“Limang lata ng karne norte, tatlong lata ng meatloaf, dalawang century tuna,” I stopped counting the canned goods in the cabinet and sighed. Ibinalik ko uli ito sa sa lagayan. “Mabubuhay naman ako ng ilang linggo,”

Well, mukha akong tanga. Aminado ako roon. Ganito ako kapag may bumabagabag sa akin. I have to do something to divert my attention from it.

I shook my head.

Masakit na nga ang puso ko wala pang pera. I don’t know why my uncle and his family hate me so much when in fact, wala naman akong ginawang masama sa kanila para tratuhin ako ng hindi maganda.

Hindi ba ako kamahal-mahal? Umirap ako sa ere at  napaismid ako.

Wala na ako sa kompanyang pinamamahalaan ni Lucas Eduardo. Wala akong trabaho. Wala na rin ako sa kanila.

Ano pang ipinuputok ng butsi nila? Why do they have to freeze my account? Wala na naman silang karapatan. It’s just that they’re superior than me. May pangalan sila sa lipunan, samantalang ako wala. it’s just unfair!

Muli akong huminga nang malalim. I have to budget my money properly starting today. Kung hindi, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Baka sa kangkungan. I’m very much thankful that Rainbow trusted me with her silent sanctuary. Kami lang ang nakakaalam ng apartment na ito.

Hindi ito gaanong kalakihan. Tama lang para sa isa hanggang dalawang tao. Malawak ang espasyo nito dahil kaunti lang ang gamit ng apartment. Walang masyadong gamit maliban sa isang couch, television at ilang plastik na upuan at mesa sa maliit na kusina.

It has two rooms    one’s for her undying love of arts. She’s a painter. Iyong isa iyong usual na kwarto.

Naupo ako sa sofa at binuhay ko ang tv. I’ll call it as my rest day for now. Dahil bukas na bukas ay maghahanap na ako ng trabaho. Ready na ang ilang kopya ng resume ko. Naghanap na rin ako ng pwedeng pag-applyan sa internet para sa natapos kong kurso. Kahit ang maliliit na kompanyang may hiring ay papatusin ko rin pag nagakataon.

Hindi talaga ako mapakali. I want to have peace in mind. Pero ito ako at nagugulo na naman ang isipan. Kapag pinahinga ko naman ang aking utak, isang tao lang ang bumabagabag sa utak ko    it was the guy whom I met in the bar. I have no idea if it’s a good thing or not, hindi ko man lang naiisip si Dylan.

“Breaking news. Kapapasok lang pong balita. Labing-siyam na kababaihan ang natagpuan ng NBI sa isang bahay sa compound sa Quezon City na pinaghihinalaang sangkot sa prostitution    

“Twenty-three women have been rescued by NBI during an entrapment operation. The suspects fled at the scene as the NBI searched the place. The authorities still have no clue which syndicate they belong    

Napailing na lang ako sa mga narinig ko sa balita. Laging ganoon naman ang laman ng balita kahit noong mga nakaraang linggo. Inilipat ko uli ang channel. Muli ko sana itong ililipat sa iba pero may nagtulak sa aking manatili sa naturang sitwasyon.

Showbiz balita iyon.

It was the famous Filipina-brazilian model Kassandra Almeida on the news! I know her being one of the Filipino pride in modelling, she’s just one in a million having the opportunity to become Victoria’s Secret model, that’s why. And even if I refuse to know her, wala rin naman akong kawala dahil isa siya mga trabaho ko dati.

    the model was spotted with some handsome hunky fafa visiting our very own Boracay beach, and the guy whom said to be her companion is no other than the fafable businessman himself    ” there was a pause. Para bang pinae-excite ng baklang host masyado ang kanyang viewers. “   Trigger del Fuego,”

They flashed a picture of them together.

Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay ibubuga ko ang tubig kung sakaling umiinom ako ngayon. Mabubulunan ako ng sariling laway kamo.

What the heck?!

***

“Thank you Miss Eduardo. We’ll call you within this week regarding our answer,” Ms. Andrade said, the assigned interviewer. Ngumiti ito sa akin. “So, keep your lines open,”

I smiled back.

I don’t know if I should take that as a positive or negative feedback. Lumabas ako roon ng bagsak ang balikat.

The Manila Times was my last resort.

It was the only company that gave me the chance to be an applicant despite of being blacklisted. Naka-blacklist ako sa ibang kompanya, sa tingin ko kagagawan na naman ni Lucas Eduardo. Even sa fast food chains, hindi ako tinanggap. Ito lang ang malaking kompanya na kalaban nila ang naglakas-loob na hindi ako ilagay sa blacklist at ito lang ang tanging pag-asa ko.

After all, Manila Times is the number one newspaper company in the country for thirteen consecutive years. The Daily Journal used to be on the first spot, noong ang tatay at ang lolo ko pa ang namamahala.

It was raining outside.

Malalakas ang patak ng ulan. Alas tres na ng hapon. Hindi ko alam ang weather forecast dahil matapos kong mapanood ang lalaking iyon hindi ko na muling binuhay ang telebisyon. Wala naman akong pakialam sa relasyon nila, but seeing him on the screen made me feel hot all over again. Punyeta lang!

I remembered the freaking torrid kiss    how his tongue sought for entrance and moved expertly, how his hand explored, touching every part of my delicate body and… and he just sucked my nipple! Oh, gosh! I couldn’t believe it.

Hindi ko alam kung nasaan ang utak ko sa mga panahong iyon. Para akong uhaw na uhaw sa glorya. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya sa katawan ko. That was the stupidest thing to do! Pero na-enjoy ko naman iyon ng lubos.

Nasarapan naman kaya okay lang. Sang-ayon pa nang marumi kong utak.

“Oh, shit!” napasigaw ako sa pagkabigla ng ilang rumaragasang sasakyan ang pinaliguan ako ng tubig baha.

Nasa gilid ako ng building pero talaga namang nahagip pa ako ng walang modong driver ng mga sasakyang iyon. Napapadyak ako sa inis. Mabuti na lang at pailan-ilan ang nakakita sa akin. Akala mo kung sinong poncio pilato, ang dami pang dalang convoy.

Gusto kong sigawan ang pasimuno noon but I knew better. Ayaw ko ng eskandalo. Isa pa, kaharap lang ito ng building na may hawak ng kapalaran ko. O baka isa iyong kilalang tao o may-ari ng kompanya. Baka lalong hindi ako magkatrabaho.

Wala naman ako sa isang nobela na pagkatapos kong maglitanya ay may happy ending na. Possibly, isang matandang hukluban ang lalabas ng kotseng iyon.

Nagkasya na lang ako sa pag-aabang sa lalabas sa mga sasakyang convoy. Wala naman akong ibang magagawa.

On the first car, bumaba ang isang matangkad na lalaki. He looked utterly familiar. Come to think of it… I knew him, of course!

The guy looked at my direction. Nagtama ang mga paningin namin. I couldn’t comprehend his expression pero may naglalarong ngisi sa mga labi niya. Hindi ko alam kung pinaglalaruan kami ng tadhana.

Right at the moment, having that eye to eye competition with him, I blushed ferociously. Umiwas ako ng tingin. Iniharang ko ang payong ko sa direksyon kung saan ito nakatayo. Bakit ba ang hilig nitong sumulpot basta basta? What’s his name again?

‘Wag kang sinungaling Aramis! Hinding-hindi mo nga makalimutan, parang tinatakan ka ng pangalan niya sa noo! I shook my head. It’s kinda true. But one the other hand, of course who would forget his name? It’s common. Pagtatanggol ng kabilang bahagi ng utak ko.

Wait, teka nga?

Is he stalking me? Bakit bigla na lang siyang sumulpot kung nasaaan ako? Ako na ang dakilang assumera. And why is he smirking? Does that mean, naaalala niya pa ako? O baka katawa-tawa ako sa paningin niya. I’m dripping wet because of the unnecessary ligo! And he has a girlfriend at model iyon! I don’t need to remind myself that.

Natigil sa paghuhuramentado ang puso ko at pagtatalo ng utak ko ng maramdaman ko ang vibration ang phone ko. I didn’t even realize my heart was throbbing fast. Kinapa ko ito mula sa bitbit kong shoulder bag.

Someone’s calling me. Hindi naka-save ang numero. Sinagot ko ito. Baka importante.

“Hello…?” I greeted the other line, unsure.

“Is this Aramis Eduardo?” boses iyon ng babae.

Hindi pamilyar sa akin but I’m sure I heard it somewhere. Based on her tone, she is someone professional. Pagsasalita pa lang sopistikada na.

Napatango ako kahit hindi ko nakikita ang kausap. “Yes, speaking. How may I help you?” sabi ko. Tunog call center agent ang lola mo.

Tumahimik ng bahagya ang kabilang linya. Then, the girl laughed sarcastically. “Funny,”

Hindi ako sumagot. “Since you just forgot about my existence. It would be my privilege to remind you.” Halata ang inis sa tono nito na para bang naperwisyo ko siya. At may malaking sarkasmo sa pananalita niya. I knew sarcasm when I heard one.

“I’m Reign Sy of Reign’s Realm Agency. Your hired wedding gown designer. And if you couldn’t remember me well, you just contacted my agency about last month for your wedding dress.”

Kinagat ko ang aking labi.

“Oh, that,” all I could manage to say. Bigla akong natameme. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kausap. I totally forgot about it    the wedding and the plans. Mas tumutok ako sa paghahanap ng trabaho. Ngayon lang muling nag-sink in sa utak ko. I cancelled a wedding.

Maybe it was one way of my moving on process, to be oblivious about everything that was connected to me and Dylan. I felt the pang of pain again ripping my healing heart into pieces. Bumalik lahat ng alaala. Walang kasal na mangyayari.

The oblivion was just temporary. Panandalian ko lang nakalimutan ang sakit na dinulot sa akin ni Dylan.

“What? Are you going to meet me or not? Nobody wants to waste his time with unimportant shits, you know that, I assume,” Ramdam ko ang pag-irap nito kahit hindi ko kaharap.

I bit my lip again, restraining myself from crying. “I’m sorry for bothering you about that, pero ika-cancel ko na iyong appointment ko with you. It’s just that, there are circumstances I couldn’t prevent from happening. I’m really sorry Miss Sy,” I formally addressed her though she’s Rainbow’s step sister. And hoping Reign would get the message properly. Ayokong pag-usapan at i-discuss pa sa kanya ang mga bagay na makakasakit sa akin.

“Well, if that’s the case, wala na akong magagawa,” her tone was mean. “And to tell you, I wasted half an hour for this nonsense. People’s lives around you would get affected if you just think about yourself and forget about others, your boyfriend ditched you, so what? There are people who have bigger problems than your broken heart. Everything isn’t about you. Good day, Miss Eduardo,”

It was not really her bitch side. Nasa pinakang lowest form pa yata ito. She just truth slapped me somehow. I murmured my sorry and cried silently. And all I want to do is to get home and crawl on the bed at takasan ang sakit.

Sana ito na ang huling beses na iiyakan ko siya.

***

Matuling lumipas ang mga araw. I’m slowly back with my old self. At least everything went smoothly the past weeks. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang kontakin ang lahat ng mga naabala ko sa nasabing kasal sana namin ni Dylan.

Some asked the reason behind the canceled plan, na dapat sana ay by the end of December but I chose to not answer their questions. Hindi ko naman responsibilidad na magpaliwanag. Ayoko na ng mas malaki pang gulo. Others gave their pity. Hindi ko naman kailangan. Medyo nakakaagapay na ako sa mga pagbabago. Wala naman akong pwedeng ibang gawin kundi ang mag-move forward.

I’m at this point of my life, I should love myself before anyone else.

Hindi naman dapat ako maging bitter sa mga pangyayari lalo na ang mag-dwell pa sa nakaraan. To think about it, my experience with Dylan taught me lessons for a lifetime. It caused pain, or the ending wasn’t satisfying because it didn’t end with what I had in mind, it was a good experience. Gusto ko na lang tingnan ang magandang dulot nito.

Natanggap ako sa Manila Times bilang editorial writer. Masaya ako. Ito talaga iyong gusto ever since grade school. My father was one of the writers in editorial writing I admired. That was one thing I could remember about him.

I accepted my fate I wouldn’t be one when I was in the Daily Journal. Alam kong hindi ako ipo-promote ni uncle Lucas, hanggang sekretaya lang ako ng kompanya. A blessing in disguise when he fired me.

Lucas Eduardo let go of my potential. And that’s my cue to fly. Malaya na ako.

“Let’s take our lunch na. I’m starving!”

Lumapit  si Pablo Catorse  sa cubicle ko habang maarteng kumukumpas ang kamay sa hanhin. He is a gay. Siya ang News Editor ng Entertainment department. Nakakatuwa siyang kasama, and he’s really friendly.

He likes to joke around and mingle with everyone. Madalas ang bakla ang kasama ko tuwing break time kahit magkaiba kami ng department. Napaka-seryoso ng nasa department ko, they seemed to be competitive but they’re civil with me and that’s enough.

Nakilala ko si Pablo noong unang araw ko rito ng mag-lunch ako sa cafeteria. Since then, madalas na kaming magkasama.

“Ano na, dear! Aren’t you hungry? Bilisan mo na d’yan, ang bagal ha! Puti na ‘yang bulbol mo! Sabunutan ko ‘yan e!” He rolled his eyes.

Tumawa naman ako habang nililigpit ang mga gamit ko.

“Sorry, shaved.” Napapailing na lang ako. “T’saka, hoy Pablo! Sinasabi ko, don’t use tagalog term for that, nai-eskandalo ako,” sabi ko pa rito.

Nakasimangot niya akong tiningnan at muli niya akong inirapan.

“Akala mo virgin,” pasaring niya pa.

Virgin naman talaga ako! Like virgin coconut oil.

Hinampas ko ang kaliwang braso niya ng bag ko. Matapos ay isinukbit ko iyon. “What’s the point? English, French, German o Tagalog man ‘yan, isa lang naman ang ibig sabihin. Mag-inarte ka d’yan, wag sa akin ha! And this is the last time you will call me with that kadiri yucky name. I’m Paula, okay?”

Hindi na ako umimik pa. May point nga naman ang bakla. Nagmadali kaming lumabas ng building. May katapat na café ito. Hinatak ko si Pablo papunta roon. He raised his brow at kinurot ako sa bandang tagiliran.

“Heavy meal ang gusto kong kainin, Aramis. We have tons of work to do, we need energy, mabubusog ka d’yan ‘te?”

Inismiran ko lang siya. “I’ll just order milkshake, hindi tayo rito kakain. Duh,”

Hinila ko si Pablo papasok ng café. The cozy ambiance of the place welcomed us. Napangiti ako. My eyes surveyed the place, it was a small paradise. Simple lang ang loob noon. There are small chandeliers hanged in the ceiling of every table.

Beige ang theme color ng café. And the baristas were all smiles. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang mapasadahan ko ng paningin ang table na malapit sa glass wall. Xiana was sitting there with Dylan.

I froze on the spot.

After a month, ngayon lang muling nagtagpo ang aming landas. Kinapa ko ang dibdib ko. It was beating fast.

Kinakabahan ako, at kagaya pa rin ng dati, dama ko pa rin ang punyal na tumutusok sa buong pagkatao. I had a lump in my throat as I looked at them. Nag-uusap sila nang masinsinan. Marahil ay naramdaman ni Xiana ang bigat ng tingin ko sa kanya kaya napatingin siya sa gawi ko. Mukhang hindi naman ako napansin ni Dylan.

Xiana smirked. Then again she looked at Dylan. She kissed him fully on the lips. I looked down. Kumakabog ang puso ko ng pamilyar na lasa ng pait.

Masakit pa rin pala.

“Hoy, okay ka lang?” it was Pablo.

Muntik ko nang malimutang kasama ko pala ang bakla. I looked at him and nodded. Wala naman siyang alam sa pinagdadaanan ko, o  sa betrayal ni Dylan at Xiana. Mas pinili ko na lang manahimik.

I consider him as a friend, but I’m not comfortable sharing my life story. Ang alam niya lang ay pamangkin ako ni Lucas Eduardo. He even accused me as a spy. Bubunutin niya raw lahat ng buhok ko pag nagkataon. Tinawanan ko lang siya.

“Tara na?” aya ko rito. “Baka hindi ako matunawan dahil sa milkshake.”

Tiningnan niya ako sa mata. He looked concerned. “I can feel something is wrong. Hindi ko alam kung dahil ba roon sa babaeng mukhang pokpok at wala ng dangal. But you can tell it to me, you know I can keep a secret,” Pablo smiled.

Ngumiti lang ako. “Cheer up, girl. You are better than that babaeng kinulang sa tela,” Kinurot niyang muli ang braso ko. “Pero bago ka mag-emote. Aba, mahiya naman tayo sa mga tao, nakaharang tayo sa entrance,”

Napatawa ako at napailing. At least that lifted up my mood.

We left the place as fast as we could. Hoping that I could do the same for my feelings and moving on stage.

We settled at the nearest resto. Um-order kami ng makakain pero nawala talaga ang gana ko dahil sa nakita kanina. Mukha namang nahalata iyon ni Pablo kaya siya na rin ang umubos ng pagkain kong hindi nagalaw.

Hindi ako tinigilan ni Pablo hanggang sa mag-kwento ako sa kanya. I told him every detail. Maliban doon sa bar incident.

“So, that sums up your mood. Hindi na nakapagtataka, hindi ko nga alam kung bakit hindi mo man lang kinakitaan ng ibang motibo iyong pinsan mo. It was obvious. Mukha naman talagang malandi at kahit yata posteng nilagyan     ” I glared at him. “     ng ano, papatulan niya,”

“You’re harsh,” I sighed. “Pinsan ko pa rin siya. Hindi ako mag-iisip ng ganoon sa kanya. She did what she did.”

Was I that blind to see the signs? Umiling ako. Hindi ko na dapat isipin ang mga taong nanakit sa akin. Ibabaon ko na lang sila sa limot, so I can start anew. Halos hindi ko na magawang makinig sa kanya. Tumango-tango na lang ako rito.

Nasira na naman ang sistema ko nang makita silang dalawa. Apektado pa rin ako ng nangyari. Ang hirap. Masakit pa rin. I shrugged the thought off.

“Tell me, malaki ba? Mahaba?” tanong niya pa.

Nasa parking lot na kami ng mismong kompanya. There’s an elevator in the parking lot. At hindi iyon gaanong siksikan kung sa may lobby pa kami pupunta.

“Ang alin?”

“Iyong anes ni fafa Dylan,” walang abog niyang sagot.

Kahit kailan malandi talaga ang isang ito. Hindi ako sumagot. Hindi naman niya ako tinigilan. But I have no plans answering his nonsense question. Sa huli’y napagod din siya at tumigil.

Hindi ko alam. Malay ko ba? Dapat kay Xiana niya iyon itanong.

“Pa-V, rapbeh naman,” I heard him say. I rolled my eyes. Binilisan ako ang lakad ko. Nakasunod lang sa akin si Pablo.

Tatawid na sana ako sa kabilang side, papunta sa elevator nang marinig ko ang malakas na pagbusina ng isang sasakyan. Mababangga ako. I was sure of that but it didn’t happen. Naalala ko iyong muntikan na rina akong mabangga.

The memory came rushing back like a tidal wave. And I thought that time, the person who brought me to his unit deflowered me. I was still thinking, may posiblidad pa rin nangnyari iyon, kahit walang dugo owala akong naramdamang masakit sa gitnang bahagi sa pagitan ng aking hita. Who knows, maliit iyong kanya ‘di ba? It was a ridiculous thing that kept me sane.

Tumigil ang itim na SUV bago pa man ako nito tuluyang mabangga ilang inches ang layo sa akin. Isang ruler na lang halos ang agwat nito.

Mabilis namang dumalo si Pablo sa puwesto ko. He asked questions, pero hindi ko nagawang sagutin iyon. Nanatili lang akong nakatayo roon, hindi ko alam ang gagawin. I was still in shock and my mind seems not to process any information. Narinig ko na lang ang malakas na pagkalampag ni Pablo sa hood ng sasakyan.

“Kuya, uso pong magdahan-dahan! Lumabas ka d’yan, grow some balls!” eksaherada niya pang sigaw.

Hindi ako umimik. Lumapit lang ako kay Pablo at hinawakan siya sa braso. Natuwa naman ako sa pagtatanggol niya sa akin pero baka mapaaway pa ang bakla. Knowing na hindi naman siya marunong makipagsuntukan.

“I’m okay,” I assured him.

Hinarap ako ni Pablo. Nakataas ang kilay nito. “Hindi e! Hindi dapat ganoon iyon! Hindi ka dapat nagpapa-api!”

Natawa ako sa sinabi niya.

“Ang OA ha! Anak mo ako? Anak?” nakangisi pa rin ako.

Pinandilatan niya lang ako at bumulong. “Malay mo, bigyan ka ng malaking halaga! Mag-isip ka nga!” Bumalik ang tingin sa SUV.

Hindi naman pala concern sa well-being ko. Letse talaga ang isang ito! Hindi ko maaninag ang nasa loob ng sasakyan dahil nasisilaw ako sa ilaw. Medyo madilim ang parking lot. Ilang ulit niya pang kinatok ang hood ng sasakyan. Mukhang desidido ang bakla na palabasin ang may-ari noon.

Ilang sandali pa ay nagbukas ang bintana ng sasakyan. Sumilip ang isang lalaki. It was good-looking man. Agad kong nakita ang pagbabago ng ekspresyon ni Pablo. From being dragonesa, naging demure ang dating ng bakla. Nawala ang pagtaas ng kilay nito. I rolled my eyes.

“Sorry, miss.” The guy said. Nakangisi ito sa amin. He doesn’t look sympathetic at all.

“Okay lang,” Pablo answered. “Actually, pinagsabihan ko na nga itong friend ko na ‘wag tatanga-tanga. Pasensya na,” pasimple pa siyang nagpa-cute sa lalaki. Napailing na lang ako. Pagdating sa lalaki tumitiklop. Kinurot ko siya sa tagiliran.

“Tara na,” hila ko rito.

Nagpatianod lang ito sa akin habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa SUV.

“Anong meron sa’yo?” he asked me.

My brow raised for him to elaborate. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Wala lang. Napansin ko, when you are around,  laging may nakabuntot na itim na sasakyan,”

Tiningnan ko siya para mhinuha ko ang kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung binibiro niya ba ako pero mukhang seryoso siya.

“What do you mean by that? Baka naman coincidence lang, ano ka ba?! Ang dami namng itim na sasakyan. Pati ba naman iyon pinag-iisipan mo ng hindi maganda, OA ka na d’yan,” bahagya akong tumawa pero bakas ang kaba ko sa tawang iyon.

Hinilot ko ang sintido ko. I should stop drinking coffee. Ang lakas ng epekto sa akin.

He shrugged. “Siguro nga,” tumawa si Pablo.

Tumahimik na lang ako.

The truth is, I’m not sure either. I don’t know why but it bothers me. Kinabahan ako.

Hearing it from Pablo made me think of the worst scenarios. But I’m innocent.

I didn’t harm or cause distress to anyone. Or am I being paranoid again? This opened my wound from the past and it was haunting me. Ngayon na naman ako nakaramdam ng takot.

TOC

Leave a comment