”

I took a deep sigh before I reached the door and opened it with courage. Bumungad sa akin Russle na buhat ni Gotham. He was wearing a mini tuxedo as well. Magkapareho ang kanilang suot.

“Wow!” Ang kapatid ko ang unang nakabawi sa pagkabigla. “Iyong puso ko ate, parang tumigil sa ganda mo.”

Sumimangot ako. “Russle…” I warned.

Hindi ko gusto tuwing nagbibiro siya ng ganoong bagay. It will never be funny to me.

Nang dumako ang tingin ko kay Gotham, titig na titig siya sa gawi ko. I couldn’t fathom the expression on his face, I had no idea what he was thinking. Do I look hideous to him? Why does it sound I want to impress that fucker?

Eh, ano naman? Wala dapat akong pakialam sa opinyon niya. He should be thankful I tried my hardest to be presentable in front of the guests of that party. Ni wala akong alam sa okasyon ng mga mayayaman.

“What?” iritado kong usal.

“Ang ganda ganda mo, ate. Hindi nga makapagsalita si kuya bayaw sa ganda mo.” Russle said teasingly. “Marunong ka na bang maglakad ng hindi barumbado?”

Imbes na mainis sa pang-aasar ng kapatid ko, hindi ko magawa sa laki ng ngiting nakapaskil sa labi niya. Kids are appreciative… and brutally honest.

Maraming beses kong pri-nactice ang pagsusuot ng may takong hanggang medyo masanay ang aking paa. Aminado naman akong hindi ko iyon basta – basta mape-perpekto ng kaunting oras, but I was able to walk without falling that much.

“Ano? Pupunta na ba tayo?” Pinagtaasan ko ng kilay si Gotham.

“Pasalubong!” sabat ng kapatid ko.

I just smiled. Tuwing may pinupuntahan akong pagtitipon, ipinagbabalot ko siya ng p’wede niyang makain. Hindi naman madalas, minsan gatecrash lang ang mga dinaluhan ko. Sigurado naman akong hindi ginagawa ng mayayaman ang pa-take out sa mga event.

Mga tauhan ni Gotham ang bantay ni Russle ngayong gabi habang wala kami. He was friends with his men. Sa kapatid ko lang yata mabait ang mga ito, ilag ang mga lalaking tauhan ni Gotham pagdating sa akin.

Kumawala sa pagkakarga si Russle sa binata. Kinuha niya ang kamay ko at pinagdaop sa mga daliri namin ni Gotham.

I almost flinched with the sudden waves of electricity seeping through my skin. His hand was warm on mine.

“Behave, Russle. Matulog ka nang maaga, okay? I’ll see you in the morning.” Ilang sunod siyang tumango. Pumantay ako sa kanya, hinalikan ko ang kanyang noo.

“Enjoy ikaw doon, ate. ‘Wag ka mag-worry sa akin.” He caressed my face softly. “Love you!”

“I love you, bunso.” I smiled.

We left.

Agad kong hinablot ang aking kamay ng makalabas kami ng main door. He walked towards the driver’s seat and opened the door leaving me on the entrance of the mansion.

Inirapan ko siya. Wala na ngang komento, hindi pa gentleman. Kung hindi ako nasasayangan sa ayos ko, gigiyerahin ko na naman ang isang ito. Nang pihitin ko ang door knob, locked ang pinto ng passenger’s side.

Umikot ako upang katukin si Gotham. The window opened.

“Pasasakayin mo ba ako o ano?!” I yelled at him.

“This side is open.” Ngumisi siya.

Our eyes stared at each other for more than a minute. Hindi ako nagpatalo sa mga tingin niyang may kahulugan. Binuksan ko ang pinto at sinipa ang kanyang dalawang bolang kristal. It wasn’t definitely crystal-like.

“Fuck!” Curses came out of his mouth.

I unlocked the passenger’s seat. Muli akong umikot upang sumakay dito. He was still hurting with my kick on his balls.

Akala niya naman maiisahan niya ako sa kanyang mga pakulo. Style niya bulok.

“Let’s go! Mag-drive ka na!” utos ko pa. “Ang hina mo naman!”

“You’re killing future generations, Filantropi.” His voice roared inside the car.

“Diskarte mo kasi, bulok! Kasalanan mo ‘yan!” I rolled my eyes.

Ipinirmi ko ang aking mata sa labas. Ilang minutong namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi kumibo si Gotham.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng lumantad ang kanyang mukha ilang pulgada ang layo sa akin. I couldn’t look at him straight in the eye. Biglang uminit ang paligid kahit de-aircon naman ang kotse.

Naramdaman ko ang malamig na bagay na pumulupot sa leeg ko. Nahimasmasan ako sa mapanghipnotismo niyang tingin. I looked down to see him putting a necklace on me.

It was a rose gold chain with two interlocking ring pendants with Russle’s and my name on it. Agad ko iyong sinuri at hinawakan.

“Maganda…” I blurted out. “Ang ganda…”

Huminga ako ng malalim. Ito yata ang unang beses kong nakatanggap ng regalo maliban sa kapatid ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam… I was still in shock.

“I know,” I heard Gotham. “And you’re more beautiful… the right word isn’t invented yet to describe your beauty, sweetheart.”

Nag-angat ako ng paningin. There was certain admiration in his expressive eyes. Papalapit nang papalapit ang mukha naming dalawa, pumikit siya. I smirked with the opportunity that was given to me.

Imbes na labi ko ang sumalubong sa kanyang naghihintay na labi, kamao ko ang dumapo. It wasn’t a punch… but he just kissed my fist.

“Hindi porke’t binigyan mo ako ng kuwintas, makakaisa ka na. Neknek mo!” Irap ko.

Bumahid ang inis at pagkapahiya sa kanyang mukha. I licked my lower lip, smiling. Sadyang mas matalino ako sa matsing.

I kept on touching the pendant. Paminsang – minsan akong sumusulyap sa gawi ni Gotham, nakakainis na gustong – gusto ko ang regalo niya at tatanawin ko iyon bilang magandang alaala.

Sumige pa rin si Gotham, marahang dumapo ang kanyang isang kamay sa aking hita samantalang nakatutok ang isa sa pagmamaneho. I let him be. Not because he gave me a piece I treasure.

But I’m liking the warmness of his touch. I’m liking his hand on my thigh…

It’s a damn hard pill to swallow.

***

Boring.

That’s the best description of the party. The dishes were deconstructed. Hindi ko magawang ma-enjoy ang pagkain. Ganoon yata kapag party ng mayayaman, napaka-formal ng event.

Dumalo yata ako para maburyo. Hindi ko naitanong kay Gotham ang tungkol sa pagtitipon.

One good thing about it, it was held in a yacht with an over-looking view of the ocean.

Muli kong nakasalamuha ang mga kaibigan ni Gotham sa pagtitipon. I couldn’t relate with business topics, but I know underground things.

Bumuga ako ng hangin, sinipa kong muli ang paa ni Gotham sa ilalim ng mesa. I heard his chuckles. Mas lalo niyang hinapit ang aking tagiliran. He knew I was bored to death.

“Just a few moment, sweetheart.” He whispered against my ear, and stood.

The emcee had an announcement once again, it was the annual auction. Alam ko naman iyon. I got interested with the items to be auctioned, I might steal one of those things.

But instead of things, they auctioned men. My eyes widened when of of those men was Gotham Wolfgang Arkinson. May gana pa siyang kumindat sa tayo ko.

Umayos ako ng upo. The women was already fussing over the auctioned men. Halos lahat ng imbitado ay mayaman, sigurado akong kaya nilang magwaldas ng malaking halaga para sa isang gabing date sa mga lalaki.

Anyone with the largest amount to bid would have a chance to date the man of their choice tonight as announced by the emcee.

“It’s me, hi…” Naupo si Jianyu, ang Chinese, sa tabi ko. “I put his name by using you as a bait. I told him you’re going to bid the highest.”

Tumaas ang kilay ko. “Do you think I have that kind of money? Well, I can. I can steal… and sell them in a reasonable price.”

“You steal?” He asked. “Cool. No wonder why he’s so smitten.”

Humalakhak ako. Anong smitten? Not in the slightest I was attractive to him. Probably, just now that I looked formal.

“You’re going to bid for him?” Pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Wala nga akong pera,” saad ko at muling tumutok ang mata sa stage kung saan nakahanay si Gotham.

Women were ogling at them, especially ogling at him. It was irritating to look at. Si tanga, talagang pumayag pa sa ganoong akitibidad. He’s bound to be married to me, even if the marriage is for convenience, I’m expecting him to stick with it. Hindi iyong mambabae siya.

The auction began.

Halos lumuwa ang mata sa ko sa milyones na iwinawaldas nila para lang sa mga lalaking nasa harap. It’s their money to throw, anyways. Even just for a day, it would be nice to be wealthy.

I watched everything to unravel. Muntik pang magkaroon ng komosyon ng magkapikunan ang dalawang babaeng hindi nagkasundo sa napiling lalaki.

When it was Gotham’s turn, the crowd turned more wild. Buong durasyon siyang nakatanaw sa puwesto ko. I had no idea what he was thinking. Ang tanga niya talaga kung iisipin niyang mayroon akong milyones na gagastusin sa kanya.

It started with five million and the bid became more stupidly high. Umabot pa ito hanggang thirty million. I was shocked and dumbfounded. I didn’t know he was that popular with women.

Iniwasan ko ang kanyang mga mata, hindi ako kumibo sa aking tayo. I could hear Jianyu’s laughter near me. Gotham was sold for thirty-one and a half million. That was a lot… expensive.

Kinagat ko ang aking labi at uminom ng wine.

Pumulupot kay Gotham ang kamay ng babae. His face was stoic and expressionless. The stage was open for a dance.

Lumabas ako ng hall na pinagdausan ng party. Agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Sumandal ako sa railing at nagsindi ng sigarilyo.

“Lonely?” someone asked.

Wala akong balak makipag-usap sa lalaki. I wanted to enjoy the space and peace on my own, but it was ruined by an unknown entity.

“Hindi. Kontento ako sa sarili kong presensya.”

“Oh, come on, don’t you like fun?” He insisted.

Ngumisi ako. “My kind of fun is different.”

“Bring it on, baby,” he challenged me.

Masunurin naman ako. So, I did.

I punched him on the face. I wasn’t contented with punches, itinulak ko siya sa railings ng side deck. His eyes widened in surprise. Hindi na siya nakahawak sa barandilya.

“Enjoy swimming.” I puffed a smoke.

Sakto namang natanaw ko ang taksil at ang babaeng nakabili sa kanya ng isang gabi. Sinundan ko ng tingin si Gotham palabas ng hall kasama ang babaeng dikit nang dikit sa kanya. He kept on removing her hands on his arm.

They couldn’t see me in this part of the deck I had chosen to smoke. His eyes were looking everywhere.

After a few minutes of battling my inner self, I followed them. Tinapos ko ang paninigarilyo at inapakan ang upos nito. Naunang pumasok ang babae sa cabin suite, may sinagot pang tawag si Gotham.

Tahimik akong pumasok sa cabin. I inspected the suite as I entered. May petals pa ng pulang rosas na nagkalat sa kabuuan ng carpeted floor.

“Gotham, honey, is that you?” tawag ng boses ng babae.

I tried not to make any noise approaching her from the back. Tinarget ko ang kanyang sensitibong parte ng batok, the force made her lost consciousness. Dinala ko siya at inihiga sa kama.

I waited for Gotham to arrive. A minute later, he walked in.

Sinapak ko ang lalaking mabilis na nakailag. He pinned me against the wall. His expression changed suddenly and lowered his guard when he saw it was me.

“Talagang may balak ka pang pumasok ng kwarto?” Pinitik ko ang kanyang ilong. “Ipapaalala ko lang ikakasal ka na… sa akin.”

Pinilit niyang magseryoso, pero sumupil pa rin ang maliit na ngisi. “Why didn’t you just bid if you’re that jealous?”

“I’m not jealous, moron. I’m just stating a fact, you’re getting married to me. I don’t care if it’s not bind with love… pero dahil tali ka sa akin, hinding – hindi ka p’wedeng magloko.” I warned.

“My soon-to-be nagging wife.” A smirk escaped his lips. “I know you’re here, that’s why I followed. What did you do to the woman?” Mas lalo siyang dumikit sa akin. Konti na lang ang pagitan naming dalawa.

“Pinatulog ko lang… hindi ko naman sinaktan ang babae,” sagot ko sa kanya.

But his focus lost on what I was saying. Dumako ang kanyang paningin sa labi ko. I couldn’t help but lick my lips.

“Fuck,” he cursed. “You like torturing me, huh?”

“Kung gusto mo ng torture, hayaan mong bugbugin kita.”

“I want to kiss you,” saad niya sa mababang boses. Napalunok naman ako.

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin, pero gusto ko ring halikan siya. I want to taste his lips… ito yata ang espiritu ng kalandian. The tension was high in the air, I could feel my knees trembling.

Unang beses na nanghina ang tuhod ko sa harap ng isang lalaking… gwapo.

Lumuwag ang hawak niya sa akin. “I don’t want to claim your lips without your permission. Go ahead while I still can control the temptation in my system.”

Nanatili ang mata ko sa kanya… My mind was telling me to move, but my body didn’t want to. The insides of me were screaming in protest when he let go of me.

“I can always punch you in the face if you’re out of line,” namamaos kong sinabi.

“What do you mean, sweetheart?” His brow raised.

Ang bilis ng tibok ng puso ko daig pang tumakbo ng isang kilometro.

Huminga ako ng malalim. “Kiss me, tanga.”

His eyes lit up. Wala siyang sinayang na oras. He pulled me closer to him and kissed me on the lips — no, nilapa niya ang labi ko at sinakop ito ng buo. All I can do is open my mouth and welcome his tongue exploring my sanity.

And… I was inexperienced with this thing.

Para akong papanawan ng ulirat sa hindi maipaliwanag na emosyong lumukob sa akin. Matutumba ako kung hindi siya nakahawak bilang suporta. Mas lalong naging mainit ang paligid. I felt a gush of liquid in between my thighs.

He dominated the kiss, I was only moaning, flabbergasted how good it felt.

Masarap… masarap ang kanyang labi.

Nabitin lang ang halik na iyon nang makagat ko ang pang-ibabang labi niya. Hingal na hingal kami pareho.

“Holy crap,” he whispered hoarsely.

Pulam – pula ang kanyang labi na may kasamang konting dugo. Nag-iwas ako ng paningin. Inayos ko ang sarili ko pati ang damit kong suot para libangin ko ang sarili sa halik na nangyari. Ganoon pa rin ang tibok ng puso ko.

It was beating so fast like a horse getting chased. I just kissed Gotham. Sinungaling ako kung hindi ko aamining hindi ko nagustuhan. If I would have the chance to kiss him again, I would grab it wholeheartedly.

“Did I bite your lip?” Hinawakan niya ang mukha ko at in-eksamin.

Umakyat ang dugo sa aking mukha. “I bit your lip,” sagot ko.

“Oh, you did?” His voice was soft — it was genuinely soft, not the teasing one.

Nakakapanibagong hindi niya ako inaasar. It was out of character. He should be teasing me right now.

“Bakit parang maamo kang tupa? Ganoon? Nahalikan ka lang bigla ka nang bumait?” Pinagtaasan ko siya ng kilay.

I crossed my arms around my chest.

“I don’t want to make you feel awkward about your first kiss.” He answered confidently. “I don’t want you to punch me in the face when the magical spell disappears.”

“Anong magical spell? Ginayuma mo ba ako?” Kumunot ang aking noo.

“No, not that kind…” He chuckled sexily.

Kinagat ko ang labi ko at nahulog sa malalim na pag-iisip.

Baka nga ginayuma niya ako. Why does everything he does become sexy all of a sudden? Iyong paghawi niya ng kanyang buhok, pagngisi at paninitig na dating kinaiinisan ko…

Right now, I find it weird to be attracted with the gestures I used to hate. Pucha naman oh, ginayuma nga ba ako?

“It’s the kind that once it wears off, you might regret kissing me. Are you drunk, Fili? I tasted a bit of alcohol in your mouth, but are you that drunk to kiss me?” Marahan niyang inilagay sa likod ng aking tainga ang mga buhok na bahagyang tumatahob sa aking mukha.

I could have easily said I was drunk to make excuses for my actions, but instead I admitted the emotions I felt at that moment.

“No, I’m not drunk… I wanted to kiss you,” pag-amin ko. “Hindi ako sinungaling…”

Sinipat niya ang kabuuan ng aking mukha. “Fuck, did Jianyu drug you while I was away?” manghang tanong niya.

Umarangkada ng kademonyohan ang kamao ko, sinapak ko siya sa mukha.

“Ang tanga mo talaga,” inis kong sambit.

Gotham was shocked to say the least. Hawak pa ng kamay niya ang side na tinamaan ng sapak ko.

“What was that for?” He asked. “You were kissing me a few minutes earlier, now, you’re hitting me with your fucking fist.”

Estupido.

I pushed him against the wall. Siya naman ipininid ko sa dingding. I crushed my lips against his once again and tried to imitate his movements earlier. Ilang minuto siyang hindi nakagalaw.

It gave me more time to be the one in control of the kiss.

Gumapang ang kamay ko sa kanyang buhok. I caressed his hair softly, gasping for air with our lips pressed together.

He had soft, warm luscious lips that opened up just enough for my tongue to fit inside and the sensation of our lips working together made my stomach flutter. I could taste our mingled breath and hear our hearts beating in one.

Bigla na lang niyang inangat ang magkabilang binti ko sa magkabilang parte. I followed my instinct to envelope my legs on his waist while both his hands were supporting my upper thighs.

And… the bulge in between was huge, it was piercing my skin. Wala roon ang atensyon ko. It made the atmosphere more sensual.

Ngayon ko napatunayang masarap nga ang kanyang labi.

“Oh my gosh!” A woman screamed.

I was panting hard, disoriented with the kiss we shared.

“You bitch!”

I looked up to see Gotham, his lips were still parted, mesmerized, as if bound by a magical spell. Naintindihan ko na ang nais niyang sabihin kanina.

Muntikan na akong mahulog sa kandong ni Gotham ng mayroong humigit sa aking buhok. The woman was enraged.

Oh, fuck. She didn’t sleep through the whole thing.

Agad niya akong iniwas sa babae. He easily dodged the woman without letting me go and dashed towards the main door. Bahagya ko pang nasilayan ang galit na babae.

He entered another cabin suite. Ibinaba niya ako ng marahan sa kama ng wala pa ring imikan.

“What now?” He voiced out.

“Kiss pa rin,” matapang kong sagot. I saw a glimpse of smirk on his lips.

Itinulak niya ako sa kama, pumaibabaw siya sa akin. Before he could lean and claim my lips, I stopped him.

“Kiss lang ang hinihingi ko, Gotham. Ipirmi mo ‘yang titi mo.” Pinanlakihan ko pa siya ng mata. “Kung gusto mo ng level up, kasal muna…” I blabbered.

He chuckled. “Yes, sweetheart. I would love to kiss you again.”

I wasn’t ready for that… thing. Labis pa iyon sa ngayon kahit alam kong hinahanap ng aking katawan.

My body yearns for heat. My body yearns for him. I’m not denying that.

Simula ng halikan niya ako sa labi, parang nabuksan ang pangangailangan ng aking katawan mula sa ibang dimensyon.

I want to be kissed and touched by him. I want to feel his hands on me.

He kissed me. He kissed me fully on the lips. I savored the moment.

***

I woke up in a haze with a handsome man staring at my whole being. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya nang bumalik ang alaala ko kagabi.

We kissed.

A lot.

Muntikan ko ng hindi mapigilan ang sarili ko at magpadala sa init ng pinagsaluhan naming halik. I was still intoxicated with the kisses we shared last night.

“Good morning, sweetheart. Want a kiss?” Para siyang batang naghihintay mabigyan ng isang laruang gusto niya.

“Aba, hindi porke’t nahalikan mo na ako, palagi na akong magpapahalik sa’yo… isa lang.” He leaned closer to catch my lips.

Nanlaki ang mata ko nang ma-realize na hindi pa pala ako nag-toothbrush man lang, tinakpan ko ang aking labi. I don’t want him to smell my bad breath. Baka hindi na niya ako halikan.

“Mamaya na pala,” He looked betrayed when I stood.

Mabilis ang galaw kong tumungo sa banyo.

“Why?” Gotham followed.

Naghilamos ako ng mukha at nag-toothbrush. Nagpunas ako ng malinis na tuwalya pagkatapos. “P’wede bang ‘wag mo muna akong abalahin habang may ginagawa? Kailangan na rin nating umuwi, baka hinahanap na ako ni Russle.”

Dapat kagabi pa kami umuwi, pero nalulong ako sa bisyo ng mga halik niya. We ended up staying and kissing all night.

Inilabas niya ang phone niya. He dialed a number and gave the phone to me when it rang.

“Hello… si Russle po ito,” bati ng kabilang linya.

Agad akong napangiti sa boses ng kapatid ko. Sumandal si Gotham sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan akong kausap si Russle sa cellphone.

“I miss you, bunso. Kumusta ang tulog mo? Kumain ka na ba? Uminom ka na ng mga gamot?” sunod – sunod kong tanong.

“Ayos po ako, ate, ‘wag ka na mag-alala. Kumain na po ako at uminom ng gamot. Naglalaro din po ako, wala po akong nararamdaman. Mag-enjoy po kayo ni kuya bayaw. Sabi niya, nasa dagat daw kayo… paano mo ako nakakausap? May signal ba sa dagat?” He asked out of curiosity.

Mas lalong hindi mapigil ang pagngiti ko. “Oo naman, bunso. May signal pa rin, itanong mo na lang kay Gotham kung bakit. Hindi rin naman kami magtatagal dito, uuwi rin kami agad. Anong gusto mong pasalubong?”

Hindi napaknit ang ngiti ko sa pag-uusap naming dalawa ni Russle. He’s such a sunshine in the morning. Napanatag ang aking loob sa ilang minutong nakausap ko siya.

Ibinalik ko kay Gotham ang phone. He didn’t say a thing.

Tumingkayad ako para abutin ang labi niya. I gave him a peck on the lips to show my gratitude in his gesture. Alam niya kung paano patatahanin ang pag-aalala ko kay Russle.

Isinara ko ang pinto ng banyo. I took a quick shower. Lahat naman ng gamit ay mayroon dito.

Lumabas akong suot ang roba ng walang kahit anong pang-ilalim. Nakalimutan kong wala akong dalang ibang damit bukod sa suot ko kagabi.

I cleared my throat to make my presence known to Gotham. Humarap siya sa akin, pinasadahan ako mula ulo hanggang paa.

“Wala akong damit,” I told him.

His eyes mirrored desire. “Better.”

Kinuha ko ang unan sa sofa at ibinato iyon sa kanya na agad naman niyang naiwasan.

To my surprise, he pushed me towards the bed. Mabuti na lang mahigpit ang pagkakatali ko ng roba, bumuyangyang sana ang pinakaiingatan kong hinaharap at gitna ng hita.

He crawled on top of me. Damn this man for having a good-looking features. Mas makapal pa ang kilay niya sa akin pati ang pilik-mata.

Naaakit na naman ako sa mga labi niya. Konting paglapat pa lang ng mga balat namin agad na umaapoy ang tensyon.

“You look damn beautiful… with or without clothes.” Pinitik ko ang kanyang noo. “I would love to see you naked, writhing and panting while screaming my name.”

I gulped. That sounds tempting…

Pero umayos siya ng tayo. Dumako siya sa gitnang table, napansin ko agad ang isang kahon na paniguradong naglalaman ng isang damit. Inilapag niya iyon sa kama.

“Wear it, Fili. I’m sure it will look good on you.”

Naupo ako sa kama. Binuksan ko ang kahong bigay niya. Unang bumungad ang undergarments na kasama nito.

It was a simple white dress.

Like a wedding dress.

I was right.

An hour later, we were both standing in front of a well-known judge to officiate the wedding. Last night served as his bachelor party… and today is our wedding day. Even Russle was there.

That bastard! He’s so cunning.

It was a simple ceremony with a few guests, mainly some of his friends and my brother. Kitang – kita ko ang saya ni Russle sa nasaksihan. For some reason, the wedding didn’t turn out gloomy as I predicted before.

“You may now kiss the bride,” the judge announced.

We did. We kissed. We kissed like we were alone in that room. “Wow, ah! Akala ko ba gamitan lang ‘to? Bakit tuka kung tuka?” As usual, galing iyon sa epal na singkit.

TOC

Leave a comment