Chapter Seven
Defiance. The thing that was keeping me alive and sane within the days I was losing hope.
I’ll die for sure. But the thought of defying my fate wouldn’t hurt. Sabi nila, nothing is impossible, all I have to do is imbibe it and dare to believe. What seems to be impossible is leaving the island without creating chaos.
Sabagay, ang pagtakas sa isla ay isang malaking kahibangang maituturing. The moment I try to escape their grasp would mean my death. Wala akong ibang pagpipilian. But I would rather die honorably than stay in this hell paradise and do nothing.
Isa lang naman ang kahihinatnan ng lahat. Mamatay ako maging mabuti man ako sa mga taong nagdala sa akin dito. Pinapaaga ko lang ang aking pagkamatay sa pagtakas na gagawin ko. Wala akong pakialam. It’s all about taking risks. Walang kasiguruhan sa mundo.
The plan is tonight.
Gusto ko nang makaalis sa isla. Ayoko nang magtagal pa rito at makasama ang gagong nilalang. Kapag mas lalo akong tatagal pa rito, baka tuluyang mabaliw na ako. Hindi rin imposibleng mangyari, given my situation.
May umaaalis na barko hindi naglalayo sa oras tuwing may naghahatid ng pagkain sa kwarto. It’s the right time to escape. Ganoon lagi, may barkong darating dito ng umaga at may aalis naman kapag gabi. Maybe, it’s some kind of transaction or shipping some illegal baggage from this place to another. I don’t want to know.
Mas maraming alam sa kanilang transaksyon, mas lalong mapapadali ang buhay ko.
Inabala ko ang sarili ko sa pagbababad sa bath tub ng banyo. I wanted to relax for the remaining hours of my life. Gusto kong matanggal ang stress, takot at pangamba ko. Pero kahit yata lunurin ko ang sarili ko ng isang buong araw, hindi mangyayari iyon. Mas lalo ang lumakas ang kaba ko nang tumagal ako sa pagbababad. I don’t want to think this will be the last bath I’d ever take.
Hindi ko nakuha ang sagot na hinihiling kay Trigger. As if, sasabihin niya sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman. Eh, tarantado iyon.
I sighed.
I miss the city. The traffic, tall buildings, alikabok, siksikang mga tao and everything that reminds me of it. I terribly miss my friends. Kahit dalawang tao lang ang maituturing kong kaibigan.
Ayoko namang mawala ng hindi man lang nakakapagpaalam kahit kay Rainbow o kay Pablo. Sila na lang ang meron ako. At sapat na sila para gustuhin kong mabuhay, not just for them but for myself. I don’t want to die without living my life to the fullest.
Baka magkaayos pa kami ng pamilya ni uncle Lucas o ni Dylan. Hindi dahil gusto kong balikan siya, but for closure. Mayroon pa siguro akong purpose. Maybe, to change someone’s life or my life be changed by someone. I’m holding onto that thought.
One thing that it helped me, I was able to recover from my heartache. Mas na-pokus ang atensyon ko sa pangyayaring ito kaysa damhin ang pagkawala ng taong dapat ay pakakasalan ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupulutin sa pagtakas ko ng isla. Hindi ako pwedeng tumuloy sa bahay ni Rainbow, baka pati siya ay madamay sa kaguluhang hindi ko naman pinasok. Pati rin kay Pablo.
Wala akong pera. Wala akong trabaho at hindi ako pwedeng magtrabaho. Minasahe ko ang noo ko. Bahala na. Ang kailangan ko munang isipin ang pagtakas ko sa isla.
Mas mapapahamak ako kung nasa poder nila. They are no saints. They are devils hiding in a total knight in shining armor façade.
Lumabas ako ng banyo wearing a robe. Naiwan ko ang damit sa kama. Alam kong hindi ako dapat makampante na lumalabas ng naka-roba dahil all boys ang islang ito at maaari silang pumasok sa gustuhin nilang panahon but I’m still preoccupied of my own misery. Lumilipad sa hangin ang isip ko.
I’m worried about my plan, I know they are cunning and they can find this out immediately. Pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi gawin ito.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang madatnan ko si Trigger na prenteng nakaupo sa kama ko. I wanted to ask him what was he doing in my room, but I’m not entitled to do that. Hindi ko ito pag-aari. Siya ang may-ari ng isla.
Mas nagulantang ako nang ma-realize kong hawak niya ang isusuot kong panty.
Ang malala, he’s sniffing it. My mouth parted in shock.
Tangina. Manyak!
Pinamulahan ako sa nakita. For some reason, it made the atmosphere hotter. Parang gusto ko maligong muli ng cold water. It was a manyak move. Hindi ko alam kung bakit mas nangibabaw sa akin ang init kaysa pandirian ang ginawa nito.
It was because of the attraction I felt for him, perhaps. He is damn good-looking.
Gwapo talaga. Gwapo. Kaso ang gago lang.
Tumikhim ako at naglakad ng bahagya pero hindi ako lumapit sa kanya. I kept distance between us. Hindi ako komportableng tumabi sa kanya. Pakiramdam ko ay mas lalong mag-iinit ang pakiramdam ko what I mean is, I hate everything about him at nag-iinit ang ulo ko.
“Anong ginagawa mo?” I asked Trigger calmly.
Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nag-stutter sa kabila ng kaba. But the celebration is due later.
He looked at me with those dark brown eyes mirrored desire, yet he didn’t utter a single word. Agad na naging blanko uli ang mga titig na iyon. I wanted to roll my eyes but that could make the situation bad. Ayoko namang suwayin ang hari nitong isla. Just this time, I would not irritate him.
Hawak pa rin ni Trigger ang panty at mukhang ayaw bitiwan ang undergarment.
Pumasok ako sa walk in closet. Hindi naman ito kalakihan pero may sapat na espasyo upang makapagbihis sa loob. I picked a denim shorts paired with vintage Gucci shirt.
“Come out of that closet, lady,” maawtoridad nitong wika.
Bumuntong-hininga ako bago ako lumabas. Susundin ko lahat ng utos niya ngayong tutal ito na naman ang huli.
Nakasandal siya sa hamba ng pinto habang hawak pa rin ang pares ng damit na susuotin ko dapat.
Our eyes met and I felt the intensity of his gaze once again. His dark brown eyes never failed to make my heart leap. I don’t know what’s with those eyes.
Kung hindi siya demonyong nagkatawang-tao, maakit ako sa mga matang iyon. Well, I was really attracted.
Una akong naa-attract sa mata at labi ng isang tao. It’s as if through the eyes I can see the soul. Siguro kakulay ng mata niya ang kanyang budhi. At least, it’s not color black. Dark brown nga lang.
“Anong kailangan mo?” pinilit kong maging kalmado ang boses.
He handed me the undergarments as well as the pants and shirt. I hesitated to accept those things. Pero mukhang hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ko iyon kinukuha sa kanya. Mas lalong naging kamatis ang pisngi ko. Ilang inches lang ang pagitan naming sa isa’t isa. Hindi ko alam kung anong trip sa buhay ni Trigger pero kung anuman ayokong sakyan.
I gave him a straight face at tinaasan ko ang lalaki ng kilay.
“Wear those,” he said.
Napatanga ako sa kanya. Seryoso ba siya? Gusto kong masamid kahit wala naman akong ininom na tubig. Oh my gosh ha! Hinawakan niya ang mga iyon. And he sniffed the undergarments.
“A-ano…”
“I don’t have time for jokes,” sabi pa niya as if reading my mind. Nalaglag ang panga ko. Hindi ko mahanap ang utak ko para sa good comeback.
He smirked at me. Mukhang naaliw si Trigger dahil wala akong masabi.
“Thirty five c, huh,” panunuya niya. It was my bra size! “Don’t be flattered, I’ve seen bigger than that.”
Naningkit ang mga mata ko sa kanyang turan. He just insulted my cup size. Hindi maliit iyong akin. Siya lang ang naglakas loob na sabihan ako noon. Wala naman talaga akong pakialam pero ang dating gusto kong ma-impress siya sa katawan ko. Of course not, asa pa ang gago!
I rolled my eyes. Isinara ko ang pinto ng walk in closet.
Nakasandal pa rin ang ulaga ng buksan ko ang closet matapos kong magbihis nang binigay niyang damit. Humakbang ako palabas habang nakasunod ang kanyang mga mata sa bawat hakbang ko. Nabuhay muli ang kaba sa aking dibdib.
Humalukipkip ito nang ituon ko sa kanya ang paningin ko. Naupo ako sa side ng kama. Akala ko magtitigan kami buong maghapon, pero binasag ni Trigger and katahimikan. His words surprised me.
“Come with me,”
I gasped hard. Namula ako. “Ang bastos mo naman!” hindi ko napigilang mapa-singhal.
He moved closer to where I was. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa kabuuan ko.
Then all of a sudden, he laughed. I didn’t get why he laughed, at first. Pero napagtanto ko rin sa kalaunan. Siguro sa mga susunod na araw magiging isang ganap na kamatis na talaga ako. I flushed more when he didn’t stop chuckling.
I’m humiliating myself in front of this guy. Stupid!
“Damn,”
I crossed my arms. Tinaasan ko siya ng kilay. Pinipilit kong tabunan ng seryosong mukha ang pagkapahiya ko sa kanya. “Saan mo ako dadalhin?”
“I don’t entertain questions, just cum with me.”
Nakangisi pa rin siya ng may pang-uuyam. Pinilit kong patatagin ang mukha ko. Gusto kong pisilin ang sarili ko sa pamumula.
Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Binalot ng kaba ang puso ko. My stomach is churning at the distance. Ngayon ba niya isasagawa ang pagdispatsa sa akin? Is this my time to be killed? Hindi pa ako handa. No. I won’t let it happen.
Halos mahilo ako nang makalabas kami ng kwarto sa unang pagkakataon.
This is the first time seeing the interior of the mansion. I couldn’t help myself but gape. Nanginginig ang aking paa habang hinahakbang ko ito paglabas. It’s like a mansion for royal people, but what the mansion caters are villains.
Good-looking beasts.
I was standing in the grand staircase. Paikot ang hagdan. I stepped onto it delicately.
Mas nauunang maglakad sa akin si Trigger. Dapat alerto ako pero hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita.
Hindi ako makasunod sa kanya agad dahil ninamnam ng aking mata ang disenyo sa paligid. I saw a few rooms on the second floor where my room is also located. The color is mostly black, white and gray. Pero nagustuhan ko ang blending ng kulay. But most of the furniture are color gold they scream money, class, regal and royalty. Ganoon din ang kulay ng chandelier sa gitna.
May paintings na nakasabit. It has a total of twenty different animal-print paintings. It has the wolf, the scorpion, the lion, the jaguar, and a lot more. It has a renaissance era vibe. Ang gandang tingnan ng kumikintab na chandelier sa itaas. I’ve been into different houses and mansions but this one is really enormous and fascinating.
I felt the intense gaze that made me stop from looking around.
Sinalubong ko ang tingin ni Trigger. Napalunok ako at mabilis na bumaba ng hagdan para sundan siya. Muli akong kinabahan.
My heart was at ease earlier with the scenery in the mansion, it diverted my attention. Bumalik na ang tingin nito sa unahan.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako isinama sa labas ng kwarto. It was a bit suspicious. Kung ano mang balak niya, kailangan kong mautakan iyon. I’ll grab this chance to learn about everything in the island.
“Hindi mo ba ako tatalian o poposasan? Aren’t you afraid I might do something crazy or pull some trick to escape?” hindi ko mapigilang magtanong.
Mahinahon ang boses ko dahil baka magalit na naman siya sa pagtatanong ko sa kanya.
Tumigil si Trigger. We’re almost near the main door.
“I only tie up a woman in bed,” he said huskily. Parang may nagbara sa lalamunan ko pero nagkibit-balikat na lang ako. Bakit parang nang-aakit ang dating? “If you want to get tied, then strip yourself and I’ll fuck you right here.”
I gulped hard.
“Why did you bring me here? Papatayin mo na ako?” It was what I thought. He was going to kill me.
“Sure. Let me take you to heaven,”
Umiling ako at sinundan siya patungo sa labas. “Wala akong makukuhang matino sa’yo,” komento ko.
Hindi sumagot si Trigger. Pigil ang hininga ko nang makalabas kami ng mansyon. Gusto kong umiyak, ito ang unang beses kong nakatapak sa labas ng kwarto. Huminga ako nang malalim para pigilan ang luha.
Napasinghap ako sa ganda ng isla. Kung ibang sirkumstansya ito, hindi ako magdadalawang isip na tumira sa ganitong lugar. How were they able to afford a paradise like this? Was this even legal? I wanted to laugh. Stupid, of course, it isn’t illegal.
White sand kagaya ng inaasahan. Raw ang isla. Wala pang gaanong nakatayong imprastraktura maliban sa mansyon. The mansion was located in the hill. Akala ko ay malapit lang ang dagar pero may konting distansya ang kailangan pang lakarin. Sa magkabilang bahagi ay mayroong wind turbines to provide electricity for the whole island.
Agad kong natanaw ang barko sa medyo malalim na parte ng karagatan. Ilang minutong nanatili ang mata ko sa barko. My heart was racing fast. That’s what I needed to escape. Kailangan kong makalapit sa barko bago pa man nila ako mahuli sa pagtakas. Hindi nila ako pwedeng mahuli.
There are several topless men performing activities in the beach. Kumpleto ang kagamitan nila. There are speedboats, surfing boards and any vehicle used in the sea I couldn’t name. Tinanaw ko ang mga ito habang hindi lumalayo kay Trigger.
“How can you afford such paradise? What’s this place? Nasa mapa pa ba ito?” kaswal kong tanong sa kanya.
Bahagya itong lumingon sa akin, nakapamulsa, sinusundan ang tingin ko.
“I can buy you, woman. I can even buy the world,” mayabang nitong sabi.
Napaismid ako. “Using money from dirty jobs,” I murmured.
Mukha namang hindi niya narinig ang pang-uuyam ko. Mahirap na kung marinig niya. Tumikhim ako at muling bumaling ng tingin sa dagat.
I found something on the yachts. It was a symbol; I’m sure. Bawat fraternity ay may Greek symbols na tatak. Siguro ay ito na iyon.
áΣó
I wanted to ask more questions. Ang daming gumugulo sa aking isipan pero nanatili lang akong tahimik. Baka mapikon na naman siya at kung saan humantong, wala pa namang pasensya ang isang ito. Masyadong kinulang sa aruga. I have to escape them.
“Are you curious why I brought you here?”
Hindi ako sumagot. Umakto akong wala akong pakialam, but I anticipated his words. Wala akong ideya kung dapat ko bang tanggapin ng positibo na hinayaan niya akong makalabas ng kwartong pinagdalhan niya.
He smirked. It was a devilish one. “I want to show you it’s impossible to escape if you’re planning to,” My heart skipped a bit. Does he know? Ganoon ba kalakas ang pakiramdam niya sa plano ko? Parang mayroon siyang alam.
Lumunok ako ng sunod-sunod. Kinabahan ako lalo at alam kong namumutla ako. Pinagpawisan ako nang malamig at malapot.
“Whether you like it or not, you’re trapped with me here in the island,”
Nagngitngit ang kalooban ko. I gritted my teeth. Asa siya!
***
Everything is set. Naka-ready na ako. Ilang minuto na lang at alam kong darating na iyong naghahatid ng pagkain. It wasn’t the usual food for an abducted woman. Pwede nang pumasok sa pagkain ng isang five-star hotel ang pagkaing sini-serve nila sa akin. Parang nagbabakasyon lang ako sa isang isla. Hindi ko alam kung anong trip nila sa buhay.
I lay in bed for about fifteen minutes. Dumating ang pagkaing hinihintay ko.
It wasn’t the usual guy who delivered my tray of food. It wasn’t him. Pumasok si Trigger dala ang tray ng walang paalam.
Kumunot ang noo nito nang makita ang tayo ko. My heart’s pounding fast inside my chest. Pinagpapawisan din ako nang malagkit. Mukha akong natatae at hindi mapalagay.
I have to convince him with my acting. Pumikit pa ako para mas kapani-paniwalang dama ko ang sakit. This is so cliché. But if it were going to save my life, then, it’s worth the try. Paninindigan ko ang pag-acting sa harap ng demonyo.
His cold stare was scrutinizing my soul. “What’s wrong with you?” he asked in an icy tone. Masyado bang ineffective ang pag-arte ko?
Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang magkabilang braso ko para ipaharap ako sa kanya. Nagmulat naman ako ng mata. Huminga ako nang malalim. Hawak ko ang lower abdomen, it was hurting.
Hindi ko siya tiningnan sa mata. I don’t have the courage to make an eye contact. Eyes don’t lie. He would see I am lying to him and it would lead me to failure. Baka mabuko niya ako kapag nakipagtitigan ako sa kanya at hindi ko kayang labanan ang manghipnotismo niyang tingin. Nakabaluktot ako sa kama habang hawak ko ang puson ko.
“I’m on my p-period,” mahina kong wika.
I saw him raised a brow. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “I have menstrual cramps. Sobrang sakit ng puson ko.”
Mas lalong nangunot ang noo niya. Hindi ako sigurado kung naintindihan niya ang cycle ng babae.
“Then, endure it.”
Pagak akong tumawa pero agad ding umasim ang mukha ko. “A-akala mo ba ganoon kadali iyong gawin? Hindi mo kasi n-nararanasan dahil hindi ka naman babae. Wala ka namang matres. Hindi lang siya masakit, sobra sobra!”
Hindi ko mabasa ang dumaang emosyon sa kanyang mga mata. Sana naman, kaawaan naman niya ako kahit ngayon lang. Mas namilipit ako tanda ng sakit. Tumayo si Trigger at humalukipkip habang nakatutok ang mata sa akin.
“What do you need?” Walang emosyon nitong tanong.
“A hot compress,” mabilis kong sagot.
“I’ll ask Gael to bring you a hot compress,”
Nataranta ako sa sinabi niya. Hindi iyon umaayon sa plano ko.
“Hindi puwede!” Nanlaki ang mata ko. Nabigla rin ako sa malakas kong boses. Tiningnan niya lang ako. His eyes remained mysterious. Napaigik ako sa pag-endura ng sakit. Mas pinag-igi ko pa ang pagpapanggap ng karamdaman.
“Please, Trigger. I can’t endure it anymore. Hindi ko na talaga kaya! Get it for me,” I’m hoping for a one good cell in his body. “P-please…” pagmamakaawa ko. A tear fell from my eye.
Hindi siya nagsalita at tinalikuran ako. Wala akong ideya sa tumatakbo sa kanyang utak. Nakaabang lang ako sa paghakbang niya. Nang maisarado niya ang pinto, nagmadali akong bumangon.
Nakiramdam ako kung nakalayo na siya sa gawi ng pinto.
Ilang beses akong bumuntong-hininga. Dinama ko ang aking dibdib. It was in chaos, pounding very hard in my chest.
Kinalma ko muna ang aking sarili bago ko inilabas ang pin na nakuha ko sa banyo. Gusto ko silang mataranta sa masakit kong puson. Mukhang um-epekto naman kahit paano ang naging pag-arte ko. May puso naman pala siya. Ito ang pin na gamit ko bago pa man ako nadala nila rito.
Dahan-dahan ko iyong ipinasok sa doorknob. It was the only trick I knew. Kailangan nitong gumana. If it wouldn’t, I’ll be dead.
“Please, please…” I chanted.
Nakuha ko ang pin kasama ng iba pang gamit na naiwan sa akin sa banyo.
I heard a click sound.
Isa-isang nagbagsakan ang luha sa aking mata. Maiyak-iyak ako sa tuwa. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ko pinihit ang seradura ng pinto.
Mabilis akong lumabas ng kwarto ng hindi gumagawa ng ingay. Dumidilim na ang paligid sa labas, lamp posts at buwan na lang ang nagsisilbing ilaw. Ang malaking chandelier ang nagsisilbing liwanag naman sa loob.
Walang pakalat-kalat na taong demonyo sa floor ng kwarto ko. Nakahinga ako ng konti at maingat na bumaba ng grand staircase. Bawat paghakbang ko ay mas lalong nakapagpakaba sa aking kabuuan. Tanging ang pagtibok at paghinga na lang ang naririnig ko. Nanatiling alerto ang aking mata at tainga sa paligid.
Tinawid ko ang hagdan ng ilang malalaking hakbang. I tried to be as fast as the wind. I’m sure there are hidden cameras inside this mansion. Napaka-imposibleng wala. Sana lang ay umayon sa akin ang pagkakataon.
I headed to the kitchen. Andoon ang back door at doon ko balak lumabas. I can’t take the main door. Then, I heard voices, talking near my spot. Agd akong nagtago sa malaking vase sa gilid ng pintuan nang narinig ko ang mga yabag papalapit sa kinatatayuan ko. Pigil ang hininga ko habang nagtatago. Tinakpan ko ang aking bibig kung sakaling mapasinghap ako nang malakas. I prayed hard for them not to notice my existence.
“Is the girl still here?” someone asked.
Sa lahat ng pwede nilang tigilan sa may tapat pa ng pinto nq malapit sa akin. It felt like an intense scene in a movie. Ang pinagkaiba nga lang, hindi totoong mamatay ang casts ng pelikula. Pero ako? I could be dead once they find me. And they were talking about me.
Mga tsismoso!
“Yes, Trigger is still keeping her,” cool na sagot noong isa.
“What’s his exact plan? He should dispatch the girl by now. The issue is resolved anyway,”
Napahawak ako sa aking dibdib. Sobrang lakas ng tibok, wala akong pagsidlan ng kaba. It was hindering the flow of air in my system. So they are planning to dispose me as if I’m a trash? Wala na akong silbi sa kanila, kaya ililigpit na nila ako. I shouldn’t be surprised, I was expecting that to happen sooner or later. Tama lang pala ang desisyon kong tumakas ngayon.
“Let him decide since his business was the most affected by the issue. Konti lang sa planta ang naapektuhan. They really focused on women trade at sa mga bars na hawak ni Trigger. Those who were searched were just planted. Ang Octagon lang ang hindi nadamay. He’s coping with it. Barya lang iyon sa gagong iyon,”
“Oh, dude. Your Tagalog sucks,” Nagtawanan sila.
They left.
I don’t know what to feel. Sigurado akong ‘pag nahuli nila ako, that would be the end of me. Nanghina ang loob ko pero kailangan kong tatagan. Huminga ako nang mamalim. Siniguro ko munang walang tao sa paligid bago ko tinungo ang back door sa kusina. Mabuti na lang at wala ng ibang tao roon.
Nang buksan ko ang pinto, agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng gabi.
It was already dark and the moon and the lamp posts were my guide. Narinig ko ang pag-ugong ng barko sa hindi kalayuan. I hid on the plant box while I contemplated for my next move. Nasa likod ako ng mansyon.
When I was sure nobody was around, I decided to run near the front of the mansion. Nanatili pa rin akong nakakubli sa mga punong malapit dito. Mapuno ang paligid ng mansyon. Tanaw ko na mula sa tayo ko ang dagat at ang barkong tanging t’yansa ko upang makaalis ng isla.
My hair was dancing along the wind. Nanlalamig ang katawan ko. Niyakap ko ang aking sarili. It’s a reminder I have no one but myself.
May ilang mga kalalakihan ang naglalakad sa dalampasigan. They seemed to be oblivious with what was happening. Alam na kaya nila? Alam na kaya ni Trigger? Bumalik kaya siya sa kwarto at nadatnang wala ako roon?
Siguro. Siguro, hindi pa.
Wala na ang mga lalaking nagpapalakad-lakad sa dalampasigan. Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Mukhang wala pa silang alam dahil hindi pa sila nagpa-panic. Do they even panic?
Ito na ang tamang tiyempo.
Inihanda ko ang aking sarili para tumakbo papunta sa dalampasigan. I grasped all the oxygen I could. Another tear escaped.
It’s now or never, Aramis. I breathed hard.
Hindi ko pa nagagawang humakbang ng isa ng may pumigil sa braso ko.
I froze in an instant and my body convulsed with fear. Marahas na paghinga ang ginawa ko. Ayoko siyang lingunin.
“Where do you think you’re going lady?” his cold baritone voice filled my ears.
Ramdam ko ang galit at panganib sa boses na iyon. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Trigger pero hindi sapat ang lakas ko sa kanya.
Iniharap niya ako ng walang kahirap-hirap at binuhat.
“What? Are you going to escape? I fucking told you, you can’t!” he hissed, hinawakan niya ang baba ko para tingnan ako sa mata. I can’t name those emotions but his anger stood out.
Kitang kita ko ang nagbabagang tingin ni Trigger sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya. “YOU. CAN. NOT. ESCAPE. FROM. ME!” Ipinagdiininan niya ang mga katagang iyon.
Ipinilig ko ang ulo ko. Pinilit kong magpumiglas pero ang tindi ng pagkakahawak sa akin ng demonyo. Nagbabadya ang luha sa gilid ng aking mata, but I tried my hardest not to cry. Not in front of him. Not in front of these soulless people.
I still couldn’t grasp things.
“Let me go! Hayaan mo na ako! Tapos na ‘di ba? Naayos mo na? Ididispatsa mo na rin lang ako. Ano pang pinagkaiba noon? Pakawalan mo na lang ako! Buhay ko ito, asshole! Wala kang karapatan!”
Kinaladkad niya ako papalapit sa main door ng mansyon.
“I’m the one who’ll decide when to fucking dispose you, lady. Until I say so, you will stay here.”
“Wow!” sarkastikong wika ko. I can’t believe, I have to deal with a devil. “Wow talaga! You don’t own the world, Trigger, so don’t boss around. Hindi mo ako pag-aari o laruan, kaya pwede ba, tigilan mo na ito. Nakuha mo na ang gusto mo. I’ll never be your toy!”
I spat at him.
Kinalmot ko siya sa mukha. His eyes were deadly when he looked at me. They were beyond mad. I am doomed.
“You’re wrong. Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko.”


Leave a comment