Chapter Twenty-Seven
“Ayos na ba sa’yo ang haba?” I asked Voight.
He asked me to cut his hair after taking a shower.
Medyo mahaba na rin ang kanyang buhok kaya pinagbigyan ko na iyong i-trim, bahagyang sagabal daw sa kanyang mata.
Tumango siya bilang sagot.
Sinuklay ko iyon ng ilang beses at pinatuyo gamit ang blow dryer. Sa amin niya lang yata ipinahawak ang kanyang buhok.
“Wow, ang pogi naman ni Botbot!” Kiniliti ko ang kanyang tagiliran.
Tumawa naman siya nang tumawa. “I’m more h-handsome than daddy, Fili!” saad pa niya.
Napangiti na lang ako.
Hindi yata iyon p’wede dahil magkamukhang – magkamukha ang dalawa. He’s such a mini version of his father. Siya iyong p’wedeng ibulsa, pero kapag ibinulsa nangangagat.
Pinanggigilan ko ang kanyang pisngi. Paulit – ulit ko siyang hinalikan sa noo at kiniliti ko siya. Bungisngis lang ni Voight ang narinig ko sa buong kuwarto. Kuhang – kuha niya ang aking loob.
Masaya akong naging parte ng buhay niya. Kung sakaling nanatili kami noon ni Russle, anong bond kaya ang nabuo namin? Maybe, I was still aloof with him. He would be resenting me.
Lumabas naman ng shower si Gotham.
Halos basa pa ang kanyang buhok, may pagtulo pa iyon sa kanyang balikat, tanging boxer shorts lang ang kanyang suot. Ipinarada na naman niya ang kanyang katawan.
“I’m next,” saad niyang may ngisi.
Umupo siya sa inupuan ni Voight kanina. Sumimangot naman ang maliit na bata. Yumakap siya sa aking hita habang sinusuklayan ko ang buhok ni Gotham at tinutuyo ng bahagya gamit ang malinis na tuwalya.
Napailing ako.
They really trusted me with their hair. Paano pala kung nagupit ko ang lahat ng kanilang buhok?
“Okay na ba ang ganyan? Konti lang ang pinutol ko sa buhok mo.” He nodded.
Niligpit ko muna ang mga buhok na ginupit bago ako nag-blow dry ng kanyang buhok. Mas naging maaliwalas ang kanyang awra nang umiksi ng bahagya ang buhok niya.
Pogi. Masyadong pogi.
“All done, magdamit ka na, baka magkahangin pa ang utak mo.” Inirapan ko siya.
Voight tugged the hem of my shirt. Binuhat ko naman siya.
“Fili, who’s more h-handsome?” tanong niya sa aking muli.
“Para kayong pinagbiyak na bunga, Botbot. You’re your daddy’s little twin.” I told him. “Kaya pareho kayong g’wapo na dalawa.”
Gotham was smirking. Mukhang hindi naman iyon matanggap ng kanyang anak.
“I don’t w-want to be daddy’s twin! I w-want to be your twin!” Ngumuso siya.
Natawa naman ako sa narinig.
I kissed his cheek to compensate. Imposible namang mangyari ang kagustuhan niya. Hindi ako p’wedeng maging look-a-like niya, hindi naman ako kasama noong ginawa siya ni Gotham at Celeste.
Ni hindi ako apektado sa isiping mayroong naging ibang babae si Gotham noon kagaya ng dati. If there was one thing Celeste had done right, it was Voight Garrison Arkinson.
I was honored that he wanted to look like me. Gusto niya talagang ipilit ang kagustuhang maging kamukha ko. Nakatitig lang sa aming dalawa si Gotham na may ngiti. He was also laughing at his son’s request.
We all headed to the dining area for breakfast. Mayroon namang swimming lesson si Voight, mas malaki nang espasyo ng swimming pool.
***
Bumisita sa amin ang grupo ng tatlong bata upang makipaglaro kay Voight.
Alas tres pa lang ng hapon, inaya na nila ako sa parke. Mamaya pa ang uwi ni Gotham mula sa inasikaso niya sa trabaho kaya kami munang lima ang tumungo sa parke upang maglaro.
There was a park outside of the subdivision. Mayroon din naman sa mismong loob pero mas gusto nilang lumabas kami dahil maraming nagtitinda ng iba’t ibang snacks at laruan.
They were right.
Bumungad nga sa amin ang makukulay na lobo na may mukha ng iba’t ibang cartoon character. Mayroon ding mga cotton candy at sorbetes. Nakasunod ang mga mata ni Voight doon.
“Do you want the balloon?” I asked him.
His eyes widened with glee and nodded. Ibinili ko naman silang apat ng lobo ng cartoon character na gusto nila.
Isinama nilang tatlo si Voight sa palaruan. They went to the swing by partner. May isang nakasakay at may isang taga-tulak, tapos makikipagpalit sila para lahat naman nakasakay.
Nakasunod lang ako sa mga bata. Bukod sa kanila, mayroon ding ibang batang naglalaro sa parke.
May inirapan na nga si Badiday na batang lalaking nang-aagaw ng kanilang puwesto. Basically, in kids’ terms, the ones who got to the territory first were the bosses.
“Badiday…” tawag ko sa kanya.
Bahagya naman akong umiling, handa na siyang makipagsuntukan sa batang lalaki. Nawalan sila ng gana sa swing kaya lumipat kami sa slide. Pinahawak muna nila sa akin ng lobo, umakyat sila sa slide para maglaro.
I was more excited to see them playing and experience the little joys of life. Mas magandang hayaan ang batang mag-explore ng kanila. Ayos lang din minsan ang pagkadapa para matuto silang bumangon.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Voight na bahagyang nakikipag-usap at laro sa ibang batang nasa itaas ng slide.
Basang – basa ng pawis nang bumalik sa akin si Voight, pinahid ko ang kanyang mukha nang malinis na tuwalya at inilagay iyon sa kanyang likod. Ilang minuto siyang yumakap sa akin.
Tumakbo rin ang mga batang babae sa gawi namin upang punasan ko ang kanilang pawis.
“Fili, can you b-buy us ice cream and cotton candy, please?”
“S’yempre naman, do you want to go with me?”
“We’ll p-play pa!” Ngumiti siya.
“Okay. Don’t wander around. D’yan lang kayo sa slide habang bumibili ako.”
They all nodded at me.
Agad silang bumalik sa itaas ng slide. Tumungo naman ako sa stall ng cotton candy. Iyon muna ang inuna ko bago ang ice cream.
Panaka – naka akong sumusulyap sa tayo ng mga bata habang nanonood ng gumagawa ng cotton candy. I’m sure Voight would love watching them making the cotton candy.
He even waved at me at the top of the slide. I just shook my head.
Binayaran ko ang apat na cotton candy. Sumunod akong tumungo sa nagtitinda ng ice cream.
Nang muli akong lumingon, wala na ang mga bata sa slide. Kumunot ang aking noo. Siniyasat ko ang paligid para hanapin ang apat na bata. I told them to stay at their place specifically.
I located the four children.
Agad na lumundag ang puso ko nang makitang mayroong humihila kay Voight samantalang pinipilit namang agawin ng tatlong batang babae ang aking anak.
Hindi na ako nagsayang ng sandali, agad akong humakbang upang saklolohan ang mga bata pero bago ko magawang tumakbo, sumaboy sa aking mata ang pepper spray.
My eyes initially shut.
It was fucking painful. Nabitiwan ko ang hawak kong cotton candies at nasapo ang aking mga mata. Hirap na hirap akong imulat iyon. Natumba ako sa aking kinatatayuan.
I couldn’t be this weak right now, Voight needs me. The kids need me.
“Ate Fili! Si Voight kinuha siya ng tao!” Dinaluhan ako nina Badiday.
“Get me a clean, bottled water. Marami!” May tumakbo naman mula sa kanila upang sundin ang aking utos.
Ipinatak ko iyon sa nakapikit kong mata sakaling maibsan ang hapdi.
Patuloy iyon sa pagdaloy hanggang maimulat ko ang aking mata. I asked them important questions. I asked about the physique, the color of the car used, the direction it went and the plate number.
Hindi na nila nagawang sumigaw sa bilis ng pangyayari.
They recited them with such ease. Pati ang plate number ay naibigay nila sa akin. At mayroon din silang crucial impormation na idinagdag.
Nasa tatlong tao ang may kagagawan noon. Ang lalaking humila kay Voight, ang taong nag-spray sa aking mga mata at ang driver ng sasakyan ay isang babae. I just knew what to do with that information.
Pinatawagan ko si Gotham.
Wala kaming kasamang tauhan niya. I never left the house with guards tailing us. Malapit lang naman ang parke sa subdibisyon at kasama naman ako ng mga bata.
Hindi ko na hinintay na humupa ang sakit ng aking mata. Nang kaya ko nang tumingin, tumayo ako upang sundan ang sasakyang lulan ni Voight.
I even saw a cut on Bebang’s lips. Talagang inilaban nila si Voight. The first respondent was Gotham’s men. After securing the safety of the girls, I asked for the big bike they used.
Pinaharurot ko ang motor mula sa direksyong sinabi ng mga bata.
My eyes were still hurting. My adrenaline rush kicked in.
Sinuyod ko ang daang pakiramdam ko’y tatahakin nila.
I was mainly relying on common sense and my life as a fucking criminal before. Muli kong inarok ang posibilidad na grupong kinuha ni Celeste upang gawin ang pag-kidnap sa kanyang anak.
Voight is never a son to her, he’s a ticket for an enormous amount of money.
Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng motorsiklo nang mahagip ng paningin ko ang kulay ng kotse at plate number na sinabi sa akin ng mga bata. I could see Voight on the backseat.
Bahagya akong tumabi at nakipaggitgitan sa sasakyan. His face was serious, but when he looked at his side and saw me, he started crying silently.
Napansin naman ng driver ang paggitgit ko sa sasakyan kaya binilisan nito ang pagpapatakbo. Celeste kept looking at my direction. She had an angered expression, agad niyang sinaway si Voight na nakasilip sa bintana at pilit na binubuksan ang pinto.
Gumapang ang galit sa aking katawan nang higitin niya ang buhok ni Voight. Sinadsad ko ang motor ng tantiyado.
Another car was trying to bump into my big bike motorcycle. Motorcycles like this one is specific for Gotham’s men. They have several items that can be used in terms of emergency. I found something interesting.
Pinabilis ko ang takbo ng motorsiklo saka ako nag-U turn upang iharang spike strip sa ikalawang sasakyang nagtangkang bumangga sa motorsiklo.
Nakalayo naman ng panandalian ang kotseng lulan nina Celeste pero agad din akong nakahabol ng distansya pero hindi ako masyadong nagpahalata. They entered an abandoned building.
I just got a knife with me. Inuna ko ang mga tauhan sa labas. I didn’t kill anyone, I just badly injured them. They still can live a miserable life with a missing part.
One after another. I moved quickly without noise.
Madali kong natunton sila. There were only a few of them guarding the place.
“Where’s she?” tanong ni Celeste.
“She was probably killed by Arcus.” The man answered her.
“My mommy’s not d-dead!”
“Patahimikin mo ‘yang bata. We should call his father for ransom.”
Tumungo naman si Celeste kay Voight. I balled my fist seeing her palm touched his cheek into a slap.
“Mommy? Voight Garrison, I’m your mommy!” saad ng babae.
It offended him, I could see. Hinigit niya ang buhok ng babae nang paulit – ulit. Napapikit ako nang muling sampalin siya. Hindi ko na natiis, lumantad ako mula sa aking pinagtataguan.
“Ako ba ang hinahanap n’yo?” Agad namang tumutok ang baril sa akin ng ilang kalalakihan.
“Kill her!” utos ni Celeste sa mga tauhan.
Someone pointed a gun at Voight to stop me from doing a stupid stunt.
“I dare you not…” Nakangiti kong saad sa lalaki. “Bago ang lahat gusto ko munang magpakilala, ako si Filantropi Agnes Masimsim-Arkinson. Ako ang asawa ng ama ng batang binihag n’yo.”
Inilagay ko ang kamay ko sa tainga ko upang senyasan si Voight na hindi makinig sa susunod kong sasabihin. He followed me and bowed his head.
One shot fired at me. Tumagos iyon sa aking balikat.
“Don’t ever point a gun at Voight, I might get rouge and kill everyone in the room. The others are already sleeping while losing their blood.” I told them.
“My husband and I… hindi kami nagkilala sa tipikal na paraan. Pareho kaming masamang taong pinagtagpo ng tadhana. I was just like you. I can do what you ask in a considerable payment.” Nagkibit – balikat ako.
I crossed my arms. “Magkano ba ang pangakong ibabayad sa inyo ni Celeste? Kapag pumalpak ang inyong plano, sigurado akong wala kayong makukuha ni singkong duling. Masaktan n’yo iyong bata, wala na kayong perang matatanggap, iisa – isahin ko kayong itapon sa impyerno… I have a reputation for that. You will gain enemy. Pero…”
Ngumisi ako. “Tri-triplehin ko ang offer sa inyo ni Celeste… my husband is a good businessman, hindi kayo magsisisi. He will pay a good price. I just want this bitch gone.”
Nanlaki naman ang mata ng babae. She snatched a gun and pointed it at the leader of the gang.
Humalakhak naman ako. Napakadali nilang masilaw sa pera.
“Tawagan mo ang iyong asawa. Trenta mil.” Itinapon niya sa akin ang telepono.
“I need my son back first.” Kinalagan nila ng tali si Voight sa paa. “Kapag nasaktan ang isang hibla ng buhok… alam n’yo ang mangyayari.”
Lumakad ako papalapit sa kanyang puwesto. Kinarga ko siya bago ko idi-nial ang numero ni Gotham.
“They need thirty million for the trade I made.” I said as soon as Gotham answered the phone.
“That’s so cheap!” Voight commented.
I chuckled. Nasa bingit na nga ng kamatayan, cheap pa iyon sa baby tarsier ko.
“Are you safe?” He asked with a dangerous tone.
“Yes, we’re safe.”
Pinatay ko ang tawag. Ramdam kong nasa paligid lang ang asawa ko. He was only waiting for the right time to rescue us from these attempted kidnappers. Maybe, I should train them a little harder.
Mabilis ang reflexes kong tumalikod at yakapin si Voight ng buong katawan ko nang iputok ni Celeste ang baril sa gawi namin.
No one would take him away from me. No one! Voight wouldn’t have the same fate as my brother. I’m refusing that possibility. Hindi ko na kaya pang isang bata ang mawalang muli sa akin.
Sinalo ko ang lahat ng bala. I shielded him with my own body. Bahagya kaming tumumba, nasa ilalim ko siya.
Ilang putok ng baril ang narinig ko bago iyon tumigil.
I knew I was shot. Hindi ko alam kung ilang beses, tumulo ang aking dugo. Sumulyap ako sa kanya, unti – unti naman niyang iminulat ang mata.
“Are you okay?”
He nodded his head. “M-mommy, b-blood…”
His little hands were full of them. Para akong tinakasan ng dugo. Memories were flashing back. I tried to get up but I couldn’t. Nanghihina ang aking katawan. Pinilit kong bumangon para itakbo ko si Voight sa hospital.
“We’re here, Russle!” I whispered. “Open your eyes. Malapit na tayo. Gagamutin ka nila…”
Dumako kami sa pangpang, sinalubong naman kami ng mangingisda. Hindi ko alam kung ilang oras kami sa laot bago dumaong sa lupa. Hindi ko alam kung nasaang lupalop kami.
“Neng, anong nangyari?” tanong ng mga ito sa akin.
“H-hospital…” I uttered.
Someone held his wrist, he looked at me with sympathy.
“Wala na siya…”
Wala na siya… Wala na siya… Wala na siya…
“Sweetheart, stay with us…” My eyes opened to see a good-looking man staring at me.
Sinipat ko ang paligid.
We were tightly packed in a box.
Mayroon ding ibang tao sa paligid. A boy was crying… he was a beautiful boy and he was calling his mother.
“I know how much you want to be with Russle, but I want to be selfish. Please, stay with us.” The man pleaded before I lost consciousness.
It wasn’t Voight soaking in blood, it was me.
***
“Ate, hinihintay ka nila.”
Unti – unting nagmulat ang aking mata. The room wasn’t familiar with me.
A cute, little man was staring at me, he was about to cry. Humikbi siya.
“M-mommy…”
Oh, that was so sweet of him.
Sa tabi niya ay nagising ang aking asawa. Agad siyang tumakbo palapit sa akin, dahan – dahan siyang umakyat ng hindi ako natatabig. Hinaplos niya ang aking mukha at pinagdikit niya ang aming noo.
Voight was crying.
“It’s okay, Botbot…” My voice was hoarse.
I felt Gotham’s hand carefully assessing my face. His face was worried. Tumawag siya ng doctor upang asikasuhin ang check up sa akin. Mas lalong umiyak si Voight nang ilayo sa akin.
Gotham couldn’t calm him. It was traumatic for Voight to witness those blood in his hands.
I was lucky the bullets didn’t penetrate my spine or any of my vital organs. Hindi naman naging kritikal ang lagay ko, bahagyang dumanak lang ng dugo. I just need to recover from my wounds.
The doctor also talked to Voight that I was safe and he didn’t need to worry. Bumalik siya upang mahiga sa aking tabi. Gotham kept kissing my head.
Tumigil nang pag-iyak si Voight kapag malapit siya sa akin. Marahan ko namang iniangat ang aking kamay upang haplusin ang kanyang pisngi, ganoon din ang asawa ko.
“Kumain na ba kayong dalawa?” I asked them hoarsely.
“I already a-ate, m-mommy. Daddy was getting m-mad at me because I didn’t w-want to eat! But he’s not even eating since last time!” sumbong sa akin ni Voight.
Tiningnan ko naman nang masama si Gotham. “At bakit hindi ka kumakain? Kapag hindi ka kumain bigla ba akong gagaling?!” Pinanlakihan ko siya ng mata. Napakamot lang ito sa ulo.
As much as I wanted to be with my brother, I realized how much I wanted to live… for the two of them. What if I die? Would Gotham spiral back the first time he lost me? Ayoko ng ganoon.
“Sweetheart, don’t use your energy too much. Just rest, please.”
“Hindi ako makakapagpahinga nang maayos kung ini-stress mo ako!”
He just pouted. “I’ll order a meal.” Gotham excused himself to call for a food delivery.
Naiwan naman kaming dalawa ni Voight sa kama.
“How are you feeling, Botbot?” I asked him.
“M-mommy, I’m scared!” His eyes welled up with tears. “I thought…”
Pinahid ko ang luhang namuo sa kanya.
“I’m sorry for scaring you,” saad ko at ngumiti. “Every time you call me mommy, I’m very honored.”
Tanggap na niya ako bilang parte ng kanyang buhay. I wasn’t just a stranger he met months ago. Ayos lang naman sa akin kung anong itawag niya sa akin kahit sa pangalan ko.
My heart was leaping in joy whenever I heard him acknowledged me as his mother even I wasn’t his biological mother. I already accepted him as my son. Matagal ng anak ang turing ko sa kanya.
Namula ang kanyang pisngi.
“Is it okay if I call you my mommy?” nahihiyang tanong niya.
Tumawa ako nang nag-iwas siya ng paningin. Hay, ang cute naman ng anak ko.
“Yes, Voight. Call me whatever you’re comfortable with. Fili or mommy, ayos lang sa akin, anak.” I smiled at him.
Yumakap siya sa akin nang marahan. He made sure I wouldn’t be hurt with his move.
“Mommy! Mommy! Mommy!” Voight giggled.
Ilang minuto pa siyang nagkuwento ng mga kaganapan simula ng isugod ako sa hospital. Muling bumalik si Gotham, mayroon siyang dalang pagkain. Pinakiusapan ko naman si Voight na sumabay na siya sa pagkain ng kanyang ama.
He did.
They ate together. Nagrereklamo pa si Voight kung bakit hindi niya ako p’wedeng pakainin. Hinawakan ko naman ang kamay ni Gotham.
Voight was already enjoying his stay in the hospital room. He requested his toy truck to be brought in the hospital. Pansamantala siyang naglalaro sa palibot ng room na kinalalagakan ko.
“I’m sorry for leaving you before… and for almost putting you in the same spot now.” Hinawakan ko ang kanyang pisngi.
“You scared me to death, sweetheart,” saad niya. “Please, don’t do that again. I can’t handle the same pain again.”
Hinawakan niya ang aking kamay na humahaplos sa kanyang pisngi. Even in my delirious state, i still felt his fear of losing me. We only shared those vulnerability to one another.
“What happened to Celeste?” tanong ko sa kanya.
He just shook his head, I knew what that meant. The first two shots came from her. Iyon ang balang tumama sa akin. Then, his men started firing. Everyone was killed in the shootout except myself and my son.
We could’ve honored that thirty million deal. Hindi lang nila napigilan ang pag-atake ni Celeste.
I warned her the first time she showed up to the penthouse.
Hindi siya nakinig sa aking sinabi.
We only kept her alive… for Voight. Maybe, he wanted to have a connection with her later on. But she blew that chance by kidnapping him and asking for a ransom.
The worst part, she tried to kill her own son when she had already lost the battle.
Ilang araw pa akong nanatili sa hospital.
Dinalaw ako ng mga bata na gumawa pa ng letter at nagdala ng prutas para gumaling agad ako. I was glad they were safe. They almost succeeded in getting Voight back by punching, kicking and biting the man.
I could’ve easily snatched him back if it weren’t for the pepper spray. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa mata tuwing naaalala ko.
Voight never went home.
Siya lagi ang bantay ko sa hospital sa tuwing umuuwi si Gotham upang kumuha ng damit o bumili ng mga hiling ng anak namin. They couldn’t force him to go and be away for awhile.
Hinayaan na lang ni Gotham, halos dawalang linggo lang naman akong namalagi sa hospital. I was discharged to fully recover at home. Sinundo kaming dalawa ni Gotham, nang dumating kami sa mansyon, sumalubong ang supresa sa pagbabalik ko.
I was welcomed back by the kids with their banner and balloons. Nagkaroon ng munting kasiyahan sa aming bahay. Alagang – alaga ako ng mag-ama ko. Bawat kibo ko, nakasunod silang dalawa.
“Mommy, do you want s-something?” Voight asked me.
Nakahiga na ako sa kuwarto naming pamilya. He just went to check on me after twenty minutes of playing.
Tumawa naman ako at umiling. Nakailang balik na siya sa kuwarto upang silipin ako.
“Come here. Give me a hug.” I opened my arms widely.
Sumampa naman siya sa kama at yumakap sa akin. Pinaulanan ko ng halik ang kanyang mukha. “Ambango naman ng Botbot ni mommy.” Bumungisngis siya at nahiga sa aking tabi.
“Are you going back to play?” Umiling siya.
“I w-want to stay here with you! I’m done p-playing!”
“Well, you can play your little cars here.”
Inilabas naman niya ang nakatago sa kanyang bulsa. Ipinakita niya rin iyong maliit na baby toys na nahanap niya ngayong araw. Muli siyang nahiga sa aking tabi habang pinapaandar ang kotse – kotsehan sa ere.
Sometimes, the car would land on my arm. Nakangiti lang akong pinagmamasdan siya.
Nanlaki ang kanyang mata.
“Mommy, I have something for you!”
Tumalon siya sa kama at tumungo sa walk-in closet namin. Hindi agad ako nakapag-react sa bilis ni Voight. Hinintay ko naman ang kanyang pagbalik. He was holding a card on his hand, and he was hiding the other on his back.
Akala ko get well soon card ang hawak niya, ginawan niya ako noong nasa hospital kami.
Umakyat siyang muli sa kama, iniabot niya sa akin ang card. He was smiling widely.
To: m0mmY
From: V0igh+ Garris0n Arkins0n
Binuksan ko naman iyon upang makita ko ang loob.
m0mmY, I ♡u!
WilL u maRi mY daDdY? I wAn u bEe mY m0mmY!
I was shocked to read his letter for me. Napatingin ako sa kanyang naghihintay ng aking sagot. Mas lalo namang nalaglag ang aking panga ng ilabas niya ang box ng may lamang singsing.
“Mommy, please marry my daddy. I want you to be my mommy!” Lumuhod din siya sa kama.
Napatakip ako sa aking bibig.
“Voight, where did you learn that?” I asked. “Of course, I’ll marry your daddy again. I want to be part of your lives. It would be my honor to be your mother.” Naiiyak ako sa gesture niya.
“When I w-went to see Freedom and Volcan, I asked their daddies how to p-propose. Then, I asked daddy’s man to buy me a ring, but it’s c-cheap!” Ngumuso siya.
Isinuot niya sa akin ang singsing. Ilang minuto niyang tiningnan ang isa pang singsing na suot ko. It was a ring from Gotham when he proposed last time. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
We already mentioned it to Voight. Tuloy pa rin ang preparasyon nila ng daddy niya para sa big proposal. Sinisimangutan naman ni Voight ang ama sa tuwing naalalang nag-propose itong hindi siya kasama.
“Botbot, it’s okay. Masaya ako kahit walang singsing… napakaganda niya!” Niyakap niya ako ng mahigpit. “Is this the shopee ring?”
“What’s s-shopee?! It’s only h-half a million. It’s so c-cheap!” Malungkot pa rin ang kanyang boses.
My eyes widened. “Half a million? Voight, do you already know those numbers?”
“Yes, mommy!” saad niya. “I’m so happy! I love you, mommy ko!”
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Para sa kanya, barya lang ang isang milyon o kalahating milyon. Even thirty million is cheap for him.
Sakto namang pumasok si Gotham, nadatnan niya kaming magkayap ni Voight kaya agad din siya pumuwesto para yakapin kami.
I was already craving for a fast food, and he went right to the drive-thru to buy us some chicken and ice cream. Ipinakita ko sa kanya ang aking kamay, tiningnan niya ang singsing at hinalikan ang aking daliri.
“Voight asked me to be his mother,” naiiyak kong turan.
He just smiled. He probably had the idea.
Ginulo niya ang buhok ng anak.
“Good job, son.”
“We’re going to be happy f-family… with Tito Russle!” Nakangiti lang ako habang naiiyak. I was happy.


Leave a comment