Chapter Twenty-Nine

Umagang – umagang tumakbo ako sa banyo upang sumuka. Natural daw iyon na kasama sa pagbubuntis.

I felt a hand supporting my head. Tinipon niya ang aking buhok upang hindi iyon maging sagabal sa aking pagsuka. Nagising din pala ang aking asawa sa pagbangon ko sa kama.

Hindi ko pa iyon nasasabi sa kanya. Tanging kaming dalawa ni Voight ang nakakaalam ng pagbubuntis ko. He was taking care of me. Palagi siyang nakabantay sa bawat galaw ko.

Gotham would know sooner or later…

Wala naman akong balak na itago iyon sa kanya ng mahabang panahon, naghahanap lang ako ng tamang tiyempo na sabihin sa kanya.

Nang matapos akong sumuka, tumungo naman ako sa sink upang maghilamos at magmumog ng tubig. Ramdam ko ang paninitig ng aking asawa mula sa likuran, hinintay niya akong matapos.

He handed me a clean towel. Pinunasan ko naman ang aking mukha.

“Is there something you need to tell me?” pumailanlang ang baritono niyang boses sa loob ng banyo.

Bahagya siyang lumapit, hinawakan niya ang aking baywang. His hand went to touch my belly. Tumaas naman ang aking balahibo.

Wala yata akong kayang itago sa aking asawa, mukhang alam na niya… hinihintay niya lang akong kusang magsabi nang pagbubuntis ko.

Yumakap lang ako sa kanya at hindi umimik. Ang bango niya sa aking pang-amoy. I was sniffing his scent.

Humalakhak naman siya at tumikhim. “Do you have food cravings, sweetheart?”

Umiling naman ako.

“I want to sleep again.” I told him.

Iginiya naman niya ako palabas ng banyo patungo sa kama.

Voight was peacefully sleeping in the middle of the bed. Binuhat niya ng bahagya ang anak namin at pinatong niya sa may parteng dibdib para magtabi kaming dalawa.

Hinalikan niya ako sa noo at muling binantayan hanggang makatulog ako.

Nagising akong muli nang mataas na ang sikat ng araw. Voight was playing on the side of our bed with his little toys. Kalaro niya ang aking asawang mukhang naghihintay sa aking paggising.

“Mommy!” He was the first one who noticed I was watching them.

Agad naman siyang inalalayan ng ama, mas lalo silang naging maingat sa kalagayan ko. My husband really knew the slight changes happening to me. Sabihin ko man iyon sa kanya o hindi.

I have two caring boys with me.

Napakasuwerte nang nasa sinapupunan ko. Alam kong aalagaan nila ng husto at mamahalin ng sobra ang magiging anak namin. I was excited for the life growing inside me to meet his father and brother.

***

Kasama yata sa pagbubuntis ko ang pagiging antukin at pagiging tamad.

Sometimes, I’m so lazy to get up on the bed. Pinipilit ko lang talagang bumangon. My nose was sensitive with some smell. May mga pagkain din akong hindi gusto ng aking tiyan.

They were accommodating enough to understand the changes in my body and wants. Kung hindi ako tulog, nakikipaglaro ako kay Voight o kumakain ng mga pagkaing binili ng asawa ko.

“Gotham…” Niyugyog ko siya ng bahagya.

“M-mommy…” Naalimpungatan naman ang anak namin.

“It’s not morning yet, sleep more, Voight.” I told him.

Muli akong nahiga, tinapik – tapik ko ang kanyang braso nang marahan para muli siyang makatulog. Pinilit ko ring pumikit upang makatulog din ako. I woke up craving for something to eat, but it was two o’clock in the morning.

Everyone was still asleep.

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. Isa pang napansin ko sa pagbubuntis, medyo nagiging emosyonal ako kahit sa maliit na bagay. Hindi naman ganito dati.

“Sweetheart…” Gotham’s face looked worried. “Why are you crying? Is there something wrong? Are you in pain?”

I shook my head at his questions. It was none of the choices.

“Nagugutom ako…” mahina kong hikbi.

Napangiti naman siya at pinahid ang aking pisngi. Bumaba siya sa kama at inalalayan akong umupo.

“Don’t cry, sweetheart. Whenever you’re craving for something, just tell me…” Hinalikan niya ang aking noo.

“It’s too early in the morning, Gotham,” saad ko naman.

Balak ko naman talaga siyang gisingin. Kaya lang si Voight ang naalimpungatan, nakakaabala ako sa mahimbing na pagtulog nila. Siguro nama’y kaya kong tiisin iyong cravings ko sa madaling araw.

“It doesn’t matter what time it is, if you need something, just wake me up and I’ll get it for you. What do you want, sweetheart?” malambing niyang tanong sa akin.

“Chicken and ice cream…”

Ngumiti siya. “You’ve been craving it lately.” Hinaplos niya ang aking mukha.

“Gusto ko iyong right legs ng chicken lang ang kakainin ko… tapos tunaw na iyong ice cream para mayroon akong sabaw,” patuloy ko pa sa aking request.

Ilang minuto niya akong tinitigan. He probably realized how serious I was.

“Okay, sweetheart. What ice cream flavor would you like?”

“Ube…” I answered him. “Hindi ka man lang ba magagalit sa irasyunal at nonsense kong request?”

Kumunot ang kanyang noo. “Why would I? I’ll try my hardest to provide what you need.” Ngumisi siya. “None can ever make me hate you. I love you so much, sweetheart.”

“I love you, too, Gotham.” Dinampian ko siya ng halik sa labi.

“Get some rest. I’ll wake you up once I come back with your cravings.” Muli niya akong pinahiga at kinumutan.

I tried to go back to sleep, but I couldn’t. Pinagmasdan ko lang si Voight. Naramdaman yata niya ang paninitig ko kaya muli siyang nagmulat ng mata.

“Mommy, why aren’t you s-sleeping? Do you need something?” Ngumiti lang ako.

Mana siya kay Gotham. He was so caring with me. Umiling naman ako.

“Daddy’s taking care of it, Botbot. Nagugutom kasi si mommy, nagugutom si baby…”

His eyes widened.

“Oh, no! Baby is hungry!” Dinama niya ang aking tiyan. He kept caressing it.

“Do you want to have a bite of chicken or do you want to sleep?” I asked him.

“Kuya is getting h-hungry, too, mommy!”

Natawa naman ako. Hinalikan ko ang kanyang noo. Nagkuwentuhan kaming dalawa hanggang dumating si Gotham. Nadatnan niya ang aming hagikhik ni Voight.

Nakaalalay naman sa akin ang dalawa pababa ng kusina.

Mainit pa ang chicken at tunaw na nga ang ube ice cream gaya ng gusto ko. My eyes watered with appreciation for my husband. Bigla na lang akong napaiyak. Voight hugged me to appease me.

“What’s wrong?” Gotham asked worriedly. “You didn’t like the food? I can get another one.”

I shook my head.

“I was just happy… you’ve been so good to me.” Umiiyak kong saad.

“Oh, sweetheart. Of course, I will do anything for you, I love you.” He caressed my face and gave me a sweet kiss on the lips.

Naglagay siya ng plato para sa aming dalawa ni Voight.

Tinanong niya kung anong gusto ko, ikinuha naman niya ako ng chicken, sinabawan ko iyon ng ice cream. Nakaupo naman sa kanya si Voight na pinagbabalat niya ng manok.

Panaka – nakang sumusulyap sa akin ang aming anak, sigurado akong nagtataka siya kung bakit ginawa kong sabaw ang ice cream. Hindi ko rin alam… iyon ang gusto nang nasa sinapupunan ko.

Konti lang ang kinain ni Voight na chicken, muli siyang inantok pero ayaw niyang magpahatid sa kuwarto naming mag-anak. Halos ako ang nakaubos ng ilang pirasong manok at ice cream, tumikim din naman ang aking asawa.

“Shall we see a doctor, sweetheart?”

Napatigil naman ako sa pagkain ng fried chicken. “Why?”

“For general check up…” He shrugged.

I knew exactly what he wanted.

Alam naman niyang buntis ako, ayaw lang niya akong piliting umamin.

Muli akong tumutok sa pagkain. Inubos ko ang huling fried chicken na isinawsaw ko sa ice cream. In a normal circumstance, I wouldn’t probably like eating this kind of combination.

Huminga ako nang malalim.

“Buntis ako, Gotham.”

When I looked at him, he was grinning widely. Daig pa niya ang nanalo ng jackpot sa lotto. Namasa – masa ang gilid ng kanyang mata.

“Thank you for telling me, sweetheart.”

Bahagya niyang hinawakan ang parteng tiyan ko. All he needed was confirmation to his suspicion. Pinaulanan niya ng halik ang aking mukha. His happiness was radiating, it was contagious.

“Suwerte siya sa inyo… mahal na mahal ni daddy at kuya…”

“Voight and our baby number two are lucky to have you as their mom… Thank you for coming into our lives, Fili. Thank you for being a good mom to Voight. Thank you for loving us unconditionally. Mahal na mahal kita, sweetheart.” Matagal ang pagdampi niya sa aking noo.

He also kissed our son who was peacefully sleeping on his arms.

“Mahal na mahal ko rin kayong dalawa…”

Bumalik kami sa kuwarto upang makapagpahinga nang maayos si Voight.

Hindi pa ako dinalaw ng antok kaya nagkuwentuhan muna kaming dalawa. Idinetalye ko kung paano nalamang buntis ako. It was before Voight’s birthday. Nagkaroon lang ako ng ideya nang patuloy ang pagkaramdam ko ng hilo.

Nakapagpatingin na rin ako sa doctor sa pagbalik ko sa naturang check up. I used my previous surgery as an excuse. Medyo natakot akong naapektuhan ang pinagbubuntis ko sa natamo kong tama ng baril dati.

Luckily, it didn’t affect my pregnancy.

Maayos daw ang kapit ng bata sa aking sinapupunan pero hinintay ko pa rin ang ilang linggong lumipas bago ako tuluyang nagtapat kay Gotham.

Of course, he knew.

“How did you know?” tanong ko sa kanya.

Sumandal ako sa kanya sa couch. Hindi muna kami humiga ng kama.

“I’m just confident I poured my seeds…” Hinampas ko ang kanyang braso. Humalakhak naman siya.

“Hm, sweetheart, we didn’t use condoms and we’re very much active. I was already searching for the signs and symptoms of pregnancy, somehow. When you were feeling dizzy and throwing up every morning, I just knew…” Muli niyang hinaplos ang aking tiyan.

“I also figured because you didn’t want the wedding to be held this year. I was just scared to ask you…” He sighed. “I thought you wouldn’t like to have children.”

“May takot ka sa akin?” Tumawa ako. “Where’s the dangerous man I met years ago? Under ka ba sa akin, Gotham?”

“It’s not being under. It’s loving my wife and wanting to respect her wishes…” Ngumuso siya.

Namula ang aking pisngi. Alam na alam talaga niya kung paano kuhanin ang kiliti ko.

“Tama ka naman, natatakot ako… natatakot akong baka mamana niya ang sakit ng aking kapatid. Natatakot akong baka hindi ko kayang maging ina, pero noong dumating si Voight sa buhay natin, parang nawala ang agam – agam ko. Nakaramdam ako ng saya.” Tumingin ako sa kanya.

“Natatakot man ako, alam kong and’yan ka at may katuwang ako sa pagpapalaki sa mga bata. I love you, Gotham… I love you to the point that I feel safe and at ease with your presence in my life, I can be vulnerable to you…”

He wet his lower lip. “Maybe, we can still make the baby twins…” Ngumisi siya at kumindat sa akin.

Inirapan ko naman siya sa suhestiyon niyang iyon at natawa.

Ano ‘yon? Buntis na ako, may pahabol pa siya.

“Sweetheart, you should sleep already. You and our baby should rest.”

Tumango naman ako at tumungo sa kama.

Inayos naman niya ng tayo ang anak namin saka niya ako pinahiga at kinumutan. Hinalikan niya ako sa labi, hinalikan niya ang mahimbing sa pagtulog na anak namin at hinalikan din niya ang parte kong tiyan.

***

My husband and son accompanied me for another checkup.

They were excited. Akala yata ni Voight malalaman nang gender ng baby namin. He wanted to have a baby sister… okay lang din naman daw baby boy ang magiging kapatid niya.

Gotham’s fine with any as long as the baby’s healthy. That’s also what I wanted — a healthy baby.

Wala naman daw komplikasyon sa pagbubuntis ko. Maraming itinanong si Gotham sa doctor, pati si Voight ay may tanong din.

He was asking the doctor if I ate the baby to fit my womb. Tawa kami nang tawa… mabuti na rin na sa doctor siya nagtanong, paano ba namin ipapaliwanag kung paanong nabuo ang bata.

Hindi na siya nagpapabuhat sa akin pati ang toys niya. Isang saway ko rin sa kanya, nakikinig siya sa akin. Voight didn’t want me to be stressed with the pregnancy. Palagi niya ring hinahalikan ang aking tiyan.

Ipinagbabalat niya ako ng oranges kapag natatakam ako sa prutas. My boys are really taking care of me.

“Russle, may good news si ate…” Ngumiti ako sa kanyang puntod. “Buntis ako, dalawa na ang pamangkin mo.”

Nagtirik ako ng kandila sa kanyang puntod. Voight was also talking to my brother, he was telling how excited he was meeting his brother or sister. May pasalubong na naman siyang laruan para sa kapatid ko.

Sometimes, the toys would go missing. Hinayaan lang namin iyon, I’m sure other kids would love to play with my brother’s toys.

Patuloy pa rin ang konstruksyon ng mansyong para sa kapatid ko sa katabing lote. It would be finished in no time.

Madalas ang picnic namin sa puntod ni Russle.

Naipakilala ko na rin siya sa mga batang kalaro ni Voight noong birthday ng anak namin.

They offered me their sincerest condolences, I didn’t want it to take the spotlight with our birthday boy, our Voight had a blast. The kids enjoyed so much on his birthday.

Yumakap sa akin si Vikray.

“Ate Fili, kung buhay man baya ang kapatid mo, agawin kong katipan sana…” bulong niya sa aking tainga.

Natawa naman ako sa sinabi ng batang babae. May posibilidad nga iyong mangyari, Russle had a crush on his classmate before. Sometimes, I wounder about those kids. Do they remember my brother?

We would be enrolling Voight to pre-school. Tama na siya sa edad upang simulan ang pag-aaral, kinausap na namin ang aming anak patungkol doon. He wasn’t really thrilled with that idea.

I watched the kids as they played around my brother’s lot together with my husband. Nanatili akong nakaupo habang pinagmamasdan sila. Hindi na nila ako isinasali sa mga larong may kasamang pagtakbo.

Mostly, I was just sitting pretty as they did everything for me.

Nang mapagod ang mga bata, naupo sila sa aking tabi. Inilabas ko naman ang kanilang art materials para iyon ang pagkaabalahan nila. We’re finishing Voight’s scrapbook, the other kids were also intrigued to do their own with my help.

“Mommy, I want to make a scrapbook of my baby sibling!”

“Sure, anak. Go on…”

Inalalayan ko naman siya, marunong na siyang gumamit ng gunting upang gumawa ng hugis puso sa colored paper. Mayroon din siyang hugis bulaklak na ginawa. He pasted it in front of the paper.

Pokus na pokus ang mga bata sa kanilang activity. My husband kept caressing my baby bump. Bahagyang may umbok na ang aking tiyan, hindi naman iyon gaanong halata kung hindi pagmamasdan nang mabuti.

I always wear loose shirts. Mas presko sa pakiramdam at mas pabor dahil hindi gaanong naiipit ang aking tiyan.

Palaging nakabuntot sa akin ang asawa ko. He would accompany me with my walks whenever I feel like walking around the subdivision. He would buy me anything I desire.

***

In the backyard of our mansion, everyone gathered for our baby gender reveal.

It was just a small gathering with Gotham’s friends and their wives. Kasama rin ang mga batang hindi nagpapahuli ang excitement. They were wearing only two colors, the pink for team baby girl and the blue ones for team baby boy.

Our Voight was wearing a pink polo shirt, he was also holding a pink balloon. He really wanted to have a sister.

I was wearing a white maternity dress, while my husband was wearing a white, long sleeve polo to match with my outfit.

My baby bump was already obvious. Masyado na iyong malaki sa ilang buwan kong pagdadalantao.

The grand reveal will be doing by the two most precious men in my life.

“Are you ready?” Gotham asked our son.

Voight nodded, grinning widely.

Everyone cheered.

Hindi ko maitago ang aking ngiti. We’re going to know the gender of the baby. My boys waited patiently for the reveal. Alam kong excited na silang malaman ang gender ng nasa sinapupunan ko.

Our son threw the ball in the air, Gotham took a swing. Pink-colored dyes popped in the air. Voight was jumping happily. Tumakbo siya papalapit sa akin upang yakapin ako.

Agad akong dinaluhan ng aking asawa at niyakap nang mahigpit. Both of them were crying while hugging me.

I couldn’t help but laugh heartily with their genuine reactions. Mag-ama nga talaga, parehas pa ng reaksyon. Our friends started to congratulate us. Tinanggap ko naman iyon nang masaya ang puso.

I kissed the both of them. Kinarga ko naman si Voight at hinaplos ang kanyang likod.

“Mommy, I’m so happy!” Muli siyang yumakap sa akin.

Paulit – ulit ko siyang hinalikan sa mukha. His reaction was so cute, so was his daddy.

His friends were secretly laughing seeing my husband’s tears of joy. Pinakain ko na ang mga bisita. Tumungo naman sa loob si Gotham upang magpahangin yata pero agad din siyang bumalik dala ang bouquet ng bulaklak.

Kinuha niya sa akin si Voight para siya ang kumarga sa aming anak. Nagpasalamat naman ako at hinalikan siya sa labi.

“Thank you so much, sweetheart. Our hearts are so happy.”

Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

Kinuha naman niya ako nang makakain. Everyone was already eating.

Tumungo naman sa akin ang mga kababaihan upang i-congratulate ako. They had been such a help figuring out things in my pregnancy. Nagpasalamat naman ako sa kanilang tulong.

“Ate Fili, salamat dahil babae ang naging anak mo… nagpustahan man ngani kami ni tapulok, panalo ako…” Badiday informed me.

Natawa naman ako.

The kids were also helpful with me. Palagi ko silang kasama sa bahay, sa amin muna sila namalagi habang buntis ako. They were so nice to keep Voight company.

“Anong napanalunan mo?” I asked her.

“Ya, sabi ko ngani sa kanya bilhan kami ng milktea kasi gusto namin tumikim…” Kumamot siya sa ulo. “Milktea shop man ang binili ay, ano kaya ‘yon?!”

I shook my head.

“Ayaw mo? May business na kayong tatlo…” Pinisil ko ang kanyang pisngi. “Salamat sa inyo palagi. Magsabi lang kayo kay Gotham kung anong gusto n’yo, siya nang bahalang bumili.”

“Hirap man nila kausap ay! Si master, pasulubong hiningi ko ngani, Jollibee man ang binili! Hindi baya sila marunong. Wala silang common since.” Mas lalo akong bumunghalit ng tawa.

Those gifts would come handy in the future.

Bumalik si Gotham kasama si Voight sa aming tayo, mayroon silang dalang platong puno ng pagkain. Naupo kami sa malawak na table. Dalawa kaming sinubuan ng pagkain ng asawa ko.

Hindi na madalas ang kulitan na nauuwi sa away ng dalawa. They are both trying to keep the peace so I wouldn’t be stressed with them. Magkasundong – magkasundo ang mag-ama ko basta pag-aalaga sa akin ang usapan.

We had a great time at the party my boys threw for our baby girl, the visitors also enjoyed the fun activities and the food. They all went home with a happy heart.

Pagod na pagod ang mga bata. They were the ones who enjoyed the most. Sama – sama silang natulog sa isang kama ng guest room. Kinumutan sila ni Gotham bago kami tumungo sa aming kuwarto.

Paulit – ulit ko naman siyang hinalikan sa labi nang makarating sa kuwarto.

He smirked. “Sweetheart, we just revealed the gender of our baby… do you already want another one?”

Inirapan ko naman siya.

“Hindi mo na ba ako mahal? Hindi mo na ako kinakantot…” ungot ko.

Gotham bit his lip. Humugot siya nang malalim na paghinga.

“We’re married, sweetheart. It’s not just about sex… we’re making love every time we do the deed.” He caressed my face.

“It’s not because I don’t love you anymore, I’m scared of doing the deed with you. I’m scared to hurt you and our baby although the doctor told us it’s okay… I had Voight, but the process of pregnancy is also new to me,” seryoso niyang saad.

“But I can happily eat you down there… did you lock the door, sweetheart?” Tumango naman ako bilang sagot.

Marahan niya akong tinulungan paupo sa gilid ng kama. Ibinaba niya rin ang undergarments sa suot kong maternity dress.

He dived into my femininity. It has always the same effect. Magaling magpatirik ng mata ang kanyang dila. Gotham is a generous lover, and he always makes sure my needs are met.

After a good orgasm, he cleaned me down there. Nahiga naman ako sa kanyang bisig.

“Have you thought of names, sweetheart?” malambing niyang tanong sa akin.

“Gusto ko medyo hawig sa pangalan n’yo ni Voight… parang Gotham at Garrison… na medyo katunog naman ng pangalan ng kapatid ko.” Humarap ako sa kanya. “Can we name her Gracielle..?”

He nodded.

“That’s such a good name and tribute for Russle.” Ngumiti siya at inabot ang aking labi.

“You can add her second name, sweetheart. Anak naman natin ito… tumulong ka naman sa pagbuo ng bata sa aking sinapupunan.” He laughed heartily.

“Hm, how about I ask Voight with our baby’s name? I’m sure, he would love to help,” sinabi niya.

I smiled at him.

For sure, Voight’s going to be excited thinking of a suitable name for our baby girl.

Nang sabihin nga iyon ni Gotham kinaumagahan, ganoon na lang ang saya ng anak namin. Pabalik – balik siya upang magpa-approve ng pangalang naisip niya.

“Mommy, can we name her Pretty? Gracielle Pretty! Because she’s going to be pretty!” He was so enthusiastic.

Totoo naman na lalaking maganda ang kanyang kapatid, mana sa ama at sa kuya. “Can you think of another one, anak?”

Muli siyang nawala sa paningin namin ni Gotham. Tumawa naman ang asawa ko sa ka-cute-an ng aming panganay.

“Mommy, how about Queen? Gracielle Queen!”

“I’ll take note of that, anak. Baka may maisip ka pang iba…”

Pabalik – balik siya sa kusina habang nakakaisip ng pangalan.

“Mommy, how about your name?”

“What’s mommy’s name?”

“Fili!”

Pinisil ko naman ang kanyang pisngi at tumawa. Pinatawag ko na sa kanya sina Badiday para makakain na sila ng agahan. I made them some pancakes with the help of Gotham.

Ayaw na niya akong pagalawin sa kusina. Sunod – sunod namang tumakbo ang mga bata sa dining hall.

They devoured the breakfast I made for them. Voight was being fed by his father. His face looked serious thinking of names.

Nako, seryosong – seryoso ang anak namin.

“Voight, kumain ka muna. Mommy’s not pressuring you to think of names… enjoy your food.” He gave me a nod.

Nagpokus siya sa pagkaing sinusubo ng ama. Kumain ako habang kinakausap ang mga batang babae na puno ng kuwento sa amin.

“Mommy!”

***

Gabi pa lang, humihilab na ang aking tiyan. Ramdam ko nang manganganak na ako. I still walked around the house attempting to lessen the growing pain.

Last week, we already prepared all the needed things for our baby’s birth. Gotham already trained the kids with the labor drill. Maaga kong ginising si Gotham para dalhin ako sa hospital.

To our surprise, the kids were also awake to accompany us. Tumawag si Gotham kay Trigger at Priam upang magbantay sa mga bata habang nanganganak ako. The kids insisted to go with us in the hospital.

I was doing the breathing technique I learned to minimize the pain until we got to the hospital. Agad akong tiningnan ng doctor kung bukang – buka na ang aking pagkababae para kumasya ang ulo ng aking anak.

We waited for another hour before I went to the delivery room.

Sinamahan ako ng aking asawa sa loob, nakahawak siya sa aking kamay habang bumubulong nang matatamis na salita sa bawat ere ko. He kept encouraging me to push harder until our baby came out.

After several push, our baby girl came out crying.

Hinalikan ako ni Gotham sa aking noo at paulit – ulit akong pinasalamatan sa matiwasay kong pagluwal sa aming anak.

Nanghihina ako sa dami ng enerhiyang nagamit ko sa pag-ere. My heart was swelling with joy with the safe delivery of our child. Pareho kaming emosyonal ni Gotham.

“Mahal na mahal kita, sweetheart. Thank you for bringing our baby girl into this world.” Ibinigay sa amin ng doctor ang aming anak. I finally held her in my arms. Gotham was so mesmerized with our daughter.

I was smiling… seeing her for the first time.

“Welcome to the world, Gracielle Dahlia,” mahina kong saad.

Dahlia.

“Mommy, how about Dahlia? It’s a beautiful flower… just like a flower, she would blossom!”

Tinupok din naman ako ng antok, naramdaman ko pang dumampi sa aking noo ang malambot na labi ng aking asawa.

When I woke up, I was already in the room decorated with balloons. Nang nagmulat ako ng paningin, may naghihintay sa aking paggising. Agad na yumakap sa akin si Voight.

“I missed you, mommy… I was worried!” Humalik siya sa aking pisngi.

“Mommy’s okay. Thank you, anak. I love you so much.” Hinaplos ko ang kanyang pisngi. “Nakita mo na ba ang kapatid mo?”

He shook his head.

Sakto namang bumukas ang pinto, pumasok ang nurse habang sa likod niya naman ay ang aking asawa. Mayroon siyang food container na dala para kay Voight. Agad siyang ngumiti nang makitang gising na ako.

Our Voight finally met the newest addition to the family. Agad siyang nag-request na magpa-picture sa nurse bilang pamilya. Napakalaki ng ngiti namin sa pagtutok ng camera. Nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso ko.

TOC

Leave a comment