Chapter Ten
Ang sarap ng tulog ko. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ganoon na lang kasarap sa pakiramdam. It was like someone fought to keep the monsters at bay to keep me warm at night. I felt happy more than what I felt in many years. Matapos ang ilang buwan kong dagok, naging masayang muli ako.
Kinapa-kapa ko ang higaan ko. Nang makapa ko ang unan, agad ko itong niyakap.
Weirdly enough, it hugged me back. Nakapulupot ito sa akin na para bang may kamay. Much weird, imbes na itulak ko ito papalayo ay mas lalong nagsumiksik ako rito. I still wanted to rest. And I found comfort in its hug.
Ayoko nang bumangon dahil alam kong masamang pangitain na naman ang bubungad sa akin. I liked its scent. Naamoy ko na iyon dati. I just couldn’t remember it.
Surprisingly, matigas iyong unan. Pinisil-pisil ko iyon. May curves. Parang may nakaumbok at may flat. Hinipo ko na rin para makasiguro.
Parang… parang katawan ng tao!
Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto ko ito. And I was right. It was a human body.
I tried calming my nerves by trying to breathe slowly. Sapo ko ang parteng dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok nito. I wanted to scream but I didn’t. I knew better.
Nang makalma ko ang aking sarili, maingat kong inalis ang kumot sa parteng mukha ng mapangahas na talipandas na pumasok sa kwarto ko.
I heaved a sigh of relief when I saw Trigger’s face.
Wait, what?!
Napanatag akong si Trigger ang nasa kwarto ko? Seriously? Pinilig ko ang aking ulo bago pa man ako makapag-isip ng kung ano. Kulang ako sa pahinga kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa aking utak.
I stared at his face for a moment. He’s really handsome. Those lashes, strawberry red lips, pointed nose, prominent cheekbones and jaw. He grew stubble but it didn’t make him look like an old kagaya ng ibang lalaking may short hair sa face. In fact, mas nakadagdag pa sa appeal niya.
He doesn’t look like an angel. Rugged pa rin ang dating niya kahit tulog. But at least, he looks calm and peaceful. Hindi siya mukhang maninigaw sa lagay niya ngayon.
I let myself touched his face. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit ko ginawa iyon, I just felt I had to. Dinama ko ng kamay ang kanyang mukha.
Medyo rough iyong parteng may facial hair. Pinadaanan ko rin ng kamay ko ang kanyang matangos na ilong. Hindi ko alam kung bakit ako nangingiti habang pinagmamasdan siya. Hinawakan ko rin ang kanyang labi. Malambot ito.
Napaka-gwapo niya habang natutulog. Sana matulog na lang siya forever. Napahagikhik ako nang mahina.
Agad na napawi ang ngiti ko nang gumalaw si Trigger sa pagkakahiga. He slowly opened his eyes. Naiwan ang kamay ko na nakadampi sa malambot niyang labi. Pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso sa sobrang bilis ng pag-palpitate nito.
What struck me the most, hinila niya ang daliri kong nakapatong sa labi ko at kinagat iyon. Hindi naman masakit, but it surely has an effect. Soft electricity flowed through my system once again. Ilang boltahe ng kuuryente ang dumaloy sa buong katawan ko sa ginawa niyang pagkagat sa aking daliri.
I felt that sensation before.
Nakatulala lang ako sa kanya habang nanlalaki ang mata. Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang i-ayos ang aking sarili.
“Enjoying the view?” He plastered an arrogant smile.
Parang aminadong-aminado siyang gwapo at sinasamba ng mga kababaihan.
Binawi ko ang kamay ko at inirapan ang nakahigang demonyo sa tabi ko. Bumaba ako sa kama. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa lapit niya sa akin. Magpapaubaya na naman ang aking katawan sa init na kanyang dala.
“Makakaalis ka na, gising ka na naman. Pwede ka nang umalis sa aking kwarto.”
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Noon ko lang napagtantong wala akong suot na brassiere sa ilalim nang manipis na tela ng suot kong pantulog. Gusto kong tampalin ang sarili ko. Pasimple kong in-ekis ang kamay ko para takpan ang view.
He was smirking. Alam kong huli na para gawin ko iyon, nakita na niya ang hindi dapat makita.
“You have the guts,” Humalakhak si Trigger.
“Just leave, Trigger. Ano pang tinitingin-tingin mo?” Hindi ko rin alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob upang tarayan ang binata.
Tumawa siyang muli, but his laugh didn’t reach his eyes. “What will you do if I don’t?” ginaya niya ako, he crossed his arms.
Prenteng nakahiga pa rin siya sa kama. Mukhang wala ng balak umalis.
Ano nga bang gagawin ko? Wala naman akong gagawin. I just want him to leave peacefully, iyong walang mangyayaring masama. Is that even hard? Napailing ako ng bahagya. Iba nga pala ang kausap ko, hindi siya nadadaan sa maayos na usapan at pakiusap.
“Whatever. You can do what you want. Pag-aari mo naman ang isla. Ako na lang ang mag-aadjust. But if I were you, I’ll do my daily routine first bago mo ako pahirapan. May morning stars ka pa kasi,” I smiled sweetly.
Gumalaw ang panga niya. At nasisiyahan akong makitang mukhang bothered siya sa sinabi ko. I wanted to laugh out loud. His reaction was priceless. Hmp, buti nga!
***
Tanaw na tanaw ko ang ilang kalalakihan habang naglalakad papunta sa kanilang sasakyang helicopter. They are going to leave the island as what I’ve heard. Hindi ko alam kung hanggang kailan sila mawawala sa isla. But at least they would be out of my sight for quite some time. Nagdidiwang ang buong pagkatao ko.
Nang tuluyan silang mawala sa paningin ko, nakahinga ako nang maluwag. I will deal with only one devil, si Trigger na lang. As if, that’s easy.
Agad na lumabas ako ng kwarto ng marinig ko ang tunog ng helicopter na papalayo sa isla. Ilang araw na rin akong nagkukulong sa kwarto ko para iwasan ang kalalakihang nagkalat sa kung saang parte ng isla lalo na si Trigger.
They really are bad news.
Prente akong naupo sa couch ng sala, I didn’t know what to do now that I am the only person occupying the mansion at this moment. Manonood ba ako ng telebisyon? Simula noong natapos ang pagpapanggap ni Trigger, hindi na ako muling nakasilay sa tv.
There was no interesting news. Pare-parehong tungkol sa politiko at katiwalian ng gobyerno. Wala ng kahit anong balita ang nag-uugnay sa human trafficking at women trade. They handled that very well. Money is such a powerful thing, it can make someone the worst possible version of himself. Maraming sumasamba rito.
One caught my attention. Maraming d’yaryo ang nagkalat sa center table. Isang malaking litrato ni uncle Lucas ang nasa first page ng d’yaryo na issue ng Daily Journal. I read its headline that says, “The powerful Lucas Eduardo, CEO of the Daily Journal Corp. loses his power.”
I was shocked.
Tiningnan ko ang ibang d’yaryo para siguruhin kung tama ang nabasa ko, ganoon din ang nakasulat sa halos lahat. Iba’t ibang construction ng headline, pero pareho ang nilalaman.
“The tyrant becomes powerless.”
“What happens to Lucas Eduardo…”
It can’t be.
Lucas Eduardo failed to keep the position as the CEO of Daily Journal Corp. losing sixty percent shares of the company. No farther announcement has been made regarding the issue. However, a new set of officers to take over the Daily Journal was circulating in the business world and the new owner would be handling the corporation. There was no formal statement from the new management, although, sets of rules and regulations have been implemented starting today. The identity of the new chief was still anonymous to the public. The former CEO would still be part of the board members with thirty percent of the shares.
What? Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon. Wala na sa pangangalaga ni uncle Lucas ang kompanya? If it’s because of karma, I couldn’t be happy. Hindi naman ako masama para mag-isip ng ganoon sa kanila.
Daily Journal is a family legacy. Malaking dagok iyon para sa tiyuhin ko. At hindi ko gugustuhing mapunta ang pangangalaga noon sa kahit sino lang. Pero kung hindi nagawang isalba ni uncle ang kompanya? Ano pang magagawa ko?
My roots worked hard for the Daily Journal to blossom. Isa sa namahala noon maliban sa kasalukuyang administrasyon ang aking ama. And I’m sure he wanted it to grow with uncle Lucas. I know, uncle didn’t treat me as his own blood. I quite understood the indifference.
Hindi naman talaga ako kapamilya, kasi ampon lang si daddy, but I felt his love for the company. Saksi akong inalagaan niya iyon at minahal. At hindi ko lubos maisip na mawawala iyon sa kanya.
Did they buy the shares? And he let it happen?
“Do you want to destroy them?”
“Do you want to destroy them?”
“Do you want to destroy them?”
“What? Anong ibig mong sabihin? Destroy what?”
Paulit-ulit na sumasagi ang pag-uusap namin ni Trigger sa utak ko. Is it possible? Is this what he meant when he asked me if I wanted to destroy them? Sisirain niya ang pamamahala ni uncle Lucas sa Daily Journal?
Natutop ang bibig ko.
Sakto namang nakarinig ako nang maingay na pagdadabog palapit sa kinaroroonan ko. Isang bulto ang tuluyang natanaw ko. Si Trigger. I was just looking at him with semi-wide eyes. Hindi pa ako sigurado kong tama ang hinala ko sa Daily Journal. I have to ask him. Kahit ang hirap niyang kausap. Gusto kong malaman.
Nilampasan niya ako ng hindi pinapansin. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya. Naglakad siya patungo sa grand staircase. Pero bago pa man siya makahakbang papunta sa itaas, nagsalita ako.
“Did you do it?” mapang-akusa kong tanong
Hindi humarap si Trigger pero tumigil siya sa kanyang tayo.
“What’s this? Ano ang mga nakasulat sa newpapers na ito? Is this what you mean by destroying them? Ito ba, Trigger? Ito ba?” Tinapon ko ang mga d’yaryo sa gawi niya.
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. “I didn’t ask for this! Hindi ko gustong pabagsakin sila o kung ano pa man.”
“I want to,” bored nitong sagot at humarap sa akin. “What’s with the fuss? And what can you do about it? You’re just wasting your time hating me for fuck’s sake,”
“Why did you even do it in the first place? Ano bang gusto mong mangyari?”
Namulsa siya nang lumapit sa gawi ng tayo ko. Now, I’m stopping myself from gasping hard. He’s topless. Napansin ko lang na walang siyang suot na baro ngayong humarap siya sa direksyon ko.
“I just had to do it.”
Lumapit pa siya nang lumapit sa akin. Iyong wala na halos agwat. Itinaas niya ang baba ko at tiningnan niya akong mabuti sa mata. I gulped. Ano bang meron sa dark brown eyes ni Trigger? Parang nanghihina ako.
“One more thing, why are you so fucking nosy? I have nothing to explain to you. I’ll fucking do what I want,”
Binitawan niya ako at tinalikuran. Kulang na lang ipamukha niya sa akin na basahan lang ako sa kanya at wala akong karapatang mag-usisa. Totoo naman. The news concerned me. And did I sound like a nagging girlfriend or wife? What the heck?!
“Gago,” bulong ko. “Gag um, Trigger, just this one question. W who owns the sixty percent shares? Sinong bagong may-ari ng Daily Journal?”
I anticipated his reply.
“Eighty. Eighty percent,”
“What?”
Muli siyang humarap. “I’m the new fucking owner of that shit company,” walang emosyon nitong wika.
Nalaglag ang panga ko. What the effin’ fudge!
Confusion took over me. Nahihilo na ang utak ko sa dami ng tanong na hindi ko mahanapan ng sagot. Nakakainis. Gusto kong sabunutan ang sarili ko baka may mapiga akong sagot. He’s the owner. He is. Iyon lang ang malinaw. Si Trigger na ang nagmamay-ari ng Daily Journal.
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili. Nagrarambol sa utak ko ang pangyayari.
He bought eighty percent, meaning ten percent na lang ang shares ni uncle Lucas and another ten for the other investors. Oh!
Nasapo ko ang aking noo. I’m not part of the company and I have a bigger problem I should focus on. Pero pati ang problema ng iba ay pino-problema ko pa. Lucas Eduardo should do something about it, hindi na dapat ako makialam pa. Wala naman akong magagawa, unless I could persuade him to let my uncle run the business.
Of course, he would never agree to that easily. No, he would never agree. Si Trigger na may pusong bakal ang pinag-uusapan dito. Aish!
Pumikit ako nang mariin.
I let the sea breeze touched my skin. Hindi naman kaiklian ang suot kong shorts, hindi rin manipis ang vintage shirt. The waves really calmed the tension within. Hindi ko alam kung anong meron sa dagat na kung bakit tuwing nalalapit ako, panatag ang kalooban ko.
Maybe because, it reminds me there’s always a beautiful thing despite of all the negativity in the world. Hindi dapat ako tumigil sa appeciation sa mga bagay-bagay kahit anong mangyari. Beach is one of the best places to unwind and relax. S’yempre, mas maganda kung hindi gaanong crowded kagaya nitong isla.
Pangarap ko noong magkaroon ng property malapit sa beach. Gusto ko sa may parteng La Union. Kapag nakaipon ako, doon ko rin gustong manirahan.
Speaking of the beach, I never asked Trigger what’s its name. Ilang buwan na ang tinagal ko rito pero hindi ko pa rin alam ang pangalan ng isla o kung saang lupalop ito matatagpuan.
I waited to watch the sunset in the beach. It was indeed beautiful. The combination of violet, orange and red flashed on the sky.
Sunset is one of my favorite things. It’s a proof that endings aren’t always tragic, some things end beautifully. Kaya hindi dapat matakot sa pagtatapos ng isang bagay. If it doesn’t end with what we’re expecting, let’s just look on the brighter side, it means there’s another door of opportunity that’s going to open.
Sa pagtatapos ng yugtong ito ng buhay ko, mayroong nakalaang maganda para sa akin. I smiled. I can only hope.
Madilim nang naisip kong bumalik sa mansyon. The place was fully lit by the moon and lamp posts around the whole area. Bukas din ang lahat ng ilaw sa buong mansyon.
Dumaan ako sa likuran ng mansyon.
I hardly visited this part of the mansion. Madalas akong nagkukulong sa kwarto, o kaya naman madalas kong tambayan ang library until the ‘scene’ happened. Dinumihan na ni Trigger ang alaala ko sa library. Hindi na ako muling bumisita roon. It would always remind me of the kiss we shared and his flirty remarks.
Natigil ako sa paglalakad ng may narinig akong kaluskos mula sa may kakahuyang nakapalibot sa mansyon. I ignored it at first, thinking they’re just some kind of guards in the island, iyong mga tauhan nila Trigger, pero nagmadali ako sa paglalakad. Weird, that I didn’t find any of them while roaming around. Dati naman ay madalas silang pagala-gala sa buong isla.
“Mukhang tiba-tiba tayo! Tangina, ilang buwan ko rin itong minanmanan, ngayon lang ito nawalan ng mga asungot sa paligid,”
Kinabahan ako.
Ibig sabihin ay hindi ito ang mga tauhan sa isla. Mukhang masasamang tao. At alam kung hindi lang ito nag-iisa. I hid at the bushes contemplating my move. My senses were alerted. Hindi ko alam kung paano ako makakapasok ng mansyon ng hindi nila nakikita.
Where did all the men go? Umalis ba sila ng isla? Bakit hinayaan ito ni Trigger?
“Sa wakas tapos na rin ang pagtitiis ko sa pangingisda. Syur ako, isang gamit lang d’yan libo libo na ang kikitain natin,”
“Jackpot tayo dito, Ising,” segunda noong isa.
Ang masasamang tao ay nilooban nang masasamang tao. Kinagat ko ang aking kuko. What a way to describe what was happening. Totoo naman. And I find it really ironic.
Napapikit ako habang naghihintay ng susunod na mangyayari.
I feel my heart’s thumping fast inside its ribcage. I wanted to ask for help. Pero sino ang hihingian ko ng tulong? No guards were present.
Trigger.
Mariin kong kinagat ang aking labi. I should warn him. I need to find him before they do. A part of me isn’t in favor with the plan. Mas lalo kong ipapahamak ang sarili ko. I could just walk away and get this chance to escape. But can I leave him? Do I have the heart to leave him with them?
I tasted my own blood. Pinigilan kong kagatin ang sariling labi. Bago pa man ako makapag-isip ng gagawing desisyon. Nabasag ang katahimikang bumabalot sa tahimik na isla.
I heard someone shout. “May babae!” Isa sa mga ito ang sumigaw na parang ngayon lang nakakita ng babae.
My eyes widened. That’s my cue to run.
Alam kong nakasunod sila sa akin. Mas lalong binilisan ko ang pagtakbo. I never looked back. Ayokong makitang malapit ang kanilang agawat, matataranta ako ng husto at magpa-panic. Mas lalong babagal ang kilos ko.
It’s not the time to be scared, I need to escape them. And running faster is the only thing that can save my life.
Natigil ako nang bumunggo ako sa isang matigas na bagay. Nakaramdam ako ng pagkahilo. It rendered my adrenaline rush from kicking in. Pader ba ang binunggo ko? I can’t remember there’s a wall in this part of the mansion. I am dead. I am so dead. Napasinghap ako nang malakas at tiningnan ang pader na nabunggo ko.
I met his dark brown eyes looking at me intently. Mukhang sinusuri niya ang kabuuan ko. It’s no other than Trigger.
Bago pa man ako mahulog at mawala sa sarili sa mga tinging iyon, I hugged him. Nanginginig ang tuhod ko at kailangan ko ng suporta. Hindi mapigilang maglandas ng luha ko.
“T-trigger… m-may tao, m-masasamang tao. T-they’re going to steal things or worse, k-kill us,” Even my voice was trembling, I couldn’t even recognize it as my own.
Matalim ang tingin niya nang mapadako ang titig ko sa kanya. Gumalaw ang kanyang panga. He looked at me carefully.
“Did they hurt you?”
Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko.
Mabilis akong humiling. “No, but they are running after me. Alam kong malapit na sila. Trigger, asan ba ang mga tauhan mo?”
“I sent them away,” cool nitong sabi.
“What? Anong… bakit?”
Bago pa man siya makapagsalita upang sagutin ang tanong ko, nakarinig kami ng mga tumatakbong yabag mula sa pinanggalingan ko. Muling nagrigodong ang puso ko sa kaba. Natataranta akong humarap sa kanya.
He seems cool about it. I am not!
Mukhang nakalimutan ko, sanay nga pala siya sa ganitong bagay. I’m sure he encountered such scene like this one. Ako lang pala ang nasa panganib.
He grabbed my shoulders and made me look at him. Alam kong nakita niya ang takot sa mata ko. Kung humihingi at buhay pa ako ngayon sa kamay ni Trigger, malamang sa mga lalaking nagtatangkang magnakaw ay hindi ako susuwertihin. I broke down into tears.
“Look at me,” marahan niyang sabi.
I was still looking at the back door waiting for it to burst open and the armed men would butcher us into pieces. Humarap ako kay Trigger. “Go to your room and lock the door. Don’t open it unless it’s me. I forbid you to leave the room even if you hear something. Stop being curious like a fucking pussy,”
Nahihintakutan akong tumingin sa kanya. “Hindi mo ako isasama? Do you really want me to die? Baka pumunta sila sa kwarto. I couldn’t even fight.”
I get it! Iiwan niya ako sa kwarto, hahayaan niya lang akong mamatay. And here I thought of him, to warn him, to save him…
“Stop being hard-headed,” Halatang nagtitimpi lang siya sa akin. “Just do what I say. Don’t fucking open the door, you hear me?”
Hindi ako umimik.
“Damn it, woman! Look at me!” Sinunod ko ang kanyang sinabi. “Remember one thing, no one can ever touch you unless I’m dead,” he said seriously. It was promising.
All I do is nod. Kumapit ako sa kanyang sinabi. Kahit paano’y napanatag ako.
“Now, go!”
Mabilis akong humakbang at nilampasan siya. Bago pa man ako makalayo, muli niyang hinila ang kamay ko paharap sa kanya.
Trigger sighed. “If I didn’t come back to get you,” He gave me a knife. “Use this to protect yourself, Aramis.”
He then kissed me on the lips. It wasn’t the usual aggressive ones.
Masuyo iyon. Malambot. Masarap.
I waited for him in my room like what he said and locked the door.
Pinilit ko pang ilagay ang maliit na upuan sa likod ng pinto. Kinakabahan ako, rinig na rinig ko pa rin ang tibok ng puso kong naghuhuramentado sa aking dibdib. Alam kong hindi lang ako kinakabahan para sa sarili ko, kinakabahan ako para kay Trigger. Alam kong sanay siya sa ganitong bagay. But I couldn’t stop myself from feeling anxious.
Marami ang mga taong iyon at nag-iisa lang siya. I don’t know why he let his goons leave in the island. Iba talaga ang takbo ng utak niya. He is so unpredictable. Naupo ako sa kama habang naghihintay sa kanya.
In-eksamin ko ang kutsilyong binigay niya. His initials were curved at its handle. I traced it with my fingers. I guess, it was personalized.
T.D.F.
I smiled. Inilapag ko ang knife sa bedside table. I know he’ll come back for me.
Hindi ko alam kung paanong nakatulog sa ganoong sitwasyon. Nagising lang ako nang makarinig akong may kumakalampag sa may pintuan ng kwarto. Muling bumalik ang mabilis na pagtibok ng puso ko. How long was I asleep?
Mas lalong sumidhi ang takot na nararamdaman ko. Was this what he meant? Did they overpower Trigger? Patay na ba siya? I gasped. My eyes watered. Paanong mamatay siya? Hindi naman madaling mamatay ang masamang damo. They thrived more than anything else in this world.
Agad kong dinampot ang binigay niya sa aking kutsilyo. Umalis ako ng kama at tumayo sa gilid na parte ng kwarto. I tried to calm myself. Ilang ulit akong huminga nang malalim. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan.
I am as dead as him.
Wala akong kahit anong plano. Imbes na mag-isip ng plano upang makatakas, I ended up falling asleep. Oh my God, I am hopeless.
Mas lalo akong nataranta nang yumanig at biglang nasira ang pinto. Ang lakas ng impact nang tumama rito, tumabingi ito at tumalsik ang upuang iniharang ko hindi kalayuan malapit sa akin. I was shocked and frozen on the spot.
“Fuck!” Someone hissed.
I was still rooted to the same place.
“Trigger?”
“You’re still alive,” He was being sarcastic. Halatang iritado ang boses nito.
Mabilis siyang pumasok ng silid. Hindi pa rin steady ang tuhod ko pero sinikap kong manatiling nakatayo para salubungin siya.
He hugged me tightly. “Are you okay?”
Tumango-tango ako at sinuklian ang yakap niya. Muling naglandas ang luha sa aking pisngi. Kanina ko pa iyon pinipigilan. Nalaglag ang kutsilyong hawak ko.
He sighed as he hugged me closer. He’s safe. We’re safe.
Paulit-ulit niyang dinama ang buhok ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto hanggang makaramdam ako ng awkwardness sa paglipas ng segundo. Agad na kumawala ako sa kanya at tumikhim.
“Where are they?” I asked him. Lumapit kami sa kama, iniupo ko siya sa gilid. Mukhang pagod Si Trigger. There were small bruises on his face. Medyo putok din ang kanyang labi.
“Dead,” sagot niya na nagpatigil sa akin.
“W-what? D-did you…” I couldn’t say the last words. Parang nanghina ako.
He looked at me. “There were just two options I have earlier. Kill or be killed. Do you want me to be the latter?”
Agad akong umiling. “N-no. I-it’s just that… hindi lang naproseso ng utak ko.”
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Humiga siya sa kama ko, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Taimtim ko siyang pinagmasdan. Halata ang putok ng kanyang at ilang natamong sugat. I bit my lip.
Hindi ko makita ang Trigger na kinaiinisan ko noon. Iyong nanakit sa akin ng ilang beses. What I was seeing is a new version of himself I had the chance to meet. Kahit noon pa man hindi ako tumigil sa paniniwalang mayroon pa ring kabutihang taglay ang isang tao. No matter how bad he projects himself to me.
Nagpasya akong kumuha ng first aid kit sa banyo. Inilapag ko iyon sa kama.
Kinuha ko ang bulak at alcohol. Hindi ako marunong nang paunang lunas at kung paano ang tamang pag-aapply bito but I want to do something for him.
He saved my ass back there. It was my way of paying back.
“Hey,” Tinapik ko ang kanyang braso.
Trigger didn’t answer but he opened his eyes. Dumadagundong na naman ang puso ko, pero hindi sa kaba.
“Upo ka muna,”
He did.
Hindi siya nagreklamo kagaya ng inaasahan ko at basta na lang sumunod. Pagod na siguro siya kaya hindi na nakipagtalo.
“I’m gonna put this to your wounds, okay?” pagkausap ko sa kanya nang mahinahon. Hindi siya suumagot sa halip ay tumingin lang sa akin.
The whole time, he was looking at me.
“Thank you,” I softly muttered.
Wala akong narinig na sagot. I saw his infamous arrogant smile again. “It’s not free, m’lady,”
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa dibdi ko. Mabilis niyang nakapa iyon at piniga ng bahagya.
Napaatras ako at sinapak ko siya. He’s still the same. Tigagal siya sa ginawa kong pagsapak. Ako naman ang napangisi. And trust me, it feels so good.
Sinapak ko lang naman ang isang Trigger del Fuego.


Leave a Reply