Chapter Eighteen

TRIGGER WARNING: Violence

I lived. My brother died.

It hadn’t sank in for the longest time. I couldn’t deal with the pain. I lost my only light. I was lost in the dark. I was soulless. But I craved for one thing… I craved for blood of revenge. That was the only thing I was living for. That was my sole purpose.

So, I did.

I haunted Bernabe’s men one by one. I killed them in a manner more brutal. I tortured them. No matter how they begged me mercy, I was long gone. I died with my only light.

Even with with every kill, it didn’t revive me.

Na kahit anong gawin ko… na kahit patayin ko ang lahat ng tao… hindi na maibabalik sa akin si Russle. Nothing could fill the void I was feeling.

I was mad. I was sad. I was emotionally killed. I was insane.

I still went on with my killing spree. I killed all of his men, until it was just him on his own.

Alone.

I should’ve finished him when I had the chance. I should’ve killed him before I left when the house was burning. I didn’t because I wasn’t one of his creations anymore. I already left that for my brother… only remained the useful skills to get him treated.

Kumalas na ako para sa kapatid ko. Bumitiw na ako sa ganoong buhay. He should’ve let me go. He should’ve let me live.

Now… we were in this cycle of chase. Kahit saan siya pumunta upang magtago sa akin, susundan ko siya… just to put bullet on his head.

Sure, everything I did for revenge wouldn’t bring back my brother. But I wouldn’t let them live either. They didn’t deserve to live. Mas matatanggap ko pang ako ang napunta sa kalagayan ng kapatid ko.

Tinanggal ko ang busal sa kanyang bibig. He was hanging upside down from the wheel of life. Naupo naman ako sa silyang kaharap niya. Inihanda ko ang mga patalim at baril na gagamitin ko sa lalaki.

He had been in that wheel for three days. Hindi naman palaging nakabaliktad siya, may mga panahong tama ang kanyang tayo. His blood splashed everywhere, the same thing happened to his piss. It was smelling with pee and blood.

Sometimes, I would pour gasoline circling him and throw a stick of a lit cigarette to disinfect the whole area. It would scare him to death. More liquid came out of his body.

I never knew he was this scared to death… he should’ve never messed with me… he should’ve never pursued to kill me. Imbes na ako ang napatay niya, inosente ang nadamay.

But he did and he was paying the price.

They were times, he was angry. There were times, he was begging me to spare his life.

“Ikaw ang p-paborito ko sa lahat ng mga tauhan ko…” I got a knife on the table.

Inihagis ko iyon sa kanya ng hindi sinusulyapan ang lalaki. Napapalahaw siya sa sakit nang tumama ito sa kanyang tainga, just like I intended. I wanted him to shut up, not to kill him yet.

“I don’t want to hear your thoughts, Bernabe. Kung gusto mo pang mabuhay nang mahaba – haba, isa lang ang gusto ko, tumahimik ka…” There was no emotion in my voice.

Halos hindi ko makilala ang sarili kong boses. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging masaya. I was just eaten by emotions other than happiness.

“Patayin mo na ako, p-parang awa mo na…” iyak ni Bernabe.

“Kapag pinatay ba kita, mabubuhay ang kapatid ko?” Tumaas ang aking kilay. “Hindi. Wala akong pakialam kung mamatay o mabuhay ka sa huli, Bernabe. Gusto kong maghirap ka… gusto kong ikaw mismo ang sumuko sa buhay.”

“Kaya siya namatay kasi hindi ka karapat – dapat!”

It made me more numb. Maybe, he was right on that one. Baka hindi nga ako karapat – dapat dahil masyadong mabait ang kapatid ko. He was so innocent while I was tainted.

“Namatay siya dahil hindi mo ako tinantanan…” I picked another knife to my pile of weapons.

Napapikit ang lalaki, may inusal siyang dasal. Ito ang unang beses kong nakitang nagdasal ang makasalanan… hindi pala, madalas palang magdasal sila para magkaroon na naman sila ng espasyo na gumawa ng panibago.

I aimed the side of his belly. A gush of blood came from it. Then, I threw another one.

And another one… it continued until every part of his body was ripped and blood was flowing. I would dry him out… I changed my mind. Tinanggal ko ang pagkakatali niya sa wheel of fortune na ginawa ko.

“Run… I’ll haunt you down,” mahina kong bulong.

He stumbled. More blood was coming from him. Binigyan ko siya ng sampung minuto para makatakbo. Sinundan ko lang siya ng tingin at pasulyap – sulyap ako sa orasan.

Nakatakbo na siya sa talahiban palayo ng abandonadong gusali.

When it hit the ten-minute mark, I got a pistol.

Sinilip ko siya gamit ang teleskopyo. I calculated his move and fired a shot targeting his right leg. Natumba ang lalaki. Muli ko siyang sinilip sa teleskopyo. He still was trying to get up with his wounded leg.

Hinayaan ko siyang makalayong muli bago ko binaril ang kaliawang paa niya. Kita ko ang kanyang pagtumba. I took my time. Kinuha ko ang isang kutsilyo at itinali ko ang kaluban ng itak sa aking baywang.

Ilang beses siyang nagmakaawa nang makalapit ako. Wala na iyong mayabang na Bernabe na una kong nakilala. He was so scared… he was so scared to die. Poor him.

Tama lang na magmakaawa siya… dahil piping nagmakaawa din na ako na lang ang tumayo sa puwesto ng kapatid ko. Tuluyan siyang nawala sa akin ng dahil sa kanila ng mga tauhan niya.

Lumuhod ako at tumapat sa kanya.

“Shh…” Pinanlakihan ko siya ng mata.

Tumahimik naman ang lalaki.

“Gawin mo ang lahat ng gusto ko, Bernabe. Naiintindihan mo ba?” Tumango naman siya. “Sige, ilabas mo ang dila mo. Gusto kong makita.”

“B-bakit?” natatakot niyang tanong.

“Pinahintulutan ba kitang magtanong?”

Umiling siya. Sinunod niya ang sinabi ko. He stuck his tongue out for me to see. Walang pasabing gumalaw ang kamay ko upang putulin ito ng kutsilyo. He couldn’t scream now.

Sa bawat sigaw niya, sa pagbulwak ng dugo sa kanyang lalamunan. It’s not cool drinking his own blood.

Inilabas ko naman ang itak at tinanggal ang magkabila niyang braso. Binali ko rin ang kanyang mga paa. Umalis ako sa lugar na iyon. Bago ako lumisan, nag-iwan ako ng upos ng sigarilyo. Mabilis na lumago ang apoy sa talahiban.

Can he get out now?

Maybe, his other goons would be chasing after me… or the other groups. I have nothing else to lose.

***

My next stop was the bridge. Tinanaw ko ang mga ilaw ng siyudad.

I saw posts with lights that didn’t flicker, I could relate to that one. I was in the dark, I can’t seem to push myself out of that tunnel. My head was a fucking mess. Desidido na ako sa kapalaran ko.

All I wanted was to be with my brother… to give him my utmost love… to take care of him…

For the first time, I cried once again. Bumuhos ang lahat ng emosyon kong naipon matapos ang lahat.

He was my pride and joy. He was the reason why I strived so hard to be a good person. He was my savior. In one circumstance, he was taken away from me. Bakit hindi na lang ako?

The world should be planted more with good people than just the bad ones.

I snapped. I lost all my senses, especially my empathy.

Hindi na ako makabalik sa dati kong buhay… Hindi na ako makakabalik pa kay Gotham. I’ve done all the terrible things to fill the void in my heart that was endless.

Isa akong halimaw at nakakatakot na nilalang. I was fucked in head. Baka bigla na lang akong mawala sa sarili at masaktan ko siya… o ang kanyang anak. Mas mabuti nang malayo ako sa kanila.

Tiningnan ko ang tubig. I was ready to jump from the bridge.

Kinapa ko ang aking bulsa upang kuhanin ang aking pitaka. Gusto kong mamatay ng walang pagkakakilalanlan. When I opened my wallet, a small piece of tiny baby was there.

It was Russle’s belief that the tiny baby he used to put everywhere in the house, in our belongings would keep us safe. Napaupo ako at humagulhol. Maybe, he was right about that part. After all, he was still trying to protect me.

Nang makita ko ang laruang iyon… hindi ko na magawa. Hindi ko na kayang kitilin ang buhay ko…

I cried so much that night. Saksi ang mga tala sa kalangitan sa paghihinagpis ko. Sila ang tangi kong karamay. Niyakap ko ang aking sarili sa malamig na gabi. Bahagya akong nahimasmasan sa sarili kong pagkalunod sa kalungkutan.

I missed my bunso so much.

I wanted to hug him. I wanted to hear his voice again. I wanted to hear his laughs. I wanted to cuddle with him when he couldn’t sleep at night. I wanted this pain to end so bad.

Miss na miss ko na siya.

Kasalanan ko naman… kasalanan ko naman. I’m sorry, bunso. I’m sorry.

Kahit ilang beses akong humingi ng tawad sa kanya, mismong sarili ko hindi ko mapatawad. Ako naman ang puno’t dulo ng lahat.

I couldn’t even go back to my husband. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko kayang sabihin ang tungkol kay Russle. He loved that kid as much as I did.

I failed the both of them.

Tuliro ako sa sariling nagpagala – gala sa buong siyudad. Naglakad ako hanggang sa tuluyan akong napagod. Hindi ko alam kung paano akong makakatakas sa sakit. Hindi ako makapag-isip ng tama.

Nang sumuko na ang aking mga paa, humanap ako ng bahay. Inakyat ko ito upang doon magpalipas ng gabi at matulog. There was no one in the house.

Namataan ko ang isang kuwintas. Isinuot ko iyon sa aking leeg. I searched for a room to stay, I found a nursery room and cuddle with a toy. Wala namang bata sa loob ng kuwarto.

I slept until the morning.

Nagising akong mayroong pulis sa aking harapan. Pinusasan ako ng mga ito at dinala sa presinto. I was caught in the act, no, I slept in the act of robbery. Balisa pa rin ako at halos hindi makausap nang maayos pagdating sa presinto.

Kinasuhan ako ng may-ari ng bahay na inakyat ko, nakuha sa akin ang kuwintas na isinuot ko kagabi.

That was the point. That was the point of the whole ordeal. I wanted to be away. I wanted to be in prison.

Napunta nga ako kagaya ng inaasahan ko. I was caught for robbery, not for killing Bernabe’s man or the torture of their leader. I was caught because that was the plan in the first place.

Nakasuhan ako. Umusad ang kaso hanggang sa tuluyan akong nakulong.

Penalty of prision correccional in its maximum period. I was supposed to be in the prison for as long as six years, but it was decreased. Wala ako sa sarili sa buong trial, inamin ko naman ang aking ginawa.

Kaya halos dalawang taon lang sentensiya sa akin.

I spent days in the prison. I didn’t heal from that heartbreak.

Sa paglipas ng panahon, natuto lang akong mabuhay sa sakit na naramdaman hanggang sa tuluyan nang walang maramdaman ang aking puso. I became numb to avoid the pain of losing my brother.

I became low-profile in prison. Nobody noticed me except for a few prisoners who wanted to bully me. Hinayaan ko lang sila sa mga gusto nila, sinubukan kong habaan ang pasensya ko dahil wala namang dulot sa akin. I didn’t want to harm anyone anymore.

Minsan hindi ko maiwasang ipagtanggol ang sarili ko laban sa kanila. They deemed me as weak, as someone they can bully and lay their hands on.

Busy ako sa paglilinis ng inidoro sa loob ng kulungan. Mukhang napag-usapan nilang sagarin ang pasensya ko ng araw ng iyon nang subukan nila akong ingudngod sa bowl. Kinuha nila ang kaisa – isang litrato na mayroon ako at sinubukang ipaanod iyon sa tubig.

Huminga ako nang malalim. I grabbed the bully’s hair. In an instant, nagpalit kaming dalawa ng puwesto. Idiniin ko ang kanyang mukha sa bowl. I let her smell the shit with the unmaintained toilet.

I grabbed the picture back.

It gagged her, and she threw up. Hindi yata nito nakaya ang amoy. Itinulak ko siya paalis. Sumunod naman ang kanyang kasamahan na pilit akong sinasabunutan. Pinatikim ko lang iyon ng isang suntok sa mukha. It caused her a blackeye.

Inilagay ako sa bartolina matapos ang insidente. I gained a reputation for myself, and I became respected in the prison. Marami ang gustong maglingkod sa akin habang nasa kulungan.

No one dared to bully me again.

But I chose to be on my own most of the time. Kung minsan, nakikisalamuha ako sa mahihina.

I worked out a lot of times. I would jog whenever I have the opportunity. I would lift heavy objects. I would do the basic exercises to maintain my energy and shape. Doon ko iginugol ang oras ko, madalas ko pa ring naiisip ang kapatid ko.

Does anyone even visit his grave while I was gone? Wala akong ideya. Wala naman halos nakaalam ng pagkamatay niya. Hindi ko alam kung alam na iyon ng asawa ko.

Naduduwag akong bumalik upang ipaalam sa kanya.

“Patindi nang patindi ang exercise natin, boss, ah. May babalikan sa labas? Balita ko malapit ka nang lumaya.” I was just doing crunches.

“Wala. Nagpalamig lang ako sa kulungan.” Ngumisi ako.

Iyon naman talaga ang totoo. Wala akong ibang mapuntahan kung hindi ang kulungan.

No one can judge me in a place where everyone is a sinner.

Ilang buwan na lang laya na uli ako. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ko. I just wanted to visit my brother’s grave. Siguradong miss na miss na niya ako, dahil ganoon din ako sa kanya.

Maraming selebrasyon ang hindi kami nagkasamang dalawa… lalo nang araw ng kapanganakan at kamatayan. His first death anniversary ruined me. Akala ko hindi na ako makakaahon sa lungkot. I almost lost myself again.

Days were never better, I just masked the pain… I just lived with the pain. The pain always comes back to shut down my system.

Masakit. Masakit pa rin. Lumipas man ang maraming araw, hindi mawawala ang sakit.

I was still trying to handle it.

Bakit palaging mabait at inosente ang hindi nagtatagal? Mas kailangan sila sa mundo dahil masyado ng crowded ng masasamang taong kagaya ko. Russle deserved a long life more than me.

Mas lalo kong dinamihan ang push-ups. Pinagod ko ang aking sarili hanggang tuluyan akong bumagsak sa sahig.

Nangungulila na naman ako sa kapatid ko.

Kinalma ko ang aking sarili, ilang ulit akong humugot nang malalim na paghinga. Umayos ako ng tayo. Muli kong inulit ang exercise hanggang tuluyang makalimutan ng sistema ko ang lungkot.

It wasn’t getting easier every time.

Sometimes, I just wanted to remove my heart not to feel any pain.

I also missed someone so dear. Sometimes, I wanted to go back to the time we were just happy. My happiest memories were with Russle and Gotham.

Sana pumayag na lang akong pagbigyan ang kapatid ko sa kanyang hiling. Sana nanatili na lang kami sa cruise ship noong ayaw pa niyang umalis. Sana mas naging selfish ako at pinagdamot ko ang aking asawa.

Sana. Sana. Sana.

Putanginang sana! Dinudurog ako ng salitang iyon.

I was tired when I decided I had enough exercise for the day. Inaliw ko naman ang sarili ko sa ibang bagay. Nakipakuwentuhan ako sa mga kasamahan ko sa kulungan. I was able to learn their life stories without telling mine.

Nobody forced me to share anything, probably they were scared to ask.

“Congrats, boss. Malapit ka nang lumaya… dalawin mo naman kami kapag nasa labas ka na,” saad ni Lina.

Nakulong siya dahil napatay niya ang asawang nambubugbog. Hindi naman daw niya sinasadya, pero hindi niya rin pinagsisihan. Nakahanap siya ng kalayaan sa kulungan.

Tumango naman ako.

“May uuwian ka ba, boss?” tanong ni Rhea.

Halos magkapareho kami ng background na dalawa. Lumaki rin siya sa mga sindikato. Nahuli at nakulong. They didn’t know about my case. I never told them.

“Wala. Wala na akong pamilya,” sagot ko sa kanya. “Madali lang naman makahanap nang matutuluyan paglabas ko. ‘Wag n’yo akong alalahanin. Isa pa, laki rin naman ako sa kalye.”

They all nodded.

Wala ring dumalaw sa akin habang nakakulong ako. Samantalang dinadalaw sila ng kanilang pamilya, si Lina may anak na dumadalaw at hindi nakakalimot sa kanya. Binibisita rin siya ng ibang kamag-anak.

Nagpatuloy ang kuwentuhan hanggang pumila kami sa pagkain. The night came, it was one of my hardest nights. Ang hirap pumikit dahil ipinapaalala nito sa akin ang lahat… lalo na ang sakit.

***

“Laya ka na, Masimsim…”

Ngumisi ako at inilahad ang aking kamay para kuhanin ang ilang kagamitan kong pinangalagaan ng mga ito.

“Magbagong – buhay ka na, ‘wag ka nang babalik dito sa loob. Naiintindihan mo ba?” saad ng babaeng officer.

Tumango ako ng nakakaloko.

Isa lang naman ang sigurado, sa susunod na gumawa ako ng krimen, hinding – hindi nila ako mahuhuli pang muli. Nagpalamig lang ako sa loob habang mainit pa ang ulo sa akin ng ibang grupo. It was an escape plan.

Nangangati na ang kamay kong sindihan ang sigarilyong hawak niya.

Muling bumuka ang kanyang bibig, imbes na marinig ko ang sasabihin ng babae, isang malakas na pagsabog ang bumulabog sa kabuuan ng lugar.

Bomba iyon.

Maybe not.

The ground shook a bit and debris fell everywhere. Sumunod kong narinig ang pagsigaw ng mga tao sa loob.

Mabilis kong dinampot ang gamit ko, rumesponde naman agad si Marina, ang officer na kumausap sa akin, sa pinangyarihan ng pagsabog. Agad akong nagsindi ng sigarilyo. Hindi na ako nakiisyuso pa sa kaganapan.

I’m not involved, not my problem and I don’t care.

I checked my wallet. Tangina. Aanhin ko ang isang daang piso?

Wala na akong desenteng mabibili sa ganito kaliit na pera sa panahon ngayon.

Nag-inat ako ng kamay. ‘Di bale, kaya ko namang palaguin ang isang daan. I can make it probably thousands more.

Nagkakagulo na sa paligid ko. Some were already evacuating to a safer place. Hindi man lang ako nakaramdam ng panic sa katawan. Naninigarilyo kong nilisan ang correctional. When I looked back, I could see smokes billowing above.

Did someone try to burn it down? I shook my head and left the vicinity. Lumabas ako sa nagliliyab na kulungan.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humarang na mga sasakyan sa aking dinaraanan. I heaved a deep sigh and was readying myself to fight. They cornered me in the middle. Mukhang ako ang sadya ng mga taong nagpasabog sa correctional.

Mula sa mamahaling kotse, umibis ang ilang kalalakihang nakasuot ng pormal na tuxedo.

Men in black.

“The Panther wants to see you…”

Panther?

Tumaas ang kilay ko at nagpausok ng sigarilyo. “So, you blew up the prison for him to see me?”

That stupid asshole is one of the reasons why I chose to turn myself in prison. Ilang taon din niya akong hindi nahanap. Well, it wasn’t like my life was great in the cell, but manageable.

Nagkatinginan silang lahat. “We thought you’re still in there.” The man in black told me. “You have to come with us.”

Umirap ako sa ere. Binuksan nila ang pinto ng sasakyan. I dragged myself towards the car.

Wala akong tiyansang makatakas sa dami ng ipinadalang tauhan ni Gotham. No, p’wede naman akong makalayo kung mag-aaksaya ako ng lakas. As they say, choose battles wisely, I don’t want to waste my energy on them.

Sumakay ako ng magarang kotse. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ko ang aking mata. It was nice to reward myself a soft chair for my back pains the past two years. Na-miss ko rin ang outside world.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng mataas na building. Pag-aari iyon ni Gotham.

Inupos ko ang sigarilyo sa upuan at bumakat iyon sa fabric ng seat.

“This way…” I followed them.

Tumungo kami ng elevator, isang bodyguard ang sumama sa akin at pinindot ang button ng penthouse. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko alam ang madadatnan ko sa loob, bahagya akong kinabahan.

The door opened. Ilang kalalakihan ang nadatnan ko sa itaas. Hanggang sa main door lang ako inihatid ng tauhan niyang sumama sa akin, binuksan nila ang malaking pinto.

Huminga ako ng malalim, naglakad ako papasok ng penthouse ng mayroong kaba. Mabilis ang tibok ng puso ko, I was definitely nervous. Umikot ang aking paningin sa kabuuan ng penthouse.

“Where have you been?” a baritone voice asked me from the vack.

Humarap ako sa pinanggalingan ng boses. Napalunok ako ng muling nasilayan ang lalaki.

Aba’t ang gwapo ng gago.

I cleared my throat. “Prison,” Nagkibit – balikat ako.

“Why didn’t you contact me? I have been searching for you all those two years you were gone.” Mariin ang kanyang bawat salita.

“Why would I?” I raised a brow.

Umigting ang kanyang panga, mas lalo naman akong napangisi.

“Oh, pikon ka na naman?” pang-aalaska ko kay Gotham.

Gotham Wolfgang Arkinson. The asshole.

Nakasunod sa kanya ang isang batang lalaki. Sigurado akong lagpas na ito ng tatlong taon. He was eyeing me from head to toe. Naka-ekis ang braso niya sa kanyang dibdib. Nagtama ang aming paninging dalawa.

“Who’s s-she, papa?” tanong ng bata.

“Filantropi…” he called my name.

Ganoon pa rin ang hagod ng kanyang tono kahit dalawang taon na ang lumipas. Masarap pa ring pakinggan ang pangalan ko kapag siya ang nagbabanggit nito.

“My son, Garrison Voight.” He introduced the little kid. “Filantropi Agnes Masimsim, she will be your mother from now on…”

Napanganga ako. Halos malaglag ang aking panga sa sahig sa pagkabigla ng sinabi ni Gotham. Wow, kalalabas ko lang kulungan, instant mommy agad ako? Tangina talaga nitong si Gotham.

I knew he has a son, I just haven’t met the kid before I got imprisoned. “Ang bobo mo naman, bakit ako ang gagawin mong nanay ng anak mo?” I glared at him.

His brow raised at me. “You’re my wife, remember?”

Nabulunan ako ng sariling laway. Namula ang kabuuan ng aking mukha.

It was true, we got married. I married him for the sake of digging gold. He’s the gold.

Yes, Gotham is my husband. And it’s Filantropi Agnes Masimsim-Arkinson, supposedly. Hindi naman ako sigurado kong registered ang marriage certificate naming dalawa.

“She doesn’t l-look like a nanay. She’s like a tambay.” The little man commented.

Epal.

Umusok ang aking ilong sa narinig. “Maliit na bakunawa…”

Sumimangot ang batang lalaki sa akin.

“I don’t like her,” he murmured loudly.

Tumawa naman ako. “Sino bang nagsabing gusto kita?” I retorted.

Akala yata niya hindi ako pumapatol ng away sa bata.

Tinalikuran niya ako at bumalik sa pinanggalingan kanina.

Naiwan kaming dalawa ni Gotham sa sala. Ipinagkrus ko ang kamay sa aking dibdib at humarap sa kanya.

“Wala kang sustento sa akin ng dalawang taon,” saad ko pa. Makapal talaga ang mukha ko. It was innate. Mas lalo akong lumapit sa kanya. “Hindi ba’t asawa mo ako?”

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Namulsa siya at deretsong tumingin sa mga mata. He moved closer till his face was just inches from from mine. Pinagsisihan ko ang unang naging hakbang ko.

“How about your responsibility with me?” he asked with that intimidating tone. “You just left your husband without saying anything…”

Hindi naman agad ako nakasagot. Gusto ko lang namang magbakasyon sa kulungan para makalimutan ang lahat ng pinoproblema ko sa buhay, maiba lang. Alam ko ang pasikot – sikot, mas madali sa aking mangapa sa dilim.

Nanlaki ang mata ko ng kintalan niya ng halik ang aking labi. It was only a smack.

“Welcome home, wife.”

I was caught off guard. Hinawakan niya ang aking kamay at inilagay ang isang card.

“You do what you like,” he said. “But make sure you tame that little beast, he’s spoiled… you’re his only hope.”

Titig na titig siya sa aking matang nanghihipnotismo. “I don’t like to kiss a smoker.”

Iniwan niya akong tulala. Umismid ako sa kanyang sinabi. Nang bumalik ako sa realidad, tiningnan ko ang card na ibinigay ni Gotham.

Oh, yes, a black card. Lumaki ang ngisi ko. Sino ba namang hindi matutuwa sa maraming pera?

Muling umikot ang aking mata sa kabuuan ng penthouse. Ang daming gamit at furniture na maaari kong isangla, tiba – tiba ako kapag nagkataon. It’s just that, everything here is heavily guarded.

What else is not… guarded?

His heart.

But it wouldn’t be the same as it was. It was a short moment of bliss, because after that interaction, I was enveloped with sad memories.

TOC

Leave a comment