Chapter Seventeen

I was a criminal before I met my husband.

I was trained with the syndicate in the streets. I belonged to a group of people who didn’t do good things and I only tried to escape in that kind of life when I met Russle — my innocent brother who had a heart complication.

Bumalik ako sa dating gawain upang suportahan ang kanyang pagpapagamot hanggang makilala ko si Gotham. Our lives changed after that. He was constantly annoying me, but he was soft for my brother.

Nakuha niya ang aking loob sa ganoong paraan. He proposed a conventional set-up that would be beneficial for my brother, kinagat ko naman iyon. I thought the worst possible scenarios that could happen, but instead I was met with an annoying but supportive husband.

Mas lalo pa siyang napalapit sa kapatid ko… hindi ko rin akalaing pati rin sa akin.

I have seen versions of him that wasn’t encountered by other people.

He would spend thousands for us… just because. He was sweet to my brother and always got his back. He was nice and loved to do things for me. He supported me in my desire to learn and have a proper education… that I wasted now.

Gusto niya ako… at gusto ko rin siya.

I was falling deeply and hardly for the man.

Now that we’re apart, I could admit my feelings confidently.

As cliche as it sounds, life isn’t a fairytale to have that happily-ever-after. Hindi naman ako Disney princess, baka ‘yong witch pa.

Hindi ko kayang palampasin kapag kapatid ko na ang inalipusta. That little man is my hope. I would do everything to keep him safe and away from the people that might hurt him.

Ayos lang na ako ang masaktan, basta hindi ang kapatid ko.

Hindi ko obligasyong palayain siya dahil ako naman ang may karapatan, pero para sa ikatatahimik ng lahat, kami nang kapatid ko ang lumisan. I would put a fight for him… pero ang kapatid ko ang naiipit.

Bibitiwan ko ang lahat kapag si Russle nang agrabyado.

With all my experience and training, I knew damn well to hide without any trace. Nagawa ko iyon ng ilang taon kay Bernabe bago niya ako nahanap muli. Gotham has all the resources and men to find me, but I knew how they work. I would use that to my advantage.

In-enroll ko si Russle sa isang paaralan sa probinsya. We went to Polillo island in Quezon. Russle seemed to quite like the beach life, but I could see how he missed my husband so much… and his baby, Voight.

Madalas siyang nasa labas ng bahay, nakikipaglaro sa mga bata sa isla. Madalas naman akong nakabantay sa kanya. Ipinagpaliban ko na muna ang aking pag-aaral. I only brought our clothes and a bit of cash I saved.

We rented a small house in the island. Naghanap din ako ng trabaho habang nasa isla para may panggastos kami sa araw – araw ng kapatid ko.

Sumasama ako sa pangingisda sa madaling araw, minsan nama’y tumatao ako sa tindahan ni Aling Meling. Nakakapagod ang trabaho pero para sa kapatid ko, kakayanin.

It was a fresh start for us. Hangga’t nasa isla kami hindi ako babalik sa dating gawi.

I wanted to be honest and work honorable for once. Tinanggap nila kami sa isla, tanging pagiging mabuting tao lang ang p’wede naming isukli.

“Uy, Meling. May bago kang tindera? Saan naman galing ito?” Sinuklian ko ang ginang. “Maganda, ah. Bakit ka napadpad dito, neng? May kamag-anak ka baga na taga-rito?”

Umiling naman ako.

“Ay, siya. ‘Wag mo namang sungitan are. Ito si Agnes, kagagaling laang sa siyudad niyan. Ang kapatid raw ay may sakit sa puso’t naoperahan na baga, sila muna’y pansamantala dine para naman makalanghap ng hanging probinsya.” Si Aling Meling ang sumagot para sa akin.

Iyon ang sinabi ko sa ginang. Likas yatang tsismis ang bumubuhay sa kanilang dugo. Kahit saan ako mapadpad, ini-interview ako ng mga tao. Most of them knew each other.

“Agnes, ang aking kumare, si Celia,” pakilala pa ng may-ari ng tindahan.

“Magandang araw po,” pagbati ko rito.

“Ah, ganoon baga?” Muli niya akong pinasadahan ng tingin. “Maganda ka, hija. P’wede kang makabingwit ng afam. May mga nagkalat pa namang nagbabakasyon dito.”

Ngumiti na lang ako sa sinabi ng ginang. Hindi ko na kailangan noon. Mayroon na akong sariling bersyon, asawa ko na nga, iniwan ko nga lang. Nawala naman ang ngiti sa aking labi.

Nag-usap pa ang dalawa bago tuluyang umalis si Aling Celia. Ako ang nag-asikaso sa halos ng bumili sa maliit na grocery store, inabot ng mahigit isang oras ang kanilang kuwentuhan.

I shook my head and continued my work. Kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Aling Meling na tanggapin ako sa trabaho. She was easily distracted with gossips from her friends.

Nagpaalam naman ako bago ang tanghalian upang sunduin si Russle sa school. Buti na lang napakiusapan ko pa ang paaralan na tanggapin ang aking kapatid kahit matagal nang nagbukas ang klase. His classes are just half days.

Sinusundo ko siya bago mag-lunch, sabay kaming kakaing dalawa. He would take a nap after eating. Samantalang kailangan ko namang bumalik sa tindahan upang magpatuloy sa trabaho.

Walking distance lang ang pagitan ng tindahan at bahay na inuupahan namin ng kapatid ko. Madalas niya akong binibisita roon. Aling Meling was also fond of my brother. Siya pa ang bumibili ng meryenda ng kapatid ko.

Sino ba namang hindi? Napakalambing ni Russle sa lahat. Nagmamano siya sa mga matatanda sa lugar.

Siguro’y hindi aakalain ng iba na magkapatid kaming dalawa. Masyadong mabait ang kapatid ko… samantalang ako…

Pagkatapos ng trabaho ko, tutungo kaming dalawa sa dalampasigan. Malaya siyang tumatakbo sa buhanginan. Minsan hinahabol ko siya pero hindi madalas. Ayoko pa rin ng sobrang napapagod siya.

Sinasamahan ko siya kapag gusto niyang lumangoy sa dagat. Marunong siyang lumangoy. Madalas kaming nagsu-swimming sa pool ng mansyon ni Gotham. I sighed.

Gotham had been in my mind since we left.

Walang araw na hindi ko siya naisip. I would think about him whenever I am alone or about to sleep… but it’s the hardest when I’m thinking about him even if I am occupied of something to do. Napapatigil ako sa ginagawa at natutulala.

I missed him. I missed him a lot.

At night, we’d do my brother’s homework.

It was another memory of me and Gotham. Siya ang madalas na tumulong sa akin sa paggawa ng mga aktibidades ko sa school. Sinasamahan niya akong mag-review kung kailangan kong magpuyat.

“Ate…” Russle’s voice brought me back to the reality.

“Bakit, bunso?” Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

“Hindi mo ba nami-miss si kuya bayaw?” He asked me. His eyes were brimming with tears. “Ako kasi, miss na miss ko siya.”

Russle cried.

Agad ko naman siyang niyakap nang mahigpit. Hindi ako nakasagot. I felt his pain, because I was feeling the same thing. Una pa lang, alam kong tinatatagan niya lang ang sarili para hindi umiyak.

Hinagod ko ang kanyang likod hanggang sa tuluyan siyang kumalma at nakatulog habang nakayakap sa akin.

No one would understand how much length I would go for this beautiful human being in my arms. No one is allowed to hurt him. Kaya kong isuko ang lahat para sa kapatid ko… kahit iyong lalaking ma— gusto ko.

Baka hindi ko mapigilan ang aking sarili kay Celeste… I didn’t want to end her life for the sake of her kid.

I can definitely raise him better than his mother… pero ayoko.

Ayokong kapag lumaki ang bata at nagtanong tungkol sa kanyang totoong ina, magsisinungaling ako upang pagtakpan ang aking ginawa. I didn’t want for the time to come that he would hate me.

Ayokong maltratuhin niya ang inosente kong kapatid na tanging gusto lang ay mapalapit sa kanyang anak. I don’t think, it would be the last time it will happen if we stay there.

Gotham would be furious… but I didn’t want him to pick between us and his child.

“I’m sorry, bunso…” Inihiga ko siya sa kama at kinintalan ng halik ang kanyang noo. “I missed him, too.”

***

It was a Saturday morning.

Walang klase si Russle kaya kasama ko siya sa tindahan. Bilin ni Aling Meling na dalhin ko ang aking kapatid para naman matuwa siya. Gusto namang sumama ng kapatid ko para tumulong sa akin sa trabaho.

“Ate, ligo po tayo mamaya sa dagat…” Lumabi siya.

“Sabi ni Mang Berting malakas daw ang alon ngayon, p’wede bang sa susunod na lang?” I asked him.

Napakamot naman siya ng ulo pero hindi siya nagpumilit. Nalibang siya nang makarating kami sa tindahan.

Tuwang – tuwa si Aling Meling na sinalubong ang kapatid ko. Magalang naman siyang nakipag-usap sa matanda. Ipinakilala pa ng matandang babae si Russle sa mga bumibiling kakilala ng ginang.

She was an old lady living alone in the island. Most of her kids were in the city. Pamilyado na rin ang mga ito at may sariling anak, minsan nga lang sila bumisita ng probinsya kaya siguro ganoon na lang ang tuwa niya sa aking kapatid.

Inanyayahan na rin niya kami sa pananghalian, hindi ko na kailangang magluto. Russled loved her cooking. Minsan naman ipinagluluto na rin niya kami ng hapunan. Napakabait ng matandang babae.

She reminded me of someone… Russle had always been cared by great women.

“Hello po, Ate Agnes.” Ilang bata ang tumungo sa tindahan. “P’wede po ba kaming maglaro ni Russle?”

“Oo naman…” Ngumiti ako sa mga bata.

“Russle!” tawag ko mula sa loob. Agad naman niya akong dinaluhan. “Hanap ka nila, maglalaro raw kayo.”

His eyes widened.

Nagpaalam muna siya kay Aling Meling bago sumama sa mga kalaro.

“Bunso…” tawag ko sa kanyang atensyon nang yakapin niya ako. “Bawal sa dagat, ha? Hindi pa safe sa dagat, malakas ang alon, baka madala ka kahit marunong ka namang lumangoy.”

Tumango naman siya bilang tugon. Pinanood ko ang mga itong tumakbo palayo, nakasunod ako sa bawat galaw ng aking kapatid. Nawala lang ang atensyon ko sa kanila ng mayroong bumili sa tindahan.

I wanted Russle to enjoy his childhood playing with kids his age. Malunasan man lang ang lungkot niya kapag nami-miss niya si Gotham at Voight. Kaya ko siyang protektahan sa lahat, maliban lang sa kalungkutan.

“Neng, magkano lahat?”

“Two hundred fifty five po…” I replied.

Isinupot ko ang kanyang mga pinamili at tinaggap ang bayad. Kumuha ako ng sukli para sa tatlong daan niyang ibinigay sa akin bilang bayad.

Nakarinig naman kami ng sigawan mula sa labas ng tindahan. Lumabas naman agad si Aling Meling upang makiisyuso sa nangyari.

“Ano raw iyon, Meling?” tanong ng customer sa kababalik na si Aling Meling.

“Bata raw, nalulunod… patay na raw yata! Kawawa man!” sagot ng may-ari.

Bata. Dagat. Nalunod.

Si Russle lang ang unang pumasok sa aking isip.

He wanted to go swimming. He wanted to play with the waves.

Nabitiwan ko ang hawak na sukli. Agad akong nanakbo patungo sa dalampasigan. My heart was racing fast just like my feet running on the ground. Parang mamatay ako hangga’t hindi ko ito nararating.

I couldn’t hear a thing, but my heartbeats.

Pinagkakaguluhan ang maraming tao ang batang sinasabing nalunod. Nabablanko ang aking utak. Itinulak ko ang mga taong humarang sa aking daan upang makita ang ang batang nakalatag sa buhangin.

Narating ko ang unahan ng dagat na nakikiisyuso. Dumako ang aking mata sa mukha ng bata.

Halos matumba ako nang hindi ko iyon mamukhaan. Nanghihina ako sa sobrang takot na naramdaman at kaluwagan na hindi iyon ang kapatid ko pero nakakaawa pa rin ang bata.

Wala sa sariling naglakad ako pabalik ng tindahan. Namumutla pa rin ang aking balat sa takot. Sinalubong naman ako ni Aling Meling at inalalayan papasok.

Russle was there.

He was already eating a merienda with the other kids. May hawak pa siyang cone ng ice cream. Kumaway siya sa akin at tumakbo. Napasalampak naman ako sa sahig upang yakapin siya. My tears started to fall.

For one second, I thought I lost him.

Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. Baka mamatay ako.

“Ate… tunaw na po ang ice cream ko.” He told me gently.

Pinahid ko naman ang aking luha at pinakawalan siya. Inabutan ako ni Aling Meling ng isang baso ng tubig. Ininom ko naman iyon. I was still visibly shaken. Sinubuan ako ni Russle ng ice cream niyang kinakain.

“Saan ka nagpunta?” tanong ko sa kapatid ko.

“Doon lang po sa bahay nina Vince. Naglaro kami.” He answered me. Tinitigan niya akong mabuti. “Umiiyak ka ba, ate?”

“Hindi. Napuwing lang ako sa mata. Sige na, makipaglaro ka na.” Russle ran back to them.

Nilapitan naman ako ni Aling Meling.

“Jusko kang bata ka… kinabahan ako roon, ah.” Humawak pa siya sa dibdib. “Ayos ka lang baga? Tubig pa? Nabigla kami sa pagtakbo mo, gayong nakita ko lang si Russle pabalik ng tindahan.”

Napailing ako. “Pasensya na po, Aling Meling. Nataranta lang po ako… narinig ko lang iyong bata kadugtong nang nalunod, nataranta na ako. Si Russle lang ang naisip ko.”

Hinawakan niya ang aking braso at tinapik. “Natutuwa ako sa pagmamahal mo sa kapatid mo… pati kabiyak ng tsinelas mo nawala pa.”

I looked at my feet.

Tama nga ang ginang, wala ang isang kapares ng tsinelas ko. Wala akong ideyang natanggal ito sa aking pagtakbo. I was numb to feel anything.

Nagmagandang – loob ang ginang na bigyan ako ng tsinelas na pamalit sa naiwala ko. Bahagyang kumirot ang aking paa na natusok ng bato. Naghinaw muna ako sa poso bago bumalik sa loob ng tindahan.

Nanginginig pa rin ang aking kabuuan pero pinilit kong gawin ang aking trabaho. Madalas akong napapatingin sa aking kapatid na naglalaro sa harap ng tindahan. Ibinaon ko sa limot ang pangyayari kanina.

Pagkatapos naming isara ang tindahan, pinadalhan kami ng ulam ni Aling Meling. Dumaan muna kami ni Russle sa dalampasigan. Hinayaan ko siyang maglaro sa buhangin at sa alon, umupo naman ako sa buhangin habang pinapanood ko siya.

Tumakbo siya pabalik sa akin at yumakap.

“Pagod ka na? Gusto mo nang umuwi?”

He nodded his head. “P’wede na ba tayong umuwi kay kuya bayaw?”

Ayan na naman ang tanong niyang hindi ko alam ang sagot.

Hindi naman mahalaga kung gusto ko o hindi, mas mahalaga na maayos at ligtas ang kapatid ko.

Gusto ko? Hindi ko itatanggi.

“Paano sila mabubuhay ni bebe Boyt, ate? Hindi naman ‘yon siya marunong mag-alaga ng bata… tapos ‘di rin marunong mag-alaga iyong mama niya.” He pouted. “Minsan, sinasaktan niya pa si bebe kapag umiiyak. Ate, baka saktan lalo si bebe Boyt ko dahil wala tayo roon. Wala na mag-protect sa kanya…”

“Sinasaktan niya si Voight? Sinasaktan ka rin niya?”

Tumango ang kapatid ko.

I sighed.

“Pumayag lang po ako… para hindi na magalit ‘yong mama ni bebe Boyt. Kaso naisip ko po baka lalo niyang saktan dahil wala na tayo roon.” Yumakap siya sa akin. “Please po, ate… please…”

“Gusto mo na ba talagang umuwi?” I asked.

He nodded more eagerly.

“Opo… saka para hindi ka na rin malungkot,” saad niya.

“Ha? Hindi naman malungkot si ate, ah. Masaya nga ako. Para lang itong kagaya nang dati, ang pinagkaiba lang, magaling ka na.” Sinuklian ko ang kanyang yakap at hinalikan ang kanyang noo.

“Sabi mo po, masama magsinungaling…” Lumabi siya. “Alam ko miss mo na rin si kuya bayaw pero hindi mo lang sinasabi po sa akin. Ayi!” Russle was teasing me. Tawa siya nang tawa.

Sumeryoso ang ekspresyon ng aking mukha.

“Sige, bunso. Pumapayag si ate… sa isang kondisyon.” He listened to me attentively. His eyes were hopeful. “Please, sabihin mo kay ate kapag may nang-aaway sa’yo o sinasaktan ka. Tell me everything. Ayokong naglilihim ka ng tungkol doon. Naiintindihan mo ba?”

Muli siyang tumango. “Promise?”

Inilahad niya ang pinky finger niya.

“Promise po, ate…” We sealed the promise. “Uuwi na po ba tayo?”

Tumango naman ako.

Halos dalawang linggo pa lang kami sa isla, pero mukhang hindi na kami magtatagal sa lugar. It was a nice island with beautiful people who welcomed us. Living in the island trying to fight the sadness of leaving the person we love… was bearable because of the people.

Inasikaso ko ang gamit namin pag-alis. Nagpaalam na rin ako sa mga taong naging malapit sa amin ng kapatid ko. I also went to the school to tell Russle’s teacher personally that we were about to leave the island.

“Nako, Russle apo, mami-miss kita…” Aling Meling was crying when we told her the plan.

Agad naman iyong inagapan ng kapatid ko para yakapin ang matanda at patahanin. He glanced back at me. Napakamot siya sa ulo.

She already considered my brother as one of her grandchildren.

Hindi pumayag ang matanda na umalis kaming walang despedida party. Ipinasara niya buong araw ang tindahan upang makapagluto kami para sa okasyon mamayang gabi.

Tumulong ako sa paghihiwa ng mga gulayin at ibang ingredients na kailangan sa mga putaheng ulam pati na rin sa dessert. She was preparing a lot. Napakarami noon para sa aming tatlo…

But it wasn’t just for us three. Imbitado lahat ng kapitbahay sa pakain ni Aling Meling. Ganoon yata talaga sa probinsya. Ang handaan ay para sa lahat. She even bought a cake in the bakery.

We had a lot of fun. Lalo na si Russle. Napakasarap ng pagkaing luto ng matandang babae. Lahat ng dumalo ay nakakain at nag-enjoy. Russle kept thanking Aling Meling, she was just crying.

Bahagyang tinulungan ko ang matanda sa pagliligpit ng mga upuan at lamesang ginamit sa salo – salo.

“Hayaan mo, Aling Meling, bibisitahin ka naman namin ng kapatid ko…” I smiled. “Salamat sa pagtanggap sa amin at pagbibigay ng pagkakaabalahan at trabaho. Napakabait ninyong tao.”

“Isa ka pa, Agnes, ‘wag mo na akong paiyakin.” Niyakap niya ako nang mahigpit. “Alagaan mo ang kapatid mo. Alam kong kahit hindi kita paalalahanan ay gagawin mo. Hihintayin ko ang pagbabalik ninyo. Bisitahin natin ang ibang parte ng Polillo.”

“Wala pong problema,” sagot ko naman. “Baka isama rin namin ang asawa ko…”

Nanlaki ang kanyang mga mata.

“Ano?! May asawa kang tao?!” she asked loudly.

Napatingin sa amin ang mga kapitbahay. I shook my head slightly. Talagang malakas ang boses ni Aling Meling.

“Nag-away kayo ‘no? Kaya napadpad kayo rito?”

“Mahaba pong kuwento.”

“Aba’y handa akong makinig…” Natawa ako sa ekspresyon ng kanyang mukha.

“Maaga pa po ang alis namin bukas,” sinabi ko naman.

Tiningnan niya akong may pagtatampo. “Ilang araw tayong magkasama, hindi mo nagawang ikuwento sa aking pamilyado ka na pala.” Umiling naman ang matanda at bumulong. “G’wapo baga iyan? Malaki ang ano… baka ika’y kaya napaparito ay maliit ang ano…”

Napailing naman ako at natawa.

“Hindi po nakakapagsising asawahin, malaki at mahaba po ang titi…”

Her eyes widened even more. Pinaypayan na lamang niya ang sarili.

Totoo lang naman ang sinabi ko. He was long and huge. Paano ko naman iyon matitiis ng ilang linggong hindi masasakyan ang kanyang ibabaw? Napailing ako.

“Oh, baka may kakilala ka sa siyudad… gusto ko pa ring madiligan.” Kinindatan pa niya ako.

“Ipaghahanap ko po kayo,” sinabi ko kay Aling Meling.

“Oh, siya. Kayo’y umuwi nang dalawa at maaga pa ang inyong luwas kinabukasan. Kahit hindi ako mapakali sa rebelasyon mong iyon.” Tumawa na lang ako sa turan ng matanda.

Tinawag ko si Russle upang makauwi na kami. Halos nakauwi na rin naman ang lahat nang dumalo.

Hindi naman kalayuan ang bahay ni Aling Meling sa inuupahan naming bahay. Hindi rin ito malayo sa tindahan na pinagtrabahuhan ko.

We went straight home. Pinagbihis ko si Russle ng pamalit na damit at pinagsepilyo pagkatapos ay naligo ako. I changed to my pajamas and joined my brother in bed. His spirits were still high telling me how excited he was that I changed my mind.

I changed my mind for him.

And fine, for that one handsome man with a huge dick that could fill me whole…

“Matulog na, bunso. Bukas pabalik na tayo ng siyudad. Mabilis na lang ang oras.” I kissed his forehead.

“Okay po, ate.” He smiled. Kinumutan ko na siya.

Napatayo naman ako sa kama nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng inuupahan naming bahay. Napamulat muli si Russle.

“Si Nanay Meling ‘yan siya, ate. Hindi ‘yan makatulog ng walang tsismis.” Natawa naman ako.

He was right. I heard the woman calling me.

“Saan mo naman natutunan ang tsismis?” Pinanlakihan ko siya ng mata.

He just giggled. Hindi ko na hinintay ang sagot ng kapatid ko na tumatawa pa rin, lumakad naman ako palabas ng kwarto upang pagbuksan ang pangangailangan ng matandang babae.

I opened the door for her only to face a familiar face of terror.

Bernabe.

Hawak niya ang ginang, may nakatutok na baril sa kanyang sentido sa isa sa mga tauhan nito habang ang isang kamay ni Bernabe ay may hawak na baril nakatutok sa akin. He fired the weapon as my reflexes closed the door.

Tinamaan ako nito sa bandang tiyan. Blood gushed out from the wound. Mabilis akong tumakbo sa kuwarto upang kuhanin ang aking kapatid. We needed to get out.

“Ate…” Russle called me, his eyes were wide with the sight of blood. “Dumudugo tiyan mo.”

“Shh…” I stopped him from crying.

Kumuha ako ng damit, ibinigkis ko iyon sa aking sugat para magkaroon ng pressure at iwasan ang pagdurugo. Binuhat ko siya at tumakbo sa parte ng bahay na p’wede kaming lumabas.

My brother looked so scared, I couldn’t blame him.

Takot din ako… pero hindi para sa akin. Takot ako para sa kanya.

I was so caught up with the thought of not getting traced by Gotham that I lowered my guard down for the real threat. I was caught off guard. Akala ko tapos na ang kanyang pagbabanta ng hindi ako nagpatinag sa kanyang mga tauhan.

I should’ve known better.

Kilala ko ang kanyang bitukang halang. Inilabas ko si Russle mula sa bintana ng banyo. Narinig ko naman ang ilang putok ng baril at pagpasok ng mga kalalakihan sa inuupahan naming bahay.

Nahihilo ako sa tama ng baril at pagkawala ng dugo. Sumunod ako sa aking kapatid nang maibaba ko siya mula sa maliit na siwang sa banyo. I stumbled hard.

“Russle, makinig ka kay ate, kailangan nating tumakbo patungo sa dalampasigan… walang lilingon, basta takbo…” Hinawakan ko ang kanyang mukha.

Kailangan naming makatakas kay Bernabe at sa mga tauhan nito. Kahit saan kami magtago sa ibang parte ng isla, matutunton niya kami. Ayokong madamay pa ang ibang tao.

I was weak. I was wounded. I couldn’t protect them even if I want to. Who knows if I could survive another hour?

We just needed to leave by the boat. And I just needed a few hours to live. Sumama ako sa pangngisda. Somehow, I learned to operate a boat. I just needed a phone to contact my husband to fetch Russle on whatever location we landed.

Tumakbo kami. Tumakbo kami patungo sa dalampasigan.

It was dark, the moon was guiding us.

They started firing shots. Binuhat ko ang aking kapatid upang salagin ang balang maaaring tumama sa kanyang katawan. I felt another bullet hitting a bit of skin in my arms.

Nilangoy ko ang pagitan ng bangka. I was pushing Russle as he swam trying to reach the boat.

Nang makarating kami’y agad ko siyang isinampa sa bangka. I barely managed to get myself up to the boat. Agad kong sinumulang buhayin ang makina ng bangka. I was hoping, there was much gasoline on the boat.

It worked.

It started. It started to move forward and away from the island. I could see silhouettes of them in the dalampasigan. Aling Meling was probably killed. Noong una, si Aling Cynthia tapos ngayon…

I was the bad omen to them.

“Ate…” Namumutla pa rin ang kanyang mukha sa takot.

Ngumiti ako. “It’s okay, bunso. Ligtas ka na. Kailangan lang nating makarating sa pier. Makikitawag tayo para kontakin si Gotham. He will come for you, okay?”

My phone was turned off… it wasn’t the phone Gotham bought me. I used it for emergency. Nasa bag iyon kasama ng mga ibang gamit namin na dadalhin sa pag-uwi. I couldn’t bring the bag with us… holding a full baggage and a child would slow us down.

There was no need to think further. Kailangan kong iligtas ang kapatid ko.

“May dugo rin ako…” He opened his hand holding his chest.

“H-ha… b-bakit…”

Nanginginig ang aking boses at kalamnan. Agad kong hinubad ang suot kong damit. Itinapal ko iyon sa kanyang dibdib habang inihiga ko siya sa aking mga bisig. He wasn’t pale because he was scared, he was losing blood!

“R-russle… b-bunso… ‘di ba hindi mo iiwan si ate? B-bawal m-matulog… look… tumingin ka lang sa s-stars sa itaas. M-malapit na. G-gusto mong umuwi ‘di ba? Uuwi na tayo. K-konti na lang.” He was trying to caress my face.

Isa lang ang gusto ko sa buhay…

Laging ligtas ang kapatid ko. I did everything to get him a good life and to experience the childhood every child deserves. I worked hard to make sure he could have the surgery and make his heart feel better.

Hindi p’wede ‘yong ganito…

Inilayo ko siya upang protektahan sa mga taong sinasaktan siya… only to bring him into more danger.

Hindi ko kakayanin…

Ako na lang. Ako na lang ang kuhanin sa aming dalawa.

“Anong o-oras na?” he asked me.

Agad ko namang tiningnan ang suot na relo.

It was midnight.

“Happy birthday, ate ko. I love you! A-alagaan mo sila…”

My world ended.

My sanity died with him.

I became a lost soul with no reason to live.

I died when my brother died. I lost him on my birthday.

TOC

Leave a comment