Chapter Eleven
Kailan ba ako huling nakatapak sa lungsod? Kailan ba ako huling nakipagsiksikan para lang makasakay ng jeep? Kailan ba ako huling naipit sa traffic sa EDSA? Kailan ba ang huling pagsuong ko sa alikabok at polusyon?
It seemed forever since the last time I had experienced all those things I took for granted. Ilang buwan na ba akong nanatili sa isla? Four months. That long. At hanggang ngayon, andito pa rin ako.
If the situation weren’t like this one, I would love to stay in this place. Napakaganda nito para pamahayan ng mga demonyong nagkatawang-tao.
Those memories, those things… it seemed like they come and go, to think na madalas kong kainisan ang mga bagay na iyon pero ngayon ay nakakaramdam ako ng pagkasabik. I know it’s normal. It’s a reminder that I’m free. And I wasn’t able to experience that again while living here in the island for quite so long.
I want to be free and fly on my own. Hindi iyong para akong ibon na nakakulong sa isang hawla. That’s what I really am right now. Isang ibong walang kakayahang lumipad.
Ayoko nang tumagal pa sa isla. In every passing day, it’s not just my life at risk. Alam ko iyon. Bago pa man ako mahulog sa ibang bitag, I have to find a way to leave the island. Mas magiging magulo ang buhay ko. Inip na inip na ako.
Gusto ko ng balikan ang naiwan kong buhay sa siyudad. But even that, I know, it’s impossible. Hindi na iyon maibabalik. Magtatago ako sa malayong lugar kapag nakatakas ako. I’m sure they would try to find and capture me again, maibalik lang sa islang ito or worse, kill me for real. Lalo na ngayon na may alam ako sa totoo nilang identity.
They would kill me if I escaped, that’s for sure, but what about my other plan?
Really, Aramis?
Hindi ko alam kung bakit ko iniisip ang posibilidad na akitin siya. I feel the sexual tension every time we are close to each another. He has an effect on me the same way I have on him. If I used it, it could be my advantage. Kaya ko nga bang gawin iyon?
I am considering that plan, pero natatakot ako, pakiramdam ko ay ako mismo ang nagtatakwil sa aking katawan sa kapahamakan. That’s the most plausible plan I could think of. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng ibang option at ibang pagkakataon.
If I made a deal with him, katawan ko kapalit ng kalayaan, would he consider it? Tutuparin ba niya ito? Would he be true to his words? Or maiiwan lang akong nganga? Tinikman lang at hindi tumupad sa usapan. Isa pang inaalala ko ang bagay na iyon. Hindi ako sigurado kung tutupad siya sa magiging usapan.
What made me think otherwise was how he saved me from those fishermen who tried to steal things in the mansion. Hindi niya hinayaang makalapit ang mga iyon sa akin. Alam kong may parteng lumambot sa puso ko sa gesture ni Trigger. Doon ako kumakapit. There’s goodness still.
I hate this. I hate being helpless.
Wala man lang akong magawa para makaalis sa sitwasyong hindi ko naman pinasok in the first place. It was like life’s playing with me, “Surprise, Aramis! You’ll meet the devil incarnate and live with him for months. Good luck on your journey. Hope you don’t die. Mwah, tsup tsup!” Ganoon ang nangyari.
It took me by surprise. Iyong wala man lang akong ideya. Mukha akong tanga.
Kinain ko rin ang ideya kong hindi na ako muling papasok ng library. That’s what I am doing most of my days. I’m trying to search for a book that will teach me how to seduce a man. It’s not innate in me. Wala akong kaalam-alam sa ganitong departamento.
Ilang librong erotica na rin ang nakalatag sa harapan ko o anything na medyo mahalay. I even found the kama sutra book. Pinamumulahan ako habang sinisipat ang mga iyon.
I honestly don’t know how I came up with this idea. Bahagyang pinag-iisipan ko pa iyon noon, pero heto ako ngayon at sinasabuhay na ang plano.
Hindi ko lubos maisip na darating ako puntong iisipin ko ito bilang isa sa mga choices. It’s not rational but it’s practical. Give and take relationship. I’ll let him have my body and he’ll give me back my freedom.
Hopeless cases need desperate measures. That’s how life is.
Itataya ko ang lahat para lang makalaya ako kahit may doubt pa rin ako sa plano ko. Given the situation, ano pa bang ibang option ko? Magpakabulok sa islang ito kasama siya? I can’t fight back physically.
Naisin ko man na gantihan siya, hindi ko kaya, mas nangunguna iyong takot ko. And he saved me from death last night, pakiramdam ko ay may utang na loob ako kahit nakasangla ang buhay ko sa kanya.
I have no idea how to pull this stunt. This is the most unexpected solution I could come up with. I am not the seductive type. Sana pala nagpaturo ako sa pinsan kong ahas. She’s well-known in this department.
Pinilit kong alalahanin ang mga napapanood ko sa tv at nabasa ko sa ilang libro. Should I wear short skirts, revealing clothes, flaunt what I have? Ganoon ang nababasa ko o dapat maghubad ako sa harap niya? Er, no.
Parang nagsisisi ako noong minsan gusto akong ayusan ni Xiana at inaya niya akong mag-bar. Kung alam ko lang na hahantong ako sa ganito, I probably grab the opportunity. May pakinabang din pala ang magaling sa paglalandi. Makakayang mapasakamay ang isang lalaki at mapapaikot sa kamay. Kagaya ng ginawa niya kay Dylan.
“Just get it done,”
Mas madali ko iyong magagawa habang wala pang tao sa isla kung hindi kaming dalawa lang. Walang ibang tao ang makakakita. Mas madaling gawin ang nararapat.
Hinanap ko si Trigger sa bawat parte ng mansyon. Natagpuan ko siyang nasa lanai. Katanghalian, umiinom ng alak. May kausap siya sa phone. At kitang-kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Mukhang badtrip na naman ang binata.
I thought what we had last night would lead into something else or start anew. He didn’t let me die. Pinagtanggol niya ako sa masasamang loob na magnanakaw sa mansyon. Hindi ako sadya ng mga iyon pero alam kong kung nahuli nila ako, I would be a dead meat already. Who knows what they could do to me or my body?
Nothing changed. He’s still the same Trigger I’ve met weeks ago. Maangas, arogante, mayabang.
Napailing ako. What’s happening to me? Did I really expect something?
“Go, fuck yourself,” mariin nitong wika na nakapagpabalik sa akin sa realidad.
Humarap sa direksyon ko si Trigger. He looked really annoyed. Mabilis niyang ibinulsa ang kanyang Iphone.
“H-hi,” I greeted nervously. “Naglilibot lang ako. Bye.”
Hindi ko mabasa ang kanyang titig. That’s not new. Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palayo.
Nakalayo na ako pero humakbang akong muli pabalik. Mukhang pinagmamasdan niya ang pag-alis ko dahil nahuli ko pa ang kanyang mga matang nakatingin sa aking gawi. He didn’t look away when I saw him staring.
Doon naman siya magaling. Ang makipagtitigan ng hindi natatalo at tunawin ang isang tao sa mga mata niya. His eyes can make anyone uncomfortable.
“Let’s talk um, s-some other time. Bye.” bago pa siya makahuma at makapagsalita, iniwan ko na siya doon. Hindi na ako muling tumingin. I locked the room. Kabang-kaba ang aking dibdib habang nakasandal sa pinto ng kwarto.
Wala pa ring tao sa isla sa mga sumunod na araw. Kami lang dalawa ni Trigger. Hindi ko alam kung saan pumunta ang mga tauhan niya. I couldn’t understand the whole thing. They should guard the whole island, it’s their hide out. Maaring dito nakatago ang mga mahahalagang bagay para sa organisasyon. But it’s favorable for me. Hindi ko dapat problemahin ang problema nila.
I’ve decided.
Gagawin ko ang naturang plano. It’s the only choice I have without risking my life even more. If he agrees with me, mabubuhay ako nang mapayapa kapag nakabalik ako ng Manila. Katawan ko kapalit ng kalayaan ko I’d make him swear he wouldn’t try to ruin my life and he wouldn’t try to get near me and in exchange, aside from the pleasure I’d give to him, I would stay quiet about what I know in their organization.
Kailangan ko siyang mapapayag, iyon ang pinakamahirap na gawin sa lahat.
“Hi,” I smiled at him. “Kain na tayo,”
Play nice. I reminded myself.
Nakaharap ako sa counter at inaayos ko ang pagkain. Kumuha ako ng apple, I cut it into pieces at nilagay ko iyon sa isang platito. I need to be in his good side. Paunti-unti ay kailangan kong kuhanin ang kanyang loob.
“Saan mo gusto kumain? Dito na lang tayo sa dining room? Or you want to enjoy the scenery, sa veranda tayo?” tanong ko habang tinitimpla ko ang juice.
“Sa kama,” aroganteng wika niya.
Wala siyang kangiti-ngiti o ngisi man lang. Mukhang hindi ito natutuwa sa mga pinaggagawa ko sa buhay. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya.
I laughed nervously. “Sa veranda na lang tayo,”
Dinala ko ang pagkaing niluto ko sa may veranda. Bacons, egg at fried rice lang iyon. Those were the safest choice of food. Madaling lutuin at hindi komplikado, hindi gaya ni Trigger. May table doon at kitang kita ang view ng dagat. It was beautiful.
Umupo ako. Nakasunod siya sa akin at nanatiling nakatayo. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko and it me feel conscious all of a sudden. Iba ang mga titig niya.
“Tatayo ka na lang d’yan? Kumain ka na. Don’t tell me, gusto mo pang ipaghila ka ng upuan?”
Hindi naman nagtagal ay umupo si Trigger sa tapat ko. He was just looking at me. May kunot pa sa kanyang noo. Mukhang wala siyang balak galawin ang pagkaing nasa harap niya. Hawak lang nito ang tinidor na pinapaikot-ikot sa kanin.
Ito ang unang beses na magasabay kaming kumain. Madalas kasing sinasadya kong hindi siya makita sa hapagpagkain.
Umusal ako ng mumunting dasal bago nagsimulang kumain. Hindi niya pa rin ginagalaw ang nasa harapan niyang pagkain.
“Why are you doing this?”
Sumubo ako ng isa at marahang ngumuya. “You know what Trigger, kung inaakala mong may lason itong niluto ko, edi sana bumulagta na ako sa sahig ngayon. Pero hindi ‘di ba? Hindi ko ipapahamak ang sarili ko. At least, I would think of a better plan than that. Kaya pwede ba, ‘wag kang maarte,” I said, nang malunok ko na ang bacon.
“What are you up to this time? Planning something better than your attempt to escape, what made you think you could make it without being noticed?”
“Kung meron akong iniisip na plano. Unang-una, do you think I would tell it to you? Asa ka. Just watch and be surprised,” nginitian ko siya nang matamis.
Pinaglaruan niya ang juice na nasa baso. “You’re aware of what I can do.”
“Alam ko iyon, Trigger. I won’t forget what you’re capable of.”
“Kasi masarap?” Nakangisi siya sa akin.
Nakakagwapo iyong ngisi niya. Gusto na namang matameme ng dila ko. Pinigilan kong maubo. Pakiramdam ko ay gustong lumabas ng lahat ng kinain ko at namumula na ang mukha ko. I couldn’t think of the right words to retort back.
Hindi ako nakaimik kaya humalakhak siya. Mayabang ang dating niyon. Mayabang naman talaga siya. He’s so full of confidence. With his looks, money and power, who wouldn’t?
“If the foods don’t have poison, maybe it has enchantment or what is it? Gay-uma,” sabi niya at sumubo ng pagkaing niluto ko.
Tumawa ako para pagtakpan ang pamumula ng mukha ko.
“Then, take a sip of a secret potion. I’ll make you fall in love,” nangunot ang kanyang noo. Pinigil ko namang mapatawa. I recited it like I’m some kind of witch. Seryosong-seryoso ang mukha ko.
“For a spell that can’t be broken, one drop should be enough. Boy, you belong to me ”
“What the fuck?” I saw confusion in his eyes. Nabitin sa ere ang kutsara niyang dapat isusubo.
“I got the recipe and it’s called black magic,” hindi ko na napigilan ang sarili ko, I laughed despite of him being there. Hindi ko inalintana na nanonood siya sa akin.
“So what if I poured a potion on your juice or sprinkled it over the foods you’re eating. Anong gagawin mo?”
He showed his arrogant smile again. “If that thing worked, it would be your problem. You wouldn’t stand a chance to escape from me. You’ll be forever trapped with me in this island and probably having kids growing up,”
Nabitin ang ngiti ko sa ere. Natulala na naman ako at walang masabi.
He can’t be serious. Can he?
“Grabe, I was reciting a line of a song. I’m not serious about it or what,” binuntunan ko pa iyon ng tawa para pagtakpan ang kaba sa dibdib ko, but even my laugh screams uneasiness. Hindi ko lubos maisip na maaring mangyari iyon.
It was supposed to be a little victory for me. Pero bumalik ang ginawa kong pang-aasar kay Trigger. Ako itong tinablan ng kaba at parang gustong matameme. Parang pinagsisihan ko ang sinabi ko.
***
Kitang-kita ko mula sa tayo ko ang mapipintog na abs ni Trigger. Hindi naman masyadong kalakihan ang katawan niya, pero defined ang muscles at halatang matigas kapag dinama ang kanyang katawan. Matigas kapag inumpog ko ang aking ulo sa abs niya para matauhan.
Pinagmadan ko siya habang may hinihilang maliit na piraso ng pinagtagpi-tagping kahoy na may gulong sa ilalim papunta sa malalim na parte ng dagat. Lumulutang naman iyon kaya madali niyang nagawa. Sumakay siya rito ng medyo nakalayo na ito mula sa shore.
Palubog na ang araw ng muling sumulpot si Trigger. He was still wearing his board shorts at wala pa rin siyang pang-itaas na damit.
Lumapit siya sa akin ng nakahalukipkip. Nakabalandra pa ang kanyang katawan. Kumuha siya ng baso sa cupboard at nagsalin ng malamig na tubig. I was looking at him the whole time. Nakaabang lang ako sa pag-lagok siya sa tubig. I gulped.
Agad akong nag-iwas ng tingin ng matapos siya sa pag-inom. Bumalik ako sa ginagawa ko.
“What do you want for dinner?” I asked him.
Inilapag ni Trigger ang baso sa lababo at hinarap ako.
“No need for that, we’ll go somewhere else,”
Nag-angat ako ng paningin. Nakatitig din siya sa akin. Magkatapat kaming dalawa, nasa kabilang bahagi siya ng counter.
“I’m just going to change and pack some things,”
“W-where?” nag-aalangang tanong ko. Ayoko ng sinusurpresa. Lalong ayoko dahil si Trigger ang gagawa. Is he going to kill me now?
Malalaking hakbang ang ginawa niya paalis ng kusina.
“You’re not allowed to ask question,” mayabang niyang wika bago dumiretso sa grand staircase ng hindi ako nililingon.
“Are we going to leave the island? Pupunta ba tayo sa pinakamalapit na bayan?”
He turned around and looked at me. “No, so stop asking,” mariin niyang sabi at iniwan akong clueless sa kusina.
Hindi ako bumalik ng kwarto ko para mag-ayos. In the first place, hindi ko naman kailangan. Isa pa, wala naman siyang sinabi. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Maglilibot lang kami sa isla? Bakit pa kailangan niya akong isama? He can do it alone. He can walk by himself. Why does he need to bother me?
Nakita ko siyang bumaba ng hagdan. May bitbit itong maliit na duffel bag. I wonder kung anong laman noon. Mas lalo akong naintriga kung saan kami pupunta dahil may dala siyang mga gamit.
Agad akong tumayo at sinalubong si Trigger. “Let’s go,”
“Saan ba talaga tayo pupunta, Trigger?”
Snob!
Hindi nito ako pinansin at mabilis itong nagtungo sa main door. Hindi ko alam kung susundan ko siya o hindi. I was confused, Pero mabilis din akong sumunod nang maalala ko ang nangyari noong isang araw. Baka maulit iyon.
“Can you please answer me just this once?”
Madilim na sa labas. Mabuti na lang at maraming nagkalat na lamp posts sa paligid at halos yata ng isla ay napapalibutan kaya maliwanag ito. Binaybay namin ang kanang bahagi ng isla. I haven’t been here. Marami itong mangroves sa palibot.
“You’re too nosy,”
“Sana hindi mo na lang ako sinama. Hindi na ako sasama,” napipika kong wika. Tumigil siya sa paglalakad. Mabilis naman akong tumalikod.
He held my hand in an instant.
“You’re not cute, stop that fucking tantrums. ‘Wag ka arte,” Kinaladkad niya ako.
Inirapan ko ang likod niyang bumabaybay sa daan. Ramdam ko ang pintig ng puso ko at kuryenteng dumadaloy sa magkahugpong mga kamay naming dalawa. Nagpatianod lang ako sa kanya.
We passed the mangroves. Wala akong ideya kung saang parte na kami ng isla. I could still see the mansion from here. Hindi pa ito gaanong malayo pero hindi ako napapadpad sa gawing ito.
“Aray!”
Napatigil kami sa paglalakad ng halos sumabit ang leeg ko sa sanga ng isa. Iyon na nga ang sinasabi ko, it was never a good idea to look around and examine the place while walking.
Madilim ang paligid at flashlight lang ang ilaw namin bukod sa natural na liwanag ng buwan. Nakikita ko pa naman ang daan. Pero wala sa dinadaanan namin ang atensyon ko kaya hindi ko namalayan iyon, hindi naman ako na-inform.
Tiningnan niya ako nang masama kaya mabilis kong inayos ang sarili ko. Dinama ng isang kamay ko ang noo ko, ang kabila ay hawak niya. Hindi naman nagkaroon ng bukol. Pero masakit pa rin.
Nakarating kami sa isang parte ng isla na tinatago ng mga mangroves. Sa tingin ko ay nasa dulo na kami ng isla. There’s a freakin’ hill in here and rock formation. It has a majestic sight to offer. Medyo matataas ang mga puno sa likod ng burol. Hindi ko na rin makita ang mansyon. Tanging ang lighthouse na lang ang sobrang malinaw pa sa paningin ko.
Is he going to kill me here? Andoon uli ang takot ko. It’s such a beautiful scenery to be filled with blood. Hindi naman yata katanggap-tanggap na makakasaksi ang lugar ng hindi kanais-nais na bagay.
Binaybay namin ang makitid na daan patungo sa pinakadulo ng burol. I could hear the waves splashing on the rocks around the hill clearly. I could vividly see the view from where I’m standing, kahit sikat lang ng buwan ang tumatanglaw sa amin.
Sa hindi kalayuan, kita ko ang floating cottage. Mailaw ang bahaging iyon kaya madaling mapansin. Manghang-mangha ako sa paligid ko.
“Like it?” doon ko lang muli napansin ang presensya ni Trigger.
Hindi ko siya nilingon pero parang bata akong tumango habang ang mata ko ay naglalakbay pa rin sa kabuuan ng lugar.
“Very much. Thank you, I owe you this one,” Napangiti ako.
“You owe me your life,” maaskad niyang wika.
Nawala ang ngisi ko. Panira talaga itong si Trigger.
Inihagis niya ang duffel bag sa ibaba saka siya tumalon sa flat surface ng isang bato. Doon ko nakita ang winding pathway patungo sa floating cottage.
“Jump,” Trigger commanded.
I stared at him in disbelief.
In-eksamin ko iyon, may kataasan iyon mula sa tayo ko. I shook my head. This will definitely break my bones.
“Gago ka ba? Medyo mataas ‘yan, hindi ko kaya. Baka mahulog ako,”
“Whether you like it or not, mahuhulog at mahuhulog ka,” seryoso niyang wika. “Just fucking jump.”
And I did.
Hindi ko alam kung anong meron sa boses niya at kung bakit ako napapayag ng ganoon kadali sa pagtalon. O kung dahil ba pakiramdam ko ay galit na siya sa akin? And I don’t want to push him into his limits. Gusto kong sulitin ang kagandahan ng isla.
Labis ang kaba ko, hindi ko alam kung dahil ba sa taas ng tinalon ko o dahil hawak niya ang braso ko matapos kung bumagsak malapit sa tayo niya. Nakaalalay siya sa akin.
Inirapan niya ako ng tingnan ko siya. Napanguso ako. Malakas ang hampas ng alon sa parteng ito kaya halos mabasa kami.
Gusto ko sanang magtampisaw kaya lang baka magalit si Trigger ‘may mens’ del Fuego. I wouldn’t call him a monster or a devil. He’s certainly not. May mens na lang tutal ganoon ang kanyang ugali.
May kabutihan pa ring nakatago sa façade na iyon, which I’m seeing right now. Ito na ang pangalawang beses na may ginawa siyang mabuti sa akin.
Naapitlag ako ng hawakan niya ang kamay ko.
We headed to the floating cottage while still holding hands. Steady naman ang pathway, iyong paghinga ko lang ang hindi. Rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. At the same time, I’m nervous, well, every time he’s around.
Hindi ko na alam ang nangyayari sa sistema ko. Pakiramdam ko ay lumalala ang sintomas sa paglipas ng mga araw. Maybe I’m just a little bit hungry. That’s why I’m experiencing things I shouldn’t. Medyo matagal din kaming naglakad at hindi pa kami kumakain.
Napanganga ako nang marating namin ang cottage. I was literally in awe. It was a small cabin but definitely built beautifully. Kawayan lang ang ginamit na materyales. Simple lang iyon at medyo luma na, pero halata namang matibay pa at alaga ng may-ari.
Inusisa ko ang dagat na abot kamay ko lang habang binubuksan niya ang cottage. Nilibot ko ang kabuuan ng cabin. May espasyo roon para makapaglakad-lakad sa gilid. The lights covering the place made the whole area more attractive. Natutuwa talaga ako. I haven’t been in such paradise.
May ilang kagamitan sa pagluluto ang nasa labas. Sa tabi ay pwedeng mag-grill. May baga na nga roon, mukhang nanggaling na rito si Trigger bago pa niya ako sinundo sa mansyon. That simple gesture warmed my heart.
Sinundan ko si Trigger ng pumasok siya sa loob ng cabin. Walang imik niyang ibinaba ang dalang bag sa gitna ng papag. Binuksan niya ang mga bintana para makapasok ang hangin. Malamig iyon at masarap ang pagdampi sa balat.
Neat ang loob ng cabin. Isang papag lang na may kutson at ilang unan ang kasya sa loob. Oh, there’s a small ice box cooler, binuksan niya iyon at may kinuha sa loob ng cooler.
I’m sure we’re gonna spend the night here. Naupo ako sa gilid ng kama naghihintay sa susunod na gagawin niya.
“Thank you for bringing me here,” I said.
Sinulyapan niya ako pero mabilis din niyang itinuon ang atensyon sa cooler. I was sincere thanking him. Mula sa puso iyon. It was like he shared this place to me.
It was really lovely.
“So you built this place?” tanong ko.
I don’t know why I started a conversation with him. It feels like we need to talk. Hindi ko naman ikamamatay ang pakikipag-usap sa kanya. Anong masama? Well, he is snob.
Nakita kong umiling siya.
“We built this place. Everything you see on the island isn’t just mine. Everyone has a contribution,” Trigger said without looking at me.
Madalas na bastos na kasusap si Trigger. Hindi man lang ako hinarap. Likod tuloy niya ang pinagmamasdan ko.
“Sa sinabi mo bang ‘we’ and ‘everyone’, you mean, iyong gagoal friends mo? You really didn’t exclude them, ha,” Natatawa kong sabi.
“What in the hell is gagoal?”
“Tama iyong hell. Don’t mind the word, it’s just the best description for your friends,” pinigil ko ang hindi matawa. Pinapormal ko ang boses ko. “Speaking of the devils,” I trailed off. “Kailan sila babalik ng isla?”
Matagal siya bago sumagot.
“One of these days,” May ibilabas siyang supot. May laman iyong isda at iba pang makakaing seafoods.
Nakagat ko ang labi ko nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya. My time with him is running out. Sa mga susunod na araw ay maaaring nagpapagala-gala na muli sila sa isla.
If I’ll execute the plan, I have to do it before they get back. Mas madali akong makakagalaw kapag wala sila. Walang sagabal. Kailangan ko nang akitin si Trigger. Just thinking about the whole scenario makes me tremble.
Napatingin siya sa akin ng gumawa ng ingay ang t’yan ko. Mabilis na namula ang aking mukha.
Amusement was dancing in his eyes. Naglakad siya papalapit sa tayo ko at inihagis ang duffel bag nitong dala kanina. Ang isang kamay naman niya ay may bitbit na isda at iba’t ibang pagkaing maaring ihawin. Nahihiya akong nagbawi ng tingin.
“Change.” Utos nito. “We’ll eat later,”
Hindi na ako nakapagprotesta. Agad na nawala siya sa paningin ko. Matagal akong napatitig sa nilabasan niyang pintuan.
Hinukad ko ang dala niyang bag, mukhang damit ang laman nito. Napasinghap ako ng ilabas ko ang nasa loob ng bag.
The are board shorts and boxers of Trigger, pero walang shirts. Mas lalo akong nawindang nang may nahawakan akong bra. Sunod-sunod kong inilabas ang mga damit. There are two pairs of swim suits isang yellow one piece and the other one is black two piece.
Namumula ako habang hawak ang mga swim suits. Sino naman ang magsusuot ng mga iyon? Si Trigger? Gosh.
May isang shawl iyong kasama, pero manipis pa rin ang tela at isang putting shirt. Wala siyang ibang kasamang babae kung hindi ako, but why would he even bring these? I’ve wore bikinis during out of towns, tapos beaches ang destination. But I would never wear it while I’m with him.
Hindi ko ibabalandra ang katawan ko ngayon I need to have an element of surprise to be able to capture his eyes. Hindi iyong pakalat-kalat lang ang katawan ko sa harapan niya. On the other hand, nagawa na namin ang sacred thing. It’s not sacred anymore.
Nasapo ko ang aking noo.
Asa siyang susuotin ko ang mga ito. Napangisi ako pero agad ding nabitin iyon sa ere.
Shit! I haven’t packed anything. Wala akong dala kahit ano maliban sa sarili ko. Shit!
Hindi ko alam. Wala akong alam. Pinagmasdan ko ang suot kong shirt na may tatak ng mukha ng isang babae at knee-length na maong shorts. Medyo basa na ang katawan ko. Mas lalo kong nakagat ang labi ko.
Mukhang naisahan niya ako. Wala akong ibang pagpipilian. Napakamot ako sa ulo, why didn’t I bother asking questions? I frustratingly sighed, mahina kong tinampal ang aking pisngi.
“Trigger!”
“What?” He yelled back. Mukhang alam na niya kung anong tinutukoy ko. Kasunod kong narinig ang malutong niyang paghalakhak.


Leave a Reply