Chapter Nine
I have seen new faces in the island as the days passed by almost immediately. I saw the guys in topless, in their boxers, in whatever. All of them are good-looking and hunk with muscles in the right places. That’s given.
Mukhang sukatan bago makapasok sa fraternity na ito ang kagwapuhan, kayamanan at siguro kahit sukat ng ‘toot’ nila.
I am not going to give them the satisfaction by giving them compliments. Well, they are good-looking beasts. Sa loob nito ang kasamaan. Hindi por que’t maganda ang panlabas na anyo, ganoon din ang kanilang budhi.
Balak kong huwag silang pansinin habang namamalagi ako sa isla. Iba sila kung makatingin. Parang nangangain ng buhay.
I shuddered at the thought.
Kailangan ko silang iwasan pero hindi ko naman magawa. Ilang araw na rin akong bantay ni Trigger simula ng dalhin siya sa mansyon ng may tama ng baril.
Kung um-arte ang gago, aakalaing hindi pa talaga magaling. Masyadong pa-asikaso. He was acting as if he couldn’t walk straight and he needed me as a support. Pero nahuli ko siya kahapon na palakad-lakad sa kanyang kwarto habang may sinisigawan sa phone. Hindi na niya iniinda ang kanyang sugat.
Hindi ko maintindihan ang trip ng gunggong sa buhay. Baka naman gusto nitong gawing career ang pag-arte. E, aba, kung ganoon! Huwag na niya akong idamay sa hopeless dream niya. Mayroon naman wheelchair kung gusto niyang i-career. Letse!
I confronted him with what I saw in my very own eyes and he just smirked. Kahit nahuli ko ang binata sa ako, patuloy pa rin siya sa pagpapanggap na parang wala akong nakita. Siya pa itong malakas magalit kapag ibinibigay ang gusto. I hate him more for that.
Ako ang agrabyado. Hanggang sa banyo ay kasama ako ng gago.
I went to the kitchen after he requested for foods. Dakilang alalay ang turing niya sa akin. Bahala siyang maghintay sa pagkain.
Namamangha kong nilibot ang mata sa kabuuan ng kusina. Hindi ko ito nagawang pagmasdan nang gabing nagtangka akong tumakas. It was incredibly huge and filled with different equipment and kitchen galore.
May ilang pamilyar sa aking kagamitan at maraming hindi. Hindi naman ako taong kusina. I know how to cook some dishes. Pero hindi ako confident sa cooking skills ko, hindi ako ganoon kagaling sa gawaing bahay.
Sa gitna ay mayroong counter habang sa tapat nito ay may nakasabit na tatlong bahagyang small-sized chandeliers. The cabinets were in color brown. Ito lang ang naiibang kulay dahil halos karamihan pa rin ng gamit ay kulay itim, puti at abuhin.
Someone cleared his throat.
Natigilan ako sa pagmamasid at hinarap ang pinanggalingan ng boses.
I wasn’t able to speak, not because he’s utterly gorgeous. The guy has Greek nose and hazel eyes that make him stand out. He has resemblance to Greek people.
Halos lahat ng kalalakihang nasa isla ay parang nagmula sa Mt. Olympus.
My steps were calculated. Hindi ko gustong makipag-usap sa lalaki o sa kahit sinong miyembro ng kanilang organisasyon. Nasa tapat ng malaking refrigerator ang demigod. Was he here before? Hindi ko napansin ang kanyang presensya. That’s what makes them more scary.
I couldn’t hear any footsteps or any sign that they exist. Bigla na lang silang sumusulpot na parang kabute.
He was holding a glass of wine in his hand, pinaiikot-ikot niya ang alak sa baso.
A smirk formed his lips. Certainly, he’s not a friendly species just like the other guys I have met. Mukhang isa-isa siya sa mga hari-harian ng isla. Unang tingin pa lang, alam kong magaling ito sa babae. His aura screams arrogance, supremacy and fuck-all-things-that-move.
Mukhang maling manatili ako rito lalo na sa kakarampot na agwat ko sa kanya. Ayokong magkrus ang landas ko sa mga lalaking ito.
They are heartless, they are devils trapped in human bodies. Pero hindi ako pwedeng bumalik sa kwarto ni Trigger na walang dala dahil magagalit ang mahal na hari. Feeling hari lang at hindi mahal. Alipin ang ganap ko sa kanya ngayon. I have to do this in order to survive.
Somehow, I need to gain his trust. Iyon ang kailangan ko habang wala pa akong solidong plano sa pagtakas ko upang hindi niya ako masyadong pag-initan ng ulo ni Trigger.
But what? Aling ulo ba ang tinutukoy ko? Of course, the one with brain, Aramis.
“Oh, Trigger let his playtoy wander around the island. I see,” the guy spoke with such an intimidating voice.
I swallowed hard.
Nabigla ako sa naging komento nito. Nakatingin siya sa akin, mukhang inaabangan ang magiging reaksiyon ko.
Hindi ko gusto ang tabas ng dila at pananalita ng lalaki. He has a sharp tongue that needs to be cut. Nagngingitngit ang kalooban ko pero patuloy kong kinalma ang aking sarili. Ayokong gumawa ng gulo sa ngayon. I would be a good girl until my plan is already moving. Hanggang hindi pa nangyayari ang plano, iiwas muna ako sa gulo.
I wouldn’t do stupid things again. Hindi na ako magiging taklesa. Bawat maling hakbang ko, nakasalalay ang kalayaan at buhay ko.
“Who are you?” I dared to ask, instead. Their mere presence can make anyone nervous. His mere presence can make someone wet his pants.
Tiningnan ako nito ng matagal, isang halakhak ang pumailanlang sa buong kusina.
“I’m not giving my name to anyone unless you ride my dick,”
He’s frank with his intentions with women.
“No thanks. I’m not interested,” mariin kong sinabi.
Huminga ako nang malalim.
Napako ako sa aking tayo ng bigla niya akong tinalikuran, the tattoo on his back caught my attention. It was the same just like on Trigger’s v-line. Bahagyang nakatalikod ito sa akin ngayon habang may kinukuha sa fridge. Mas lalong na-emphasize ang kanyang tattoo habang nagfle-flex ang kanyang muscles sa likod.
“You have the same tattoo as Trigger,” I stated the obvious. “What does it mean?”
Hindi na ako nagdalawang isip na itanong iyon sa binata. Muling humarap ito sa akin. He’s still holding a glass of wine. Dahan-dahan niyang ininom ang alak, ani’y isang model na nag-eendorso ng produkto.
He looked at me, dead serious. Gone the aura of a fuckboy. Hindi ko ipinahalata ang pagkatakot ko sa pagbabago ng kanyang aura. Maybe, I hit some button or I shouldn’t have asked the question.
Inilagay niya ang wine glass sa ibabaw ng counter. Sumandal siya rito habang nakatuon ang braso sa sa counter. Pinakatitigan niya akong mabuti. Ako naman ay nanatili sa tayo ko. Ayokong lumapit sa kanila. Lahat naman sila ay kapahamakan ang dala.
“If I were you, I wouldn’t ask question that costs your life,”
Umiling ako. “In case you’re not aware, I’m already paying the consequences.” Walang emosyon kong sagot sa kanya. “Just meeting you all was living in hell,” I murmured.
Bumalik ang kanyang mapaglarong ngisi. “If paying the consequences was being Trigger’s comfort woman, his playmate, his bitch. I guess, you’re enjoying and willing to pay,” Naikuyom ko ang kamao ko sa turan ng lalaki. I gritted my teeth in annoyance, I’m not going to be a crybaby this time. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kanya.
“Interesting,” he added.
Hindi ko pinansin ang binata. Umakto akong walang narinig. Hindi na ako nag-abalang magpaliwanag o ipagtanggol ang aking sarili. Either way, I would sound defensive.
I saw a box of pizza on the top of the counter. Nalingat ang atensyon ko sa pizza kanina nang kausapin ako noong Greek guy. Kumuha ako ng plato sa cupboard, ininit ko ang pizza sa microwave. He was just eyeing my every move.
“How’s he? Is he good in bed?” bigla nitong tanong.
Akala ko ay natutop na ang kanyang dila at hindi na muling magsasalita, hindi pala. I was wrong with my assumption.
Nang matapos ako sa ginagawa ko, hinarap ko ang lalaki. Ibinaba ko ang plato sa counter gamit. Pinakatitigan ko siyang mabuti.
“Well, if you are really curious, bakit hindi mo siya tikman ng ikaw na mismo ang makapagsabi kung masarap?” naiinis kong sagot.
Gusto kong magdiwang sa ginawa kong pagsagot. It would annoy him.
But instead, narinig ko ang malakas na paghalakhak niya. Hindi ko alam kung bakit. Naguluhan ko sa inasal ng binata. Dapat ay galit siya o maiinis.
And as I stared at him for a couple of minutes, realization hit me. It was him. Siya iyong lalaking tinutukoy ni Pablo. Ang lalaking may babaeng kaharutan sa Inferium kung saan ginanap ang pagtitipon. Hindi ako nagkakamali. Sigurado akong siya ang binatang gusto ni Pablo.
“Sioux Kyros Centauri,” I breathed.
***
The sound of the television filled the room. Mukhang nanonood ang artistahing si Trigger. Napairap ako sa ere. Tumunghay sa akin ang commercial ng isang luxurious brand ng brassieres featuring Xiana. It was done overly seductive. Hindi naman para sa men’s magazine ang brassieres, women are the target buyers.
Kulang na lang, maghubad siya sa harap ng camera. Hindi na bago ang ganoon sa akin. I saw her tv commercials and billboards before with just a skimpy lingerie.
Bahagyang kinapa ko ang aking dibdib. I was trying to evaluate what I feel for Xiana at her sudden appearance. Hindi ako bitter. I felt betrayed and shocked before, which was the most common reaction. Nagalit ako.
Good sign na mukhang hindi na-trigger nang pagkakita ko sa kanya sa telebisyon ang mga sugat na iniwan nila.
I accepted the fact that Dylan and I aren’t meant to be. Sirain man ni Xiana o hindi. Mas dapat akong magalit sa dati kong kasintahan. Siya ang nasa relasyon, siya ang mayroong commitment sa akin at siya ang sumira nito.
There’s always a force that would pull me away from him. He’s not the perfect partner and I to him. And knowing the situation, I would have done the same thing over and over to salvage our relationship. Wala akong makapang kahit anong what if’s. Ramdam kong okay na ako.
I sighed.
How I wanted to go back in my normal life. Iyong walang sabit na ganito. Kapag nakabalik ako, I’d probably go to a faraway place. Iyong hindi nila matutunton. I don’t know if there were an existing place that their connection doesn’t reach. Kahit makaalis ako rito hindi na ako magkakaroon ng tahimik na buhay. Alam ko iyon pero susugal pa rin ako.
“That’s Xiana Eduardo, your cousin,” Trigger said.
Napalingon ako rito. Hindi ko namalayan ang kanyang presensya. Why I was so oblivious? Prente siyang nakaupo na parang hari sa couch malapit sa bintana.
“How did you know?”
“Simple. I have my connections, m’lady,”
I shouldn’t have asked.
Napatingin ako sa kanya pero agad akong umiwas ng mata. Ayokong magtagpo ang mata naming dalawa. I have this awkward feeling whenever I’m near at Trigger. Sumasariwa ang lahat ng nangyari ng kaming dalawa lang ang nasa kwarto.
No, I don’t want to reminisce that scene. Talaga ba?
“I know everything about you, your family even your roots…”
Tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Nanatili namang napako ang aking paa sa harap ng malaking screen. My heart was beating so fast. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagtibok ng puso ko tuwing malalapit ang binata.
There’s something I couldn’t explain with what I feel, parang ang dali kong bumigay pagdating kay Trigger.
“… and your ex-fiancé,” He smirked. “Too bad.”
Ilang dangkal na lang ang agwat namin sa isa’t isa. Parang nahihilo ako sa lapit niya. I kept my petty distance. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya tungkol kay Dylan.
“Tell me something about yourself, Aramis,” His voice sounded husky all of a sudden.
It wasn’t the usual monotone but it was still authoritative. That kind of voice can make someone wet all of a sudden. Para itong nang-aakit, nanghahalina… what the hell?!
I felt something inside my stomach as he casually said my name. Ganoon ang epekto ni Trigger. Mayroong rally forces sa aking kaloob-looban. I’m starting to realize his effect on me.
Alam kong may atraksyon akong nararamdaman sa kanya, kaya mismong ako ay hindi ko magawang lubusang magalit. Kahit gusto ko siyang i-sumpa, hindi ko magawa.
Ang hina ko pagdating sa kanya. I’m attracted to him. Attracted lang. Hindi roon lalampas, crush lang. Ang tanda ko na para magkaroon ng crush.
I turned my back at him. Gusto kong kaltukan ang sarili ko sa kakaibang pakiramdam sa lalaki. Sa kanya pa talaga. Sa lalaking may sapak sa utak. This is so unbelievable. I’m so stupid. Matagal na pala akong tanga. Kay Dylan pa nga lang, sobra – sobra na.
Napatigil lang ako sa pag-iisip ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. Kagaya noong una, I felt the electricity going through my veins. Napapaso kong inalis ang kanyang kamay.
“What?”
“I’m asking you to tell me the story of your life. That’s a command,” Matalim na naman ang tingin niya sa akin. Nakahalukipkip ito at naupo sa gilid ng kama. Hindi naman ako makaalis sa tayo ko.
Oh. What am I supposed to say? Think, think, think! Naiwan ko yata ang utak ko sa kusina. Sa lapit niya hindi ko magawang makapag-isip nang maayos. His eyes are like magnet. I can’t take my eyes off him.
I cleared my throat. Sa sahig ako tumingin, I got easily distracted by those dark brown eyes.
“As you said, you have connections. So preferably, by now, you know everything about me,” I plastered a fake smile.
His jaw clenched. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. “Are you really testing my patience? It’s not a request that you can turn down, lady.”
Huminga ako nang malalim. Patience.
“What do you want to know?”
“Just speak, entertain me,”
Napaingos ako. “Wow. Sana clown ang kinuha mo,” I mumbled softly.
Pinatay ko ang telebisyon. I went to the couch and let myself sit. Nakaharap ako sa tv pero sa repleksyon niya ako nakatingin. Ganoon din siya sa akin. Our eyes met there. Hindi ko pa rin maiwasangg hindi mailing. Those stares were intense. Ako na iyong unang nagbawi ng tingin.
I felt awkward talking to him like this. Iyong mag-open up pa kaya. My life isn’t an open book to everyone. I share my story to those who are close to my heart. And now, sa kanya ko sasabihin. Ni wala siyang puwang sa puso ko.
That’s ridiculous. Gusto kong tumawa na parang nababaliw, I shook my head.
Muli akong tumingin sa repleksyon niya sa telebisyon. Mukhang bored na si Trigger. Nakatiim ang bagang nito, naiinip na sa paghihintay sa sasabihin ko.
“Well…” Pasimple kong kinamot ang ulo ko. “I’m an orphan, pero hindi naman ako lumaki sa isang orphanage. My parents were dead since I was thirteen. The accident happened on my graduation day, unlucky me. And my uncle, Lucas Eduardo who happened to be the CEO of the Daily Journal ” Tiningnan ko siya at alanganing ngumiti. Of course, he knew my uncle. Alam kong pina-imbestigahan niya ang lalaki.
Mataman siyang nakinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. “He became my guardian. Sa pamilya nila ako tumira halos kalahati ng buhay ko. Then one day, I found out, I was no longer part of the company. Tuluyan na nila akong dinispatsa kagaya ng gagawin mo. That’s when you came and kidnapped me. That’s it, the uninteresting story of my life.” I smiled wryly. “Ewan ko ba kung bakit ang malas ko.”
Hindi ito nagsalita nang matapos ako. I kinda felt embarrassed telling him my life’s adventures for an unknown reason. Ni hindi ko siya magawang sulyapan. Siguro, nakatulog na si Trigger sa boredom. All I hear is my breathing.
Ilang minutong ganoon ang aming lagay ng muli siyang nagsalita. “Do you want to destroy them?”
My eyebrow rose.
“What? Anong ibig mong sabihin? Destroy what?”
Hindi siya sumagot. I was left hanging. Again.
***
“I’ll go back to the city this coming Friday,” the guy with man bun informed Lincoln, iyong isang lalaking may dominanteng aura. Ang nagsalita ay may pangalang Ishmael. I’m learning their names little by little. Medyo nakikilala ko na ang bawat isa sa mukha.
I know half of them. Hindi ko naman alam ang eksaktong bilang ng miyembro ng fraternity na ito. The lesser I know, the better for my safety.
Nasa lanai ang dalawa ng second floor. I was about to go there but I heard them talking. Hindi ako tumuloy, naengganyo akong pakinggan ang kanilang usapan.
“We all are,” I heard Lincoln.
“No, except Trigger. He’s not going back this Friday. He’ll stay here in the island,”
Kumunot ang noo ko, mukhang wala akong makukuhang matinong impormasyon na maaaring magamit ko pero hindi ko magawang humakbang sa ibang direksyon. Maybe, I’m obsessed with little knowledge I could gain.
Lahat ay papatusin ko para makaalis na sa islang ito. That’s the fuel that is making me alive. Hindi naman masamang makinig sa kanilang usapan maliban na lang kung mahuhuli ako ng mga lalaki. But that wouldn’t happen. I am not that careless anymore.
Nanatiling maluwag ang seguridad nila pagdating sa akin. I’m free to wander around the place. They wouldn’t stop me or make complains. Trigger is confident I would not try anything stupid. Alam ko ang kahahantungan kung sakali mang pumalpak ako sa pagtakas.
I need to be extra careful on my next plan. Hindi ako basta – basta kikilos hangga’t walang buo at solidong plano. Since I am no longer held as prisoner, I could go to any rooms I want. Inabala ko ang sarili ko sa maraming libro sa library ng mga sumunod na araw.
On the east wing of the mansion, there’s an enormous library and filled with different books. Hindi naman ako pinagbawalang pumasok sa parteng ito. Mahihilo ako sa rami at laki ng kabuuan ng library. Napakaraming libro. I spotted Harry Potter series on the left corner. Even historical books, andito rin. Halos dito ko ginugugol ang aking oras upang hindi ako mainip.
Nakahawi ang kurtina na abot hanggang sa sahig. Sumilip ako sa glass window, mula sa tayo ko tanaw ko ang dalampasigan. It was good view.
I was sitting in a king-like chair, looking high and mighty. Hindi naman pumapasok ang sikat ng araw, isa pa, hapon na at hindi ko man lang namalayan. I picked a local book entitled How to Get Even with the Enemy. Akala ko pa naman paghihigante ang takbo ng kwento, but it was a cliché kind of high school love story. It’s not bad.
Clichés are not bad at all. Same situation does not mean same experience for everyone. Ganoon din sa stories.
“Make sure you know what his weakness is. If you know that, you have the chance to get even or get rid of him.” I read it aloud.
Somehow, that caught my attention. It was appealing. Knowing his weakness, may panghahawakan ako sa leeg niya. But it’s like fooling myself, how can I even know that? Anong gagawin ko? Itatanong ko sa kanya kung anong weakness niya.
Ehem, Trigger anong weakness mo? Napaka-boplaks, Aramis!
In their case, the guy’s weakness is love and he’s in love with her all along. And that’s the only way he knew how to show it. Cliché but cute.
I sighed.
Inilapag ko ang libro at nangalumbaba. What am I going to do now? Make Trigger fall in love with me? That cliché thing? That’s a very long process. And I am playing fire with fire. I don’t even know if he’s capable of falling in love.
Mukha naman kasing hindi. He’s tough body, soul, mind, and the thing between his thigh er, heart. It seems impossible.
Ang pagmamahal ni Trigger ay parang paghihintay ng barko sa airport. Kahit abutin ng siyam-siyam, hindi mangyayari.
Kung hindi, why not seduce him? Make him fall for the trap instead. Pero hindi puso at pagmamahal ang nakataya. Just my body. Seduce him until he gives in. I have curves in the right places, may hinaharap din ako at lalong hindi naman ako panget. O panget ba ako?
Aakitin ko siya hanggang siya ang bumigay sa gusto ko, hanggang palayain niya ako. Kung hindi ko kayang tumbasan ang kapasidad at pag-iisip ng ulo niya sa itaas, I’ll target the other one, iyong walang utak at puro sarap ang nararamdaman.
Natigagal ako nang mapagtanto ko ang iniisip ko. Am I still sane? Talaga bang ako ang nagplano ng mga iyon? Did I really think of something as gross as that? Mahinang tinampal ko ang aking sarili. I couldn’t believe myself.
“Damn,” I muttered.
“What are you doing here?” I knew that baritone voice. It was Trigger.
Natataranta akong humarap sa kanya. I even stumbled upon getting the book. Itinago ko iyon sa likuran ko. It was like I did something wrong. Pinagpapawisan din ako nang malamig. Para akong batang nahuli sa akto na kumukuha ng chocolates na nakatago sa ref.
May lahi yata siyang kabute, bigla na lang sumusulpot. At walang kahit anong tunog ang kanyang mga yabag.
“Hi,” alanganing bati ko sa kanya. I tried to act normal and smiled a bit, pero nauwi iyon sa ngiwi.
“What is that thing you’re hiding from me?” Madilim ang tono ng pananalita nito. He crossed his arms around his chest.
“I-it’s just a book,”
Get yourself together, Aramis, damn it! You’re stuttering in front of him. Kinagat ko ang labi ko sa kaba. Ganoon na lang ba? I am easily intimidated by him. Compose yourself! Pagkanti ko sa sarili ko.
“Wala ito,” seryoso kong wika.
I met his gaze. Kagaya ng dati, mayroon itong epekto sa akin. It’s like making my hair stand on the back. I tried to shrug it off. Napapaso ako sa mga titig na iyon. Humakbang siya papalapit. I couldn’t stop myself but move backwards.
“Give it to me,” he said without breaking the eye contact.
“It’s just a book, Trigger!” I hissed, doing the same thing.
Kahit dito man lang hindi niya ako matalo. Mas bumilis ang paglakad niya papalapit sa tayo ko. Matapang ko siyang hinarap at hindi na umatras. Sinalubong ko ang matalim niyang tingin sa akin. I’m patting myself on the back for not stammering.
“Bakit ka ba masyadong interesado? It’s none of your business whatever book I’m reading,” matatag kong sabi.
Umingos ako. Totoo naman, lahat na lang ba pakikialaman niya? Hindi ba pwedeng magkaroon naman ako ng konting privacy? Ang tanga ko talaga! As if that’s going to happen. I wanted to laugh at the ridiculousness of what I am thinking.
“GIVE. IT. TO. ME.” He clenched his teeth. Nagpupuyos sa inis ang mga mata niya. I wouldn’t bow at him.
Napasinghap ako nang itulak niya ako sa isang shelf. Mabuti na lang at matibay iyon, hindi kami bumagsak.
“Ouch! Ano ba?!”
Napaigik ako ng may tumamang libro sa ulo ko dahil sa impact ng pagtama ko ilang sandali ang nakakalipas. Hindi ko pa rin binitawan ang tinatago kong libro sa aking likuran. Natatakot akong makita niya iyon at isiping may pinaplano na naman akong hindi maganda kahit iyon naman talaga ang totoo.
The title says it all. I’m reading something that would probably help me. Baka pati ang library ay ipagbawal na niya.
“I SAID ”
“T-this is embarrassing!” I bit my lip hardly as I could. Ayokong masukol niya. He looked at me anticipating for the words from my mouth.
Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Madali akong mabasa kapag nagsisinungaling. And I wouldn’t risk it.
Pasimple kong kinamot ang ulo ko. I’m staring to sweat. He cornered me using his arms. Amoy na amoy ko ang manly scent na pabango niya. Matapang ito ang pabango but it suits him. Mas lalo siyang nagiging dating lalaki. I tried to focus my mind.
“Uhm, a-ano, ano kasi…” I started.
Think hard! You can’t let me down, brain! “A-ano… teka lang naman!” Agad kong hinampas ang kamay niyang muntik nang humablot sa hawak kong libro. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko. Hindi uso ngayon ang katangahan. I reminded myself.
He raised his brow. Inilapit niya ang mukha niya mukha ko. Naamoy ko ang hininga niya, amoy mint na may kasamang vanilla. Mabango iyon. “It feels like you’re really hiding something from me. What is it, m’lady?”
Nakakahilo ang hininga niya, hindi dahil sa mabaho iyon. It was like there’s a substance there that is bewitching me.
“A-ano…”
“What?”
“A-ano…”
“Putangina!” he yelled.
My eyes widened. Sinuntok niya ang mga libro isang dangkal ang layo sa mukha ko. It splattered on the floor. Kumabog ang dibdib ko.
Nagmura siya sa Tagalog. But why did it sound so sexy as he uttered the words? Alam kong hindi tama na magustuhan kong makarinig ng mura. Ano bang nangyayari sa akin? Why can’t I function when he’s near? He smells really nice and I couldn’t help myself but sniff it. It’s so distracting and addicting at the same time!
Damn you, Trigger!
“What is that fucking thing?” He asked impatiently.
“Ano! T-this is F-fifty Shades of Grey! F-favorite ko ito. And you don’t have to read or even see this. Baka agawin mo pa sa akin si Mr. Grey!” It slipped off my tongue.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Really, Aramis?
I knew I looked stupid. Yes, way to go, self. You embarrassed yourself in front of the lordly Trigger. Gusto kong mapa-face palm. Alam kong pinamulahan na naman ako. Sa lahat ng masasabi kong libro, bakit Fifty Shades pa? Pwede namang Harry Potter? Percy Jackson? Kay Sherlock Holmes? Sarah J. Maas? But why it had to be Fifty Shades of Grey? Maybe, because it was the least suspicious. It would back me up with my facial expressions. Iyong pagkahiya at pagkatakot na malaman niya ang librong binababasa ko.
Muli kong kinagat ang aking labi upang hindi kumalat ang pamumula ng aking pisngi. Parang iyon ang siyensya sa naturang bagay. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Sa kadahilanan bang lumabas na nahuhumaling ako kay Christian Grey? At isa akong marupok na babae?
Newsflash, it wasn’t new. Nagustuhan ko nga ang ginawa naming dalawa. Ako pa ang nagkusang gumawa ng paraan upang matuloy ang nangyari. Napapikit ako ng mariin.
I blinked when Trigger smirked.
“Do you want to roleplay?” Ang malamyos na boses ni Trigger ang nagpabalik sa akin sa realidad. He sounded husky and… seductive? His eyes intensely bore into my soul.
Speechless.
Mas lalo kong nakagat ang labi ko. My lip stung a bit. Nalasahan ko ang lasang kalawang. Mukhang masyado kong nakagat ang labi ko kaya nagdugo ito.
“You can pass as Anastasia. You’re such a lip-biter. And I like it,” He traced my lower lip with his thumb. Nakasunod lang ako sa ginagawa niya habang napako ang tingin ko sa mga mata niyang dark brown. Our gazes locked.
Para akong mauupos na kandila ng bigla niya akong sunggaban ng halik. Nanghihina ako at parang mawawalan ng balanse. Mabuti na lang at sinalo ng shelf ang bigat ko.
Kinabig niya ang beywang ko para mas lalong maglapit ang aming katawan. His kiss was soft and tender. Kinakagat niya at sinisipsip ang aking ibabang labi, parang sinisipsip niya na rin ang dugong nagmumula roon sa pagkagat ko nang maeiin. Para akong papanawan ng ulirat sa klase ng paghalik niya. I responded to his kisses like it was the right thing to do.
One thing I realized, I missed his kisses so damn much.
Para akong batang inagawan ng candy ng kusang bumitiw siya sa paghalik sa akin. Gusto kong habulin ang labi niya at idikit iyong muli sa labi ko.
Namulsa ang binata. He looked at me and smirked.
“See you around, Aramis.” He gave me a smack on the lips.
Trigger left, but the feeling of butterflies with his kisses didn’t leave.
Nakatunganga akong nakatingin sa pintong nilabasan ng binata. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang naging jelly sa engkwentro. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nanghihina akong napaupo sa tayo ko.
Inilabas ko ang hawak kong librong nanatiling nakatago sa aking likuran. Hindi ko alam kung maiinis ako sa librong iyon. Heck no, Aramis, you liked the kiss like your life depended on it. Binalik ko ang libro sa shelf.
I composed myself before I left the library. And I’m planning to seduce him? Pero bawat paggalaw ng labi niya ako ang bumibigay. If I would seduce him, I should be the one dominant. Hindi dapat ako iyong nadadala sa init. But seriously, can I really seduce him?


Leave a Reply