Chapter Thirteen

Surprisingly, Trigger wasn’t mad. His face was pleasant to look at. No arch brows. No dagger looks. Ang bright ng aura nita kahit nagkita kami ni Pablo and that made me really wonder what happened to him. I expected him to get angry.

It was unusual for him to be that calm. Pakiramdam ko may mali.

Speaking of Pablo, iniwan namin itong nakatulala pa rin sa kawalan at hindi nagproproseso ang utak sa mga sinabi ni Trigger o sa katotohanang magkasama kami ni Trigger. Kung iba lang talaga ang sitwasyon, malamang ay tinawanan ko na siya. Pero pareho kaming shocked sa nangyayari.

Natauhan lang ito ng pasakay na kami ng kotse at nagmamadaling hinabol kami. Umakto pa itong hingal na hingal sa tapat namin.

“Can I have a minute with my friend, fogeh?” malandi nitong tanong kay Trigger. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat.

He’s back with his eyes glittering with admiration for Trigger.

Sumulyap ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa beywang ko. His forehead creased. Gwapo pa rin. Mas lalo na kapag kunot na kunot ang noo nito o matalim ang mga mata. It’s kinda weird that someone looks more handsome when he is angry.

“You can talk to her. With me. In here.” maangas na sabi ni Trigger. Kulang na lang ay magtagis ang mga ngipin nito.

Hindi naman natinag ang bakla. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong kausapin. Iniisip ko kung nahalata ba nito na may mali sa set-up namin.

“Oh my goodness!” he shrieked. “don’t be jealous of me, my dear. Mas babae pa ang puso ko kaysa sa babaeng iyan. And she should be the one threatened, not you! Kasi kung may balak man akong agawin, ikaw iyon!” sabi niya pa kay Trigger sabay halakhak.

He even bit his lower lip. Gusto kong matawa, pero mas natatakot ako para sa kalagayan niya. You can’t joke like that on Trigger.

Tumagilid ako kay Trigger. He looked at me. Mas mataas pa rin siya sa akin kaya kinailangan ko pa siyang tingalain. Pumulupot ang kamay ko sa katawan niya. It looks like I’m hugging him on the side.

Alam kong hindi ako dapat nalulunod sa mga matang iyon, but every time I look at him, nawawala ako sa wisyo. I tried to focus my mind.

“Let me talk to him, please. I won’t say anything and won’t do anything stupid, I promise.” I said sincerely.

Wala naman kasi talaga akong balak gumawa ng ikagagalit niya. Ayoko ring mapahamak si Pablo ng dahil sa akin. Hindi ako kayang ipagtanggol ng bakla. At hindi niya kayang makipagsuntukan lalo na sa ganito ka-gwapong lalaki.

Bibigay si Pablo at ipagkakanulo niya ako. That’s for sure.

“Seal that promise,” utos nito.

Gusto kong panlakihan siya ng mata pero hindi ko ginawa. Kinalma ko ang sarili ko at hinalikan siya sa pisngi.

Tiningnan niya ako nang masama bago niya ilapat ang labi niya sa labi ko. It was a soft, passionate kiss we shared. Natauhan ako ng maalala ko si Pablo. Ako na ang unang nagbitiw. And I looked as red as the tomatoes right at the moment.

“That’s how you do it, that’s how you seal a promise,” he gave me a peck on the lips again.

Nakatanga lang ako sa kanya. Hindi ako makagalaw. I was having an eye to eye contact with him. I was drowning with that dark brown eyes.

Oh, gosh!

Marahan niyang iniangat ang baba ko.

“Your friend is waiting,” I saw a slight smirk.

Isang halik pa ang iginawad niya sa akin bago siya tuluyang pumasok ng sasakyan at iniwan kami sa labas para makapag-usap ni Pablo. Aba, nakakailan na siya! He should be thankful dahil hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa asta niya.

Mas lalong namula ang mukha ko nang tumingin kay Pablo. There’s a lot of emotion in his eyes. There’s amazement and kilig. Iyon ang nangingibabaw.

Mabilis na hinila ako ni Pablo sa likod ng sasakyan ni Trigger. Halos mabingi ako nang nagtitili ito na para bang kinakatay na baboy. He even pinched me hard. Napaigik ako pero hindi pa rin natinag si Pablo.

‘Kaya ka ba nawala, ha? Siya pala ang tinatrabaho mo!” matinis na sabi ng bading. Gustong sumakit ng tainga ko.

“N-no… it’s not like t-that,”

“Anong ‘no’ ka diyan at ‘it’s not that’, you twat? Hoy, ‘wag mo akong ginagawang tanga! Kitang kita ng mga mata ko kung paano kayo magtitigan at magkainan ng mga labi. Parang gumagawa kayo ng pelikula! Porn movie!”

Grabe naman iyong porn movie!

Mabubulunan ako ng laway sa mga pinagsasabi ni Pablo. Buti na lang at hindi niya ito ginawa sa loob ng resto dahil naeeskandalo ako sa mga sinasabi niyang kabulastugan.

Kinurot ko ang braso niya. “Tumigil ka nga, Pablo! Hindi kasi ganoon ‘yon! Mahirap ipaliwanag sa ngayon at hindi ko alam kung masasabi ko sa’yo. But what you’re thinking is definitely wrong. Maling-mali, okay?”

Hindi siya kumbinsido. He rolled his eyes at me. Nameywang pa siya. “Ilang buwan kang nawalang malandi ka tapos makikita kita sa resto na may kasamang fafa!             Nasayang ang pag-aalala ko sa’yong gaga ka! Tapos itatanggi mo, hoy inday hindi ka maganda para maging choosy! Ang swerte mo! High-breed na ng palay ang lumalapit sa’yo, naghahanap ka pa ng iba. Daks na ‘yan, gaga ka! At ‘wag na ‘wag mo akong tawagin sa pangalang iyon, it’s Paula! Paula!”

Pulam-pula ang mukha ko. Hinampas ko siya sa braso. “Ewan ko sa’yo!” tinalikuran ko siya pero hinila agad ako ni Pablo paharap.

“Hindi pa ako tapos, gaga ka!” nangingislap ang mga mata nitong nakatingin sa akin. “Pero seryoso, malaki ba ang kargada?”

Pakiramdam ko ay tatakas na ang dugo sa mukha ko sa tanong niya, lalo pa nang sumagi sa isip ko ang imahe ni Trigger na nakahubad. At kahit nga naka-boxers lang ito ay halatang-halata na ang alaga nito. What the heck?!

Malanding humalakhak si Pablo. Doon ako natauhan. He was staring at me with eyes hinting naughtiness. I gulped. Mukhang tutuksuhin ako ng bakla. “Silence means yes! Sherep?!”

Inirapan ko siya. “Kaya gusto mo akong kausapin dahil lang doon?” naiirita kong tanong. Pero sa totoo lang, I just don’t want to feel embarrassed with his questions. Nawiwindang ang utak ko sa kahalayan ng utak ni bakla.

“S’yempre, hindi! Ito naman,” sumeryoso si Pablo. “Did you know that Lucas Eduardo was dethroned as the CEO of the Daily Journal? Ang daming nangyari noong missing in action ka inday,”

Bumuntong-hininga ako. I nodded. I read that on the newspapers. At alam ko na rin kung sino ang bagong may-ari noon. Trigger owned eighty percent of the shares which makes him the rightful chief of the Daily Journal.

“I don’t know what happened to them. Ang balita ko ay medyo naghihirap na ang pamilya ng uncle mo,”

Nagkibit-balikat ako. Wala rin naman akong magagawa sa kalagayan nila. I’m not in the position to help them, may problema rin ako na hindi ko pa rin alam ang solusyon.

“Malalampasan nila ‘yon,” I smiled.

“Ay, true! Ganoon naman kapag masamang damo.”

We both laughed.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago tuluyang nagpaalam sa isa’t isa. I told him I would visit Pablo one of these days, kahit hindi ako siguradong mangyayari ang bagay na iyon.

Ayokong maghinala si Pablo. Ayokong malaman niya at masangkot pa siya sa gulo ko. Hindi niya pa rin ako tinigilan sa pangungulit kung anong size ni Trigger.

Nakakainis! Kailangan ko ba iyong sukatin?

“What did he tell you?” he asked nonchalantly as I sat in the passenger seat.

“Wala naman. Tinanong niya lang kung gaano kalaki   ”

“You know how big I am,” nakangising putol ni Trigger sa sasabihin ko. My eyes widened.

Quotang-quota na ang mukha ko sa pamumula ngayong araw. “That’s not what I meant!”

Napuno ng halakhak ang buong kotse.

Tumuloy kaming dalawa ni Trigger sa penthouse niya. Dalawang palapag iyon sa taas ng building. He never failed to surprise me with his wealth.

The penthouse was enormous. It has a pool on the terrace. Minimal ang design. Mostly, white at black ang theme, mula sa wall, furniture, wall decors at ibang gamit. It reminded me of something.

Kumpleto sa lahat ng gamit ang penthouse. Para lang itong mini version ng mansion sa isla. Ang alam ko rin ay may office siya rito. I haven’t explored the whole place since I got here. At wala naman akong balak na pakialaman iyon.

Na-realize kong hindi ko pala talaga kilala si Trigger. Ni hindi ko alam kung anong businesses o trabaho niya   illegal or not. And why am I supposed to know that? Kinastigo ko ang sarili ko, mas lalo akong mapapahamak.

Nasa taas ang kwarto ni Trigger. He let me occupy the guest room upstairs as well. Ang gusto ko sana ay sa baba na lang. But well, who am I to request? At least, hindi kami sa iisang kwarto. That would be a horrible idea. Really, is it?

Dumaan ako sa kusina para i-check ang laman ng ref ng binata. Balak kong magluto ng dinner namin. Hindi lang ako sure kung may may stocks siya sa cupboard na pagkain.

Bumungad sa akin ang napakaraming alak pagbukas ko ng refrigerator. Puro black label at beers ang andoon. Oh, typical man. Kumakain pa ba si Trigger? Wala man lang syang kahit anong matinong pagkain sa ref, puro alak.

Napailing ako. Isasara ko na sana iyon ng may makita akong hugis itlog na mga tsokolate.

Eggheads! Alam ko iyon. I tried those when I was a kid. Hindi ko na nga lang maalala ang lasa. Pero alam kong masarap. Hindi ko alam kung bakit nangingiti ako habang nakatingin sa maliliit na chocolates na iyon. Siguro dahil kay Trigger iyon. And it was nice to discover that Trigger’s interested with chocolates at sa cute na mga hugis itlog na ito. Those weren’t that fancy chocolates.

Binuksan ko ang mga cabinet na naabot ko. Wala ring stocks ng pagkain doon, iba’t ibang klase lang ng wine. From classic to expensive wines! Ni isa ay wala akong alam. I’m not a drinker nor even a party-goer.

“What are you doing?” a monotone voice asked.

Agad ko siyang nilingon. Basa pa ang buhok ni Trigger at halatang kagagaling lang sa shower. He’s handsome even more with that wet look. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin. Umiling ako. “I’m just searching for any trace of food. Gusto ko sanang magluto,”

“We’ll just eat outside or order food. don’t bother.” kunot noo nitong sabi.

Gusto kong magprotesta. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit parang medyo nalungkot ako sa pagbabawal niya.

“Okay,” I answered. Nilagpasan ko siya.

“We’re going to pick up something later,” he informed me. I didn’t bother looking at him but I nodded.

Hindi na ako nagtanong kung ano man iyon. Nawala ako sa mood. Ugh, I don’t know. Baka dadatnan lang siguro ako kaya naiiba ang mood ko. I shook my head and went upstairs. I didn’t go outside after the incident.

***

I lazily looked at myself in the mirror. I wore a white tank top and a flowy, long beautiful flower print skirt. Nag-flats lang ako. I also saw Trigger’s wearing casual clothes.

Now, I’m being curious where we are heading. Hindi ko rin naman naitanong sa kanya at wala akong balak magtanong. Wala kaming imikan habang nakasakay sa kotse. Mukha itong iritado at hindi maipinta ang mukha. I’m not sure. He’s wearing dark shades. His jaw was clenching. I wonder what made him angry.

Gusto ko sana siyang tanungin pero naalala kong hindi nga pala kami normal. Hindi ko siya madalas makausap ng normal. At baka sa akin pa siya magalit, knowing na iba ang takbo ng utak ng lalaki. Kung ano man ang kinaiinis niya, ayoko nang dagdagan pa.

Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng Reign’s Realm around Makati. Ito ang main branch ng boutique. Of course, I know and remember who the owner is. She’s my bestfriend’s sister and she’s also my supposed wedding gown designer for my canceled wedding. Things happened.

Sumunod ako kay Trigger nang pumasok ito sa loob ng boutique. Agaw-pansin ang binata sa mga customers na tumitingin ng designed clothes doon. Sino ba namang hindi mapapansin si Trigger? He can definitely ace the models out there effortlessly. He is a good-looking man with an attitude of a devil.

Reign Sy walked to us elegantly. Her features are more western than a Chinese. She’s really the epitome of a successful woman in her chosen career. At maganda siya. She’s a blonde. Hindi siya singkit kagaya ng inaasahan dahil sa apelyido niya.

“Good morning, Mr. Del Fuego,” She greeted Trigger. Tinapunan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “You must be the Mrs. Del Fuego?”

Mabilis akong umiling. “Miss Eduardo. Still.”

Tumango-tango ito. “My fault. I’m sorry. By the way, I can show you the gowns picked by Mr. Del Fuego. Please, come with me.”

She wasn’t smiling but she was civil. Her poker face is definitely better than her smirking face. Iyon ang sabi sa akin ni Rainbow. I know she’s not the most friendly human being. She can be so mean sometimes. But she’s so good at her craft.

Kung may pagkakapareho man sa kanila ni Rainbow, they are both hard-working and they excel in their chosen path.

Sinulyapan ko si Trigger na walang emosyong nakatingin sa akin. Mukhang mas lalo itong na-badtrip. Pakiramdam ko the mere fact na humihinga ako ay ikinaiinis niya. Sana, hindi na lang niya ako sinama kung ganito ang ia-asta niya habang andito kami sa boutique.

“Let’s go?” I asked him.

Nang hindi siya gumalaw ay hinila ko siya. He just looked at me annoyed, pero nagpatianod naman ito. Ang arte talaga! Gusto pa iyong hinihila para sumama!

Nagtungo kami sa office ng babae. We must be very special clients to be entertained in her office. Si Trigger pa ba? He’s like a walking god. He can easily get what he wants from the people around him. He can be the very important person. He has money to control everything.

Five garment bags were hung on the clothesline. Inilapit iyon sa amin ni Reign.

“I readied five gowns for you. You can fit it and decide what you like the most.” she explained. I just nodded. “There’s a fitting room outside at the left wing. It’s not crowded, VIPs can occupy that one.” she instructed.

Naguguluhan man ay sumunod pa rin ako. Itinulak ko ang sampayan na may garment bags. De-gulong ito. Wala talaga akong ideya kung para saan ang gowns na ito. But I’m sure we’re going to a formal event. Alam kong nakasunod sa akin si Trigger. Ni hindi man lang ako tinulungan ng gago. Trigger is Trigger.

It was definitely a wide room for big clients. There are displayed gowns in mannequins. May isang sofa sa gitna. And there’s one fitting room inside this wide room.

Hinarap ko si Trigger na naupo sa sofa. Prente itong nakaupo na animo’y pag-aari niya ang lugar.

“What are these for?”

He shrugged. “Shut up and just try them on!” Napipika nitong wika sa akin. Ano bang problema nitong gagong ‘to?

Naiinis akong tumingin sa kanya. Padabog kong itinulak ang clothesline. “Gago mo!” sigaw ko bago ko ibinalibag ko ang pintuan.

Isa-isa kong inilabas ang gowns sa garment bags. Iba’t iba ang kulay ng mga ito. There’s a hot pink, red, dark red, pink metallic and a floral gown. They are all beautiful and elegant however, a bit revealing but I liked the way they were.

Ugh, his choices!

I opened the door. Agad namang tumingin sa direksyon ko si Trigger. Nakakunot ang noo nito. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Akala niya siguro ay may isinuot na ako sa mga gowns na iyon.

“Bakit iyon ang pinili mo?” I glared at him.

“Why not?” hindi ito natinag sa tingin ko. “You’ll look good in those,”

My heart was flattered. I tried to remain calm.

“I don’t wear dresses like those!” angil ko sa kanya.

Tumayo ito at humalukipkip papunta sa akin. He looked at me. It has the same effect. Nalulunod ako sa mga tinging iyon.

“It’s not a sin to wear those. We’re going to attend a party not a mass,”

“I’m not comfortable!” sabi ko pa.

Totoo naman iyon. I had a fair share of bad experiences wearing a revealing gown. Noong prom namin noong high school, I let Xiana choose my gown and she chose a gown that reveals too much skin. And I was almost assaulted.

But what I am really scared, he’s gonna be looking at me. Nakakatunaw ang mga tingin niya.

“What makes you hesitate? Why does it make you uncomfortable?” his eyes look darker.

He looks dangerously handsome. His eye color becomes darker every time he’s angry. Hindi ko alam kung matatakot ako. I chose not to. Nakakita pa rin ako ng amo sa mga mata ni Trigger sa kabila noon. Maybe, I’m being delusional to feel that way.

“I’m not c-comfortable with their stares,” I said truthfully.

I hate attention. Lalo na kung sa katawan ko iyon nakatutok. But I’m not affected with Trigger’s stares the same way I’m affected to anyone.

He lifted my chin up. Sinalubong ko ang mata niya. Those brown eyes really fascinate me. It feels surreal. It feels electrifying. I was lost in his eyes.

“No one can stare at you the way I do. I can take out their fucking eyeballs. I can fucking kill them if they do.” tahasan niyang sabi. And I wasn’t afraid at all. I’m more than relieve. Hindi ko alam kung tama pa ang nararamdaman ko. But it gave me a sense of safety. His damned words assured me.

I’m really delusional. Damn me.

Sinukat ko ang limang gowns na nakahanda para sa akin. I was surprised that the gowns fitted me perfectly, as if nakuhaan ako ng sukat. It was tough to choose one. Lahat iyon ay nagustuhan ko without feeling any hesitation. He seemed patient after that.

Inutusan niya akong lumabas habang suot ang gowns. Papasadahan niya ako ng tingin ng ilang minuto, then he would nod at me. He wasn’t saying anything but he was intense. Heck, what does that mean?

I ended up choosing the dark red gown. Low cut iyon at backless, may high slit din. It was just simple yet daring. No beads and sequins but already enough to seduce a man. Who am I seducing?

Dala ang gown ay bumalik kami sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pagkatapos naming daanan ang gown. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong event ang pupuntahan namin. I shook my head. Hindi ko dapat iyon alalahanin. Pinanghahawakan ko ang salita ni Trigger. Hindi pa ito ang tamang oras para patayin niya ako. And I’ll make sure he won’t do it. I won’t get killed.

We stopped at a mall. Malapit lang iyon sa condo ng penthouse niya. Nagtataka naman akong tumingin kay Trigger.

“Ano namang gagawin natin dito?” I asked him.

Inirapan niya ako. “I hate slow.”

Tumikwas ang kilay ko. Naiinis ako sa kanya pero agad din akong sumunod ng pumasok ang binata sa mall. Ang bilis maglakad ni Trigger kaya kinailangan ko ring bilisan.

Tumungo kami sa supermarket. It’s my first time to go here after long months. I’m really longing for my freedom.

“Anong gagawin natin dito?” tanong ko kay Trigger habang nakasunod pa rin sa kanya. Kumuha ito ng cart at iniabot iyon sa akin.

“Shoplifting,”

“What?!”

Inismiran niya ako. “Let’s go, gullible woman,” Nauna siya naglakad papunta sa meat section. Nakasimangot naman akong sumunod sa kanya.

Kumuha ako ng isang pack ng pork belly at chicken thighs. Biglang nawala sa paningin ko si Trigger nang ma-settle ko ang karne.

Well, malaki na naman siya at kaya na niya ang sarili niya. Yes, he can be very big. I rolled my eyes. Get a hold of yourself, Aramis! Mariing sita ko sa sarili ko.

I headed next to the typical and most common kitchen seasonings. Nang matapos kong makuha ang mga kailangan ko roon, pumunta ako sa beverages. I got one gallon of fresh milk, sodas, water at fruit juices. Para maiba naman ang iniinom ni Trigger.

Muntik pa akong mapatalon sa tayo ko ng biglang sumulpot si Trigger sa tabi ko. Marami siyang hawak na junk foods at ibinagsak iyon sa cart namin. Napailing na lang ako pero hinayaan ko siya. Pera niya iyon.

We strolled more at the supermarket. At halos yata ng madadaanan namin ay kumukuha si Trigger ng products na nilalagay sa cart.

Muli kaming dumaan sa section ng junk foods. He gets what he wants, ibinabalik ko naman agad iyon sa stand. Para siyang bata. He can be very stubborn. Kukunin niyang muli ang mga bagay na ibinalik ko at ilalagay sa cart.

Hindi na ako nakatiis. “Tama na iyong tsitsirya mo. You have a lot already.” sita ko sa rito ng nakapameywang.

Nagkibit-balikat si Trigger. “I have money to waste,”

“Being a billionaire doesn’t give you the right to waste. There’s a lot of people who can’t even buy their own food, don’t have houses, and are basically homeless…” He cut me off.

“It is mine. It is my money. I have the right to know what I would do and how I should spend it. I didn’t bring them into their situations now. It’s their choice,” mariin nitong wika.

“No, It’s not! They didn’t choose to be in that situation but life brought them there. Dahil kung may choice sila? Pipiliin ba nila ‘yon?”

We’re staring at each other. He wasn’t even blinking. Pakiramdam ko ay tinutunaw na naman ako ng mga mata niya pero hindi ako magpapatalo.

“Bene! They didn’t choose that but they have a choice if they would stay like that or make their quality of living better. If they want their life to get better, they have to work for it. It is earned. It’s a choice.”

Mariin kong hinawakan ang cart. “Only if they have a chance! And their chance is everyone who can help them,”

He gritted his teeth. “Everyone has a chance. It’s just how you make it. Not all the time, someone can help them. They have to stand for themselves and learn the hard way,”

I can see different emotions in his eyes all at once. Hindi ko ma-determine kung ano ang mga iyon. I don’t know if my vision is tricking me, I can see the resemblance of vulnerability. Nakaramdam din kaya siya ng ganoon at least once in his life? Before being the Trigger that I am seeing now. Mabilis niya ring naitago ang emosyon. Blanko siyang tumingin sa akin.

Pakiramdam ko may pinanghuhugutan siya, I couldn’t really judge his perspective in life. I was never in his shoes.

Hinayaan ko na lang ang mga inilagay niya sa cart. I didn’t bother putting them back. Hindi na rin naglagay ng kahit ano pa si Trigger. We went to the toiletries, vegetables and fish section bago kami nagtungo sa counter.

Binayaran niya ng lahat ng pinamili namin. Siya na rin ang umalalay sa cart palabas namin ng mall. I kinda felt the awkwardness and somehow guilt. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Nauuna itong maglakad sa akin. Patakbo akong sumunod kay Trigger.

“Wait!” sigaw ko.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako nang masama ang tingin. Huminga ako nang malalim.

Lumapit ako sa kanya. He looks at me like I’m a weird piece of shit. I have no idea why I am doing this. Just like that, the words came out from my mouth.

“Can you be more transparent to me?”

***

“Ara bakla!” tili ng isang boses.

I don’t need to see him to know the owner of that voice. It is Pablo. Halos lahat ng customers ng café ay nakatingin sa kanya at maging sa akin. Typical people. Not minding their own business. Napa-facepalm ako.

Same old Pablo. Gusto ko siyang kutusan sa bunbunan.

Naglakad ako papunta sa table niya nang naiiling. He was smiling. His smile is really contagious. Kahit gusto ko siyang hambalusin ng dala kong bag, napangiti ako. It was good seeing him again.

Akala ko ay huli na iyong sa resto. It is already a miracle. Lalo na ang pagpayag ni Trigger na makipagkita ako kay Pablo.

“Hanoba!” eksaherado niyang wika. Pumilantik pa ang daliri nito sa ere. “Bakla, ang tagal mo. Naka-order na ako ng ilang kape. At ini-order na rin kita,”

Inirapan ko siya. B’wesit talaga ito. “’Wag kang OA. Ilang minuto lang akong late. Hindi pa stressed ang beauty mo.” Umupo ako sa upuang katapat ni Pablo.

“Late ka pa rin. Segundo man iyan, late pa rin.” he answered seriously. Hindi talaga magpapatalo ang gaga.

I sighed. “Oo na, oo na.” pagsuko ko bago sumimsim ng kapeng in-order niya. In fairness, it’s what I want.

Sumeryoso ng hitsura si Pablo. He even crossed his arms on his chest. Sinisipat niya ako na para bang may ginawang mali. Naguguluhan ko siyang tiningnan.

“What’s wrong?” I arched my brow.

“Anong meron sa inyo ni Trigger? Anong gayuma ang pinainom mo sa kanya?”

Napaubo ako. Ano pa nga bang aasahan ko kay Pablo? Siyempre, lalaki ang bukambibig nito.

Natatawa akong umiling. “Hindi ba pwedeng malakas lang ang alindog ko?” sabay ko sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin. “Hindi ka na virgin?! Hindi na virgin ang babaeng patatayuan ko ng rebulto?!” napatakip ito ng bunganga. Halos pasigaw niya iyong sinabi.

Agad naman akong napatingin sa paligid. Oh my gosh! He just created a scene. Some of the customers near us were looking at us, wide-eyed. Gusto ko nang magpalamon sa sementong sahig ng café sa kahihiyan.

“Pablo!” mahina ngunit mariin kong tawag sa kanya. “Ano ba?! Hinaan mo naman! Kahit kailan napaka-eskandalosa mo!”

Mas lalong lumaki ang mata niya. “So, inaamin mo nga?!”

Pinamulahan ako. “Naeeskandalo ako sa’yo, Pablo!”

Humalakhak ito na parang baliw. “Oh, finally! Nakatikim ka rin ng langit! Magtitirik ako ng kandila para sa nabiyak mong bulaklak,” mas lalong naging kamatis ang aking mukha sa komento niyang iyon.

I tried looking away to hide my red face pero lahat yata ng bagay napapansin ni Pablo maliban sa maling set-up namin ni Trigger. Marahan akong sumimsim ng in-order niyang kape. Lalo akong tinukso nito dahil doon. Wala talaga akong kawala sa kanya pagdating sa ganoong bagay.

We talked some more. Maraming kwento si Pablo. Nakikinig lang ako sa kanya. He threw some jokes, made fun of our former officemates at ang mga type niya sa department.

“I was worried that night. I thought something bad happened to you. Uso pa naman iyong women trade at human trafficking. Bigla ka na lang nawala. Wala rin namang silbi iyong cctv dahil wala man lang nahagip na kahit ano. I’ve imagined worst scenarios. Mabuti na lang buhay ka, lumalandi. Nakikipaglandian ka lang naman pala,” He was being teary-eyed. “Nag-alala talaga ako sa’yo ng bongga. But I’m happy that you moved on. Nakatagpo ka pa ng bagong fafa,”

Ngumiti lang ako. Wala akong masabi. Gusto kong ipagtapat sa kanya ang nangyari pero hindi pwede. I’m not that selfish. Hindi ko siya kayang ipahamak. He’s a family more than my real family.

“I was thinking that you were the one behind the downfall of the Eduardo’s. Akala ko mag-Lily Cruz ka, pak ganern! Ang pagbangon ng babaeng inapi,” he was looking at me with his dreamy eyes. Probably, imagining the scenes.

Natawa ako. “Sa teleserye lang ‘yan. I don’t have enough money to buy the shares,” gusto ko sanang idugtong na naka-freeze din ang account ko pero ayoko naman siyang maghinala. Nakapag-beach ako ng walang pera. That’s peculiar.

“Pero palaisipan pa rin sa buong industry kung sino ang bagong uupong CEO,” he said.

I shrugged. Wala pang nakakaalam na si Trigger ang bagong may-ari ng Daily Journal. I sighed. “Sana maging maayos ang lagay ng company sa kamay niya.”

Iyon lang ang gusto kong hilingin kay Trigger. Dugo’t pawis ang puhunan ng angkan ng aking ama. I know how important it is for my late father.

Iniisip ko kung ganito rin ba ang mangyayari kung sakaling buhay pa ang mga ito. If they didn’t leave me alone in my Uncle’s care, would it be a different outcome? Would it be a different story?

“We hope for the best,” he smiled at me. “I know that you really value it. Pero hindi naman bibilhin ng taong bumili noon ang Daily Journal para ibagsak ang kompanya. Walang sense.”

I smiled back. That’s true. Sisiguruhin ko namang hindi magagalaw iyon ni Trigger. Sayang ang milyones niya. But on the other hand, kaya niyang mag-aksaya ng milyon. He’s freaking wealthy! Barya lang ang ganoong halaga sa kanya.

Inabot na kami ng lunch ni Pablo. Hindi na kami lumayo pa nang kakainan. Sa Jollibee na lang kami kumain. It was a fun lunch with him. I realized, kahit ang baklang bubuyog ay na-miss ko rin.

It’s the simple things that I’ve taken for granted before. Gusto kong maiyak habang kumakain ng chickenjoy pero siyempre hindi ko ginawa.

We went to the mall nearby. Nagpapasama si Pablo, may bibilhin daw ito. Mabagal lang kaming naglalakad papunta sa isang men’s wear nang may humarang sa aking isang babaeng teenager. She looked flushed. Para ba itong kilig na kilig na nakakita ng crush. Lalampasan na namin iyon nang tawagin ako.

“Ate Aramis? Ikaw po iyon?” lumapit ito sa akin.

Nagulat ako. Nagkatinginan kami ni Pablo. Alam niya ang pangalan ko. Hindi ko kilala ang babae. I’m sure it’s my first time seeing her. Wala namang ibang malapit sa akin. I’m being skeptical and I have the right to be.

Hindi pa man ako nakakatango ay may iniabot uli ito sa akin. It was a purse. I hesitated to accept it.

“May nagpapabigay pong pogi,” humagikhik pa ito bago umalis sa harapan namin. Si Pablo ang kumuha noon. Tiningnan niya ito at binuklat kung ano ang laman ng purse.

Mabilis ang tahip ng dibdib ko. I have a thing in mind, ayoko lang i-entertain.

Agad namang may gumuhit na malanding ngiti kay Pablo. Mukhang tama ako ng iniisip. Inilabas niya ang gamit na nakalagay sa purse. Latest iphone iyon at black card.

Black card.

“Ang harot-harot! Ikaw na ang may jowa.”

Ibinalik sa akin ni Pablo ang purse. My heart’s still beating fast. I know it’s from Trigger. Hindi ako mapakali. I’m trying to ignore the feeling, pero gusto kong ngumiti. I shouldn’t. I cleared my throat. Pinigilan ko ang sarili ko.

Pakiramdam ko ay andito lang siya sa paligid o kaya naman ay mayroon siyang inutusang tao upang bantayan ako. Sino ba naman kasing kidnapper ang iiwan ang kanyang victim?

Ganoon pa man, hindi man lang sumagi sa isip ko ang pumunta sa pulisya. I couldn’t trust any of them. Alam kong isa sa kanila ay pwedeng maging alagad ni Trigger at nagtratrabaho sa binata.

Napansin ko ang maliit na sticky note na nakadikit sa case ng iphone. It says “call me”. Halos hindi ko pa mabasa ang mga letra noon dahil mukhang kinahig ng manok ang sulat. We can’t really have everything. Patunay na roon ang sulat ni Trigger. I excused myself at Pablo.

I dialed his number. Iyon lang ang tanging naka-save doon. Wala pang isang ring ay sumagot na ito.

“H-hello…” I greeted the other line.

Walang nagsalita. It was eerily quiet. Kahit ang paghinga ng lalaki ay hindi ko marinig. Trigger is a mystery. May mga pagkakataong sumusulpot na lang siya na parang kabute, ni hindi ko rinig ang mga yabag. Hindi ko alam kung pinagtritripan niya ako ngayon.

“T-trigger..?” I said softly, stammering.

Wala pa rin akong narinig na tugon. I sighed. I didn’t see him for straight two days. Umalis ang binata matapos ang komprontasyon sa pagitan naming dalawa. Ipinagkibit balikat ko na lang. Hindi ko alam kung saan ito pumunta.

“C-come h-home,” natural na lumabas iyon sa bibig ko.

Hindi ko alam kung paano at bakit ko nasabi. I was partly shocked. Mabilis na kumalat ang pagkapula ng mukha ko.

The line went dead. Tanging ang static sound na lang ang maririnig mula rito. Huminga ako nang malalim bago ko ibinalik sa purse ang phone.

Buong paglilibot namin ni Pablo ay tuliro ako. Naguguluhan ako sa mga pangyayari. Mukhang napansin naman iyon ni Pablo. He asked me what was wrong with me. Wala naman akong maisagot sa kanyang matino. I was just thinking of things.

Bumili siya ng suit para sa isang event na dadaluhan. Hindi na ako nag-usisa, hindi ko tinanong ang mga detalye. I tried to help him with that. Kinailangan niya ang suggestions ko. Ang bakla gusto pang humirit na mag-gown siya. I just laughed at him.

Siyempre, hindi pwede. It was a conservative gathering yata.

Nagpaalam ako kay Pablo nang dumating ang alas singko. Wala namang kaso sa kanya iyon.

I texted Trigger. Ang balak ko ay sasakay na lang ako ng taxi papunta sa penthouse ng binata. Hindi ko alam kung susunduin ba ako noong naghatid sa akin dito kanina. Bigla na lang iyong nag-doorbell sa penthouse at sinabing may pupuntahan daw ako. Turned out to be, I was going to meet a friend.

Nakatanggap ako ng reply mula kay Trigger.

STAY. THERE.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa text niya. Naka-capslock pa talaga iyon.             Kahit sa text ay naririnig ko ang boses ng lalaki at naiimagine ang mukha niyang nakasimangot. I’m sure, his forehead was creased.

Naghintay ako sa main entrance ng mall para madali niya makita. Itinext ko rin sa kanya ang exact location ko.

Wala pang labinlimang minuto ay may huminto ng sasakyan sa harap ko. It’s an orange McLaren. Pinigilan kong mapairap. Ang flashy! Quota na ako sa araw na ito. Halos lahat yata ay pinagtitinginan ako. Mabilis akong naglakad paikot sa passenger seat.

Bago ko mabuksan ang kotse. Another familiar voice called my name. Kilalang-kilala ko pa rin ito kahit wala na siya sa sistema ko.

Si Dylan.

Nag-angat ako ng tingin. Nagsalubong ang mga mata namin ng ex-boyfriend ko. Nakatayo siya sa entrance ng mall. I sighed. At the same time, I smiled.

Now, I can definitely tell that I’m over him. Wala na rin akong makapa kahit anong masakit at kahit anong nararamdaman sa kanya. It’s a good thing.

I waved at him and gave him a friendly smile.

Hindi na ako nag-abalang lingunin siyang muli. Binuksan ko ang sports car ni Trigger at sumakay doon.

Hindi pa ako nakakapaglagay ng seatbelt ay mabilis na niyang pinasibad ang kotse. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.

He definitely looked good wearing a casual v-neck shirt. Partida, dalawang araw lang siyang nawala. Iniwasan kong ngumanga.

And he’s mad. Mukhang gigil na gigil ito sa manibela.

“Stop staring at me or I’ll ravage that damn lips of yours.” Hindi ko alam kung bakit ito mukhang galit. At hindi ko rin alam kung bakit ang sexy niyang tingnan habang galit at magkasalubong ang dalawang kilay.

TOC

Leave a Reply