Chapter Twenty-Eight
Just like what Gotham has promised, he purchased the surrounding land of my brother’s small lot. Sinimulan na ang pagtatayo ng mansyon sa permiso ko. I was asked what design I wanted.
Ang tanging gusto ko lang, iyong mae-enjoy ng kapatid ko kung nabubuhay pa siya. At magugustuhan ni Voight. Hinayaan kong ang bata ang pumili ng mga desenyo na gusto niya.
Nagising akong mayroong dalawang pares ng matang nakaantabay sa pagtulog ko. Nakaupo ang dalawa sa gilid ng kama.
Voight’s eyes lit up seeing I opened my eyes.
“What are you two doing?” I asked them. “Why are you looking at me like that?”
“Mommy, we made you b-breakfast! We’re w-waiting for you to wake up.”
Ibinuka ko naman ang aking kamay para sa isang yakap. Agad siyang yumakap sa akin.
Gotham also went to hug me. Napangiti ako.
Natutuwa akong gumising sa bawat umagang sila ang natutunghayan ko. Hindi na ako gaanong malungkot. Bahagyang nagkaroon ng panibagong kulay ang aking buhay.
“Can I have a few more minutes?” I closed my eyes again.
“Take your time, sweetheart.”
“Mommy, daddy, I’m sandwiched!” Voight exclaimed.
Kumalas naman si Gotham para makahinga ang anak naming nagrereklamo. Ilang minuto nila akong hinayaang humiga bago bumangon. Our breakfast was ready.
Simula noong nabaril ako, hindi na nila ako halos pagalawin sa kusina. I already recovered. Magaling na magaling na ako, tanging bakas na lang sa balat ang naiwan ng trahedya.
S’yempre, kailangan ko ring gumalaw at mag-ehersisyo para manumbalik ang aking lakas. Isa pa, gusto kong ipagluto si Voight ng mga paborito niya.
Eating together was part of our daily routine.
Hindi p’wedeng hindi sabay sa pagkain lalo na kapag wala namang work si Gotham. Mas madalas siyang lumagi sa bahay, marami na siyang pera, hindi na niya kailangang magtrabaho.
We were spending more time with each other. Sinusulit namin ang mga araw na gusto pa ni Voight na makasama niya kami.
Pagkatapos ng agahan nagpaalam ang dalawang may bibilhin ang mga ito, mayroong laruan na namang nagustuhan ang batang makulit. They were going to the mall to buy it.
Hindi na ako sumama dahil balak kong maglinis ng mansyon. I was going to clean my brother’s room for the first time.
At saka, minsan lang naman lumabas ang mag-ama ng silang dalawa lang. Kailangan din nila ng bonding time.
Voight promised to buy me a pasalubong on their way home. I didn’t say anything specific but I wanted some chicken in a fast food restaurant and ice cream. Lately, I’ve been craving ice cream.
Ilang beses akong huminga nang malalim, tumapat ako sa kuwarto ni Russle. Hindi ko matandaan ang huling ayos niyon. Minsan naglalaro din si Voight sa kuwarto ng kapatid ko.
Pinihit ko ang seradura ng pinto.
When I opened the door, I was overwhelmed with feelings. Humakbang ako papasok, hindi naman iyon gaanong makalat gaya ng inaasahan ko.
Inilapag ko ang kandila sa bedside table niya at sinindihan iyon. Kinuha ko ang isang picture frame na nakalagay sa table, pinagmasdan ko ito habang naupo ako sa gilid ng kanyang kama.
It was us.
Ako, si Gotham at ang kapatid ko.
The other frame had a picture of him and Voight. There was also a picture of us in the cruise ship together with his classmates. Iyon ang huling beses namin sa cruise ship at ayaw niyang umalis pa.
Napangiti ako sa mga memorya kahit nangingilid ang aking luha.
“Nag-propose uli ang kuya bayaw mo… pakakasalan ko siya ulit. This time, I’m marrying hin because I love him and Voight. Masaya naman si ate, bunso. Nalulungkot lang ako sa tuwing nami-miss kita…” pagkausap ko sa kanya.
“Don’t worry about me, I’ll be fine. Gotham will be taking care of me. I hope you’re happy wherever you are.”
Ngumiti ako sa kabila ng pagluha.
Napag-usapan namin ni Gotham na kapag handa na ako, maaari akong kumonsulta sa isang propesyunal para ihayag ang lungkot na aking nararamdaman sa pagkawala ng aking kapatid. Hindi pa ako gaanong handa.
I let myself cry for as long as I needed.
Nahiga ako sa kama ng aking kapatid. I hugged his pillow. I was hallucinating last time, but I felt his presence urging me to go back and live my life.
I composed myself again, and started to clean his room. Inayos ko ang mga laruan at damit ng aking kapatid. I still couldn’t let go of his things. Ayokong itapon ang kanyang mga damit.
I was smiling every time I saw something that reminded me of him.
Gotham already printed the pictures on his camera, we would place it together with Voight’s pictures in his album. The video of him singing a lullaby was already preserved as well.
Hindi pa kami tapos sa pagde-design nito, iyon ang pinagkakaabalahan namin nitong mga nakaraang araw. I also went to my brother’s room to secretly make my scrapbook of the two.
I wanted to give it as a present on our wedding. Wala naman akong ibang p’wedeng iregalo, lahat ng materyal na bagay ay mayroon sila. Only I can give them is memories.
Tumingin naman ako sa labas nang makita kong pumarada ang sasakyan ng mag-ama ko. Agad na tumakbo si Voight papasok sa loob, bitbit niya ang mga supot ng pasalubong.
Ilang oras din ang itinagal nila sa mall, medyo nakausad ako sa ginagawa.
I already placed the scrapbook I was making in an unsuspected area. Gotham’s men already got his son’s toys. Nasapo ko ang aking noo, napakarami na namang tambak sa mansyon.
Lumabas ako ng kuwarto upang salubungin ang batang makulit.
Narinig ko ang kanyang pagtawag sa akin.
“Mommy, where are you?!”
“I’m here. Don’t run.”
Nagkasalubong kami sa ikalawang palapag, muntik pa niyang bitiwan ang dalang supot para yumakap sa akin nang makita ako. Kinuha ko naman ang supot mula sa kanyang kamay at kinarga ko siya.
“Nakita ko ang dami mong pinamili. Nag-enjoy ka ba?”
He just giggled.
“We also b-bought you a nice dress, mommy!” saad pa niya. “I bought Tito Russle a toy!”
I smiled at him.
Tumungo naman sa direksyon namin si Gotham. Yumakap siya at humalik sa aking labi. Niyaya niya kami sa garden upang doon kumain ng meryenda. Natakam naman agad ako sa chicken at ice cream nilang pasalubong.
I felt like the chicken and ice cream combo was delicious. Sinubukan ko iyon. Pareho naman silang napatingin sa akin.
“Doesn’t it taste weird, sweetheart?” Kunot – noong tanong ng asawa ko.
“Hindi naman.”
Iniumang ko sa kanya ang chicken ko. Kumagat naman siya ng maliit. Sigurado akong kumagat lang siya para hindi ako ma-offend. Eh, masarap naman talaga sa panlasa ko.
“Ano, masarap ba?” I asked him.
“I’m glad it makes your tummy happy.”
Inirapan ko siya. Hindi niya iyon nagustuhan, sigurado ako.
Inalok ko rin si Voight. He also took a bite, but he was more honest with me. Voight didn’t like it. Umiling – iling pa siya, pero kung gusto ko raw ang ganoong combo, kumain lang ako ng husto.
Gotham kept looking at me while I devoured the food.
I kept rolling my eyes at him. Bahagya naman siyang nagpatihulog sa malalim na pag-iisip.
We played with Voight right after our merienda. Ginamit na ni Voight ang bago niyang toys. He upgraded his toy truck. Halos mahilo yata ako ng sabihin ni Gotham ang presyo noon, para na rin siyang bumili ng secondhand na sasakyan.
Masaya naman ang anak namin, sulit na rin iyon. Barya lang naman iyon kay Gotham.
Inilibot niya ako sa kabuuan ng mansyon gamit ang kotse niyang pambata. Voight’s really good at driving his toy cars. Hindi nakakatakot na hayaan siya dahil magaling siyang mag-control ng kotse – kotsehan.
Nag-aya siyang makipagkarera sa ama. Gotham would be using old toy car. It wasn’t defective, but he had a new one already. Pinagtalunan pa nila kung kanino ako sasakay, nanalo naman ang bulilit.
Napailing ako.
Mas gusto ko sanang referee nila, pero hindi pumayag si Voight. Para na ring magkasing bigat ang laman ng toy car.
I wasn’t worried about the toy car, it was built like a real one. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. These two can be competitive. Baka sa sobrang competitive nila, aksidente ang patunguhan nito.
Handa rin ang mga tauhan ni Gotham. They were the ones facilitating everything.
“Daddy, are you ready? I’ll make you eat d-dust!”
Natawa naman ako. May natutunan pa siyang ganoon. I shook my head in amusement.
In three, two, one…
Napakapit ako nang mahigpit sa bilis ng takbo ng toy car ni Voight. He was really focused. Nanatili ang kanyang mata sa unahan, hindi iyon naging malikot upang silipin ang kanyang ama.
I saw his determination to win and I was rooting for him.
Agad naman naming narating ang finish line. Nang lingunin namin ang kalaban, na-stuck si Gotham sa gitna. It seemed like it didn’t favor him to win.
“Congrats, Botbot ni mommy!” Niyakap ko siya.
Bumaba naman kami ng sasakyan upang daluhan ang kanyang ama. Mukhang nahirapan siyang magmaneho ng maliit na sasakyan. Hinaplos ko naman ang kanyang pisngi at hinalikan ang noo niyang nakakunot.
“It’s okay, sweetheart.” I also kissed him on the lips.
“It’s okay to be s-second best, daddy. We still love you.” Voight hugged him.
He probably felt his father was really upset. Dati naman loser daw kapag second best, lagi niyang kinakantiyawan si daddy niya. Nakita ko naman ang pagngisi niya, kiniliti niya ang tagiliran ni Voight na sobrang lakas ng pagtawa.
Halos ubuhin na siya bago tigilan ni Gotham. We were really happy that Voight was happy. He was having sessions with a psychologist with what happened last time. Trauma ang dulot niyon sa aming anak.
He was doing good.
Bumalik naman si Voight sa kanyang dating toy truck, doon siya muna sumakay. Hinayaan niya akong maglaro sa bago niyang kotse – kotsehan. Lumibot kami sa subdivision gamit ang mga maliliit na sasakyan.
It was a lot of fun.
Parang bumalik ako sa pagkabata… they were healing the childhood I didn’t have.
“Let’s race back!” saad ni Voight.
Pinagbigyan naman namin siya ng kanyang ama. But it wasn’t a competitive racing. Halos magkakasunod ang aming maliliit na sasakyan. Tawa lang ang inambag ko, hindi na ako makaalis sa puwesto.
Voight towed my car.
We were all laughing as we went back to the mansion. I took a shower. Bahagyang mabigat na ang talukap ng aking mata, sinamahan ko si Voight sa nap niya. I got tired with our games earlier.
Nahiga rin sa tabi namin si Gotham at nagsumiksik sa amin. Hinayaan ko lang siyang yumakap sa aking baywang hanggang sa tuluyan akong nakatulog.
***
“Mommy, are you okay?” tanong ni Voight sa akin.
May mga pagkakataong nahihilo ako nitong nakaraan, hindi naman madalas. Wala akong ideya kung side effects iyon ng tumamang bala sa akin. He was getting worried. Parang gusto na niya akong isugod sa hospital.
Hinaplos ko naman ang kanyang pisngi. “Ayos lang ako, Botbot.”
“You’ve been feeling that for quite some time. Maybe, we should really go to the doctor, sweetheart,” seryoso ang boses ng asawa ko.
Umiling naman ako.
Voight’s face became more worried. I sighed.
“Fine. Kapag nakaramdam uli ako ng hilo sa susunod, magpapatingin na ako sa doctor, okay ba ‘yon?” They both nodded in unison.
Buong araw naman akong binantayan ng dalawa, halos hindi ako makagalaw dahil sila ang nagtutuloy ng mga kailangan kong gawin. Napailing na lang ako. They were doing teamwork, so I wouldn’t do the chores.
Aramis called me late in the afternoon. Naikuwento ni Voight kay Badiday at sa dalawang batang babae ang pangyayari sa akin. That’s why she called to ask how I was.
“Normal ba ang regla mo?”
Kumunot naman ang aking noo.
Speaking of menstruation, lumagpas na ito sa buwanang dalaw ko. Unti – unti ko namang napagtanto ang posibilidad…
I bit my lower lip.
Binihisan ko si Voight ng damit, katatapos niya lang maligo sa pool. He already showered in the bathroom. Sinuklay ko ang kanyang buhok at pinatuyo ko ito gamit ang malinis na tuwalya.
Gotham was arranging our weekend escapade. Tutungo kami sa isang islang pagmamay – ari ng mga Alpha.
“Mommy, it’s my b-birthday next next month. What will be your g-gift to me?” tanong niya sa akin.
“Hm, ano bang gusto ni Botbot?”
Dalawa iyong scrapbook na ginagawa ko… para kay Gotham at para sa kanya. Iyong kay Russle naman ay gagawin naming pamilya, mayroon ding album ang aming anak.
Hindi ko naman siya kayang bilhan ng yate… wala akong ganoon kalaking pera. Tanging asawa ko lang ang nagpro-provide sa lahat ng pangangailangan ko. Sobra – sobra pa.
“Baby brother or sister!”
Muntik pa akong mabulunan. Humagikhik siya.
“Mommy, I w-want a playmate! Please, mommy!” Hinalikan niya ang kabuuan ng aking mukha.
Akala yata niya, madali lang ang gumawa ng bata at magpalaki ng bata. I was afraid with the thought. Paano kung gumaya ang magiging anak ko na magkaroon ng sakit sa puso?
May parte sa aking natatakot kung…
“Mommy can’t promise that, Botbot.” I caressed his face. “Pero love na love kita.”
Our foreheads touched.
Pagkatapos ko siyang bihisan, ako naman ang tumungo sa banyo. I was trying to confirm my hunch based on the information feed on me. Nakabili na ako ng pregnancy test kits nang patago kay Gotham.
Sinunod ko ang instruction at naghintay ako ng ilang minuto upang makita ko ang resulta. Nakaramdam ako ng kaba sa bawat minutong lumilipas. I put the pregnancy test kit at the back of the trashcan.
I washed my hands and went back to play with Voight.
***
Sakay ang helicopter, tinunton namin ang islang pagmamay-ari nila.
I was dumbfounded when I saw it from above. It was freaking enormous. They even had a mansion. Napakaganda ng dalampasigan, puti at pino ang buhangin. Voight was as excited as I was.
Lumapag ang helicopter sa kabilang bahagi ng isla. There was runway there, and several courts for outdoor games. Sinundo kami ng isang jeep wrangler patungo sa mansyon.
Freedom’s family was also having a vacation in the island. Kasama rin ang tatlong batang babae kaya mas lalong na-excite ang anak namin na mayroon siyang mga kalaro.
Kahit sa isla, dala pa rin niya ang kanyang bagong toy car.
Magkahawak ang kamay naming naglakad ni Gotham sa dalampasigan habang sinusundan ang mga batang panay ang takbo.
“Russle and I went to a place like this… napapaligiran ng dagat. He loved it so much. He would love it here.” Ngumiti ako.
He squeezed my hand. Hinalikan niya ang aking sentido.
Hinayaan niya akong magkuwento, nakinig lang siya at sapat na iyon para sa akin. I just need his presence, there’s no soothing words to heal the broken heart when my brother died.
“Mommy, daddy, smile!”
Tumutok sa amin ang camera na dala ni Voight. We automatically smiled. Ilang click ng camera ang narinig namin bago siya tawagin ng mga kalaro na gusto ring magpa-picture sa anak namin.
Nang mapagod ang mga bata, nahiga sila sa buhanginan. Tinahuban nila at ibinaon si Voight sa buhangin. It was all fun and games until my husband teased our son there was a big worm beneath the sand that was going to bite him.
Minsan ang sarap kurutin ng asawa ko. Iniahon namin siya sa buhangin, agad siyang yumakap sa akin at patuloy na umiyak.
“Gotham…” mariin kong tawag sa kanyang pangalan.
“I was just kidding. I’m sorry, son.” Hinaplos niya ang buhok ng anak.
Piningot ko ang kanyang tainga. Palagi silang bangayan na dalawa, puro away at bati. Hindi naman nagtatagal ang inis ng anak namin, nakikipaglaro na siya ulit matapos humupa ng kanyang emosyon.
“I’m h-happy you’re here, mommy. You’re my k-kampi, daddy’s my enemy…” saad pa niya.
Natawa ako.
“Daddy’s just teasing you, Botbot. Mahal na mahal ka n’yan, lagi mo ‘yong tandaan, ha?” Tumango naman siya sa akin.
They are at peace once again. Nagpabuhat na siya sa kanyang daddy.
We had our dinner in a floating cottage, it had a beautiful view of the water and the sunset. Our waiters and waitresses were the kids. They loved serving us with the dish that was prepared in the mansion.
We were laughing and giggling. Minsan nakikisalo pa ang aming servers lalo nang pinakabata, lumalambitin pa siya sa akin. Hindi lang kami ang nabusog, pati ang mga bata.
After we finished our meal, the kids performed for us. Kumanta sila ng isang kanta sa pangunguna ni Badiday.
They sang Pusong Bato.
Iyon daw ang memorya nila, pati si Voight na English naman ang pangunahing lengguwahe, nakakasabay siya sa performance ng mga bata. I was trying to hold a serious expression.
Panghaharana raw iyon sa aming dalawa. Bakit naman Pusong Bato? Sumayaw pa ang mga bata na hindi naman nagsabay – sabay.
Iniwasan ko namang tumingin kay Gotham, baka sabay kaming bumunghalit ng tawa. Magiging kabag yata ang pagpigil kong tumawa.
Agad akong pumalakpak nang matapos sila.
Lumingon ako sa gawi ni Gotham para tingnan ang ekspresyon niya. Nanlaki naman ang aking mata nang lumuhod siya habang hawak ang isang singsing, gumaya rin ang mga bata sa pagluhod niya.
May hawak silang banner na may sulat.
Will you marry me?
Baliktad pa ang hawak ng anak namin. Humingi ako ng ilang minuto. I let out a laugh.
They made the night so much better. Now, it made sense why they just had that amazing performance. Even my husband was laughing with me.
“Tawa nang tawa, p’wede na ngani mag-asawa…” Badiday commented.
“Sweetheart, I already asked this question a lot of times… here I am asking you again, in front of our witnesses, will you marry me—“
“Daddy, don’t forget the q-question!” May binulong si Voight sa ama.
Ngumisi si Gotham. He cleared his throat. “Will you marry me and be Voight’s mommy?”
Nag-thumbs up naman ang anak namin nang sabihin iyon ng kanyang ama. Mas lalo akong tumawa. Huminga ako nang malalim. I’m sure the kids planned the romantic proposal.
Tumango naman ako. “Of course! S’yempre pakakasalan kita uli at mamahalin kayong dalawa ni Voight! Yes, sweetheart, I’ll marry you. Yes, Botbot, I’ll be your mommy!”
Isinuot sa akin ni Gotham ang pangatlong singsing. Sabay – sabay naman ang hiyaw ng mga bata. They were so happy to witness the proposal. Muli nilang kinanta ang kanilang paborito.
Humawak sa aking baywang si Gotham, isinayaw niya ako sa saliw ng musika ng mga bata.
Pulam – pula ang aking mukha sa sobrang aliw sa kasamahan namin sa floating cottage.
They made the proposal so much better. Inangkin ni Gotham ang aking labi habang nagsasayaw kami. His kisses were soft and tender. Ramdam ko ang pagmamahal sa hagod ng kanyang labi.
“Mahal na mahal kita, sweetheart.”
I caressed his face softly. “I love you, too.”
“How about me?” Voight asked.
Binuhat siya ng asawa ko.
“We love you, son.”
Pinaulanan namin ng halik ang kanyang pisngi.
Bungisngis niya ang narinig namin. Voight asked Freedom a favor to take a picture of us together. Isinama din namin sila sa picture, salitan ang mga bata sa pagkuha ng litrato para lahat sila ay kasama.
Hindi iyon ang huling beses na inalok ako ni Gotham ng kasal, tinanong niya rin ako sa harap ng puntod ng aking kapatid. Contrary to his proposal in the island, I was emotional when he asked me in Russle’s grave.
I didn’t stop crying after I said yes to him. Alalang – alala na naman ang anak namin. Umiyak ako sa kanyang bisig, tagapahid naman ng luha ko ang aming anak. They showered me with love and understanding.
***
“Sweetheart, when do you want our second wedding to happen? Should I hire a wedding planner already? We can choose the venue. What kind of wedding would you like?” Sunod – sunod ang naging tanong ng asawa ko.
Tulog pa si Voight sa aming gitna.
Maaga akong nagising nang makaramdam akong parang hinahalukay ang sikmura ko’t gustong sumuka. I went to the bathroom to puke. Wala naman ako halos naisuka. Hindi ko namalayang nagising din ang aking asawa.
“Ipagpaliban muna natin ang plano sa pagpapakasal… iyong birthday party muna ni Voight ang unahin natin.” I told him. “We can have our wedding next year.”
He looked at me with confusion. “Sweetheart, are you backing out?”
Tumawa naman ako. I could see fear in those dangerous eyes. Ako lang yata ang kinatatakutan niya.
“I won’t.” Umiling ako. “Paano ako magba-backout? Mahal kita.”
He bit his lower lip.
“It’s better to have our wedding next year, trust me on this, sweetheart. Let’s focus on Voight’s birthday party.” Hinaplos ko ang kanyang mukha. “Then, maybe we can plan the wedding after.”
Tumango siya sa paliwanag ko. Hindi na kami bumalik sa pagtulog, mahina kaming nagkuwentuhang dalawa para hindi magising ang maliit na bata sa aming gitna. Nakayakap pa siya sa akin.
Bumaba kami sa kusina nang sumikat ang araw. I was preparing some breakfast while my husband was helping me in the kitchen. Hindi naman tulong ang ipinunta niya sa kusina. He was flirting with me the whole time.
Wala namang batang nakabantay sa amin kaya ayos lang ang panlalandi niya, gustong – gusto ko rin naman.
Iyon ang senaryo tuwing umaga, kapag gising nang anak namin, sabay – sabay kami sa pagkain. We asked Voight what he wanted for his birthday party.
Our first baby is getting older, we want his day to be special.
P’wede kami mag-celebrate sa yacht niya o sa ibang bansa. Maraming patok na pasyalan sa mga bata. Sigurado akong rerentahan ni Gotham ang buong amusement park para kay Voight.
“Mommy, daddy, let’s just c-celebrate my birthday at Tito Russle’s grave…” he said excitedly.
My heart swelled with happiness. Na-touch naman ako sa sinabi niya.
“Are you sure? Anak, it’s your special day. I want you to enjoy it,” sinabi ko sa kanya.
Voight really wanted it. Imbitado ang kanyang mga kaibigan pati ang mga kaibigan ng kanyang ama. The construction was still ongoing there. Hindi pa tapos ang mansyong ipinapagawa ng aking asawa.
I was a bit hesitant. Bahagyang maliit ang espasyo ng lote ni Russle. Pinagbigyan pa rin namin ang kahilingan ni Voight.
We incorporated every detail he wanted.
Gusto niya ng party hats para sa lahat. He wanted his favorites to be the food to be served. He wanted lots of games in the party and he wanted to give each and everyone a gift.
Pinaghandaan namin iyon ni Gotham, paborito niya pa rin ang Cars movie kaya iyon ang desenyo ng party hat niya. Gumawa ako ng piñata na may lamang candies, small toys at chocolates.
Mostly, we prepared some Filipino games for parties. Mayroon ding sack race na gaganapin at ibang relays. Nagpa-cater kami pagdating sa pagkain. Gotham also hired an event organizer for the design and other details.
Natapos ko rin ang scrapbook na panregalo ko kay Voight. Shares ng kompanya na ang kanyang hinihingi sa mga kaibigan ni Gotham. Natawa naman ako at napailing. He’s really going to be a good businessman in the near future.
Gotham’s going to grant any of his requests. May bago na naman siyang toy car na binili para sa anak namin.
“Happy birthday, Botbot!”
It’s Voight’s fifth birthday.
Niyakap ko siya at hinalikan ang iba’t ibang parte ng kanyang mukha. He was giggling.
“Thank you, mommy!”
Nauna kaming nagising, tulog na tulog pa ang asawa ko. Dinala ko naman siya sa kuwarto ni Russle upang ibigay ang aking regalo sa kanya. Naupo kami sa kama ng kapatid ko.
“This is mommy’s gift for you…” I smiled. “Pasensya ka na, Voight. Hindi kita kayang bigyan ng materyal na bagay. I love you always. Be a good boy, ha?”
His eyes widened opening my little gift for him.
Siniyasat niya at tiningnan ang bawat litrato. Mayroon iyong sweet messages na galing mula sa puso ko. He can always go back to read it. Plano ko pa iyong palawigin sa bawat taon ng memories namin bilang pamilya.
He looked at me with tears in his eyes. “Mommy, I love you! Thank you for c-coming back to daddy to love me…”
Pinahid ko ang luha sa kanyang pisngi. It was the right decision I made for a long time. I was able to meet such a precious soul like Voight. He makes me so happy. I love to be his mother.
“I love you, Botbot ni mommy, my baby tarsier, my first child.” I kissed his forehead. “May isa pang gift si mommy…”
Binulong ko sa kanya ang balita. His eyes widened. Agad naman siyang nagtatalon sa kama. He was so happy with the news. I was smiling from ear to ear. Muli akong bumulong. “Let’s surprise daddy next…”


Leave a comment