Chapter Thirty
“Russle…” I smiled.
I used to cry whenever his name was mentioned, my heart broke into million pieces whenever he came up as the topic. Mayroon pa ring kirot sa aking puso pero mas naaalala ko na ang aking kapatid bilang magandang alaala sa buhay ko.
He was a vibrant joy.
I wanted to celebrate his passing with his extraordinary quality of making people happy. I wanted to move forward by remembering my brother with all the happy memories we created together, not just his tragic passing.
Russle was more than his death.
He was a good brother. He was kind. He was a happy child. He was a loving person. His ending should be remembered for the things he did and the life he had.
Hindi ko naman maiiwasang hindi malungkot sa pagkawala niya, pero kailangan ko nang bitbitin ang sarili ko paalis ng kalungkutan.
Alam kong hindi niya gustong makita ako sitwasyong kinalagyan ko sa halos tatlong taon, wala naman kasing gamot ang kalungkutan.
I was working with my healing.
Masaya ako. Masaya ako sa piling ni Gotham at ng dalawa kong anak.
“Si Gracielle Dahlia… ang pangalawa ko, ang bago mong pamangkin. Pasensya ka na, bunso, hindi ka agad namin nadalaw ng mga bata, si Gotham lang ang palagi mong bisita nitong nakaraan. Ingat na ingat pa kami sa bagong silang… she’s healthy.” Mas lalong lumawak ang ngiti ko.
Our baby was born healthy. Walang komplikasyon at wala ring sakit na namana, malakas ang kanyang puso.
His little mansion was already done.
Katulong ni Gotham ang panganay namin sa paghahakot ng mga gamit kasama ang mga tauhan ng asawa ko. His museleo was extending through an opening inside his mansion.
“Gracielle… Russle… magkatunog.” Hinawakan ko ang matambok na pisngi ng aming anak. “I’m sure, you would love to meet her.”
Gracielle opened her eyes, her lips formed a smile seeing me.
“Ikinukuwento kita sa Tito Russle mo, anak.” Ngumiti ako sa kanya.
She cooed as if she knew what I was talking about. Mas lalong lumawak ang ngiti ko at kinausap ko siya ng tungkol sa kapatid ko. She was smiling back at me.
“Bunso, tuwang – tuwa rin si Gracielle na makilala ka… Tingnan mo naman ang ngiti niya, sobrang ganda…” Naintindihan yata iyon ng aking anak kaya mas lalo siyang tumawa.
“Nagtatampo ako, Russle.” Ngumuso ako. “Ilang buwan ko siyang dinala sa aking sinapupunan, pero kamukhang – kamukha ng ama. She’s a girl version of his daddy. Pero hindi naman ako makapagreklamo, ang ganda ng lahi…”
Napakalakas ng kapit ng genes ni Gotham.
Mula kay Voight hanggang kay Gracielle, siya ang kamukha. Ang guwapo naman ng asawa ko, kaya guwapo ang panganay tapos maganda ang bunso. Hindi na siguro ako lugi kahit wala akong kamukha.
“Baka naman p’wedeng kausapin mo si Botbot, ayaw na naman niya mag-school simula nang dumating ang kanyang kapatid. Ayaw daw niyang mahiwalay kay Gracielle, tapos may germs daw sa school na p’wede n’yang maiuwi sa bahay, baka magkasait ang kapatid niya…” I sighed.
Marami nang alam ang anak naming panganay. Basta pag-iwas sa pagpasok, magaling siya sa excuses.
“Mommy!” Voight came running from the mansion to where we were. “Baby Dahlia!”
Agad siyang yumakap sa akin, pawisang – pawisan siya at mukhang napagod sa task nilang dalawa ng asawa ko. Kumuha naman ako ng malinis na tuwalya para punasan siya ng pawis.
Pumantay siya sa kapatid na tuwang – tuwa nang makita ang panganay namin. She knows who would spoil her the most.
“I missed you, Baby Dahlia!” Marahan siyang yumakap sa kapatid. “Mommy, can I hold her, please? Pretty please?”
Napailing naman ako. Alam niya rin ang kahinaan ko bilang isang ina.
“Dahan – dahan lang, ha,” paalala ko.
Pinaupo ko siya nang maayos bago ko ibigay sa kanya ang kapatid nang naka-suporta pa rin ako.
Both my husband and son attended seminar how to care for a newborn baby and mommy. He was taught how to hold a newborn child, how to take care of his new sister and even me.
Kampante rin ako pagdating sa anak namin dahil natuto siya kung paanong humawak ng bata, pero nakabantay pa rin naman ako. Voight loved to carry his sister. He loved to play with her all the time.
Hinihintay lang ng panganay kong lumaki ang kapatid niya, isasama niya si Gracielle sa pagsakay sa kanyang toy truck.
“How’s my wife and kids?” Sumandal ang asawa ko sa pinto.
He was topless and sweaty.
Muli naman akong kumuha ng tuwalya upang punasan siya ng pawis. I can’t salivate with his body right now. Ilang buwan pa lang ang baby namin, baka mabuntis na naman niya ako kung alam niya lang ang nasa utak ko.
Aktibo pa rin kami sa kama. Gotham would give me the greatest pleasures ever known to mankind. Sinusuklian ko rin iyon. Pero wala pa sa plano naming mag-anak muli, hindi madaling magbuntis.
Isa pa, pangalawang kasal namin ang dapat na plano.
“I can see you trembling and gulping hard,” Ngumisi siya. “Do you want me now, sweetheart?”
Kinurot ko naman ang kanyang dibdib. “Magtigil ka nga, tatlong bata ang nakamasid sa’yo.”
“Pero gusto mo?” Mas lalo niyang inilapit ang mukha sa akin.
“Sino bang aayaw sa tite?” Tumaas ang kilay ko.
Humalakhak siya at kinabig ako payakap sa kanya.
Kahit pinamawisan na, ang bango ng asawa ko. Hinalikan niya ang aking noo bago dumako sa aking labi.
“Later, sweetheart.” He winked at me.
Hinawakan niya ang aking kamay at dumako kami sa mga bata. Voight was making faces to entertain his sister. Tuwang – tuwa naman ang bunso namin sa kanyang Kuya Voight.
“Son, may I borrow Gracielle for a moment?”
“Okay, daddy…” Ngumuso siya.
It was hard for him to share his baby sister, but he was working on it.
Kinuha ni Gotham ang bunso namin sa pangangalaga ng aming panganay. My daughter was cooing softly seeing his father.
Lumapit naman sa akin si Voight, ako ang kumarga sa kanya habang nakikipaglaro siya kay Gracielle. I love it when we were spending our days like this. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi.
“I love you, Botbot. I love you, Daldal. I love you, Daddy Gotham.” Binigyan ko ng halik ang kanilang tuktok ng ulo. “I love you, bunso ni Ate.” Hinawakan ko ang puntod ng aking kapatid.
Pumulupot naman sa akin ang kamay ng anak ko upang bigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
“Mommy, we love you so much!” malambing na wika ng aking anak habang paulit – ulit akong hinahalikan sa pisngi.
“Ramdam na ramdam ko, Botbot.” Tumatawa kong saad. “Salamat, anak.”
After awhile, nag-aya nang kumain ang panganay namin. Nagugutom na raw siya. Tumungo naman ako sa kusina upang ipagluto ang mag-ama ko. It was the first time using the kitchen of Russle’s mansion, it was enormous and fully functioning.
Nakasunod naman sa akin ang aming panganay. Tulog nang bunso namin sa bisig ng kanyang ama.
Voight always wanted to extend his help in the kitchen.
Kung marunong siya at malaki na, aagawin niya sa akin ang pagluluto. I cooked some soup, stir-fried some beef and broccoli, and vegetable salad. Hindi rin mawawala ang kanin. Gumawa rin ako ng smoothie ng paboritong prutas ng anak namin.
My son liked everything I cooked. Hindi naman siya mahirap pakainin basta ako ang nagluto o sinusubuan namin siya para kumain.
Pinatawag ko na si Gotham para makakain na kami. Kinuha ko naman ang crib ng baby namin upang ipirmi muna ni Gotham ang anak namin para makakain siya ng maigi.
When he was about to do that, our baby girl cried.
She knew when she was being transferred to the crib. Sinanay naman kasi ng asawa kong hawak niya tuwing tulog. Umiling naman ako.
Noong bagong dating kami sa bahay, halos hindi matulog si Gotham para lang bantayan ang anak namin. He would let me sleep fully to recover after that painful and exhausting giving birth experience I had.
Hindi ako namomroblema sa gabi dahil and’yan ang asawa ko.
Tumayo muna ako upang dalhan ng pagkain sa plato ang aking kapatid. Nakagawian na namin iyon. Siya naman ang may-ari ng mansyon. It was named after him.
“Heto ang luto ni Ate…” I smiled at him.
Sinindihan ko siya ng kandila.
“Russle, palagi kang mahalaga kay Ate… palagi kitang mahal at hindi makakalimutan… palagi kong hihilingin na sana kasama ka namin…” Huminga ako nang malalim.
“Pero tanggap ko na, tanggap ko nang hindi ka babalik sa akin. Isa lang ang hangad ko, sana maging masaya ka kung nasaan ka man ngayon…”
Matagal na panahon din ang ginugol ko upang tanggapin ang katotohanang mahirap lunukin. I needed that to move forward, I couldn’t be stuck forever in my misery. Dalawa nang anak kong huhugot sa akin ng lakas upang maging matatag.
“Kaya simula ngayon, sa tuwing maririnig ko ang pangalan mo, ngingiti ako… dahil puro magagandang alaala ang manunumbalik sa akin. Thank you for being my light for a long time… thank you for still guiding me.” Bahagya akong tumingin sa itaas upang pigilan ang pagluha.
“Hayaan mo, ipapangako ko sa’yo na magiging masaya ako at aalagaan ko si Voight at Gotham gaya ng habilin mo…” I smiled through my tears. “It’s your death anniversary, Russle. Happy birthday to me.”
The only thing I requested was to never celebrate my birthday extravagantly. My family honored it. Voight greeted me and gave me a card and a bracelet that he created. Pinalitan na niya ang lumang bracelet ko.
Mommy with a heart nang nakalagay sa bracelet niyang ginawa para sa akin.
Sapat na iyon sa akin.
I couldn’t let it go… I don’t plan to celebrate my birthday when it’s also my brother’s death anniversary.
***
“Mommy, I don’t want to go to school, please…” Voight started crying. “I don’t want to miss you, daddy and baby!”
Nasa sala kami, nakalatag ang mattress, nakikipaglaro sa mga bata nang mabuksan na naman ang topic sa school. Last week nang enrollment sa malapit na school sa subdivision.
Tumingin naman ako kay Gotham. Pagdating sa mga bata, lumalambot ang puso ko.
“I’ll go to school when I’m six!” He showed us his fingers indicating six. “I know how to read, write and count! Promise, I’ll go when I’m six!” Pinahid niya ang luha sa pisngi.
“Mommy… I love you…” Hinalikan niya ang pisngi ko. “Daddy, I love you…” Yumakap siya sa ama.
Natawa naman kaming pareho ni Gotham.
“Voight, a promise is a promise…” Gotham told him firmly.
“A promise isn’t liable without a signed contract,” saad pa ng aming anak.
Marami na talaga siyang tukoy.
Hindi naman ako worried sa pagkatuto ni Voight. He’s a fast learner. But he needs to be in school to learn more valuable lessons. He needs to learn how to socialize with other kids as well.
“Voight Garrison…” I looked at him.
“I’m just joking, mommy! Promise, I’ll go to school when I’m six!”
Gotham sighed.
“Fine! It’s a promise…” My husband said.
Tumango ang aming anak at muling yumapos sa ama.
Muli siyang bumalik sa tabi ni Gracielle at hinalikan ang noo ng kapatid. When it comes to his sister, he’s so gentle. He’s letting her when her fast hand grabbed a few strands of hair.
Palagi ang sleepover ng mga bata sa bahay, madalas ay umaayaw ang aking anak kapag sa ibang bahay siya matutulog. Nami-miss niya raw kami. Pinagbibigyan naman siya ng mga kalaro.
The girls were thrilled having a baby in the house. Tuwang – tuwa si Badiday dahil madaling banggitin ang palayaw ng aking anak. Si Daldal. Parang kagaya ng tawag ko kay Voight na Botbot.
Whenever I looked at my husband, he was smiling, looking at our son and daughter’s interaction. Tinungo ko ang pagitan namin, nahiga naman ako sa kanyang lap. He caressed my hair softly.
Nanlaki naman ang mata ko’t tumawa ng paulanan niya ako ng halik sa mukha. Our daughter was cooing.
“Mahal na mahal kita…” Gotham said gently. “Thank you for making me feel what contentment means.”
Ngumiti naman ako. “Thank you for your love, Gotham. Your love saved me from the sadness I was in… Pakiramdam ko dahil sa pagmamahal n’yong dalawa ni Voight, nagkaroong muli ng direksyon ang aking buhay.”
“Kiss… kiss… kiss!”
Napakamot naman sa ulo ang asawa ko sa kakulitan ng anak namin. I shook my head. Bahagya akong umigi ng upo, binigyan ko nang masuyong halik sa labi ang aking asawa.
“Baby sister, you can’t look. It’s bawal!”
Narinig ko pa ang pagbulong ng panganay namin. It made us laugh. Kinuha ni Gotham si Voight at kiniliti. Kinarga ko naman ang bunso namin na pumapalakpak at tumatawa kasabay ng kuya niya.
“We love you, Kuya Botbot!” Ginawaran ko siya ng halik sa pisngi.
Sumiksik naman siya sa akin at yumakap nang mahigpit. Gotham got our baby girl, she was holding his face with a smile. Niyakap ko naman nang mahigpit ang panganay naming nanlalambing.
“Are you happy, anak?” tanong ko sa kanya.
“Super duper happy, mommy!”
Mas lalo ko siyang pinanggigilan, tawa naman siya nang tawa. Their laughs were my treasure, it was so nice to hear. Muli siyang bumaling sa kapatid na kinakausap ng aking asawa.
Tumungo siya sa ama, yumakap siya sa leeg nito. Inalalayan ko naman ang baby namin. We spent our day playing with our kids. Buo na ang aking araw na kasama ko ang mga bata at ang aking g’wapong asawa.
Dumating naman ang tatlong babae para makipaglaro sa aking dalawang anak. Hinatid sila sa amin ni Trigger. We love to have the kids around. Minsan lang nahihiya ako dahil inuunahan nila ako sa mga gawaing bahay.
Bahagya kaming magiging busy sa mga susunod na araw.
My husband already hired a wedding planner to organize the whole event. Hindi naman bongga ang kasal na gusto ko. Kasal na naman kami ng asawa ko, ayos na sa aking ikasal sa garden ng mansyon namin.
He also hired Sioux’s wife to be my wedding gown designer.
Wala naman akong alam masyado pagdating sa fashion kaya nagpatulong ako sa mommy ni Freedom, si Justise na kaibigan din ni Reign. Itinuro nila sa akin ang iba’t ibang gown designs at sa tingin niyang maganda sa hugis ng aking katawan.
I was satisfied with the design we came up with.
Samantalang ang pinakaabangan naman ng mga bata ay cake tasting. Ipinaubaya na namin ni Gotham sa mga bata ang cake na magugustuhan nila, nagwagi ang red velvet cake na nagustuhan nilang lima.
With the design, we chose the white and gold motif for the cake. Our son suggested the topper with me in a gown sitting like a queen while his daddy was standing on the back and him next to me. Pumayag naman ang asawa ko.
Wala naman akong matalik na kaibigan kaya si Badiday na lang ang kinuha kong maid of honor, samantalang si Voight naman ang napili ng kanyang ama. These kids are much responsible than some grown adults.
Gusto ko sanang maging parte ang aming anak na babae sa procession, hindi pa siya marunong maglakad.
Gotham promised to marry me again when our baby girl can walk already.
Nag-organize naman ng party para sa akin si Justise, para iyong bachelorette party. We invited the Alphas’ women and the kids. Halos lahat kami ay mayroong anak na kaya hindi p’wedeng hindi kasama ang mga bata.
We decorated the mansion’s living room to a bar-like. May iba’t ibang kulay ng ilaw na umiikot sa kabuuan ng lugar na hinahabol ng mga bata. Nag-order kami ng mga pagkain at inumin na walang halong alcohol.
The kids were our entertainers. Sinayaw nila ang naging performance nila noong proposal ni Gotham sa isla, pati ang mga batang maliliit pa ay dinamay nila sa kanilang sayaw.
I was smiling the whole time.
Pinalakpakan namin ang mga bata. Lahat sila ay umalis sa gitna bitbit ang mga batang mas maliit sa kanila. Medyo natakot pa ako, si Justise naman ang sumunod sa mga ito.
“This is for you, Fili.” The glasses made a clinking sound.
Ininom namin ang juice na laman ng kopita. “Let’s go to our next part of the party, the dancing with the bride!”
Nanlaki naman ang aking mata. Wala naman iyon sa usapan. Unang lumabas si Freedom na may dalang isang rosas, humakbang siya palapit sa akin.
“Tita Fili, will you dance with me?”
I was touched by the gesture. Lumingon ako kay Justise, tinanguan naman niya ako bilang sagot.
Para palang debut iyon… hindi ko naman iyon na-experience dati. Nagsayaw kaming dalawa ni Freedom, nahiya pa ako sa bata dahil palagi kong natatapakan ang kanyang paa.
Sumunod si Bebang, Vikray at Badiday na isinayaw ako at binigyan ng rosas. Bumababaw na naman ang aking emosyon sa sayang nararamdaman.
Panghuling lumabas ang aking panganay, nakasuot siya ng suit. Napakapogi niya at manang – mana sa ama. Isang malaking bouquet naman ang kanyang dala na halos tahuban pa siya.
Tumulo nang aking luha nang masilayan ko si Voight. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at iniabot ang bouquet. Binuhat ko siya upang maisayaw niya ako, pinahid niya ang luha sa aking pisngi.
“You’re making me so happy…” I told him.
“Of course, mommy. I want you to be happy!” Hinalikan niya ang aking mata.
My heart was bursting in happiness.
I love them so much. Ramdam ko rin kung paano nila ako mahalin pabalik lalo nang panganay ko. Voight is the sweetest. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw hanggang matapos ang tugtog.
Niyakap ko rin ang mga kababaihang naroon para magpasalamat sa kanila. They didn’t know how happy they made me, especially Justise who threw the party for me.
Hindi na rin kami nagpaabot ng gabi dahil mayroon kaming mga batang kasamang kailangang patulugin. Magkakasama ang mga bata sa isang kuwarto maliban sa mga baby pa, sumama muna sa akin ang aming anak para makipaglaro pa sa kanyang kapatid.
Kumunot naman ang aking noo nang mapansing bukas ang sliding door sa balkonahe. Iniwan ko ang mga bata sa kama upang mag-imbestiga. Anino nang lalaki ang namataan ko kaya agad akong nagpalipad ng isang suntok.
“Fuck…” My husband cursed.
“Gotham?!”
Ang asawa ko nga!
Agad ko namang tiningnan ang tinamaan ng aking kamao. I was biting my lower lip. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Bawal daw kaming magkitang dalawa isang araw bago ang kasal.
Mukhang kanina pa siyang naghihintay sa labas ng kuwarto naming mag-asawa.
“I’m sorry. What are you doing here?” I asked him.
“We need to go somewhere.”
“Hindi nga tayo p’wedeng magkita, dadalhin mo pa ako sa kung saan…” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Mommy…” Buhat ni Voight ang anak namin na sinuotan niya ng jacket at saka sapatos.
May dala rin siyang gamit ng aming baby.
Agad namang kinuha ni Gotham si Gracielle at ang dalang gamit ng bata.
My husband carefully climbed down the balcony. Napailing naman ako. Binuhat ko si Voight at sinundan ang asawa ko patungo sa sasakyang nakaparada hindi kalayuan sa mansyon.
Voight probably knew his daddy’s plan. When we went to the car, there was an unfamiliar man sitting on the passenger seat. Mas lalong kumunot ang aking noo. Tatakasan ba namin ang kasal?
Wala akong ideya sa plano ng asawa ko pero sumunod pa rin ako dahil may tiwala ako sa kanya.
Sumakay kami sa back seat ni Voight, kinuha ko na rin si Gracielle sa asawa ko. The car was filled with silence as my husband started the engine. Binaybay namin ang daan patungo sa museleo ng aking kapatid.
I figured he wanted to visit my brother’s grave. Pinagbuksan niya kami ng pinto ng sasakyan nang makarating kami sa garage.
Everything was lit.
Tumungo kami sa puntod ng kapatid ko.
Agad na nagsindi ng kandila ang aming panganay para sa Tito Russle niya. Our baby girl was clapping her hands.
“I’m the pastor to officiate your wedding in front of two cute witnesses and our deceased beloved, the bride’s brother, Francisco Russle Masimsim.” The man in the passenger seat garnered our attention.
Tears flowed into my cheeks. “P’wede na pong dumeretso sa kiss the groom…” Nakangiti kong saad habang lumuluha.
“I want Russle to witness our wedding…” saad ni Gotham.
“Oh, Gotham, you’re making me fall again and again. Mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa’yo.”
Sinimulan ng officiant ang kasal namin. It wasn’t the traditional one. Agad iyong dumako sa tanong kung tinatanggap namin ng lubos ang isa’t isa para mag-isang dibdib.
Naunang nagbitiw ng vows ang aking asawa. “Falling in love with you wasn’t planned like how our first meeting out of the blue… You were a standout, Fili, with your feisty personality and our compatibility. I didn’t even know I was falling for you until it already happened. You took me by storm.”
“You were as hard as a rock with only exception to your brother you love the most. I courted your brother first, I wanted him to root for us… I wanted him to like me for you… but little did I know, you two are a bundle that always come in pair. I learned how to love all the things and the people you loved and cared about…” Malayang tumulo ang aking luha sa pinsgi.
“Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Russle… Then, came our Voight Garrison and our Baby Gracielle Dahlia. I wanted your brother to witness this wedding and the start of fulfilling my promise to him that I would take care of you if time came that he wasn’t able to be with you…” Huminga siya nang malalim.
“Russle, kuya bayaw’s big boy, I will always love your Ate Fili. I will take care of her and make sure she’s happy. I will be with her no matter what happens when times are tough and when she misses you so much. Also, I will take care of Voight and Gracielle.”
Tinampal ko ang kanyang dibdib, sobra ang pagbaha ng aking luha. Uhugin na ako, ikakasal din kami bukas. Isinuot niya sa akin ang singsing.
Halos wala na akong nasabi sa pag-iyak ko, bumawi na lang ako sa paggawad ng halik sa kanya. That was so heartwarming hearing how he loves me and my brother.
Isa talaga iyon sa malaking rason kung bakit niya ako napaibig, trinato niya ng tama ang aking kapatid. Binasbasan ng officiant ang kasal naming iyon.
Nang lingunin namin ang mga bata, nakaupo na si Voight habang karga si Gracielle. Pareho silang nakapikit nang mata. Our babies were so tired. Marahan kong kinuha ang baby, binuhat naman siya ng ama patungong sasakyan.
Mabilis din kaming bumalik sa mansyon at muling dumaan sa balkonahe ng aming kuwarto. Ihiniga namin ang mga bata sa crib at kama. Hinalikan akong muli ng asawa ko bago siya umalis ng aming kuwarto.
Natulog akong kayakap ang aming anak.
Tomorrow is a big day for all of us.
***
“You look so beautiful, mommy!” My baby tarsier was grinning widely seeing me in my wedding gown.
He was pushing his baby sister’s stroller. Mahimbing ang tulog ang anak naming babae.
“Hindi na ba mukhang tambay si mommy?”
Nahihiya naman niyang tinakpan ang mukha.
That was the first remark he told me upon seeing me again for the first time in years. Mukha raw akong tambay at hindi nanay. Niyakap ko naman siya at kinarga. He kept giving me compliments.
“Have you seen daddy?”
He nodded his head. “Daddy’s pogi today!” Mukhang mayroon siyang naalala.
Kinapa niya ang bulsa at mayroong card na iniabot sa akin. Agad ko naman iyong binasa.
To: m0mmY
From: V0igh+ Garris0n Arkins0n
Agad akong napangiti.
m0mmY, I ♡ u! gud l0ck 0n y0r wEddinG daY, +EnK u 4 bEin mY m0mmY
Mayroon din iyong kasamang tiny baby toy na palaging tinatago ni Russle para hanapin namin sa buong kabahayan. For Russle, the toy is a sort of protection. It reminded me so much of him.
Alam kong kasama ko siya sa bawat hakbang ko patungo sa aking asawa. Inilagay ko iyon sa aking bulsa.
“Thank you, Kuya Botbot. I’m honored to be your mommy. I love you, anak.” Hinalikan ko ang kanyang pisngi.
Tinawag din naman agad siya ng wedding planner na siyang nag-aasikaso sa wedding namin. It’s time for our son to walk the aisle with his baby sister. Inalalayan naman nila ako palabas, bahagyang mabigat at mahaba ang gown na suot ko.
It made feel really pretty on my big day.
Medyo kinakabahan din ako.
Our marriage for convenience blossomed into love. For the third time around, I’m going to marry my husband in front of our kids, family and friends.
Tama nga ang aking anak, napakaguwapo ng kanyang ama.
Napakalaki ng ngiti ng aming anak samantalang may butil ng luha sa pisngi ng asawa ko. Nasurpresa yata siya sa ganda ko ngayong araw. Our baby girl was already awake, kumakawag ang kanyang kamay nang makita ako.
“Gotham…” I called his name with so much emotion. “Alam na alam mo kung paano ako kuhanin… You knew how guarded my heart was, but you made sure I wouldn’t stand a chance when you chose to love not just me, but also the person I loved most.”
“Palagi akong nasa tabi mo sa hirap at ginhawa, mamahalin ko rin ang lahat ng minamahal mo… maliban sa kabit.” Tumawa naman ang nakarinig.
Gulong – gulo ang anak ko. “Kabit? What’s kabit, mommy?”
“Bawal sa bata…” Bumaling akong muli sa asawa ko. “Hindi lang sapak ang aabutin mo sa akin…” Matamis akong ngumiti. “Pero alam ko namang hindi dahil mataas ang kumpiyansa kong patay na patay ka sa akin. I love you so much, sweetheart.”
He chuckled.
Our wedding vows were sealed with a passionate kiss. Our love was overflowing in our unguarded hearts.
Gotham Wolfgang Arkinson is enough to break the chains of my guarded heart. At last, I’m comfortable enough to love and be loved.


Leave a comment