Chapter Six
Nagising akong disoriented. Ang sakit ng buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang aking paa, ganoon din ang may parteng upper body. Para akong naglaro ng sobra sa track and field. I tried recalling my activities yesterday, then I remembered I was almost kidnapped.
Almost. Almost?!
I remembered the van chasing me. Van na parang nangunguha ng bata para ibenta ang body parts. May sakay iyon sa loob na ilang kalalakihan. And realization hit me. It happened.
Napabalikwas ako paupo na agad ko ring pinagsisihan. Sana hindi ko ginawa. Halos mapahiyaw ako sa naramdamang sakit sa parteng binti. Agad kong siniyasat ang masakit na parte, may cast ang binti ko. I gasped hard.
My heart started to pace rapidly. Dumagundong ang puso ko sa kaba at pinagpawisan ang buong katawan ko nang malamig.
Nasaan ako? There are many questions hovering in my mind as my heart was filled with doubts and worries. Ayokong sagutin ang mga tanong ko dahil alam ko na ang kasagutan doon. I want a miracle.
Muli akong nahiga sa kama habang naglilibot ang aking paniningin sa paligid.
I had bruises and my leg was fractured. Kagagawan ng impact. I couldn’t handle the pain, it hurts so much.
Pumikit ako ng ilang minuto para hindi ko gaanong maramdaman ang sakit. Gusto kong maiyak sa nangyari at sa uncertainties na nararamdaman ko.
Bumukas ang pinto ng silid kung saan ako nakalagak. I kept my eyes closed. My heart was beating erratically inside my chest. I felt cold sweats on my forehead. Air-conditioned naman ang room, pero masyado akong tensyonado. Sana lang umepekto ang pagpapanggap kong tulog.
Ilang pares ng paa ang pumasok sa silid.
“She’s sweating. Is she having a wet dream?” Natatawang komento ng isang lalaki.
I flushed at his remark. Walang buhay ang tawa nito. It was like a villain’s laugh not the exaggerated way it’s cold and heartless. Ang kanyang tawa ang mas nakapagpakaba sa akin. He has a deep, manly voice. Parang hindi siya gagawa ng tama.
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na kwarto tapos ang una kong naalala, may mga taong humahabol sa akin. Gulong-gulo ang utak ko. It’s not being judgemental anymore.
Nagtawanan naman ang mga lalaki. Marami silang pumasok ng kwarto. Mas lalong dumagundong ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako lalaban sa mga ito.
I wanted to cry, but I refrained myself. I fought back the tears so hard. I thought of good memories, at least, to remain myself calm. Ayokong makahalata silang hindi ako tulog. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Hindi sila gagawa nang matino, sigurado ako roon.
“What’s your plan del Fuego? I thought after you fractured her lower appendages, you’ll be disposing the girl,”
I felt someone’s hand on my forehead maybe checking my temperature and eventually, it went down to my neck. Hindi ako nilalagnat but I guess they assumed since sweats were all over my body.
Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko. Kulang na lang ay lumabas ito sa aking dibdib at sumayaw ng gimme gimme. Depota, Aramis!
Del Fuego? There are many del Fuegos in the world. Hindi. Mali ako nang iniisip, hindi ang lalaking humalik sa akin ang tinutukoy niya.
“Oh, shut up doctor!” another guy said. “You’re missing the fun.”
“Change of plan,” pamilyar sa akin ang boses ng nagsalita.
Napariin ang pagpikit ko.
It confirmed what I had in mind. Boses iyon ni Trigger. Ni Trigger del Fuego. Lalo akong naguluhan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Is he the mastermind of this kidnapping? Pero bakit? What does he need from me? If it wasn’t a terrifying situation, I’d like to think he’s longing for my kisses. Ganoon ba ako kagaling humalik?
“I get it. You’re gonna fuck this lady before you dump her. Good idea, buddy.”
Nagkatawanan na naman sila. Mas lalong nanginig ang kalamnan ko. Hindi umimik si Trigger. He didn’t even laugh.
Even the laughs of the men were evidently screaming how disreputable and ruthless they were.
“She seems harmless,” one commented.
Iba-iba ang naririnig kong boses mula sa mga lalaki. Their voices have their own character that’s easy to identify from one another but one thing is common the voices possess manliness and danger.
“Oh, man. Her features say otherwise, but the job she has, I don’t think so. She’s a journalist. She’s capable of causing harm in the black market,”
The atmosphere become eerie.
Nawala ang kanilang tawanan, lahat seryosong nakinig sa lalaking nagsalita. Narinig ko lahat ng sinabi ng lalaking iyon pero hindi ko ito naintindihan. Is this about me being a journalist? A writer? What did I do?
Kahit halungkatin ko ang aking isipan, wala akong makuhang sagot.
Are they part of underground organization? Pati si Trigger? That’s one of a big revelation for me. Hindi ko man sila tuluyang nakita, I have a hint who they are they are the men sitting in the middle table in the event at the Inferium. Sila iyong tinutukoy ni Pablo.
“What did she do?” someone asked.
Halos hindi ako huminga sa paghihintay ng magiging sagot ng isa sa kanila. Iyon din ang katanungan ko. Anong ginawa ko para malagay sa sitwasyong ito?
“She made our boy Trigger go berserk.” He paused. None of them spoke, neither I. I wouldn’t dare. Naghintay lang ako ng susunod na sasabihin ng boses kong narinig. “She did a great job creating larger issue. And the underground transactions are being watched for the mean time. Also, the other resources were raid. The fuss attracted wide publicity in the press even the government became more interested about it. So who the hell fucked this girl ‘cause she fucking knew a lot?”
Someone chuckled lowly his presence was demanding attention. “I don’t remember her, I’m not fucking sure if I banged her.” Mukhang doon nakatutok ang atensyon nilang lahat.
Ilang minutong katahimikan. “I thought you’re controlling the media, del Fuego. How did it slip?”
Gusto ko ng magmulat ng mata. Nangangalay na ako sa tayo ko. It was really a struggle not to move. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. It just didn’t made sense. Hanggang ngayong hindi pa rin malinaw sa akin ang nangyayari.
I was praying they would leave me alone. Sa bawat sandaling lumilipas katumbas ang pagkatakot ko para sa kaligtasan ko. Pakiramdam ko ay papatayin nila ako kapag wala silang nahita sa akin. Ayoko pang mamatay.
“If I fucking knew how did that happen, it would be resolve right away. That’s why that bitch is here. The issue was fixed for awhile, then she added fuel to the fire again,” it was Trigger’s voice. He was using a life-threatening tone.
Alam kong nakatingin siya sa gawi ko kaya minabuti kong pag-igihan ang pagtutulog-tulugan. Hindi ko maiwasang hindi kumulo ang dugo ko sa kanya. I didn’t like the way he called me bitch. No one would be happy about it.
Gusto ko siyang bayagan at pagsasampalin sa mukha. Nahawa na ako kay Pablo. But I’m helpless. Wala akong magawa kung hindi ang mahiga at magpanggap na walang alam sa nangyayari.
“You have to make a move, I don’t want my business to get involved with the issue. You’re losing millions, moron,”
Ilang sandaling namayani ang katahimikan.
They left. There was no sound of them leaving but their fading voices. Pigil ang paghinga ko nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob.
Yes, finally!
“I know You’re awake,” his tone was bored.
Hindi umalis si Trigger. Oh, shit!
I didn’t open my eyes. Nagtulog-tulugan na rin lang ako, papanindigan ko na. Hindi pala ito sumama sa kanyang ka-tropa at alam niya ang schem ko. He knew! He knew I wasn’t asleep.
Naamoy ko ang mabahong amoy ng sigarilyo na pumalibot sa lugar. Gusto kong bumuklos sa pagkakahiga pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang baho ng usok. Ayoko sa mga taong naninigarilyo kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
It would be a good news, if he die early with his bad habits. Pero ‘wag na siyang mandamay ng ibang tao, mas malala ang tama ng secondhand smoke sa inhaler. Langhap na langhap ko ang usok.
Naramdaman ko ang paglubog sa gilid ng kama. Mas lalo akong kinabahan. Ang lapit-lapit niya kaya mas amoy ko ang sigarilyo.
“I’m losing my cool, woman. Don’t fucking test my patience,”
Mariing pumikit ako. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya. But he grabbed my lower leg and grasped it to make me jolt in bed. Ramdam ko rin ang konting init. Pinaso ba niya ako ng sigarilyo?
“Ouch! Shit!” I screamed in pain. The horrible pain engulfed my system. He really targeted my damn injured leg.
Napaigik ako at tuluyan akong napaupo sa kama. Hindi ko alam kung para saan iyong sigaw ko, kung sa brasong napaso o sa binting nasaktan. But I chose the latter, mas masakit ang binti kong pinisil ng gago.
Iniwas ko sa kanya ang injured kong binti. Kung hindi lang ito naka-cast, babayagan ko talaga siya.
He looked amused. Tumaas ang sulok ng labi niya. May gana pa siyang matuwa! Naiiyak ako pero hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan. They will use it against me but fuck it I cried. Para akong batang ngumangawa kasama ang uhog. Ang hirap talagang magpanggap na strong.
Huminga ako nang malalim.
“Ang gago mo, alam mo ba iyon? Bakit ka nanakit, ikaw ba ang nagpapakain sa akin? Tangina mo pala, e! Ano bang gusto mo ha? What do you want? Bakit mo ako dinala rito?” kinalma ko ang boses ko. Pinunasan ko rin ang mga luha ko.
He didn’t answer.
Nakita ko ang hawak niyang sigarilyo, iyong side na mayroong baga ng apoy ay nakatusok sa kanyang daliri na parang wala lang. I tried to look for the sign of my burn, but I found nothing. Hindi niya ako pinaso ng sigarilyo. Kinagat ko ang labi ko.
Sana naman, ginising na lang niya ako ng maayos.
Nakatingin lang sa akin ang dark brown niyang mata. Naiilang ako sa paraan kung paano niya ako tingnan. Iniwas ko ang tingin ko. Tumingin ako sa bintana na para bang iyon ang pinaka-interesanteng bagay na nakakuha ng atensyon ko. Nakatahob rito ang kulay black na floor length curtains.
“I didn’t do anything wrong. Wala akong ginawang masama. Promise, mamatay ka man ay ako pala! Wala rin akong perang malaki. Based on what I’ve heard,” I sighed. Wala na akong planong mag-deny pa na hindi ko sila narinig. “Mayaman naman kayo para mang-kidnap for ransom. Bakit ako andito? I want to go back to the city,” pagsuko ko, patuloy na naglandas ang luha sa aking pisngi.
He smirked.
Papalapit ang kanyang mukha sa akin. Napatingin ako sa kanya. Akmang lalayo ako pero ang headboard na ng kama ang dead end. Hinawakan niya ang baba ko at tuluyang hinarap sa kanya. His dark brown eyes were fascinating.
For a moment, hindi ako nakaramdam ng takot habang nakatingin sa mga matang iyon.
“You’re not going anywhere. Sa akin ka lang,” His tone was commanding.
Mas sumidhi ang inis ko sa kanya. Oo, natatakot ako pero sobra rin panubughong nararamdaman ko. Hindi ako bagay na pwede niyang gawing pag-aari. Anger overwhelmed my being.
Sinigawan ko siya na hindi ko alam kung pagsisihan ko. “Gago ka ba? I mean, bakit pa nga ba ako magtatanong? I know I’m such a good catch, pero sorry na lang kung nabitin ka noon, wala kang makukuha sa akin! Wala rin akong kinalaman sa sinasabi mo. Kaya please lang, you should free me from this hell! Wala akong masamang ginawa sa’yo!” I screamed at his face without any inhibition. Hindi ko rin inalintana na malapit ang mukha namin sa isa’t isa. Wala rin akong pakialam kung hindi niya lahat naintindihan ang sinabi ko.
Tumaas muli ang sulok ng labi ni Trigger. Then, he let out a delicious chuckle that was screaming danger. Tiningnan niya ako ng matagal. “I don’t care. You’ll stay here as long as I want. You’re trapped with me. Pag-aari na kita simula ngayon, that’s the price of your deeds,”
Deeds? What deeds?
He leaned forward. Our lips touched for a brief kiss. Lasa iyong sigarilyo na may halong alak. Nakainom siya. He nibbled my lower lip before he moved away. Ini-squeeeze niya rin ang left boob ko with his free hand.
Bastos!
I was shocked, but more shocked that I liked the feeling of his touch. Bumabalik ang dating pakiramdam ko. Kahit noong bumitiw siya sa akin, hindi pa rin nagpro-process ang utak ko.
He looked at me in the eye. It was hypnotizing that I didn’t even look away. His stare penetrated my soul. Para akong nauupos na kandila sa titig niya. Nakaawang pa rin ang mga labi ko.
Before I could think rational, it slipped my mouth. “I don’t like to kiss a smoker. Hindi nakakagwapo at ayoko sa bad breath,”
Wala ako sa sarili.
Hindi naman siya bad breath. Certainly, not. Naghalo lang ang lasa nito sa tequila but it blended well. It stirred something in me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at pag-iisip. Parang minanipula ng nabuhay na something sa katawan ko ang aking utak. Dapat natatakot ako sa kanya. Pero mas mayroon akong dapat ika-takot.
At that moment, I knew my life was at risk… baka hindi lang ang buhay ko.
Ang bilis ng araw.
Isang linggo na akong nakakulong sa kwartong una kong nadatnan. I’m not planning to leave the place until my foot was already healed. Paano naman ako makakatakbo nang maayos sa kalagayan ko? Bahagyang lumpo ang isang binti at hindi ko pa rin ito halos maihakbang.
One wrong move could be fatal. No, I’ll surely die and they would make sure of that. Hindi ako pwedeng sumubok sa giyera ng walang bala kahit hindi ko naiisip kung anong pwedeng maging bala ko.
Malaki ang kwarto, halos kabuuan ito ng tinitirhan ni Rainbow sa siyudad. It has its own bathroom and a walk-in closet. Tipikal na mayaman. Wala masyadong gamit dito maliban sa queen-sized bed, bedside table at couch.
Nasa kwarto ang basic needs ko. May nagdadala naman sa akin ng pagkain. Mukha lang akong naka-check in sa hotel sa ganitong lagay at hindi pipitsuging hotel lamang. It was well, first-class.
Isang linggo na ring hindi nagpapakita ang nagdala sa akin dito. Ang gagong del Fuego. I have no idea where he is. Wala rin naman dapat akong pakialam. Mas mabuti na iyong malayo ako sa kanya. Iba ang pakiramdam ko tuwing malapit ang binata.
I heard air vehicles and ships coming back and forth. I wasn’t in the usual safe house. Mula sa bintana tanaw ko ang dagat. And somehow its atmosphere and waves calmed me. Kahit hindi dapat. Madalas akong nakasilip doon bilang pampalipas ng oras kahit nahihirapan akong makalakad. Nakakulong ako sa isang isla na pag-aari nila. That makes everything more complicated, including my plan to escape.
How can I escape in the island? Lalanguyin ko ba ang dagat pasipiko? They are really filthy rich to afford such paradise like this.
May takot pa rin akong nararamdaman. Pero ayoko nang i-entertain ang emosyong iyon. Ayoko nang ngumawa at umiyak. Nakakapagod. Nakakapanghina. Nakakawala ng lakas ng loob. Para saan pa ang pag-iyak ko? Hindi naman ako nito ibabalik sa lungsod.
I needed strength and crying would just exhaust me mentally and physically. Kailangan kong patatagin ang sarili ko. Honestly, walang mangyayari kung magmumukmok lang ako kagaya ng ginawa ko kay Dylan ng halos ilang linggo.
I have one thing in mind to escape after I recovered from the injury.
Napabuntong-hininga ako. I need more time for my recovery.
Tumagal ng unang buwan akong nakakulong sa kwarto. Hindi ako makaalis sa poder nila. Magaling na ang aking binti, pero hindi ko pa tinanatanggal ang cast at bandages. Patuloy ko pa rin itong pinapalitan.
Nagpapanggap pa rin akong halos hindi makalakad. My time was running out. Alam kong magsususpetsa na sila sa susunod. They aren’t dumb, I know that.
Ilang araw pa ang kailangan ko para lubusang gumaling ang aking binti. Malapit na. Malapit na akong makalakad ng mas mabilis. At malapit na akong makaalis ng islang ito. That thought is keeping me sane. Kung hindi dahil sa pag-asang makakaalis ako rito, baka nabaliw na ako ng tuluyan.
Binawi ko rin ang sinabi ko nitong nakaraan. I ate what I said, and it wasn’t delicious to taste. I couldn’t help but cry at night.
Mahina ako.
Akala ko ay kaya kong maging matatag sa kabila ng sitwasyon, pero hindi. Nalulungkot ako tuwing gabi. I missed the life I had in the city. Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa sa kwarto. Wala akong ibang kasama at makausap.
Pakiramdam ko ay nawala sa akin ang lahat. My freedom was taken away. Everything that I enjoyed doing and took for granted were gone. Parte lang ng puso ko ang kumikilala sa mga bagay na nawala pero tanging puso lang ang nakakaalala.
Siguro kasama si Dylan doon, kasama ang pamilyang kailanman ay hindi ko na makakasama pa. I don’t know. Basta nasasaktan ako.
I’ve searched everything around the room. Kahit anong pwede na magagamit ko sa pagtakas o secret passages. Wala akong nahanap. Alam ko namang imposible. But I couldn’t help but hope. Napahinga na lang ako ng malalim.
And for a month, I didn’t see a glimpse of Trigger del Fuego. He didn’t visit me. Pakiramdam ko, limot niya ang existence ko sa isla. Ang una at huli niyang pabisita ay kasama niya ang iba pang miyembro ng sindikato.
Pinagtagpi-tagpi ko ang konting impormasyong nakalap. I realized certain things as days passed by. Isang buwan akong naburo sa silid at tanging pag-iisip nang masasamang bagay sa mga taong nagdala sa akin sa isla ang naging libangan ko. Parte sila ng isang malaking sindikato. I was sure of that. At maraming illegal business.
Hindi ko alam kung ano but as I see it, their organization is well-established. Hindi ito basta-basta. And whoever the source of Pablo, tama ito. They are some kind of fraternity iisang sindikato, iisang organisasyon at iisang pangalan. And they are bunch of shitty people with shitty deeds.
Narinig yata ng binata kung gaano kasama ang deskripsyon ng utak ko para sa kanya kaya bumukas ang pinto at iniluwa ang gago.
Trigger approached the bed where I was sitting with his casual attire. He certainly is pleasant to look at, wearing a white crew neck-striped shirt with a touch of dark blue and tan shorts paired with dark blue espadrilles. Medyo fit ang suot nito kaya naman defined ang muscles sa katawan at bumakat ang dapat bumakat. Magulo ang buhok niya. It added to his appeal.
Considering nothing but just the look, oo, gwapo ang lalaki. He was beyond handsome. Sobrang gwapo. Pero sobra rin ang gago.
Natatakot ako sa kanya pero hindi masyado. Naniniwala pa rin naman akong mayroong kabutihang pumapaloob sa kanyang puso. Hindi lang puro kagaguhan. Mukhang magtatalo na naman ang utak ko pansamantala.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pananaw ko sa buhay, maybe I’ve never yet seen the worst of him and I always believe that everyone has a good side. Maniniwala lang siguro akong hindi ganoon ang kalakaran, kapag napatay na ako sa katangahan ko.
Nakatingin na naman ang mapanghisnotismong mata niya sa akin. Naiilang na naman ako. He has this effect that can make everyone edgy. Hindi ako tumingin sa kanya. He sat on the side of the bed. Lumayo naman ako at sumiksik sa kabilang gilid.
“How are you?” He asked after a moment of silence.
Walang himig ng pag-aalala o kahit anong bahid ng emosyon. Yet it was an unexpected question from him. Napatanga ako sa ilang segundo. I didn’t blink nor move. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. O dahil malapit siya?
Hindi ko talaga mabasa ang utak niya. He is a mystery. I’m scared of something I couldn’t fathom.
“Why do you care?” maaskad kong tanong.
Ngumisi lang ang gwapo este gago. Agad na nawala ang admiration ko sa kanyang physical attributes nang bumuka ang kanyang bibig. “I care for everything I own until I know the right time for disposal,”
I was enraged. Beyond as it is.
“You don’t own me! Hindi ako bagay na pag-aari mo at maaari mong i-dispose kung kailan mo gusto! I’m not your toy. Gago ka!”
Hindi nawala ang takot ko para sa lalaki. Nangibabaw lang ang galit ko sa kanya. Naiiyak ako sa inis. Gusto ko siyang pagpapaluin sa dibdib at kalmutin ang kanyang walang pores na mukha pero nagpapanggap akong hindi pa masyadong nakakagalaw sa pagkakabangga.
I hate his guts and I want to wipe that smirk off his face.
Mukha itong amused na makitang inis na inis ako. “Ano bang gusto mo Trigger?”
He looked at me intently. Seryoso ang mukha niya, nawala na iyong ngisi. Tumikhim siya.
“That’s better,”
“Ano?! Bobo ka? Naintindihan mo ba ako? Nakakaintindi ka naman ng tagalog. You can even speak the language, pero ang layo ng sagot mo,” which meant in real, ‘You sound so sexy speaking in tagalog’. Inirapan ko siya.
Tumayo si Trigger. May inilapag siyang d’yaryo sa kama. Hindi ko iyon napansin noong pagpasok niya. Ilang copies ito ng newspaper ng Daily Journal na may publication date noong August. Tiningnan ko siya nang matiim. Naguguluhan ako kung bakit niya ibinigay sa akin ang mga d’yaryong iyon.
“Anong gagawin ko d’yan?” hindi ko napigilang isatinig.
Tiningnan niya akong parang nauubusan ng pasensya. Kinuha ko ang newspaper. Para siyang bipolar, walang permanenteng mood. Pasulyap-sulyap ako sa kanya.
“Anong gagawin ko rito?” mahina kong tanong sa pangalawang pagkakataon. Hinagod niya ang kamay sa sariling buhok sa frustration. Umalis siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin.
“Eat that, woman.”
“Tapos?” I provoked.
Napangisi ako nang makita kong paano Nagdilim ang kanyang aura.
Takot ako pero hindi ko lang hahayaang mangibabaw ang takot sa akin. Sa ganitong bagay man lang makaganti ako sa kanya. Alam kong maikli ang pasensya ng lalaki. And I’m enjoying his reaction. Gusto kong matawa. Pero hindi ko talaga maintindihan kung anong meron sa d’yaryong kanyang dala. Nagtagis ang bagang nito.
Tinulak niya ako sa headboard ng kama. Nataranta naman ako. “Ano bang gusto mo? Do you have to make a point using force?” naiiyak kong tanong.
His jaw clenched. “I told you not to fucking test my patience, lady.” Nagngingitngit niyang wika at tiningnan niya ako sa mata. Andoon ang galit at ibang emosyong hindi ko magawang pangalanan.
He looked down. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking dibdib. Ilang ulit na niya akong nahawakan sa parteng iyon ng aking katawan. And every time, I am oblivious. Tinulak ko siya palayo sa inis. Manyakis talaga!
Agad kong tinakpan ang dibdib ko nang nahagip kong kumot.
He smirked. Hindi ko mabasa ang tingin niya pero natakot ako sa posibilidad na naisip ko.
“Isang suway mo pa, hindi lang iyan ang matitikman mo. Iba ang sisingilin ko sa’yo,”
Nakapamulsang tumayo si Trigger at bahagyang lumayo sa akin. Parang nagsintindigan ang mga balahibo ko sa sinabi nito. “Are we clear, donna?”
Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Naampat na ang mga luha ko pero mahapdi pa rin ang pisngi ko at masakit ang parteng tumama sa headboard.
“I’m asking you right now. Do I have to punish you again in order for you to answer my question?”
Tinungo niya ang couch at doon siya naupo. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Bahagya kong hinila ang kumot at itinahob iyon sa aking katawan. Manipis ang suot kong damit. Andoon na naman ang nakakaasar na ngisi niya. It was playful and deadly at the same time.
Nakakaasar dahil napakagwapo niyang tingnan at nakakaasar na asal demonyo ang gago. Umiling ako.
“How can I understand that? I mean, are you even talking to me? Hindi ako si Donna. I’m ” I stopped. “And maybe at some point, baka namali lang naman kayo, uh… mistaken identity, ganoon.” I laughed nervously.
Hindi ko alam ang pinagsasabi ko. I didn’t care if it did not make sense.
Muntik na akong magpakilala sa kanya. Alam kong alam niya ang pangalan ko o kahit anong impormasyon mula sa akin. Of course, he has connections. But my name is too precious to be uttered by him. At para akong engot na batang nagpapakilala sa kalaro niya. At ease na at ease. Napairap ako sa sarili kong katangahan.
“I know your name, lady.” He smirked. “I know everything about you,”
Ngumuso ako. “Wala namang nagtatanong. Mas lalong walang may pakialam.”
Hindi ko magawang salubungin ang kanyang mata. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa dagat. Kalmado ang alon at nagpakalma iyon sa takot ko sa kanya. Ilang beses akong huminga at pinanatag ang sarili bago ako muling nagsalita.
“Why am I here, Trigger? Just this once, can you please answer me? Kailangan ko rin ng sagot eh. Ang unfair naman yata kung hindi ko man lang alam ang rason. I didn’t do anything that made your name and organization at stake. I am innocent as a fly.”
Wala akong natamong sagot sa kanya. He left me in the dark again.
I read the newspapers he gave me and I found my name written after the articles.
Ilang articles ang nakapangalan sa akin. And I think that had something to do why I am in this place. Karamihan ay nasa editorial section.
The articles were about human trafficking and women trade. Nabanggit iyon ng ilang kalalakihan noong unang araw nila akong dinalaw.
I don’t even know why my name was on the articles. May ilan akong alam pero may parte pa ring kulang para pagtagpi-tagpiin ang kaganapan. Anong ibig sabihin na ipinangalan sa akin ang mga articles ng Daily Journal?
I don’t know. Only Lucas Eduardo, my uncle can answer the question.
Bumukas ang pinto.
Pumasok ang isang lalaking madalas maghatid ng pagkain ko. Inilapag niya ang tray sa bedside table. Tiningnan ko lang ito.
One observation. Halos lahat ng tao rito pogi. Required yata iyon para makapasok sa isla, kahit ang tagahatid ng pagkain ko dapat hindi patapon ang hitsura. Matindi.
“Hey…” tawag ko sa atensyon ng lalaki. He looked at me but he didn’t say a word.
I hesitated to talk. Kinabakabahan talaga ako. “Ano kasi, ano, I have a mens, alam mo na iyong every month. It’s embarrassing but can I ask a favor? Kasi hindi naman pwedeng ako kasi nga nakakulong ako rito ‘di ba? Kaya ikaw na lang,” Tumawa ako pampawala ng kaba. “Kailangang kailangan ko kasi ng napkin. Walang supply.” sabi ko.
Hindi sumagot ang lalaking taga-hatid ng pagkain ko. Iniwan niya ako sa kwarto. Nakagat ko na lang ang labi ko.
Palpak! He didn’t buy it. Gusto kong ibato ang tray sa nilabasan nitong pintuan. Pero natakam ako sa breakfast nitong dala. My stomach was already making sound of discomfort and hunger.
Kinain ko na lang ang dinalang pagkain ng lalaki. Pampalubag-loob sa nabulilyaso kong plano.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagnguya ng bumukas muli ang pinto at pumasok si Trigger. Nakapamulsa ang isang kamay niya habang ang isa ay may hawak na supot. I wonder kung anong laman noon. Baka bomba at tuluyan na niya akong papasabugin.
Gusto ko sana siyang sitahin kung bakit bigla na lang itong pumapasok sa silid ng walang pahintulot, pero hindi ko nga pala ito kwarto. Technically, pag-aari niya ang lahat ng meron dito maliban sa akin. At saka para namang kaya kong gawin. Nagiging jelly ace na naman ang mga tuhod ko kpag kaharap ko si Trigger dahil sa takot.
Inilapag niya ang bitbit sa kama. “I have to check if you really have…”
Lumabas ang iba’t ibang uri ng napkins sa supot. May wings or without wings, pati panty liner. I was shocked.
“A-Ano?”
“If you have… regla,” He smirked.
Halos mabulunan ako ng sariling laway. Agad kong inabot ang baso ng tubig.
“What?! Ano ka sinuswerte? Gago!” Alam kong nanginginig ang boses ko.
Was he for real? Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Mas lalo akong kinabahan sa kanya.
Tumaas ang kilay niya at hindi pinanasin ang sinabi ko. Mukhang determinado siyang isagawa ang nakakadiring bagay. “Where’s the blood stain?”
“Oh my gosh! You’re creeping me out!”
Kinuha ko ang dala niyang napkins at tumakbo papasok ng comfort room. I locked the door. Hingal na hingal pa ako ng makapasok. Hindi ko alam kung paano tumatakbo ang utak ng gago. Ang lakas ng saltik niya! He wants to see the blood gushing out of my genitalia, is he serious about that? Pakiramdam ko, hinding – hindi ko siya maloloko. Masyadong naniniguro ang gago. Pero wala naman talaga ako ngayon. It was just my way to divert their attention. Kailangan ko nang gumawa ng paraan para makatakas sa kalbaryong nagkatawang tao sa pangalang Trigger del Fuego.


Leave a comment